LEONARD
Mon Paradis Bar.
"Woah! Another milestone for Rising Pheonix Band!" masayang sabi ni Ezekeil at itinaas ang platinum record na kanilang award sa bago naming album ngayong taon.
Napahiyaw naman ang aking mga kasamahan habang nakangiti naman ako na nanunuod sa kanila. Maging ako ay masayang masaya sa naging resulta ng aming new release album. Isang karangalan na naman ang aming nakuha sa larangan ng musika. At kahit isang dekada na kaming gumagawa ng kanta may mga fans pa rin kami na hindi nagsasawa na suportahan kami.
"Tonight is our night so lets have fun, guys!" masayang tugon naman ni William sabay taas ng kanyang hawak na beer. "Congratulation to us!"
Itinaas rin naming magkakaibigan ang aming mga hawak na inumin bilang sang-ayon sa sinabi ni William at binati namin ang isa't isa.
"It's been a while when we did this," sabi ni Tobias na aking katabi habang pinapanuod namin ang aming mga kasamahan na nagkakasiyahan sa dance floor.
Napatango ako bilang tugon. Natutuwa ako na muling nag-enjoy ang aking mga kaibigan na magkasama. Mga ilang buwan na rin kasi ng huli kaming magsama ng ganito. "Kaya nga, bro, naging busy tayo nitong mga nakaraang buwan sa ating mga trabaho. At sa tulad mong may sarili ng pamilya naiintindihan namin na ang iyong pamilya ang priority mo."
"Iyon nga eh, lalo na ngayon na buntis na naman si misis," nakangiting tugon ni Tobias.
Masaya ako para sa aking kaibigan dahil natupad na ang kanyang pangarap. Bata pa man kami hangad na nito ang magkaroon ng sariling pamilya at maraming anak. Nag-iisang anak lang kasi siya at tanging kaming magkaibigan ang itinuturing niyang kapatid. Ngayon, may dalawa na siyang anak at ang pangatlo ay ipinagbubuntis ng kanyang asawa. Siya lang ang may-asawa sa aming magkakaibigan. Natagpuan niya ang kanyang 'tha one' ilang taon na ang nakaraan noong minsang nagkaroon kami ng concert sa Ilocos Norte. It was love at first hanggang hindi na niya pinakawalan pa ang babaeng nagpatibok ng kanyang pihikang puso. Nanatili silang matatag sa kabila ng mga isyung binabato sa aming band at minsan ay kay Tobias. Napakaswerte ng aking kaibigan sa kanyang asawa dahil maunawain ito at palaging nasa tabi ni Tobias upang harapin anu man ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang mag-asawa.
Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa buhay na meron ngayon si Tobias dahil lingid sa kaalaman ng aking mga kaibigan, hangad ko rin ang magkaroon ng sarili kong pamilya at maging malayo sa mata ng publiko. Ngunit hanggang pangarap lang ito sa ngayon dahill kahit anong hanap ko hindi ko matatagpuan ang babaeng magpapatibok sa aking puso. Minsan pakiramdam ko na natagpuan ko na ito noon pa ngunit pinakawalan ko dahil ito ay nasa maling panahon at pagkakataon.
Sinubukan ko rin na magkaroon ng relasyon noon subalit palagi na lang may kung anong kulang. Everytime I was in a relationship, hindi ko maiwasang ikumpara sila sa babaeng nakilala ko noon sa Maldives. Sa loob nang maraming taon, hindi ko pa rin makakalimutan ang naging dalawang linggo kong nobya, katumbas noon ang ilang buwan kong pakikipagrelasyon sa iba ngayon. Naging hambingan ko siya sa mga babaeng karelasyon ko kaya hindi nagiging mapalad ang pagsasama ko sa kanila.
Sometimes I wonder what happen to her. Where is she? Or does she have her own family now? Mga katanungan na gusto kong bigyan ng sagot ngunit matagal ko na siyang hinanap pero hindi ko siya matagpuan.
"Hi, Leo!"
Napatingala ako sa bumati sa akin kahit alam na alam ko ang kanyang boses. Napabuntonghininga ako ng malamin nang makita ang inaasahan kong may-ari ng boses. Hindi ko alam kong kailan niya ako tatantanan.
"My name is Leonard, Zaira. Please use it or you will receive no response from me at all," malamig kong tugon.
Ni hindi man lang siya natinag sa aking sinabi dahil nang-aakit lang siyang ngumiti sa akin bago tuluyang lumapit sa aking pwesto at umupo sa aking tabi.
"Excuse me, miss but we like to be alone. My friend and I has serious conversation here," mariing sabi ni Tobias bago pa man tuluyang makaupo si Zaira sa aking tabi.
Nanlaki ang mata ni Zaira sa pagkahiya dahil sa sinabi ni Tobias. Hindi ito ang unang beses na pinagsabihan siya ng aking kaibigan. Alam na alam ng mga kababaehan na disperada sa aming atensyon kung gaano kaprangka si Tobias kaya maraming naiilang sa kanya.
Oh, h-hi, T-tobias! I will keep going then," mahinang sabi ni Zaira. Namumula ang mukha nito sa pagkahiya pero kahit ganoon pa man kalmado siyang umalis ngunit nagawa pa nitong sumulyap sakin ng may pang-aakit.
Kahit ang isang tulad niyang determinado at malakas ang loob na mapansin ko ay ilag sa suplado kong kaibigan, na aking ipinagpapasalamat kung si Tobias ang aking kasama. I glance thankfully to one of my best friends sa kanyang ginawa habang patuloy na hinatid ng tanaw si Zaira hanggang sa bumalik ito sa mesa ng kanyang mga kaibigan. Pangarap ko na tigilan na niya ako ngunit mukhang malabo pa itong mangyari sa ngayon.
"What's with the long face, bro?" tanong ni Ezekiel nang bumating siya sa aming mesa at umupo sa tabi ko.
Napailing ako nang makitang halos hindi na nito mahawakan ng maayos ang beer na kanyang iniinom dahil sa kalasingan. Panay pangungulit nito sa akin na sagutin ang kanyang tanong. Natawa na lang si Tobias sa kakulitan ni Ezekiel. Pakiramdam ko tuloy para siyang hindi tumatanda.
"It was nothing, bro. Ready to leave?" tanong ko sa kanya. Ako ang designated driver nila kaya hindi ako gaanong uminom at siniguradong uminim ng maraming tubig para mawala ang alcohol na ininom ko.
"Yeah. I think I'm drunk, bro," nakangising sabi sa aking ni Ezekiel sabay tunga ang natitirang beer bago tuluyang inilapag sa aming mesa.
"I will call the others," sabi ni Tobias bago tumayo pero bago pa man siya tuluyang tumayo muli siyang napasulyap sa lasing naming kaibigan. "Make him sober, bro. He is wasted."
Tumango ako bilang sang-ayon kay Tobias at sinalinan ng malamig na tubig si Ezekiel para mabawasan ang kanyang kalasingan. Hindi naman nagreklamo si Ezekiel ngunit lalo pa siyang naging madaldal samantala tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Before we know it dumating ang iba pa naming kaibigan.
"Habang tumatagal nagiging kj ka na, bro," reklamo ni Jasper nang mag-aya na kaming umuwi.
I just smirk at him habang inaalalayan siyang lumabas sa club. Kasunod naman namin sina William at Ezekiel na kahit paano sobber na samantala nasa counter naman si Tobias upang bayaran ang bill namin at doon na lang namin siya hihintayin sa sasakyan.
Hindi nagtagal dumating na rin si Tobias kaya nagdrive na ako paalis sa club para ihatid sila. May sarili silang mga dalang sasakyan nang pumunta kami sa club pero pinaiwan ko ito sa kanila dahil hindi sila safe magdrive. Bukas kanya-kanya na lang sila pakuha ng kanilang sasakyan.
Mag-aalas singko na ng umaga nang makarating ako sa aking condo. May kalayuan kasi ang bahay ni Tobias kaya natagalan ako sa pag-uwi. Hindi ko na binalak matulog dahil alanganin na rin. Nagtempla na lang ako ng kape at binuksan ang aking laptop upang i-check ang takbo ng aking negosyo na pinamamahalaan ng aking kapatid na babae. I then open the televesion upang manuood ng morning news.
"Abangan mamaya, nag-iisang anak na babae ni Senator Mateo Melendez ay muling haharap sa publiko matapos ang ilang taong pamumuhay ng tahimik kasama ang kanyang anak na babae. Kaya tutok lang dito sa programang ito."
Napahinto ako sa aking narinig. Hindi ko maiwasang macurious sa laman ng balita. I admire Senator Melendez at sa kabila ng mga isyu na binabato sa kanya dahil sa kanyang anak, hindi siya natinag at nanatiling malinis na public servant kaya nanguna ito noong halalan.
I wonder who is his only daughter.