Chapter 7

1435 Words
"TANTANAN mo na nga ako," reklamo ng pinsang si Franzier. Pilit kinukumbinsing muli ni Charlie ang pinsan para kitain ang blind date niya na inihain na naman ng kanyang Ate Athena. "Ngayon na lang ito," himig pakiusap ng binata. "Ilang dates pa ba ang ipakikilala kong ako ikaw? Magagalit na ang gf ko nito eh." "Akala ko ba, fling lang?" "Basta. Mind your own business." "This will be the last. Nagkataon kasing magkikita na kami ni Dana. Pumayag na siyang makipag-meet sa'kin. "Good for you. Siya na lang ang ayain mo at ipakilala mong girlfriend." "I can't. Balak ko kasing pormal siyang ligawan." Bukod pa roon ay may kasalanan siya kay Dana. Picture ni Franzier ang ginamit niyang profile pic. Sa makatuwid, isa siyang poser. Natakot ang binata na wala siyang makukuhang babaeng puwedeng magpanggap para sa kanya dahil sa hitsura niya na mukhang mabagsik. Lalapitan nga lang yata siya ay nangingimi na ang babae kahit pa makisig ang binata. Nakulitan na rin sa wakas si Franzier at pumayag na rin kapalit ng isang sports car. Mabuti na lang at mayaman siya kaya wala lang sa kanya kung magtapon ng pera. Sa isang fancy dining Restaurant ang usapang magkikita sina Charlie at Kriselle, ang babaeng inarrange ng kanyang Ate Athena para maka-date niya. "Is that the girl?" paniniguro ni Franzier sa kanya nang makita ang naka-baby pink dress at nakaupo sa two seat table sa loob ng Restaurant. "Yes. Lapitan mo na at sabihin mong taken ka na." Sa tuwing may mga fling girls, blind dates at mga obsess sa kanya, palaging si Franzier ang pananggalang niya. Ngayon nga ay mukhang sawa na ito at ito na ang pinakahuling gagawin nito. Kinakailangan na nga talaga niyang makahanap ng matinong girlfriend, iyong hindi lang pang-display sa mga kaibigan o sa mga Ate niya, kundi iyong masasabi niyang mamahalin na niya at makakasama habang buhay. Nilapitan na rin ni Franzier ang babae. "Hi. I'm Charlie." "Excuse me. I had his picture and I'm sure you're not Charlie I'm looking for." Napilitang ngumiti si Franz. Buking na siya ng magandang babae. "I'm sorry." "No worries. Nandito lang naman ako para sabihing hindi rin ako boto sa blind date na ito." Umupo si Franz sa tapat ng babae. "Have you get an order?" "It's okay, hindi rin naman ako magtatagal." "Mukhang pareho kayo ng dahilan ni Charlie. Sorry nga pala kung kailangan pa naming magpanggap. Alam mo kasi takot 'yong lalaking 'yon. He looks fierce, evil, strong and brave but deep inside him, he's a coward." "I agree." Saka tumawa ang babae. "I'm Kriselle." "Yeah and I'm Franz. Charlie's cousin." "I'm planning going back to Hongkong. Naroon kasi ang gusto kong lalaki. Actually, he's my childhood friend. Saka ko lang na-realize na gusto ko pala siya." Then Kriselle push a smile. "I agree, we realize, we like the person when we parter. Minsan kapag nawala na ito." "It's really nice talking to you. Mas mukhang matino ka pang kausap kaysa kay--Oh my God!" Natutop ng babae ang sariling bibig nang may biglang nagbuhos ng juice sa ulo ni Franz. "How dare you! Hindi ko akalaing two timer ka pala." "Two time.. What? No let me explain." "Nagsisisi ako at nagtiwala pa ako sa 'yo, Charlie. You're the worst thing ever happen into my life. Diyan ka na!" At mabilis na nilisan ng babae ang Restaurant. Gulong-gulo si Franzier sa nangyayari. Mukhang may kinalaman na naman si Charlie. Mabuti na lamang at tumulong si Kriselle para makapagpatuyo at makapag-ayos ng porma si Franzier. Gigil na tinawagan ni Franzier si Charlie para komprontahin ang tungkol sa nangyari kanina. "Where are you? Magkita tayo," sabi ni Franz kay Charlie. Sa tono pa lang ng boses ng pinsan alam na ni Charlie na nabulilyaso ang plano niya. "Why? What happened?" "Ikaw ang dapat kong tanungin. I'm hanging it up. Call me when you're at my unit." Napalinga-linga si Charlie sa paligid. Usapan kasi nilang magkikita sa Coffee Shop kung saan kuha ng profile picture ni Dana, ang babaeng ka-chat niya. Pero higit trenta minutos na ay wala pa ring Dana siyang natagpuan. Napilitan na siyang tumayo at puntahan na lang ang pinsan para alamin ang mga nangyari.   KAAGAD nakaiwas si Charlie sa ibinatong basyo ng lata patungo sa direkasyon niya. Franzier is drinking beer in can. "Ang laki naman yata ng problema mo sa'kin." "Tell me, bukod kay Kriselle, sino pang babae ang sinabihan mong ako ikaw?" "Siyempre wala na." Tinungga nito ang isa ang beer in can at nang maubos, piniga ang lata. "Wrong. May pumunta babae kanina, maganda. Nasa early twenties. Tinawag niya akong Charlie." "Holy f**k!" "Sinasabi na nga ba at may ginawa ka na namang kalokohan." "Get a life, Dude! Hanggang kailan mo pa ba ako gagawing defense? Kulang na lang ay magkatuluyan na tayo eh." Umupo si Franz sa sofa. Umupo rin siya sa kabilang dulo. "Ano pa ang nangyari?" "Siyempre, nakakahiya kay Kriselle. Nagmukha akong kawawa at kung nakita rin ako ni Berna. Paniguradong lagot na. Sira na naman ang imahe ko nito. You know I already quit being a womanizer. You are the one now, huwag mo namang ipasa sa'kin." Napahawak sa sariling baba si Charlie. May duda siyang ang ka-chat niyang si Dana ang babaeng tinutukoy ni Franzier. May usapan silang magkikita kanina but then, hindi ito dumating. She definitely saw Franzier with Kriselle. Inakala yata nitong ito ang totoong Charlie. "Spill it, ginamit mo na naman ba ako?" "I did. Sorry. I use your photo to be a poser." "What the hell, Charles!" "Hindi ko naman alam na magkakatagpo kayo. Of all the places." "Naman, naman, Charles! Kahit kailan pahamak ka talaga!" "Don't worry, babaguhin ko na ang profile. Sarili ko ng mukha ang ipapalit ko sa picture." "You better be. Baka marami ka pang ka-chat ah. At makita na naman nila ako isipin nilang ako ikaw." "She was the only one," malungkot na sabi niya. His meet-up became a disaster, thanks to Franzier's picture. Pinahamak siya ng sarili niyang kalokohan. Hindi naman kasi niya akalaing magbo-boomerang pala ang mga ginawa niya. Napakaliit nga yata ng mundo para mangyari iyon. "Nagalit siya kanina. Galit na galit." "Ano'ng mga sinabi niya?" pang-uurirat ni Charlie kahit na alam ng binatang masasaktan lang siya sa mga maririnig mula kay Franz. "Two timer ka raw. She was sorry meeting you. At ikaw ang worst thing na nangyari sa buhay niya." That hurts. Parang sinabuyan ng asido ang puso ni Charlie. Kung naroon nga siguro siya at nakita ang mga nangyari, baka lumubog na siya sa kinatatayuan. "You were pestering that girl." "I like her. I really, really like her. She'll not going to meet me again." "Then explain yourself in the chat. Sabi mo may number ka no'ng babae. Tawagan mo. Ano ka ba naman! Hindi pa katapusan ng mundo. Malay mo, siya na nga ang soulmate mo." Nagpakawala ng hininga ang nanlulumong si Charlie saka muling nagsalita, "Hindi ako naniniwala sa 'fallen thru chat' but she makes me believe. Nagising na lang ako siya na ang gusto kong palaging kausap. Gusto kong naririnig ang boses niya bago ako matulog. Gusto kong chat agad niya ang una kong mababasa sa umaga kaysa sa newspaper. Akala ko noong una gusto ko lang siyang maging poser girlfriend para may maipang-display kayla Ate. But then suddenly, she make me change my mind. And makes me whole. And I didn't know, day by day, as we go on chatting, unti-unti ko na pala siyang natututunang mahalin. It was all wrong. Mali lang na mukha mo ang ginamit ko dahil para na akong nagpanggap at kumuha ng pekeng pagkatao." "I believe you. Sabi nga ng mga staff mo, bumabait ka na nga raw. Hindi ka na gaanong nangsisinghal. At iyong nagnakaw ng kaban ng kompanya mo, bigla mong pinatawad. Akala ko hindi totoo ang himala. Nangyayari din pala sa totoong buhay." Napasabunot ng sariling buhok si Charlie. "I don't know. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Sira na ang tiwala niya sa akin." "Habang may buhay, may pag-asa. Believe me. And believe in your heart." "Ganyan ba pagnatututo ng magtino, nagiging makata?" "Gago! Hindi ka pa abswelto. Mapapaaga ang singil ko sa sports car." "I'll deliver it for you tomorrow morning." Sinamahan na lang din ni Charlie ang pinsan na uminom. Kailangan niya ng maraming gasolina, pampatibay ng loob at para makapag-isip siya ng matino. Dana drives him crazy. Hindi niya alam na ang katulad niyang tinaguriang 'Evil man' ng kompanya ay magbabago pa pala sa isang banda. And that is because of Dana--his longtime chatmate in Coffee Meets Bagel application.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD