Chapter 9

1556 Words
MAPAGLARO nga talaga ang tadhana. Paanong ang Dana na ka-chat niya ay ang babae palang kinamumuhian? Charlie was passing by when he bump someone. Pero himala at hindi siya nito pinansin as if she was cursing to someone. Hindi na lamang niya pinansin ang naglalakad na sa harapan niya. He dialled a number. Pamilyar ang ringtone sa kanya. Naalala ni Charlie na nagkasundo sila ni Dana na iisa lang ang gawing ringtone-- More than a friend ng Michael learns to rock. At nagulat siya ng pareho iyon ng ringtone ng babaeng madalas na manira ng araw niya. He texted her to explain for what he did. There's still no reply. Muli siyang tumawag. Ang nakapagtataka lang, bakit nagkakataong tuwing magse-sent siya ng message ay palaging tumutunog ang cellphone ng babae at binabasa ito, ganoon rin kapag tumatawag o miss call man lang siya. "Oh f**k! This is a joke, right?" Binuksan niyang muli ang Coffee Meets bagel. Pinalitan na niya simula kahapon ang profile picture. Nakaupo sa sofa at naka-side view na ang bagong picture. Dumayo siya sa account ni Dana, he browse her photos. That eyebrows and lips are really familiar. "Damn it!" Nadurog ang puso ni Charlie nang tila telang napagtagni-tagni ang kwento ni Dana at ang nangyari sa kanila ng babaeng nililigawan ng pamangkin niya. This is hell! A confirmation brought his mind. She was her. He's a total jerk! Bakit ngayon lang niya na-realized iyon? Sinundan niya ang babae na tumungo sa isang Shop. Nang basahin niya ay 'For Couples only' Shop iyon. Bakit ito papasok roon? May kikitain kaya ito? Napapantastikuhang pumasok na rin siya. Natawa pa siya nang makita sa malayuan na itinatago nito ang mukha sa menu dahil nakabaliktad iyon. "Sorry sir, for couples po ang Shop, kung wala po kayong kasama, hindi po kayo puwedeng--" Itinaas niya ang kaliwang palad para patigilin ito. "Don't. I have company." Halatang inis na inis ito sa presence niya na kung puwede na nga lang yata siyang tirisin o kainin ng inuupuan niya ay nangyari na. Ano pa ba ang magagawa niya? Hindi naman puwedeng ibalik ng binata ang mga nangyari na. All he can do is to make everything right. Ask her for forgiveness. Charlie was crossing his arms habang nakatingin sa babae. She was indeed beautiful. Mas maganda nga lang siguro ito kapag nakangiti. Kasing ganda ng mga nakangiti nitong picture sa profile. Her fuller lips that maybe embroided by a Goddess. Her cheekbone, an apple like. She's pretty, no doubt. And she was pretty inside out, kung hindi lang niya ito pinagdudahan noong una. He was impressed the way she was talking to her like he was her bestfriend-- beastfriend now, pestering her before. Naging masama siya sa babae. And he already knew how her life now because of her stories and their nonstop conversation way back in chat at Coffee Meets Bagel. Kasalanan naman kasi niya, he was the cause of her pain. Hindi maikakailang masasakit ang mga sinabi niya sa babae. Overboard at hindi talaga makatao pati ang pagtrato niya sa babae. Kung nagkakilala lang siguro sila sa maayos at magandang paraan, mabilis niyang mababawi ang panget na impression nito sa kanya. He was wrong. He thought, she was a gold digger at ugali nitong patulan ang mga bata. He was completely insane. What a Jackass. Kulang na lang ay i-describe na niya lahat ng pangit na katawagan sa katulad niya. Paano pa kaya niya makukuha ang puso nito? Nang ilatag ang order, saka lang siya natinag na titigan ito. Mukhang wala pa rin ito sa mood, she has no appetite seeing him. Kasalanan talaga niya. Kahit anong alok niya sa kinakaing fries ay mukhang wala itong balak na kumain at parang diring-diri pa sa kanya kaya naisip niyang subuan na lang ito. Dapat nga yata nilawayan muna niya, baka sakaling umamo at bumait ito gaya ng ginagawa sa mga ligaw na pusa o aso para mapasunod ng amo. "Marami ka palang pimples. Mukha lang palang makinis ang mukha mo sa malayuan." Ngayon lang niya ito natitigan ng matagal iyong tipong gahibla na ang mukha nila. Itinulak siya nito at may kinuha sa bag. Siguro nga ay hindi pa ito ang tamang panahon para magtapat siya sa dalaga. Umahon na siya sa upuan at nagpaalam. "I'll pay the bill. Treat me next time, 'yong mas mahal." Para mas matagal pa silang magkasama. Nilapitan niya ang Waiter saka binigay ang buong isang libo kasama ang tip. Lumabas na siya ng Shop. Siguradong naaalibadbaran ito sa mukha niya. Ayaw naman niyang lalo pang sumama ang imahe niya sa babaeng pinangarap niyang makatagpo at ngayon ay kilala na niya ito. Hindi na niya pakakawalan pa ang babae kahit pa isumpa siya nito at ipagtabuyan. Babawi na siya at iaayos ang lahat. Bago pa man makalayo si Charlie ay narinig na niya ang komosyon sa Shop. Nagkakagulo at maingay. Mabilis siyang bumalik para silipin iyon. Nanlaki ang mata niya nang makilala ang nakahandusay sa sahig, namumula at walang malay. Patakbo niya itong nilapitan at puminta ang labis na pag-aalala. "f**k! Dana! Dana, gumising ka!" Inutusan niya ang mga naroon na tumawag ng Ambulansya. "Kapag may nangyaring masama sa kanya, ipapasara ko ang Shop niyo!" galit na sigaw niya habang nagkukumahog na pagmalayin ang dalaga. Napakapit siya sa pupulsuhan nito, humihina ang t***k ng puso ni Dana. Delikado, parang na-food poison. Agad niyang binuhat ang dalaga. Sakto namang may paparating ng Medic. Agad inilipat si Dana sa stretcher at saka ipinasok sa Ambulance vehicle. "Sasama ako!"   PAGDATING sa Ospital ay hindi na siya umalis pa roon. Nakabantay lang siya para abangan ang Doktor na sumusuri sa dalaga ngayon. Napasuntok siya sa pader. It was his fault... again. Palagi na lang niyang napapahamak ang babae. Napaisip si Charlie, imposibleng na-food poison si Dana dahil kumain din naman siya ng pagkain sa Shop kanina. Biglang sumagi sa isipan niya ang mga butlig sa mukha ng babae. Bago pa sila umorder ay wala iyon kanina, naging visible nang matapos nitong kumain ng fries na may peanut sauce. "f**k! f**k! Ang gago ko!" Halos iuntog na ni Charlie ang ulo sa pader when he realized her allergies. "Ang tanga mo, Charlie. Bakit nakalimutan mo ang importanteng bagay na iyon?" Napaghugpong niya ang mga palad at mariing nagdasal. Ayaw niyang mawala si Dana, marami pa siyang gustong sabihin at aminin. Marami pa siyang plano para sa kanilang dalawa. Lumabas ang Doktor na sumusuri sa dalaga, sinabi nitong allergies ang dahilan kaya ito nagkaganoon at kung hindi naagapan ay maaaring ikamatay ng pasyente. Mapalad pa nga raw ang dalaga at ligtas na ito, umepekto ang mga gamot. Of course he knows what allergy means, rushes from face then over the body, redness and the worst short of breathing that may lead to death. That's exactly what happens to Dana because of his egoistic pride. Charlie came to her room. Napaupo siya sa natutulog na dalaga. Inabot niya ang kamay nito at hinagkan ang likuran ng palad. "I'm so sorry for what I did. I know, duwag ako. Hindi kita maharap at hindi ko magawang hingin man lang ang kapatawaran mo ng harapan. I'm so sorry. I promise, the next time will meet. I will do everything to make you a good impression, swear." Lulugo-lugong lumabas si Charlie. Ayaw na niyang palalain ang sitwasyon. Lalo na kapag nakita siya nito. Naalala niya ang kaibigan nitong si Janice. Agad niyang tinawagan si Janice para makapunta na rin ang pamilya ng dalaga. Unang dumating si Janice sa Hospital at kagaya niya, alalang-alala rin ito sa nangyari. "Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam na may allergy siya sa peanut." "It's okay. Inosente ka naman. Besides bukod sa akin at sa pamilya niya, wala ng iba pang nakaaalam. Ayaw kasi niyang malaman ng iba ang kahinaan niya. Ayaw niyang kaawaan at magmukhang katawa-tawa. Thank you for saving her life. Magkakamalay rin siguro agad siya. It's okay, Charles. Huwag ka ng mag-alala. Everything will be alright. Ang gawin mo, umuwi ka na lang muna at magpahinga, don't stress out yourself." Ginawa ni Charlie ang bilin sa kanya ni Janice. Umuwi siya ng bahay. Hindi pa rin siya matahimik, hindi lang dahil guilty kundi labis na nag-aalala. Matapos ang sandaling trabaho, nagpaluto siya sa house maid ng lugaw para dalhin sa Hospital. Bumili na rin siya ng prutas. Nasalubong ng binata si Janice sa hallway ng Ospital na pauwi na. "Wait. Kumusta na si Dana?" "Still unconscious." Iniabot niya ang basket at paper bag. "Nagpaluto ako ng lugaw sa maid. Pakibigay na lang." "Ayaw mo bang ikaw na ang magbigay?" "Masyadong kumplikado pa ang sitwasyon. Ayaw kong masaktan at maging emotional na naman siya kapag nalaman niya." "Fine. Naiintindihan ko na." "Kung naging maganda lang sana ang encounter naming dalawa, hindi sana ganito." Kinuha rin ni Janice ang mga bitbit niya, nagpaalam at bumalik sa Room ng dalaga. Dalawang magkasunod ng gabi na naroroon siya at palihim na binibisita ang dalaga, pinapapalitan din niya ng paborito nitong bulaklak ang vase sa patient room. Pinupunasan siya at minsan ay binabasahan lalo na kapag walang bantay. Dalawang araw na ring hindi ito nagkakamalay na lalong nagpakaba sa kanya. Kailangan na niya ng taimtimang dasal, gusto pa niyang lalong makilala at makasama si Dana. He promise to make a good shot. Sana ay magkamalay rin ito kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD