Chapter 6

1571 Words
MATIGAS talaga ang lalaking ito. Hindi man lang natinag sa pasaring ng dalaga. Kanina pa sila nagbabangayan at si Janice, mukhang hindi na kinaya ang gulo nilang dalawa. "Sabihin na lang nating, langis ka at tubig ako. Hindi puwedeng magsama." Saka niya inirapan ang lalaki. "Wrong. You're fire. At kapag nagsama tayo, sasabog." Gumitna ang kaibigan ng dalaga na si Janice. "Kapag kayong dalawa, nagsama sa isang sitwasyon, nakow.. The more you hate, the more you love. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Bagay pa naman kayo." "Hindi kami bagay!" sabay pa nilang sigaw. "Tao ako, ewan ko na lang sa babaeng 'yan." "I'm not human. Diyosa kasi ako, maganda. Hindi katulad mo. Lahat ng tao nilikha ng Maylalang, ewan ko na lang kung sinong lumikha sa'yo." Kita rin ni Danica na nag-init ang tainga nito sa sinabi niya. Malamang ay nainsulto ang gago. "Kung ikaw na lang ang matirang lalaki sa mundo, hinding-hindi kita magugustuhan." "Don't worry, the feeling is mutual. Hindi ikaw ang tipo kong babae. You're not submissive enough to do my desire." "Aba! Bastos ka! Magpapakamatay muna ako, bago ako maakit sa'yo." "So, inaamin mo na rin palang gwapo ako." "Gago, hindi gwapo. Gunggong!" "Alam n'yo, para kayong mga bata kung mag-away. Walang kwenta," puna ni Janice. Lumapit na si Danica sa Cashier nang matigil na ang bangayan nilang dalawa at iniwan ang credit card para makapagbayad na. "Kailangan ko ng pumasok. Sayang ang oras ko sa walang kwentang tao." Sinulyapan pa niya ito saka inirapan at agad binawi ang card. Hindi na rin nagtagal ang lalaki. Nagpaalam na rin kay Janice. "I have to go." "Bakit, sir, hahabulin mo? Oyy.." "Ba't ko naman hahabulin? Siya ang sumira at bumangga sa dalawa kong sasakyan. Baka gantihan kamo, puwede pa. I'm not letting this everything go." Ngumisi na lang si Janice. Nanggigigil na dumating si Danica sa Branch, ni hindi nga niya binati ang mga staff doon. Rinig na rinig pa niya ang bulungan. "May topak yata si Ma'am." "Oo nga eh. Kahapon naman ang ganda ng ngiti niya kahit palaging puyat." Nilapitan niya ang dalawang babaeng ginagawan na yata siya ng pocketbook story. "Kapag ako nagsisante, pasensiyahan na lang." "Sabi nga po namin, Ma'am. Babalik na kami sa trabaho." Lumapit ang Waiter niyang lalaki. "Ma'am, may kanina pa pong naghihintay sa inyo. Chester daw po ang pangalan at gusto kayong makita, personally." "Sabihin mo, nag-resign na." "Ma'am, baka hindi po maniwala." "Kapag hindi mo napaalis ang lalaking 'yon, ikaw ang sisisantehin ko. Kuha mo?" "Ito na nga po, Ma'am." Mainit pa sa init ng umaga ang ulo niya nang sandaling iyon. Ang dahilan ay walang iba kundi ang lalaking palagi na lang niyang nakakabangga. He's annoying, haughty, pretentious, self proclaim at lahat na ng pangit na bagay na puwede niyang i-describe mula sa dictionary. Hinding-hindi talaga mangyayari na maipagsasama sila. Kung puwede ngang isumpa na niya ito ng tuluyan, nunca na matagal na itong hindi nasilayan ng araw. Makalipas ang ilang oras, sa pag-aakalang napaalis na ng Waiter si Chester, napilitan na siyang lumabas. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang matagpuang naroon pa rin ito at prenteng nakaupo habang hinihintay siya. "Hi," magiliw at nakangiting bati nito. Agad nagsalubong ang kilay niya at mabilis na hinanap si Martin, ang Waiter. Nilampasan lang niya si Chester. Hinila niya ang kwelyo nito sa sobrang inis. "Akala ko ba napaalis mo na 'yon? Bakit nandito pa rin ang batang 'yon, hah?" Danica asked with a greeted teeth. "Ma'am, bumalik po yata." "Fine. Ako na ang magpapaalis sa kanya." Binalikan ni Danica si Chester. "Hello. Here." Inilabas nito ang bouquet at inilapag sa mesa. "Hindi ko matatanggap 'yan." "Okay lang naman kahit hindi mo tanggapin. I understand." "Look, Chester--" "Simula nang matalo mo ako, na-magnet na yata ang puso ko sa 'yo. I don't care about our age gap. Gusto kita, Danica." Napadiretso ng tingin si Danica kay Chester. Paanong nalaman nito ang pangalan niya? Tiyak, may kinalaman ang mga staff niya. "Chester, sige sabihin na nating issue nga ang edad. Pero hindi lang iyon, schoolmate ka ng kapatid ko." "I will do everything para lang magustuhan mo ako." "Hindi iyon ang punto rito. Hindi kita puwedeng magustuhan." "Why not?" "M-may Fiancé na ako. Oo, ipinagpapasalamat kong nagkaayos na kami ni Denver dahil sa'yo but it doesn't make sense." "I like you, Danica. Bigyan mo naman ako kahit kaunting chance oh." "Kung ito ang trip mo, please lang, huwag ng ako." "Kasama ko ang Tito ko to prove how much I like you. Para maniwala kang totoo ang intention ko sa'yo." Sinalubong sila ng malaking Teddy bear na bitbit ng lalaking hindi niya puwedeng makalimutan. "Chester, ito na ang--" Napadako ang tingin nito sa kanya. "Ikaw na naman!" "Tito, siya 'yong nililigawan ko." "What?" Nabitiwan nito sa sahig ang teddy bear mula sa pagkadismaya nang marinig si Chester. Napatayo naman siya sa kinauupuan. "No, Chester! Imposibleng ang Manang na 'yan ang nililigawan mo." Natawag ng pansin ang mga kumakain doon matapos siyang insultuhin ng lalaking ito. "W-What did you say?" "May sa mangkukulam ka ba? At pati ang pamangkin ko gusto mong linlangin. Kung iniisip mo na dahil bata ang pamangkin ko ay makukuha mo ang gusto mo, then you're wrong." Nag-ulap ang mga mata ni Danica nang marinig ang insulto na kailanman ay hindi niya naisip na kaya nitong sabihin at sa lahat pa ng maraming tao. "Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ko hinatak o ginayuma ang pamangkin mo para magustuhan ako." Pinigil niya ang luhang pilit umaalpas at tumayo ng tuwid. "Holy s**t! Ganito ka ba kakiri? Masyado ka naman yatang opurtunista. Pumili ka naman ng kasing edad mo. Hindi por que wala ng pumapatol sa'yo, mga bata na ang tutuhugin--" Lumagapak ang malakas na sampal ng palad ni Danica sa makinis nitong mukha. "Alam kong matanda na ako, but you don't have to insult me infront of others. HINDI AKO MALANDI O OPORTUNISTA AT PUMAPATOL SA KAHIT SINO," mariing sabi niya bago ipagtulakan ang lalaki. "Lumayas kayo! Labas! Alis!" Umalis na rin naman si Charles, hatak-hatak palabas ang pamangkin.   KULANG na lang ay iuntog na ng binata ang pamangkin sa katangahan. "Of all woman, siya pa talaga. I thought, waitress or kasing edad mo but that woman, youre impossible!" "Tito, sumobra yata 'yong sinabi mo sa kanya. Nakita kong umiyak siya." Napapreno siya ng mariin. Nakita nga rin niya iyon, hindi nakaligtas sa paningin niya ang kinang ng luha sa mata ng babae. "Huwag mong ibahin ang usapan, Chester. Oo, spoiled ka sa'kin but it doesn't mean na palalampasin ko ang ginawa mo. Isusumbong kita sa Mommy mo." Minaniobra niyang muli ang sasakyan. Bigla siyang nagsisi na sinamahan pa ito. Ibabalik na niya ito sa Ate Athena niya nang maparusahan. "Alam kong ayaw mo sa kanya, pero hindi mo dapat siya ininsulto ng ga'non." "Nararapat lang sa kanya 'yon nang matigil ang pag-iilusyon niya. Believe me, ang katulad niyang babae ay pera lang ang habol sa'tin, lalo na sa'yo." Pagdating sa bahay ng Ate niya, una kaagad hinanap ni Charles si Athena. "Anong mayroon at parang sumisigaw ka?" pagtataka nito nang bumaba ito sa kotse. Mukhang galing sa pagpapa-Spa ang magaling niyang Ate at kararating lang. "Iyang anak mo. May nililigawan." "Charles, hindi na bago 'yon. Every weekend laging iba-iba ang nililigawan niya." "Ng seryosohan." "That's good. So what's the point?" Umupo ito sa sofa saka siya sinulyapan. "At mas matanda. Parang kasing edad ko lang, Ate." "Charles, malaki na si Chester. He's eighteen. Kaya na niya ang sarili." "It's a big deal, Ate. Tatanggapin ko pa kung ibang babae. But that woman whom I despite and loathed. No way!" Nagkiskisan pa ang mga ngipin niya sa sobrang inis. Tama lang na ipinahiya niya ang babaeng iyon kanina nang matuto itong magtanda. "Charles, hindi naman ikaw ang makikisama, anong problema mo 'don?" "No! Kahit ibigay mo pa ang basbas na magustuhan ang lukaret na 'yon. Hindi ako makapapayag." Sinulyapan ni Athena ang anak. "Go upstairs. Go to your room. Ako na ang bahala sa Tito mo." Tumango naman si Chester at agad umakyat ng hagdan. "You know what, I smell something fishy. Bakit naman hindi puwede siyang magustuhan ni Chester?" "Ilang beses ko ng nakabangga ang babaeng iyon. Indecent at parang walang pinag-aralan," gigil na bulalas niya. "Sa nakikita ko, hindi ang babaeng iyon ang may problema, Charlie. Kundi ikaw." "What?" "Baka naman kaya ayaw mo sa kanya para kay Chester, dahil gusto mo siya para sa'yo." "Don't use reverse psychology, Ate. I will never like that woman." Halos umusok na ang ilong niya para lang i-proved sa Ate niya na hindi niya gusto ang babaeng iyon lalo na para sa pamangkin. "Kung nagustuhan siya ni Chester, I'm sure he found her good side. Kaya huwag kang magmalinis." "Ate naman!" "Isa lang ang nakikita ko. You like her kaya ka ganyan." "No. It's not gonna happen." Tumawa ng malutong si Athena na lalong nagpadisgusto sa anyo ng kapatid. "Bunso, get a life. Mag-asawa ka na kasi nang hindi ka nangingialam sa lovelife nang may lovelife." Tumayo ito, nilapitan siya saka nagpatong ng kamay sa balikat niya. "Anyway, I'd like you to meet a new date. I will set a dinner date para magkakilala kayo. I'm sure this time hindi na sasablay." Nagpakawala ng buntong hininga si Charlie. "I'll accept it if that woman will get no approval with you." "No worries." Saka nagkibit ng balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD