"Nakita niyo ba siya?" "Hindi eh." "Natakasan na naman tayo." Nakasilip ako sa mga baliw na fan ni Kaden mula sa pagtatago ko sa likod ng mga halaman. Pagdating na pagdating ko kasi ng school ay maraming babae at beki ang nag-aabang sa akin sa gate. Hindi dahil sa hinahangaan nila ako kundi sa gusto nila ako ibully. Iyon ay dahil sa pakikipag-'lunchdate' kuno ko raw kay Kaden kahapon. Sabi na eh hindi ko dapat hinayaan ang sarili ko lumapit kay Kaden. Kung kailan nakalimutan na rin ako ng mga fan niya. Pero kargo konsensiya ko naman kung hindi siya maglunch at bigla na lang himatayin sa gutom di ba? Nang makita kong lumampas sila sa kinaroroonan ko ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Nagsimula ako maglakad sa kabilang direksyon na pinuntahan nila. "Ayun siya!" Sigaw ng isa sa k