ARIANNA
"MOMMY, why are you sad?" malambing na tanong ng aking anak kaya napatingin ako sa kanya habang sinusubuan siya. Hindi ko namalayan na lumalim ang aking iniisip.
Masuyo ko siyang nginitian at hininto muna ang pagsubo sa kanya ng pagkain. "I was thinking how would you react kapag sinabi ko sayo na pinapupunta tayo nina grandmama at grandpapa mo sa lungsod sa nalalapit na birthday ng iyong grandpapa."
Nanlaki ang mata nito sa narinig. "Really, Mama? Can we go there?"
"Yes, love. Your grandmama said so. What do you think?"
Napaisip siya ng malalim kaya hinintay ko ang kanyang desisyon. I want my daugther to be happy kaya kung ano ang magiging desisyon niya, ito ang susundin ko. Yes, I will base my desicion to my six year old child because my life is all about her.
"Will I meet daddy there too, Mommy?" inosenteng tanong ni Aria sa akin na ikinafreeze ko.
Matiim akong napatingin sa aking anak. Nasa mukha nito ang pag-asa na makita ang kanyang ama. Lihim akong napabuntong hininga at tumango sa kanya. Ngumiti siya ng malapad dahil sa aking ginawa.
"I will talk to your daddy first, honey, then when he is not busy, you are going to meet him. Okay?"
Sunod-sunod ang pagtango niya habang hindi mawala ang malapad na ngiti sa kanyang labi. Hinalikan ko siya sa kanyang noo bago ko muling sinubuan. Masaya niyang ibinahagi sa akin ang mga gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Nakikinig lang ako at ngumingiti bilang supporta sa kanya. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa nararamdaman ko. I wanted to cry, seing my daugther's excitement na makita ang kanyang ama na anim na taon kong pinagkait sa kanya.
"That's why you have to get well quick, love, and huwag ka na magpaulan para hindi ka na magkasakit," tugon ko sa kanya. Muli na naman siyang napatango ng mabilis at tinanggap lahat ng pagkain na inihanda namin para sa kanya.
Pinainom ko rin muna ng gamot si Aria bago iniwan sa kanyang kwarto para magpahinga na. I keep the televison open so that she can watch her favorite program. Tanging cartoon channels and for kids lang ang sa kanyang tv dahil ang iba at ini-lock ko. I also put an hour in the timer on the television para mamatay na ito ng kusa. Nakatulog na lang ang aking anak sa antok samantalang patuloy ako ng aking trabaho. I have baby monitor in my office para makita ang kanyang ginagawa, my hidden cctv kasi sa kanyang kwarto upang mabantayan ko siya.
Muli kong binalikan ang aking ginagawa at planohin ang aming pag-alis bago ang kaarawan ni Papa. Kailangan kong makahanap ng pamalit sa akin bilang doctor dito bago pa man ako makauwi, upang matulungan ko siya sa kanyang gagawin. Kakausapin ko rin ang aking tiyuhin sa nalalapit naming pag-uwi ni Aria. Balak ko pa ring gawing bahay bakasyunan ang tinitirhan naming ito kaya habang wala kami si Nanay Lily pa rin ang magbabantay ng bahay. Matanda na kasi siya para dalhin ko sa lungsod kaya sa halip na maghanap pa siya ng panibagong trabaho, hayaan siya ni tito na magbantay ng bahay namin.
Ilang sandali ang nakalipas, muling tumunog ang aking cellphone kaya tiningnan ko ito. Napangiti ako ng malapad nang makita ko kung sino ang tumatawag. It's been a while na rin kasi nang huli kaming mag-usap na dalawa dahil sa uri ng aming trabaho.
"Hello, Sunny! I miss you, babe!" masayang bungad ko sa kanya.
"Hello, ate Anna! I miss you too. It's been a while! How are you and princess?" masayang tugon ni Sunny sa kabilang linya.
Napangiti ako sa kanyang tanong. "I'm fine pero iyong inaanak mo, ayon nilalagnat dahil naulanan kanina. How are you, sis?"
"Awww! Hope she get well soon. I was thinking of visiting you, guys, but sadly my schedule won't permit me to have a luxury vacation this coming months."
I can imagine Sunny pouting while saying it. Not that I can blame her. She loves spending her time here with us especially with my daugther. Here, she is away with press that looking a dirt in her life. At least her past with Rising Phoenix Bands was already done while mine aren't even started. Yes, she was connected with the band, since I met her at Maldives and we become close. We continue our friendship kahit umuwi na kami ng Pilipinas noon. I trusted her with my secret at hanggang ngayon hindi niya ako binigo. Itinuring ko siyang nakakabatang kapatid at pinatunayan niya sa akin na mapagkakatiwalaan ko siya dahil kahit nalaman ng media ang kanyang nakaraan na konektado sa banda, hindi niya ako idinawit na isyu ng buhay niya.
"That's okay, sis, kami na lang ni Aria ang pupunta sayo," pasuspense ko na sabi sa kanya.
"Really? How? Pinayagan na ba kayong lumuwas dito?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan ko. Nasa boses nito ang excitement sa possibling mangyari.
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. "Yes, sis, pinayagan na kami nina Mama na pumunta dyan kaya bago magbirthday si Papa ay luluwas na kami. I was planning to buy a house there, para dyan na kami permaninteng mamuhay ni Aria."
"Oh, I'm so excited of the possibility. Mabuti naman, ate, at pinayagan na kayo nina Senador na pumunta rito," Sunny exclaimed. "Handa ka kaya, ate, na makitang muli siya?"
Napabuntong hininga ako ng malalim. "Sa totoo lang, hindi, Sunny, ngunit kailangan ko na siyang makausap dahil naghahanap na ng kanyang ama si Aria. Kanina tinanong niya ako kung kailan niya raw makasama ang kanyang ama dahil gusto niya itong dalhin sa school for their father's day. I can't always lie to her, sis, kaya tulad ng desisyon ko noon, I'm willing to face Leonard, alang-alang sa anak namin."
Si Sunny ang aking source of information pagdating sa buhay ni Leonard dahil sa iisang industry lang naman ang kanilang ginagalawan. Plus they still have common friends; despite her issue with her past relationship with the band, she maintain her freindship with other members. She send me many magazines that Rising Phoenix or Leonard ang nakafeature. Grateful ako sobra sa kanyang ginagawa dahil kahit paano nalalaman ko ang tungkol kay Leonard, higit pa sa sinasabi ng media.
"I know you can do it, ate. Besides, single naman si Leonard, malay mo kapag malaman niya na may anak kayo maaring ibalik ang tamis ng inyong pagsasama noon. Kaya nga, naghihinayang ako sa relasyon nyo dahil nakita ko talaga noon kung gaano ang genuine ang inyong pagsasama. Maari ninyo pa mabigyan si Aria ng kompletong pamilya."
Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Sunny. It felt real ang relasyon namin noon, kahit sa loob na nakilala ko si Leonard, ipinaramdam niya sa akin ang kahalagahan ko sa kanyang buhay. Kaya hindi ko maiwasang mahulog ang aking damdamin sa kanya, pero hanggang doon lang ito. I knew our deal and he is still young at that time. Ayaw ko maging hadlang sa kanyang mga pangarap sa buhay, sapat na sa akin ang mahalin siya ng malayo.
Mahaba pa ang pag-uusap namin ni Sunny hanggang hindi ko namalayan na hating-gabi na pala. Noon lang ako nagpaalam sa kanya dahil maaga pa ang aking pasok at ni Aria bukas. Knowing na hindi ko natapos ang aking mga ginagawa, ipinagbukas ko na lang ito. Iniligpit ko ang aking mga gamit at inilagay sa bag bago lumabas sa aking opisina dala ang baby monitor. Pumasok ako sa aking kwarto sa ikalawang palapag, closing all lights in the living room along the way.