"Huh?" Sobrang takang sambit ni Hannah habang palipat lipat ng tingin sa aming dalawa. "Y-Y-You know each other?" Napakagat labi ako saka tinignan ng matalim si Kaden. "Put me down, Kaden." Bulong ko sa kanya. Ngunit tila wala siyang narinig at nagsimula ng maglakad papunta sa pinagpatungan ng aming mga gamit. "This is yours, right?" Paninigurong tanong niya saka kinuha ang aking bag. "Wait." Takang sambit ng isang miyembro ng club. "So ang girlfriend ni Kaden ay si Sachi at hindi si Hannah?" Napatingin ako kay Hannah at kita ang sakit ng sobrang pagkahiya niya sa ginagawa ni Kaden. Alam ko na alam ni Kaden ang mga kumakalat na balita. Hindi ko alam kung sinasadya niya ito. "Put me down, Kaden." Muli kong pakiusap sa kanya dahil hindi ko kayang makitang may nasasaktan ng dahil sa akin