Chapter 8

1546 Words
PATUNGO si Danica sa isang Restaurant nang may mapansin siyang pamilyar na lalaki. Naiintriga man ay tila may sariling buhay ang mga paa ng dalaga na umatras at lumayo roon. Hindi siya maaaring magkamali. There he was raw and vivid. Pero bakit may kasama itong ibang babae? Nakikipag ngitian at nakikipagtawanan. Kung ganoon ay maaaring tino-two time siya nito. Ang walang hiyang iyon! Akala pa naman niya ay seryoso na sa kanya ang binata, iyon pala sa malamang ay pampalipas oras lang siya. May gana pa itong makipagkita ngayon, habang nakikipagharutan naman pala sa ibang babae. Kahit pala sa dating app ay hindi na siya puwedeng maniwala. Charlie is no Saint as good as she thinks. He's a pure seductive womanizer.  Tila kinurot ang puso niya sa nasaksihan. Ilang beses pa niyang sinulyapan ang binata, mukha talaga iyon ng Charlie na ka-chat niya sa Coffee Meets Bagel App. Kung kailan balak pa naman niyang payagan na itong makipagkita sa kanya ay saka nito nagawa ang bagay na iyon. Sino nga naman ang agad nahuhulog sa simpleng chat? Real talk and meeting the person is most advantage. Kung kailan din hulog na ang loob niya, saka pa siya niloko. Hindi na nakapasok si Danica kinabukasan. Nasa bahay lang siya at nagmumukmok. Wala nga yata siyang balak buksan ang cellphone niyang naka-switch off. Pinatay niya lahat, pati ang laptop at kung kaharap niya si Charlie, baka mapatay rin niya ito, pero siyempre biro lang ang huli. Hindi pa naman sira ang ulo niya para gawin iyon. Wala na siyang balak makipag-usap sa kahit sino. Kinulong lang niya ang sarili sa kwarto. Kung may pagpaplanuhan siguro siyang patayin, uunahin na niya ang walang pusong uncle ni Chester. Nagtubig ang mga mata ni Danica. Ano bang karapatan nito para sabihin sa kanya na pumapatol siya sa bata? Hindi naman siya nauubusan ng lalaki ah. Napakasama nito. Akala mo kung sinong Santo kung magsalita. Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki. Hindi dapat pinagkakatiwalaan. Sa isang banda, bigla niyang naisip si Charlie. Ito lang ang sumbungan niya at dinadaingan ng mga problema. He was her stress and depression reliever but then Charlie make her cry and stress her too. Saan na nga ba siya tutungo? Hapon na nang maisipang lumabas ng dalaga. Dinala siya ng mga paa sa isang Couples Café and Restau. Gulong-gulo nga yata ang isipan niya kaya pumasok pa si Danica roon. She must be delussional and undergoing a heartache and painful experience yesterday and right now. Gusto niyang umiyak but she manage to stop her tears from crying. Mga lalaki lang 'yan. Hindi dapat iniiyakan. Nakaya nga niyang walang lalaki sa buhay for over twenty eight years, ngayon pa ba siya susuko at luluha? Hindi naman siya sinita, kaya dumiretsong pasok siya sa loob. Doon na muna siguro siya magpapalipas ng sama ng loob. Naupo siya sa dulong bahagi at saka dinukot ang sarling phone, muling binasa ang mga text. She promised herself na hindi niya bubuksan but then, natukso na naman siya. Bigla siyang nagsisi na sinent niya kay Charlie ang personal number niya. Bakit kasi nagtiwala siya sa loob lang ng ilang buwan nilang pagkakamabutihan at pagkilala sa isa't-isa. At kaya na rin niyang basahin si Charlie. Hindi maikakailang labis siyang nasaktan sa nangyari sa ginawa nito. Bakit nga naman siya masasaktan kung hindi naman niya ito nobyo? Oh s**t! She invested her feelings for him. Maling-mali. Chat lang, kaibigan-- iyon lang dapat ang lugar nila sa isa't-isa, but she's too much. Dahil puso na ang pinairal niya at hindi ang isip. Napakababaw talaga niya. Naniwala pa kasi siya kay Janice na wala ng magmamahal sa kanya dahil tumatanda na siya na kung tutuusin, napakaraming lalaki sa mundo. Mayroon pa ring magmamahal sa kanya. She ignore his text even calls. Ayaw niyang makausap ito. "Charlie Cordoval, sinungaling ka. Manloloko." Kinuha niya ang menu baka kasi nag-iilusyon lang siyang naririnig ang boses ng beast and worst man she ever bump. Itinakip sa mukha at kunwari ay binabasa. May dala nga lang siguro itong kamalasan sa buhay dahil simula nang makabangga niya ito-- ang sasakyan nito ay palagi na lang siyang minamalas. "Don't. I have company," narinig niyang sabi ng lalaking pamilyar ang tinig sa kanya. Kailan pa kaya naging pamilyar sa kanya ang presensiya nito? Maybe because she curse him to death. Napadiretso siya ng tingin nang umupo sa harapan niya ang lalaking isinumpa niya ng kamalasan. At dahil isinumpa niya ito, parang magnet na dumidikit at hinihigop siya. Ngayon ay pati siya, dinapuan na ng kamalasan nito. "I'm with her." Kinunutan niya ito ng noo at tinaasan ng kilay. "What?" Itinungo nito ang ulo at bumulong. "Baliktad ka pala magbasa ng menu." Inungisan niya ito at bubuka pa sana ang bibig niya para kontrahin ito nang muli itong magsalita, "Manahimik ka na lang kung ayaw mong pareho tayong paalisin." Kinuha nito sa kanya ang menu. "At bakit naman?" Iminuwestra nito ang isang karatula. 'For ��� couples and ��� lovers Coffee Shop only. Mahinang napamura siya sa nabasa. Kung hindi lang okupado ng emosyon, hindi siya makakarating sa lugar na iyon. Tila naging allergy siya sa word na 'Couples at Lovers' Tumango-tango na lang siya kahit napipilitan. "Hindi ka pa pala nakaorder. Ako na ang oorder." "No need. Just mind your own business," pagmamataray niya rito. Dapat ay pumasok na lang talaga siya at hindi na nagdrama pa. Baka hinahanap na rin siya ng staff niya. Tumungo na lang sana siya ng bookstore at baka may mapala pa siya kapag binili niya ang paboritong libro na akda ng favorite niyang writer na si Lemnlydane.   KUNG nakakatunaw at nakamamatay lang ang titig, kanina pa siguro ito pinaglalamayan. "Hindi ka mabubusog sa pagtitig sa'kin." "Hindi ka pa ba nangingisay?" "Sa kilig. My seduce power ba ang mga tingin mo. Hanep!" Napalo niya ang bilugang mesa sa sobrang inis. Mangilan-ngilan ang napalingon. "Don't worry hindi pa rin kita gusto para sa pamangkin ko." "The feeling is mutual, hindi ko rin gusto ang pamangkin mo." "Mabuti naman." Kinuha nito ang menu at binasa. "Don't you think we got a big connection." "What?" "Because I'm always next to you.Just like imagination." "Dream on." "'Yong kanta, next to you by Jordin Sparks." Muli ay napahiya na naman siya. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Inirapan lang niya, tinawag naman nito ang Waiter. "Ito ang sa akin," sabi ng lalaki sa Waiter. "This is my drink." Ibinigay rin niya sa Waiter ang order niya na tubig lang sana. "Wat--" "Sorry Ma'am, naka-order na po kasi ang boyfriend n'yo. One person per couple lang po. Don't worry for two's naman po lahat ng pagkain namin dito." Nagpakawala na lang siya ng buntong hininga. Wala naman siyang magagawa. Kaysa mapahiya sa loob ng Café, pagtitiisan na lang muna niya ang lalaking kinamumuhian. Hindi siya makapapayag na manalo ito sa laban. Nang makalayo na ang Waiter para kumuha ng order nila, binistahan niya ng tingin ang lalaki. Sinipa niya sa ilalim ng bilog na mesa ang binti nito. Napahiyaw nga ito sa sakit. "f**k! What the hell!" "Mabuti nga sa iyo. Kung gusto mong magtagal dito, magtiis ka." "Pasalamat ka naging babae ka, kundi kanina pa kita... hinalikan." "Ano iyong huli mong sinabi?" Hindi siya nito pinansin. "Fine. Not my concern." Ilang minuto ay inilatag na ang pagkain. Kung siya ay todo iwas na titigan o sulyapan man lang ang binata, ito naman ay kuntodo pa-cute pa ata sa kanya. Focus na focus ang mga mata sa mukha niya, lalo na sa labi niya na hindi niya mawari kung marusing ba siya. "Let's eat." Hindi naman sobrang sama nito, iniumang pa nga nito ang bandehadong plato sa gitna para makakuha siya. Uminom lang siya ng kiwi juice, nang malanghap ang amoy ng sauce na nakapalibot sa fries. Hindi na siya nagdalawang isip na sumawsaw pa roon. "Hmm.. First time kong nakakain at nakapunta rito. Masarap nga ang Food nila. Pero mas appreciated siguro ito kung totoo tayong couple." Inismiran lang niya ang kadaldalan nito. "Masarap 'yong sauce. Peanut sauce. Ayaw mong tikman?" "Sinawsawan mo na kaya ayaw ko na," pagsisinungaling niya sa tunay na rason. "Tikman mo na," pamimilit nito. "Ayaw ko nga sabi, may al--" Too late, he already put straight to her mouth that fries with the stupid sauce. Upang hindi mapahiya, nilunok niya iyon kasabay ang paglagok ng juice. Naramdaman niyang mabilis na nag-init ang pisngi niya. "Marami ka palang pimples. Mukha lang palang makinis ang mukha mo sa malayuan," puna nito sa mukhang hindi nito nilubayan ng tingin. Damn it! Kumalat na ang allergies sa mukha niya. Iyon pa naman ang unang tinatamaan kahit pa nga kaunti lang ang kainin niya. Dapat ay hindi na lang kasi siya nagmatigas. Gumanti nga ito-- Big time. Dinukot niya ang compact mirror sa bulsa ng suot niyang uniform para silipin ang sariling mukha. "I'll pay the bill. Treat me next time, 'yong mas mahal." Tumayo na ito at hindi man lang siya pinansin. "Wait.. Sandali lang!" Pero ang damuho, parang walang narinig. Nabitiwan niya ang hawak na compact mirror, hanggang unti-unti ng hindi na siya makahinga. Namumula na ang buo niyang mukha, nag-iinit pati ang lalamunan niya at naninikip na ang dibdib niya. Nakatingin na lamang siya sa papalayo at papalabong pigura ng lalaki.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD