Chapter 10

1567 Words
NASILAW ang mga mata ni Danica sa kaputian ng paligid. Maging liwanag na nanggagaling sa florescent lights sa kisame. She wasn't dreaming at all. Sa panaginip niya, may lalaking nag-aalaga sa kanya, nagpupunas ng braso at mukha niya. Nagbabasa ng favorite niyang book at nagkukwento sa kanya ng buhay nito. Madalas din itong magdala ng mga bulaklak at mag-iwan ng pagkain o prutas sa mesa. "Anak, sa wakas nagkamalay ka na," nakangiting bungad ng kanyang ama. "Pa? Bakit kayo narito?" Napalibot ang mga mata niya sa paligid. Then she realized she was hospitalized. Sino kaya ang nagmagandang loob na dalhin siya sa Ospital? Or maybe all the staff in the Coffee Shop? Thanks to that guy and she was almost drowned to death. "Pupunta lang kami ng Mama mo sa Doktor para itanong kung kailan ka puwedeng ma-discharge," paalam ng kanyang ama saka tinanguan ang Mama Sandra niya. Tumango na rin siya, ang kapatid naman niyang si Denver ang dumating. "Ate, kumusta na ang pakiramdam mo?" "Denver? Wala kang pasok ngayon?" Umiling ito. "Kasama ko nga pala ang girlfriend ko--Aray! Batok naman 'to agad." Lumapit din sa kanya ang babaeng kasama ng kapatid niyang si Denver at nambatok rito.   "Hello po, I'm Krishna." Saka ito tumawa. "Huwag n'yo po siyang pansinin. Nanliligaw pa lang po 'yan. Hindi pa niya ako girlfriend." "Pssh. D'on din naman punta n'on." "Huwag na lang kaya kitang sagutin 'no." "Kidding." Natawa na lang si Danica sa dalawa. "Anyway, hindi ko naman kayo pagbabawalan. Basta-- "Basta mauuna ka munang magnobyo, Ate," pang-aalaska ni Denver. "Sira! Siyempre dapat hindi n'yo pa rin pababayaan ang pag-aaral n'yo. Kailangan n'yong maka-graduate pareho sa college, then have a good job and settle down." Tumawa lang si Denver. Ang nagpakilala namang Krishna ay lumapit sa kanya sa kabilang parte ng kama. "May gusto nga rin po palang dumalaw rito." "Ate, ginayuma mo ba ng sipa ang kumag na 'yon? Lakas ng trip eh." Napatingin siya kay Denver. Ano bang sinasabi nito? "Who?" "Hi." Saka dumating ang tinutukoy ng mga ito. "Chester?" "Don't worry, hindi naman ako manggugulo. Ibibigay ko lang 'tong fruits at flowers and checking on you then I'll go ahead na." Wala namang choice si Danica kaya napatango na lang siya. Kasama si Krishna at ang kapatid niya, pabirong pinagtabuyan ng mga ito si Chester at sabay-sabay na umalis. Then her sister, Divina came. "Ateee!" Parang fire alarm ang boses nito sa tinis habang sinasalubong siya ng yakap. "Kinabahan talaga ako, 'Te nang malaman namin kay Ate Janice na nasa Ospital ka. Okay ka na ba? Kailan ka raw ba puwedeng i-discharge?" sunod-sunod na tanong nito na excited talagang makita siya. "Daming tanong, excited lang." "Anyway 'Te. Sinugod mo ba ang Boss namin?" Umupo ito sa tabi niya. "Napansin kasi naming bumabait na si Evil Boss. Alam mo 'yon, parang naging Anghel. Hindi na nga siya nangsisisante. At ito pa, nampo-promote na instead of firing. Sa katunayan, isa nga raw ako sa naka-line up para sa promotion within this week." "Good to hear that. Masaya ako para sa'yo." "Ate.. Hmm. Gusto ka raw makita ng Boss namin. Nabanggit ko kasi sa kanya na dadalawin kita ngayon. Since Saturday naman and day off, sasama na rin daw siya." "Ba't naman naging concern 'yang Boss mo--" "Baklaaa! Hay naku, bakla ka talaga ng taon." Kagaya ni Divina tinis din ng tinig ni Janice ang sumalubong sa kanya. "I have something for you." Akay-akay nga nito ang sinasabing 'something'. "Ate, siya pala ang Boss namin at may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan ko, si Boss Charlie." "At siya ang nagdala sayo rito," dagdag ni Janice. "H-Hi. Alam kong hindi ako welcome dito." Hindi na lang siya umimik at hindi rin ito pinansin. "So, guys, maiwan ko muna kayo. Mag-usap kayo ng masinsinan. And Charles, tell her the truth." Sinundan na lang ni Danica ang likod nina Divina at Janice na palabas na ng Patient room. "I'm sorry. Hindi ko naman alam na, allergic ka sa peanut and I didn't know na kapatid mo pala si Miss Carreon." Hindi pa rin niya ito kinikibo. "Kumain ka na ba? Nagpaluto ako ng lugaw. Eat. Have some." Inilapag nito sa mesa ang bag kung saan naroon ang mga tinutukoy nito. "Hindi pa ako gutom. Makakaalis ka na," malamig na sabi niya na hindi man lang sinusulyapan ang nagpakilalang Charlie. Tumingin ito sa kanya ng seryoso. "About what I've said. I'm sorry. I know I was so rude. I'm really sorry." Bahagyang sinilip ni Danica ang lalaki sa peripheral vision. "Fair enough. You saved me and brought here. I think wala ka ng utang sa akin." "Alam kong hindi mo pa ako kayang patawarin but at least give me a chance." He turned his back and walked in front the door. "Sandali!" Napalingon naman ito at muling bumalik sa kanya na may bahagyang pagngiti. "Pakibalik ang lahat ng 'yan sa pamangkin mo. Isama mo na rin 'yang dala mo. I don't need your pity nor help. Makakaalis ka na."   TINALIKURAN na ng higa ni Danica ang lalaki. Wala siyang pakialam kung magdusa pa ito. Nararapat lang. Napakasama nito, ininsulto nito halos ang buo niyang pagkatao. At ang kapal din talaga ng mukha nitong dumalaw. Pasalamat lang talaga ito at naging Boss ito ng kanyang kapatid, kundi katakot-takot din na singhal ang aabutin nito sa kanya. Iniisip ba nitong ganoon lang kadali ang lahat? Na isang sorry lang ay mawawala ang sakit. Siya na ang nagmamatigas at may malamig na puso. And at least give him time to suffer. Kinahapunan na na-discharge si Danica, nang balingan niya ang mesa matapos tipunin ang mga gamit para makauwi, nakita niya roon ang isang baunan. It was left, the same bowl she use to see in her dreams. Could it be possible that the person behind her dreams is no other than her enemy? Bakit naman kaya ito babait sa kanya? O baka dahil guilty ito sa nangyari. Kinuha niya ang mababasaging bowl, inalis ang takip. Humalimuyak sa kanyang ilong ang amoy ng lugaw. Siguro kung buhay lang din ang kanyang ina, madalas din siguro itong paglutuan siya. Sayang at hindi man lamang niya ito nasilayan. Prutas lang naman ang kinain niya kaya nang kumalam ang sikmura, hindi lang pride ang nilunok niya, pati ang lugaw na dala ng taong kinaaayawan niya. Dinala na rin ni Danica ang bowl, ibabalik na lamang niya iyon kay Charlie para hindil na tumubo ang utang na loob niya.   ******** Nalaman din ni Charlie sa pamangkin na discharge na si Dana kahapon. Nagpahanda siya sa sekretarya niya ng bulaklak na paborito nito at ang egg pie na sa Batangas pa nabili. It was good to have advantage that he knew Dana in chat. Pagdating sa gate ng mga Carreon, halos nagsabay pa sila ng kanyang pamangkin na kumatok sa pinto. "Anong ginagawa mo rito, Tito?" "I should have ask you that question. What are you doing here?" Kagaya niya, may tangan din itong bouquet, mas magandang hindi hamak lang ang pagkakabalot ng sa kanya. Agad niyang itinago sa likuran ang mga bulaklak. It was same flowers with what he brought. "Bakit ka nga narito?" "Dadalawin ko lang si Miss Danica at liligawan na rin. Eh ikaw ba, huwag mong sabihing manliligaw ka rin at magiging magkaribal pa pala tayo. Paano nangyari 'yon?" Bigla siyang nasamid at tila nautal. "O-Of course not. A-alis na ako, may nakalimutan pala ako sa opisina." Kaagad bumalik ng sasakyan si Charlie. Hindi puwedeng ligawan nito ang babaeng nakatadhana na pala para sa kanya. His niece must have been messing a wrong person. "Hello, Ate Athena. Tawagan mo ngayon din si Chester." "Ha?" Nabigla ang ate niya sa phone. Sigurado siyang nagtataka ito. "Charles, ano na namang kalokohan ito?" "Please. Magdahilan ka na lang. Kahit ano. Basta kailangang umalis siya rito." "Teka. Teka lang. Kumalma ka nga. Ano bang nangyayari?" "I just need your help. Just only now. Please.." "Fine. Basta may kapalit ang--" "Thank you." Hindi pa nasasabi ng kanyang ate ang kapalit ay pinatayan na niya agad ito ng phone. Nasilip ni Charlie na hawak na nga ng pamangkin ang phone at may kausap sa phone hanggang bigla itong nagkumahog, sumakay ng sariling kotse at agad na pinaharurot iyon. "One down," mahinang bulong niya saka napangisi. Mabuti na lang at maaasahan niya ang Ate Athena. Bumaba na siya ng kotse at siya na ang kumatok sa gate. May nagbukas naman na may edad na babae. Hindi kamukha ni Dana, marahil ay hindi nito kamag-anak. "Upo ka, hijo." "Si, Dana ho?" "Naku, maaga pa lang ay umalis na. Pinigilan ko nga na huwag ng pumasok sa trabaho. Matigas talaga ang ulo ng batang iyon." "Malas," mahinang bulong ni Charles at napakamot sa ulo. Wrong timing pa ang punta niya. "Anong sabi mo?" "Aalis ho.. Aalis na ho ako. Siya lang talaga ang sinadya ko rito." Ibinigay niya ang bouquet. "Sa inyo na ho ito." Initinulak niya ang isang malaking karton ng egg pie sa puwesto ng ginang. "Sa inyo na rin ho ito. Pagsalu-saluhan ho ninyo." Ngumiti ang ginang. "Naku, salamat dito. Siguradong magugustuhan ito ni Dana." Nginitian na lang niya ang babae at nagpaalam na rin. No wonder, she left early and must been hiding. Hindi duwag si Dana, alam niyang hindi siya nito pagtataguan lalo na nang ilang beses niya itong makaingkwentro, matapang itong babae at marunong lumaban. At mukhang nilalabanan na naman siya nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD