Pagdating ko sa club ay lahat nakatingin sa akin. Hindi na nakakapagtaka pagkatapos ng ginawang eksena ni Kaden noong nakaraan. Mukhang kailangan ko gumawa ng paliwanag dahil doon. "O Sachi nandito ka na pala." Nakangiting bungad ni Ate Hinai na hindi tila alintana ang kakaibang tensyon sa paligid. "Sorry po kung late ako." Paumanhin ko sa lahat. Nagtama ang tingin namin ni Hannah pero agad niya ring ito iniwas. Medyo inaasahan ko rin na magiging iba ang trato niya sa akin. Halata naman sa kanyang kilos kung gaano niya kagusto si Kaden. "Sakto ang dating mo Sachi." Sambit ni Ate Hinai. "Nagkaroon kasi muna kami ng kaunting meeting tungkol nalalapit na tournament ng basketball club." Naalala ko na nasabi rin ng tatlong kaibigan ni Kaden ang tungkol roon noon sa cafeteria. "Somehow thi