Chapter 5

1667 Words
NAIKWENTO ni Danica kay Charlie na nagkatampuhan sila ng kapatid niyang si Denver at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaayos. Pinayuhan naman siya nito sa dapat niyang gawin. Kaya ngayon ay nasa Campus siya para ibigay ang bagong biling jersey at rubber shoes para sa kapatid. Sana ngayon ay mapatawad na siya nito. "Hi Ate!" Napahinto ang dalaga nang may humarang sa daraanan niya. "Natatandaan kita, ikaw 'yong.." Hindi na niya natapos ang sasabihin nang ito na ang tumapos. "Tama. I'm Chester." "Sorry. Nagmamadali ako, maiwan na kita." But that Chester guy walk beside her at inakbayan pa siya. "What are you doing?" Mabilis namang inalis nito ang kamay. "You're looking for Denver. Sasabihin ko kung nasaan siya, pero may kapalit." "Bakit naman ako magtitiwala sa'yo?" "Good boy na ako at hindi ko na kinakanti ang kapatid mo." "Sinong niloko mo?" "Ate.. Ano nga ang pangalan mo, Miss?" Napakamot ulong tanong nito. Bigla yatang nagbago ang matigas nitong mukha, lumambot at naging humble. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ilang sandali lang ay humarang na naman ito sa daraanan niya. "What the hell!" Napaatras pa siya nang iharang nito ang bouquet. "For you, Miss Carreon. Since ayaw mong magpakilala, hindi ko masasabi ang eksaktong location ni Carreon." "Kung ano man ang trip mo sa buhay, huwag mo akong idamay." "Sorry na. Hindi ko na uulitin 'yong dati. Puwede bang tanggapin mo na lang ito kahit peace offering man lang?" Napilitan siyang kunin iyon. Bigla siyang kinilabutan, parang kapatid lang kasi ang tingin niya rito. "I'll give you his location, kapalit ng number mo." "Ano? Ano namang gagawin mo sa number ko?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Baka ibebenta ko. Siyempre ite-text at tatawagan kita. Gusto mo ako pa mag-load sa'yo kahit araw-araw pa." Biglang nagkislapan ang mga mata nito na akala mo naman ay mapapapayag siya. "Nababaliw ka na ba?" "Uh. Maybe. Please.. Pretty please.." Mukhang ito ang way nito para gumanti sa kanya. "Sorry, Chester pero pribado ang numero ko, hindi ko basta-basta ibinibigay." "Kung ganoon, hindi ako aalis dito hanggat walang number mo." Talaga nga namang sinusubok nito ang tibay niya. "Fine. Telephone number lang ang maibibigay ko." Kumamot pa ito sa kilay. Halatang hindi gusto ang negosasyon. "Uhm. Sige na nga. Pero next time, personal number na ha. I don't take no for an answer." Aba! Iba rin. Bata pa lang simpatiko na. Kinuha niya ang cellphone nang nagpakilalang Chester, she saves her company number nang matahimik na ito. "May tampuhan yata kayo ni Carreon. Kung gusto mo, ako na ang magbibigay. Don't worry, harmless na ako ngayon." Saglit na napaisip siya kung papayagan ba itong tulungan siya. Kung talagang nagbago na ito, puwede nga naman siguro niya itong pagkatiwalaan. Mula ng magkatampuhan sila, bihira na niyang masilayan ang kapatid sa bahay. Palagi itong umiiwas sa kanya at hindi rin siya iniimik man lang. Sa huli ay nawalan na ng pagpipilian si Danica. Iyon lang din ang naiisip niyang paraan para magkabati na silang magkapatid. Sana rin ay totoong nagbago na ito. Bumalik na ng branch si Danica, wala mang napala ay umaasa pa rin siyang magkakaayos silang dalawa ni Denver. "Ma'am Dana, kanina pa po may tumatawag, kayo po ang hinahanap eh. Chester daw ang pangalan." Napapalo siya sa sariling noo. Nalintikan na, mukhang seryoso nga ang batang iyon na makipagmabutihan sa kanya. Binilinan na lang niya ang mga staff na sabihing hindi siya pumasok, pagtakpan at huwag ibigay ang personal number o address niya. Baka maging dahilan pa iyon ng alitan nilang mag-ate kapag nalaman nitong pinopormahan siya ng kabaro nito. Nagpa-late na lamang siya ng uwi. Bukas ay kukunin na niya ang pinagawang sasakyan. Ngunit paglabas ay napatakbo rin siya pabalik. Nakita agad niya ang batang si Chester. s**t! Paano kaya nito nalaman kung saan siya nagtatrabaho? Of all branches, dito pa talaga ito napunta. Hinintay na lang niyang makaalis ito habang hindi sinasadyang marinig ang usapan ng kasama nito. "Sigurado ka bang diyan nagtatrabaho 'yong nililigawan mo?" "Hundred percent sure, Tito." "Sarado na. Bumalik na lang tayo sa ibang araw." "Sayang naman. Fine. Let's go, Tito." Napahawak si Danica sa tumatahip na dibdib dahil sa labis na kaba. Mabuti na lang talaga at umalis na ang mga ito. Kailangan talagang makuha na niya ang sariling sasakyan nang matakasan na ang mga balakid sa buhay niya. Nang makauwi sa bahay, app kaagad ang sinilip niya. May mga chat na roon si Charlie. Puro pawang nangungumusta sa araw niya. Naikwento naman niya ang mga balakid sa buhay niya. Nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob na tanungin ito kung paano niya iiwasan ang mala-stalker na si Chester. PINIPIGILAN na ni Danica ang pagbungisngis ng nadaramang kilig. Pakiramdam tuloy niya, napakalapit lang nito. 'Maganda ka kasi. No wonder kung bakit maraming naaakit sau...' 'That's not my point. Masyado siyang bata para sa 'kin. Ten years ang agwat naming dalawa,' pangungumbinsi niya sa chat. 'Type mo ba?' 'Syempre hindi. Ano bang klaseng tanong yan?' 'Gusto kitang tulungan, Dana... Gusto kitang ipagtanggol at bakuran... Gusto ko, saken ka lang... Sana... Na mukhang malabo dahil ni hindi pa nga tayo nagkikita at baka pagnagkita tau hndi mo ko magustuhan...' 'Judgemental ka alam mo un. Sino bang babae ang hindi magkakagusto sau? Matalino. Mabait. Humble at madaling makapalagayan ng loob.' 'Hindi mo p kasi ako nakikita ng personal... Baka magbago ng isip mo, kapag nakita mo na ako...' 'At bakit naman?' 'I'm domineering, tyrant at minsan mahirap tantyahin...' 'Hndi ako naniniwala. Hndi p man tayo nagkikita, cgurado n akong mabait ka' 'Thank u so much for coming to my life, Dana.' 'You're welcome.' 'Anyway, kapag nakta ko lang yang batang sinasabi mong nanliligaw sau. Makakatikim yan...' 'Harsh naman po.' 'Ayaw ko ngang maagaw k pa ng iba... Ngayon pa lang bnabakuran n kta. Sakin ka na lang...Dana...' Napaangat ang labi ng dalaga sa nabasa niya. Simpleng mga salita pero napakasarap sa mata. Paano pa kaya kapag narinig niya sa kanyang tainga galing kay Charlie ang mga salitang iyon? 'Kapag bnigay ko b ang puso ko sayo, iingatan mo ba?' 'Walang pag aalinlangan, my Lady... Pero kung hindi k pa hnda. Hnda nman akong hintayin ka... Gusto ko handa na tau pareho once we met... At kapag nangyari un.. Hindi ko n palalampasin ang pagkakataon. I pursue u...' 'Malay mo nga.' 'Sabihin mo n lang sa batang iyon na boyfriend mo na ako... Na may bf ka na...' 'Paano nman maniniwala yun?' 's**t! ... Ang hirap nman nito. Magkita na kya tayo?' 'Patagalin muna natin ang pagkilala sa isat isa Yung pareho tayong handa.' 'Right... Iligaw mo na lang muna xa... Hindi ko n alam. Nakakapang init ng ulo... Parang ako ang nagsaing, iba ang kumain...' Natawa siya sa message nito. 'Humanda talaga yan saken kapag nagkta na tau... Dana.. Inaantok ka na ba?' 'Hndi pa nman. Y?' 'Alas dos n ng madaling araw, wala k bng pasok?' 'Ikaw nman kausap ko. ? lang' 'Dana.. Paano kung mapangitan k saken?' 'Thats impossible. Hndi nman ako sa mukha tumitingin, kundi ugali.' Paano kaya niya sasabihing si Janice ang unang nag-accept sa kanya. Baka dahil sa profile nito, isipin niyang nilike agad niya. 'Im not that shallow.' Hindi naman talaga siya mababaw mag-isip. 'How I wish... Sana wag dumatng ung araw na ayawan mo ko... Khit pa depende s sitwasyon...' 'Lalim naman, Lolo.' 'Sabhin mo lng kung antok k na a...' 'Nope' 'Lets hve a game btw... Game of likes... Pili k lng sa ililist down ko... O kaya paunahan mamili...' 'Go!' Ang totoo ay napapapikit na ang mga mata ng dalaga pero mas pinili na niyang tumagal ang usapan. 'Pansit o spag Black or white Air or water Ring or Necklace Silver or gold Church or Beach Night or Day Coffee or Tea Book or TV Lights out Or lights in...' Nagpagising sa inaantok niyang diwa ang mga choices na sinent nito. Mabilis siyang nag-type ng sagot at halos sabay lang din silang naka-received ng message. 'Spag, wyt, water, ring, silver, Church, Night, Coffee, books, Lights out' 'Spag, black, air, ring, gold, Church, night, coffee, book, lights in...' 'Wow! Almost pareho tau ng sagot.' 'Yup. Six points. May value na sakin ang six...' The usual, naiwanan na naman ng dalaga si Charlie. Nakatulugan na niya ang chat nila. Nang magising ay isang Good morning at boquet ng flowers sa chat ang bumungad sa kanya. Hindi na matago ni Danica na inaasam din niyang magkita sila kung ganito rin kaya ito ka-romantiko sa totoong buhay. Sana kung ano ang ipinapakita nito sa chat ay kapareho sa real life. Maybe her fantasy may lead in real romance. Dinaanan muna ni Danica ang Vulcanizing and Auto Repair Shop ni Janice para kunin na ang sasakyang pinaayos niya. Sadyang mapagbiro nga naman talaga ang pagkakataon nang muli na naman niyang nakaharap ang lalaking hindi niya nais makita at halos isumpa niya. Looks can really be deceiving. May kaamuhan ang mukha nito lalo na kapag ngumingiti nang madatnan niyang ngitian nito si Janice. Pero sa kabila ng maamong mukha ay sigurado ang dalaga na naglalaro ang kademonyohan nito. "Sir. Charles, ito nga pala ang bff kong si--" "I'm not interested," mariing sabi niya nang magtagpo at magtama ang mga mata nila. "Kung new prospect mo siya, sa 'yo na. Not my concern." Naalalang bigla ni Danica ang sasakyang nasira na ang lalaking ito ang may gawa. He was wearing deep gray long-sleeved with his elegant silver black blended tie and black slacks while matching his black and shiny shoes na kulang na lang ay puwede ng salaminan. "Napansin mo na ba ang pinagkaiba natin?" biglang tanong nito nang mapansing nasipatan niya ng tingin ang kabuuhan nito. Ano ang ibig nitong sabihin? Na masyado itong disente at halatang alta Se siudad? At siya ay isang marusing na mukhang basahan? Napakaarogante talaga. "Janice, siya ang magbabayad ng kukunin kong sasakyan," taas noong sabi niya sa kaibigan. Ang naghahamon niyang mga mata ay sinalubong din ng lalaki. "Paano kung hindi ko bayaran?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD