NAPAPRENO nang mariin si Danica ng hapon na iyon. Dadalhin niya personally ang sasakyan, ngayon lang kasi siya nagkaroon ng oras kaya kahit linggo na ang lumipas, napilitan na tuloy siyang kilusin iyon kaysa ipakuha na lang. Magta-taxi na lang siguro siya mamaya.
"Damn it! Alam na ngang naka-stop light hindi agad huminto," pagmamaktol niya habang pababa ng kotse.
Tumama ang bumper ng sasakyan niya sa dulo ng nakaunang sasakyan matapos mahuling magpreno.
Gigil na napakuyom siya ng kamao. Bumaba rin ang lulan ng sasakyan na pamilyar sa kanya. At talagang isinumpa niya.
"Ikaw?" Mukhang nagulat din ito ng mabistahan siya. Saglit niyang napansin na napatitig ito sa kanya at parang kumislap ang mga mata nito bago siya muling nakapagsalita.
"Ikaw na naman! Stalker ka ba at lagi mo na lang sinisira ang kotse ko?"
"Hoy, FYI ikaw ang sumusunod sa akin at lagi mo na lang binabangga ang kotse ko. This time, babayaran mo na iyan," pagmamatigas nito.
"Ang kapal mo naman talaga! Hindi mo na nga binayaran ang nagasgas kong kotse tas babayaran pa kita ngayon. Ano ka, sinisuwerte? May araw din sa'kin 'yang kaarogantehan mo."
"Just don't pray that we cross lines, I'll make sure na babawian kita," puno ng pagbabantang sabi nito. Madilim ang anyo at parang uwak ang mga matang seryosong nag-iwan sa kanya ng makahulugang tingin. Isang tinging hindi niya maintindihan. Pinaghalong dusa at nasa ang napansin niya sa mga mata nito bago ito tumalikod sa kanya.
Lalong nalukot ang mukha ni Danica. Ito na nga ang may kasalanan, ito pa ang nagmamalaki. Hindi tuloy niya alam kung palalampasin pa ba niya iyon o pagbabayarin ito.
"Tito, matagal pa ba 'yan? Let's go."
Pumasok din ito na parang walang nangyari. Ang damuhong ito, kahit kailan arogante talaga. Kaysa maubos ang pagtatalak niya, maeskandalo at masabihang walang pinag-aralan. Pumasok na lang siya sa sariling sasakyan.
Tandaan talaga nito ang mga araw na iipunin niya para makaganti sa pesteng lalaking iyon.
Napalitan ng ngiti ang labi ni Danica-- pagpapanggap na ngiti nang masilayan si Janice. Ito ang may ari ng Vulcanizing and Auto repair shop. Balak pa nga nitong mag-expand ng business na Carwash na sa ngayon ay plano muna.
Janice take a deep look on her messy hair bun, strands of hair flowing sides of her ears.
Aalisin niya sana iyon at ilulugay dahil sasabihan na naman siya nitong mukhang istriktang Librarian but then Janice stop her.
"You were a perfect neat and order Lady. Pero bumagay sa'yo ang buhok mo ngayon kaya huwag mo ng galawin."
Napaisip tuloy siya, kung bumagay iyon sana ay natinag ang aroganteng lalaking ilang beses na niyang nakabangga--literal na nakabangga.
"kumusta na pala kayo ni Charlie?" kapag dakay tanong nito sa kanya. Si Janice nga pala ang unang nakipag-chat dito na malimit na niyang chatmate ngayon.
"Still in progress? Ah basta, chika na lang next time. Sa Al Café Rio lang. Makiki-connect sa wifi."
"Kuripot nito. Siya sige, Babush! I'll call or text you na lang kung kailan mo makukuha ang kotse mo and chika me sa updates ha. Baka magulat na lang kasi ako ikakasal na kayo."
"Gaga! Sira ka talaga. Bye."
Bago umuwi ay tumambay muna nga si Danica sa nasabing Café. Umorder siya ng Latte at naupo sa dulong bahagi ng Shop. Mabilis na naki-connect sa wifi. She access her dating app greeting the person she wants to meet next time.
'Hey!' Nagsend pa siya ng photo matapos kuhanan ng picture ang kapeng iniinom niya. 'Currently at Coffee Shop.'
Mabilis namang nag-reply ito ng wave.
'?
Malapit lang pala. Madalas ka sa Al Café Rio?' he Ask.
Napakunot siya ng noo. Paano nito nalaman? Hindi naman niya ipinakita ang logo o name ng Coffee Shop.
'How did you know?'
'Nadadaanan ko kasi 'yan kapg papasok sa opis...'
Dahan-dahan ding nawala ang kaba sa dibdib niya. Hindi pa kasi siya handa na makipagkita rito kaya kinabahan talaga siya nang malaman nito ang Shop at baka nasa paligid lang ito.
'Ang totoo nian, wala ako sa mood.' She sent.
'Why? May umaway ba sayo?' he ask.
Sino? Sent mo saken photo...
? ? ?
Para mawala inis mo ... ?' Reply nito.
'Nabangga niya ang sasakyan ko at wala man lang bayad damyos perwisyo. Thanks for the smiley'
'May mga ganoon talagang tao. Ako nga madalas ding nababangga, sinadya pa ngang sirain ang sasakyan ko pero hndi ko na pnabayaran...'
'Talaga? Hindi ka cguro nanghihinayang sa pera?'
'Hindi nman sa ganon. Sayang lang kasi sa oras. Alam mo nmang hindi ko hawak ang oras ko...'
'Mabuti at may time ka ngayon?'
'Oo nman. Basta para sau lagi akong may time ?' He replied.
'?' He sent.
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Posible kayang ma-develope ito sa kanya kahit thru chat lang?
'Overboard na ba?' He asked.
'Hindi naman.?'
'Alam mo bng ngayon lang ako nakakausap ng ganito katagal. Weeks na rin tayong magkausap at parang palagay na ang loob ko sau...'
'Ako rin naman.'
'Hind ako madaldal...
Mainitin ulo ko. Bossy ako at never na tumagal sakin ang isang relasyon...
I know na ako ang my problem...' He sent.
'Hindi naman siguro. Sila rin ang may problem. Pag mahal ka ng tao, tatanggapin nia ang lahat lahat sau.
Baka hindi lang siya ang para sau.' She sent.
'Mahilig ka sa songs?' He ask.
'Hindi masyado. Sakto lang. Y?'
'Pamilyar ka sa Michael learns to rock?'
'Yup. Fave ko yon.'
'I wanna know that love will surround us and U will share it for me everyday. Tell me U care for me now and forever. I'll give anything to hear you say ?That line'
'More than a friend?' She ask.
'?
Ang galing mo ah. MLTR fan ka nga.' Bumilib ito sa kanya.
But it's not what I want to hear.' He sent.
I mean ur reply...
I mean it...' He said.
Hindi na siya nakareply nang tuluyan ng maubos ang kape niya. Tumayo na rin siya at lumabas ng Café. Ni hindi na nga siya nakapagpaalam sa kausap.
"NABILI mo na ang gusto mo. Quits na tayo," sabi ni Charlie sa pamangking si Chester Loyd. Ibinalik ni Charlie ang mata sa tinatype. Nadi-distruct siya sa pagcha-chat. Kahit kailan, sakit sa ulo ang pamangkin niyang ito. Puro basag ulo lang ang alam. Kung hindi lang tolerated ng Ate Athena niya at favorite niyang pamangkin, matagal na niya itong nakutusan.
"Tito, tingin mo ba magugustuhan niya 'yong malaking Teddy Bear at chocolate roses?"
Nagkibit ng balikat si Charlie. Hindi pa naman siya nanligaw kaya hindi niya sigurado. Madalas naman kasi, siya ang nililigawan at nakikipaglapit sa kanya. Pero siguro kung kasing edadan ng pamangkin niya, siguro naman magugustuhan ng babae.
"Tito, nakikinig ka ba?"
"Oo," sagot niya kahit ang mga mata ay focus sa ka-chat. Kapag napapayag niya si Dana, napaamo at nakuha ng karisma niya sa chat. Papasa na itong pretend girlfriend or pose Fiancèe niya para sa mga pakialamerang Ate.
"Hindi ka naman nakikinig, Tito."
"Ano ba kasi 'yon?"
Kaagad niyang ibinulsa ang cellphone at baka mahuli siya nito.
"Sino ba kasi 'yang ka-text mo?"
"Wala. Bakit ba?"
"Sabi ko, kung mas matanda ba sa akin 'yong girl, magugustuhan ba niya ito?" Sabay pakita ng isang bouquet ng chocolate roses.
"Siguro."
"Siguro lang?" hindi kumbinsido nitong tanong sa kanya.
"What the F, Tito! Kaya ka walang long term jowa, boring ka kasing kausap."
Pinaningkitan niya ng mata ang pamangkin. "What did you say? Hoy, para sabihin ko sa'yo, hindi ko lang ugaling manligaw. Ako ang madalas nililigawan."
"Tss. Yabang. Mana talaga ako sa'yo."
Inihatid ni Charlie si Chester sa bahay ng Ate niyang si Athena matapos magpabili ng ibibigay daw nito sa bagong liligawan na naman. Naabutan nila roon ang Ate niya.
"Too much spoiling on your nephew."
"Pabayaan mo na, minsan lang maglambing."
"Madalas kaya. May bago na namang nililigawan. Akala mo may reserba. Madalas naman basted."
"Mommy, believe me now. Mapapasagot ko na ang bago kong nililigawan. Kapag nakita n'yo siya, kahit kay Tito, papasa ang ganda niya," parang nangangarap pang sabi nito habang ini-imagine ang nakitang babae.
"Ibigay mo na lang sa Tito mo, tutal iyan ang mas nangangailangan ng mapapangasawa."
"Ate naman."
"Shut up! Thirty two ka na, Charles, wala ka pa bang balak lumagay sa tahimik. Hindi naman buong buhay mo, kukunin mo lagi ang mga pamangkin mo para may mabitbit kang buddy."
"I will not settle for less. Hindi pa ako handa." Dumekwatro siya sa pagkakaupo sa mahabang sofa ng sala ng kanyang Ate.
"Kailan ka pa magiging handa, kapag may apo ka na sa mga pamangkin mo? Que horror! Ang pangit yatang tingnan na ang pinsan nila ay kasing edad ng anak nila."
Natahimik na lang si Charlie. Salungat sa ugali sa kompanya ang ugali niya ngayon. Kaya madalas siyang magbabad sa negosyo, walang kontra at walang nagmamandar. Hindi katulad sa labas, sa bahay-- siya ang kailangang sumunod at gumalang lalo na sa mga Ate niya.
"Anyway, make your schedule free this weekend. I have something for you to meet."
Kailan ba talaga siya tatantanan ng mga Ate niya.
"May business tour ako."
"Make your day, free. Clear?"
"Fine. Tawagan mo na lang ako. I have to go."
Lulugo-lugong umalis siya sa bahay ng Ate Athena niya. Dumilim din ang mukha niya nang makita ang dulo ng sasakyan. Magdidispatsa na naman yata siya ng kotse as if he was wearing another suit for the day.