Nuptial 3

2436 Words
Isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng malaman ko ang katotohanan. Kasal kami ni Kaden for god sake!!! Lalong naging awkward ang pagitan naming dalawa. Hindi kami close tapos kinasal pala kami noong wala pa kami mga muwang sa buhay at idagdag mo pa na nakatira kami ngayon sa iisang bubong. Tuwing magkakasalubong kami sa kanilang bahay o kaya sa school ay agad ako umaalis o lumalayo. Hindi ko talaga alam kung paano siya pakikitunguhan. Should I act like his wife? Pero ang kasal na iyon ay ginawa lamang sa pagitan ng mama namin. We don't even have a consent to it. Marahil tulad ko ay tutol si Kaden sa pagpapakasal sa amin. Buti na lamang ay palaging nandito sina Tita Yani at Tito Greg sa kanilang bahay at baka hindi ko matagalan ang awkwardness sa pagitan namin ni Kaden. Alam ko na ramdam nila ang pag-iwas ko kay Kaden pero hindi nila ako inusisa pa. Lagi ko naririnig ang katagang 'Give her time' kay Kaden tuwing iiwas ako sa kanya. Buti na lang rin ay humupa ang isyu sa debut ko sa school dahil na rin siguro sa pag-iwas ko kay Kaden nitong nakaraan. Naalala ko tuloy ang araw na inabangan ako ng mga fan niya at kulang na lang ay kalbuhin noon. Naramdaman ko ang pagtapik sa aking balikat. "Sachi? Yuhoo! Nasa earth pa ba ang utak mo!" Sabi ni Lila sabay kainakaway kaway sa harapan ng aking mukha ang kanyang kamay. Napakunot ang noo ko. "Hmm? May sinasabi ka?" Wala sa sariling tanong ko na ikinasimangot niya. "Ano ba iyan, Sachi. Kanina pa ko daldal ng daldal rito. Hindi ka naman pala nakikinig." Nagtatampong sambit niya saka ako inirapan. Nahihiyang napakamot ako ng aking batok. "Sorry Lila, marami lang ako iniisip nitong nakaraan." Paumanhin ko sa aking kaibigan. Naghakukipkip siya ng kanyang braso. "Mga fan ni Kaden na naman ba?" Pag-usisa niya. "Ginugulo ka pa rin ba nila?" Iniling ko ang aking ulo. "Well lately naging mild ang pakikitungo nila sa akin. Like nothing happens." Nagtataka kong sabi. Hinampas niya ang table na kinaroroonan namin "Kasi nga as I saying kanina pa, may rumored girlfriend nasi Kaden." Pagbabalita niya. *cough* *cough* *cough* Bigla ako nasamid sa aking iniinom nang marinig ang sinabi ni Lila. What?!? Si Kaden?!? Imposible ako ang tinutukoy na rumored girlfriend dahil hindi niya ako girlfriend kundi asawa na! Pero kung may girlfriend nga siya ibig sabihin pinagtataksilan niya ako! Pero paki ko ba? Kasal lang kami. Hanggang doon lang iyon. "Uy ayos ka lang?" Nag-aalalang sabi ni Harold saka hinimas ang likod ko. "Ganoon ka kaapektado sa balitang iyon?" Natatawang dagdag niya. Sinamaan ko ng tingin si Harold. "Tuloy ko na ba ang sinasabi ko?" Nakataas kilay na tanong ni Lila sa amin ni Harold. "And si Hannah ang suspetya ng karamihan. Sabagay, sa sobrang ganda ni Hannah ay nagmumukha siyang isang buhay na manika." Tinuro ako ni Lila. "Kaya wala ng pakiaalam ang mga fan niya sayo ay nakapokus sila ngayon sa rumored girlfriend niya." Pangdadahilan ni Lila. "So it's great, right? Nakalimutan ka na nila." Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa oras na ito. Minsan ko na rin na nakikita na magkasama sina Kaden at Hannah noon pa man. Kahit sino ay mahahalata ang kakaibang closeness nilang dalawa. So they are lovers... "Swerte ni Kaden dahil galing na nga sa mayamang pamilya, may girlfriend pang maganda!" Naiinggit na sambit ni Harold. "Pero okay na ako kahit iisa lang tagahanga ko." Dagdag niya saka malanding inakbayan ako. "Di ba, Sachi?" Hindi ko mapigilang mapahagikgik sa kakulitan ni Harold. Nanggigil ako sa ka-cutan niya kaya pinagkukurot ko ang magkabilaang pisngi niya. Pero biglang nanindig ang aking balahibo nang maramdaman ang isang malamig na tingin na nakatuon sa akin. Napalingon ako sa dulong parte ng cafeteria hanggang sa nagtama ang mga tingin namin ni Kaden. Narinig kaya niya na siya ang aming pinag-uusapan? Imposible naman iyon dahil masyado siyang malayo sa aming kinaroroonan. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin para makipagtagisan ng tingin kay Kaden. Ngunit dahil sa sobrang lamig ng tingin niya ay agad ako napalayo kay Harold nang hindi pinuputol ang tingin sa kanya. Nagtataka talaga ako kung bakit naging cold ang personality niya. Mukha naman hindi siya napabayaan nina Tita Yani. Sa sobrang kulit at lambing ng kanyang magulang at mukhang hindi pa niya iyon namana sa kanila. Naputol ang aming titigan ng may humarang na babae sa aming dalawa at nalipat ang tingin ko nang yumakap sa kanyang kaliwang braso ang babaeng iyon. 'Ouch! Totoo pala.' 'Wala na ako pag-asa.' 'Bagay silang dalawa.' 'Waah! Taken na si Prince Kaden.' Marami pa akong narinig na mga komento sa buong cafeteria. Ang iba pa sa kanila ay nag-iyakan na tila mga nagluluksa. Nagpakawala na lang ako ng isang buntong hininga at iniwas ang tingin muli kay Kaden. *** Napapansin ko tuwing uwian ay dumidiretso agad ako sa bahay nina Tira Yani. Nitong nakaraan ay napapaisip ako kung sumali ako sa isang club sa school. Para malibang ako at mawala sa isipan ko ang mga bagay bagay. Anong club naman kaya ang aking sasalihan? Kasali si Lila sa Glee club samantala si Harold sa Hiphop troupe. Hindi ako pwede sa club nila dahil hindi naman ako kagalingang kumanta o sumayaw. Binuksan ko ang site ng school para tignan ang mga list ng club. Ngunit nagulat sa tumambad sa akin sa homepage. Ang news sa pagiging taken na ni Kaden. Mukhang nagbabalak pa ang mga fan niya na magsuot ng itim bukas para ipakita ang pagluluksa ng kanilang mga sawing puso. "Hanggang dito ay balita yung kay Kaden at Hannah." Natatawang bulong ko sa aking sarili. "Ang OA lang nila. Ano ngayon kung taken na si Kaden? Hindi naman lahat pwede silang i-date niya. Saka tao lang naman rin si Kaden kaya normal na magka-girlfriend siya." Nakarinig ako ng tikhim sa likuran ko kaya napaangat ako ng tingin. Nandoon si Kaden at tila narinig ang mga sinabi ko. Naramdaman ko ang pag-init ng dalawa kong pisngi sa sobrang hiya. "H-H-Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" Singhal ko sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. "Kumatok ako." Matipid niyang sabi saka tinignan ang nakabungad sa aking laptop. Sinamaan ko siya ng tingin sa pagiging usisero niya sa aking ginagawa. "Hindi totoo iyan." Pagtanggi niya sa balitang kumakalat. "Hannah and I were just friends. Childhood friends exactly." Napakunot ako ng noo. "Hindi ko tinatanong iyon, Kaden. I don't even care kung totoong lovers kayo." Walang pakialam na sambit ko saka sinara ang aking laptop. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "You're my wife." Bigla niyang sabi ng punung puno ng diin. "How can you not even care about me dating someone?" Napanganga ako sa sinambit niya. Bakit kailangan pa niya ipaalala na mag-asawa kami? We have own personal lives. Isang malaking kalokohan ng mga mama namin na ipakasal kami. "Drop it, Kaden." Hindi ko makapaniwalang sabi. "Maybe we're married pero hindi natin choice iyon. Hindi mo kailangan magpaka-asawa sa akin. I'm letting you do whaf you want. And I'm not tying you in our marriage." May kung anong emosyon ang rumehistro sa malamig na mga mata ni Kaden. Did I hurt him? Napalunok ako at tila gusto kong bawiin ang sinabi ko. Alam ko na wala siyang kasalanan at biktima lang rin siya ng kasal. Hindi ko dapat itinuon sa kanya ang frustration ko sa lihim na ito. Tumikhim muli siya. "Pinatatawag ka nga pala ni mama dahil kakain na." sabi niya na walang wala ng emosyon. Agad ako tumayo sa kama saka nagtungo ng pintuan pero nanatili pa rin sa kinatatayuan niya si Kaden. "Hindi ka pa ba bababa?" Kunot noong tanong ko sa kanya Nagbuntong hininga siya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "WW-What are you doing..." "Doing what I want." Sagot niya sabay kibit balikat. "Ikaw na rin ang nagsabi na you are letting me." Napanganga ako sa kanya sinabi. "I also want to kiss you right now but maybe next time." Dagdag niya. *** Napangisi ako na mapag-desisyunan ko kung saan club ako sasali. "Sure ka dito?" Nag-aalalang tanong ni Lila habang nakatingin sa hawak hawak kong application form. "Oo naman." Sabi ko ng punung puno ng kompiyansa "Cheerleading?" Hindi makapaniwalang sabi ni Harold. "Akala ko ayaw mong sumayaw?" Oo hindi ako magaling sumayaw pero iba naman ang cheerleading sa pagsayaw di ba? Saka kahit hindi ako magaling sumayaw ay flexible naman ang aking katawan kagmya tingin ko ay kakayanin ko ang cheerleading. Nagpalumbaba si Lila habang seryosong nakatingin sa akin. "Anong kinain mo at gusto mo ngayong sumali ng club?" Pang-uusisa niya. "Akala ko ba proud kang member ng 'Going home club' ?" Tumatango tango si Harold na tila sinasang-ayunan ang sinabi ni Lila. "Hindi ba pwedeng 'change of mind' lang?" Pagdadahilan ko. "Oh... Really?" Hindi naniniwalang sambit ni Lila. "Hindi ba dahil miyembro ng club na iyan si..." Napakunot ako ng noo sa gustong ipahiwatig ni Lila. Huh? Sinong miyembro ang tinutukoy niya? Bakit parang magiging big deal ang pagsali ko sa cheerleading? "But I guess you don't have idea." Napapailing na dagdag ni Lila. *** Pagkatapos ng aking klase ay agad akong nagtungo ng gymnasium. Nandoon kasi ang mga miyembro ng cheerleading club at abala sa paggawa ng kanilang panibagong routine. Nang lumapit ako at sabay sabay silang lumingon sa akin. Halata sa tingin nila na ayaw nila basta magpaabala. Nagkrus ng braso ang nangunguna sa kanila saka ako pinasahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Nag-pra-practice kami." Seryosong sabi niya saka ako pinagtaasan ng kilay. "Kung isa ka lang sa mga fan ni Kaden na gusto mang-away ng aming miyembro ay maaari ka ng umalis." Nagtataka ako napatingin sa kanya. "Huh?" Kunot noong sabi ko. "Bakit ko naman gagawin iyon?" Bulong ko. "Wait. You look familiar." Sambit niya saka ako tinitigan maigi. Nahihiya ako napakamot ng aking batok. Kung isa siya sa mga umattend ng debut ko ay posibleng makilala niya ako. Nahihiya kong inabot ang aking application form dahil iyon naman talaga ang pinakapakay ko. "Gusto ko sana sumali ng club?" Sabi ko. "Iyon ay kung tumatanggap pa kayo." Binasa niya iyon saka tinignan ang kabuuan ko. "Pasok ka na." Walang alinlangan niyang sabi. "Tamang tama dahil kulang kami ng miyembro ngayon." Nilahad niya ang kanyang kanang kamay. "Ako nga pala si Hinai, ang lider ng cheerleading club." Pakilala niya. Nakangiti kong inabot ang kamay niya. "Sachi." Masayang pakilala ko. Tumingin siya sa kanyang kasama na tila pinapanuod kami mula sa malayo. Hinila ako ni Ate Hinai palapit sa miyembro upang ipakilala. Hanggang sa may isang pamilyar na babae ang dumating. "Sorry kung late ako." Paumanhin niya. "Medyo na-ambush ako ng mga fan ni Kaden." "Buti na lang nandito ka na, Hannah." Masayang sambit ni Ate Hinai. "May bagong miyembro tayo ngayon." Nagtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko alam kung ngingitian ko siya. This is very awkward for me. Hindi ko ineexpect na miyembro siya ng cheerleading club. Ito marahil ang gustong ipahiwatig sa akin ni Lila kanina. Naramdaman ko na tinapik akk ni Ate Hinai sa balikat. "Siguro you already know her." Natatawang sabi niya. "She's to be Kaden's rumored girlfriend." Parang batang ngumuso si Hannah "Geez! Hindi nga sabi ako girlfriend ng tuod na iyon!" pagtanggi niya. "W-W-We're just friends." Namumulang dagdag niya. Nameywang si Ate Hinai. "Kungwari naniwala kami, Hannah." Pang-aalaska niya. "We all know that you like him." Tumawa ang ibang miyembro ng cheerleading club nang mamula parang kamatis si Hannah. Pilit ako ngumiti sa kanilang asaran. Hindi ko maitatanggi sa mga aksyon ni Hannah kung gaano niya kagusto si Kaden. Medyo na-gi-guilty ako dahil wala siyang kaalam alam na kasal na si Kaden sa taong katulad ko. Kung papipiliin si Kaden ay marahil ang tulad ni Haanah ang gugustuhin niyang maging asawa. She's definition of word 'perfect'. Lumapit sa akin si Hannah na todo ang ngiti sa kanyang labi. "I'm Hannah by the way! Nice to meet you Sachi and welcome to the club!" Magiliw niyang sabi s ***After two hours*** Halos gapangin ko ang buong gymnasium dahil sa pananakit ng buo kong katawan. Sh*t lang! Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang ginagawa ng cheerleading. Lahat yata ng buto ko ay nabanat. Hindi ko tuloy alam kung magagawa ko pang makalakad bukas. Tuluyan na ako sumalampak sa sahig bilang aking pagsuko. Naramdaman ang mahinang pagsundot ako ni Hannah sa aking pisngi "Sachi, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Ngumuso ako at nangilid ang luha sa aking mga mata. Ginusto kong sumali kaya dapat panindigan ko ito. Unang araw pa lang naman. Darating ang araw na masasanay rin ang katawan ko at magiging balewala na lang ang mga pinagagawa ni Ate Hinai. "Oy oy oy! Bakit ka nandito Kaden?" Rinig kong sabi ni Ate Hinai na tila kinikilig. "Si Hannah ba ang hanap mo?" Dahan dahan ko inangat ang aking tingin. Bumungad sa akin si Kaden na nasa gym at tila may hinahanap. Nakaramdam ako ng kirot sa aking bandang puso dahil marahil ay si Hannah ang ipinunta niya. Walang alam si Kaden sa balak kong pagsali sa club na ito. Naranig ko ang mga kinikilig ba katyawan ng mga ibang miyembro kay Hannah. "Ayiieee! Susunduin mo ba si Hannah!" Pang-aatig nila. "Oy bunso sinusundo ka na ng boyfie mo!" Hanggang magtama ang tingin namin ni Kaden. Kita ko ang gulat sa itsura niya nang makita ako. Siyempre sino ang hindi magugulat kung mahuli ka ng asawa mo na may sinusundo kang ibang babae? Napaiwas ako ng tingin ng humakbang sa direksyon ko si Kaden. Malamang dahil katabi ko lamang si Hannah. "Oh my gosh!" Tili nila habang palapit si Kaden kay Hannah Hanggang tumigil sa harapan namin si Kaden."A-A-Anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ni Hannah sa kanya. "Susunduin ko lang ang asawa ko" Malamig at seryosong sagot ni Kaden sa kanya kaya napaangat muli ako ng tingin kaya nagtama muli ang tingin namin ni Kaden Napalunok ako. Imposibleng ako ang ipinunta niya! Mukhang sinasabi niya lang ito para hindi ko siya isumbong kay Tita Yani. "Ayyyiee! Asawa pala huh, Hannah!" Patuloy na pag-aatig ng mga ibang miyembro Hinampas ni Hannah sa braso si Kaden. "Ano ka ba, Kaden? Hindi ka ba nahihiya sa nakakarinig?" Kinikilig na suway niya rito. Hanggang ang alam ko na lang ay nakalutang na ako mula sa malamig na sahig at natahimik ang lahat naming kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD