Chapter 11

1470 Words
NAPABALIK mula sa pinanggalingan si Danica nang matanaw niya sa glass window ng fastfood chain ang lalaki, no other than Charlie, ang boss ng kapatid niya. "Wait. Bakit na naman nandito ang lalaking 'yan?" Of all faces. Okay pa nga siguro na si Chester na pamangkin na lang nito ang makita niya kaysa ang lalaking ito. Kahit pa nag-apologize na ito, still the damage has been done. Ininsulto pa rin siya nito at hindi na iyon mababago. Words are sharper than swords indeed. She glance at him once. He's still there. Nakasandal sa sariling sasakyan habang panay silip sa relong pambisig. Mukhang inabangan nga nito ang paglabas niya. But what he strikes her the most is his looks today. Tila may nagbago sa hitsura ng lalaki. Minsan pang pinasadahan ng tingin ni Danica ang binata. He wasn't the same man she use to hate. Nagbago na ang aura nito, despite of being handsome than before. Nabawasan na ang pagkunot lagi nito ng noo, maaliwalas na ang mukha kahit pa bakas pa rin ang kasimpatikuhan. Hindi na maiaalis na naging cool na ang hitsura nito ngayon kaysa noong mga ilang beses silang nagkabangga. He's in his long-sleeved navy green shirt folded until arms tucked in his deep brown slacks. Magaling talaga itong magdala ng damit. Iyong tipong kahit suotan ng basahan ay mangingibabaw pa rin ang kagwapuhan. Napatutop siya sa sariling bibig. Did she actually says he's handsome? Oh well, wala namang nakaririnig. Hindi naman talaga maikakaila na gwapo ito, natakpan lang ng kaarogantehan kaya hindi niya ma-appreciate. She took a heavy glance again focussing on his face. Wide angular jaw, clean shaves and prominent sharp nose, his eyes were sparkling too just like his face. "Labasin n'yo na kasi Ma'am, hindi 'yong titig lang kayo ng titig." "Ay baluga ka!" Napasigaw si Danica sa gulat nang sumulpot sa tagiliran niya ang isa sa kanyang staff. "Puwede ba, huwag ka ngang nanggugulat?" "Kayo nga nanggugulat diyan. Sumigaw pa kayo." "Wala ka na bang gagawin? Nas'an na 'yong inventory list ng ingredients?" Napakamot ulo ang babaeng staff. "Kay Jordan n'yo naman po 'yon inutos hindi sa'kin." Tumikhim siya para mawala ang tensyon at nerbiyos. "Gan'on ba? Sige na, back to work na tayo." Nasundan pa ni Danica ng tingin ang ilang mga babaeng kumakain na nakatingin din sa binata at iba pa ay kinukuhaan ito ng litrato. Bumaling siya sa kusina at nagkulong sa bodega. Nagbilin na rin siya sa ilang staff na sabihing umalis siya ng maaga o kaya ay nalipat na sa ibang branch. She need to breath. Parang hindi siya makahinga tuwing nakikita niya ito, parang lagi siyang magiging aligaga at nerbiyosa sa presensiya nito. Natapos na ang kanyang duty, nang tanawin ni Danica ang labas, wala na roon ang binata. Tila nabunutan siya ng tinik. Sa wakas, wala nang aabala sa kanya. Nakaalis na rin halos lahat ng staff at ang guardiya na lang ang naroon para i-lock ang lahat ng pinto. "Bye Ma'am Dana, ingat po sa pag-uwi." Night duty ang guard na nagpaalam sa kanya na tinanguan lang niya at nginitian. Patungo na si Danica sa sariling sasakyan nang biglang tumunog ang phone niya. That Charlie Cordoval from stupid app has been calling her since this day. Ngayon lang niya iyon muling binuksan. Sa kakulitan nito, sandamakmak na messages ay napilitan na rin siyang sagutin ang tawag. "Hello." "Mabuti naman at sinagot mo na finally ang tawag ko." "Do I really need to talk to you?" "Just this once, please. Gusto kong mag-sorry. You know about the profile in Coffee Meets Bagel. It wasn't me. Pinsan ko iyon, I pretended to be him and posted his pic as my own." Hindi agad-agad nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito. Kaya para makasigurado ay binuksan niya ang app habang naka-loud speaker ang phone. "Now, I've change it into my real photo. Alam kong mabibigla. Ako rin hindi ko ini-expect na ikaw pala ang matagal ko ng ka-chat." Nanlaki ang mga mata ni Danica sa nakitang displayed photo sa profile. Lalaking naka-side view, his hand on head while the other is resting at the sofa. He's wearing a white shirt and brown pants almost lying on the sofa. "Oh my Gosh! This can't be!" "Nagulat din ako. But please, just for now. Let's talk about us," himig pakiusap ng binata. May dapat pa nga ba silang pag-usapan? Nasabi naman na nito ang lahat. At ang mga bagay na hindi pala dapat mangyari ay nangyari na rin. This is really a big joke. Kung pinaglalaruan sila ni tadhana, napakagaling nito at sila pa ang napili. "I don't think we need it for that." Sabay turn off ng phone. "Yes, we have."   KAMUNTIK ng mabitiwan ni Danica ang phone nang ang lalaking kausap niya kanina lang sa phone ay nakatayo na sa harapan niya. Charlie Cordoval, for real is here, waiting her. "I'm so sorry for everything, Dana. Kung alam ko lang na ikaw ang matagal kong chatmate, we don't have to end like this." Dahan-dahan itong lumalapit sa kanya. "Stop. Stop right there." Napatakbo si Danica patungo sa sariling sasakyan para lang kumapit sa kotse at kumuha ng lakas nang hindi mabuwal. She needed time to comprehend everything. Kailangan muna niyang mag-isip. "I-I have to go." Danica deposited herself inside the car and immediately started the engine and drove fast as he could away from him. Gulong-gulo pa rin ang isipan ni Danica, hindi siya nakatulog agad nang gabing iyon. Parang bombang biglang sumabog ang rebelasyong nalaman niya. Hindi niya mapaniwalaan na ang chatmate niya na unti-unti ng nagkakaroon ng puwang sa puso niya ay ang lalaki palang kinaayawan niya. Kinabukasan, nalaman pa niya sa Madrasta na nagtungo pala ito sa bahay nila kahapon at nagdala ng pagkain. Ngayon ay medyo natahi-tahi na niya ang mga pangyayari at nagkakaroon na ng linaw ang lahat. Kaya pala ito bumait sa kanya mula sa Couples Shop and Restaurant hanggang ngayon ay dahil nalaman nito na siya pala ang long time chatmate nito. Hindi na nakapagtatakang nagbago ito at biglang naging maamong aso na panay sunod sa amo. Mas mainam nga sigurong mag-iwasan na lang sila kaysa muli pang mag-krus ang landas nila. Hindi na kasi alam pa ni Danica kung paano aayusin ang naging gusot sa pagitan nilang dalawa. Maraming nangyari at marami itong nagawa na hindi niya nagustuhan. Hindi nga niya lubos naisip kung paanong ang ugali nito sa chat at ibang-iba tuwing nakakaharap niya ito. Maaga pa sa isang oras ay umaalis na si Danica sa bahay para lang hindi na magkatagpo ang landas nilang dalawa ng binata tuwing pupunta ito ng bahay. At kung pupunta naman ito sa pinagtatrabahuan niya ay naghihintay pa siyang makaalis ito o sabihin ng guardiya na naghalf day lang siya. Iwas na kung iwas. Takbo na kung takbo basta huwag lang muna silang magkasalubong. Hindi pa niya ito kayang harapin at hindi pa siya handang magpatawad. Inabot ng dalawang linggong pag-iwas at pagtatago ang ginawa niya hanggang kusa itong tumigil. Hindi na rin ito tumatawag sa kanya, sa bahay o sa trabaho. Ngunit hindi pa rin tumitigil ang delivery flowers na nag-aabang sa kanya sa bahay at trabaho. Himala ring tumigil na ang pamangkin nito sa panunuyo sa kanya. Marahil ay hinaharang na nito. Maybe she really need to sort out things between them. Gusto niya, okay na siya kapag hinarap ito. Nasa Head office ng mga branches si Danica. Magpapa-request siyang ma-assign muna sa Cavite pansamantala. Kapag natapos na rin niyang mabayaran ang pinag-iipunang food chain kung saan siya na ang magmamay-ari at mamahala, hindi na siguro niya babalaking bumalik pa sa trabaho. Papasok na siya ng opisina nang biglang mag-ring ang phone niya at si Divina ang nasa linya. "Hello." Umiiyak ito nang magsalita. "Ate.." "Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" "Ate, please.. Pumunta ka sa office, sunduin mo ako." Napasulyap siya sa oras sa phone. "Tanghalian pa lang ah. May nangyari ba?" "Sige na, Ate Please. Sunduin mo na ako ngayon na." Bago pa niya mausisang muli ang kapatid ay napatay na nito ang phone. Napilitan siyang sumakay muli ng elevator at bumalik sa parking lot, umibis ng sasakyan para sunduin ang kapatid. Divina texted her exact location and Danica drove fast as she could. Pagdating sa mataas na building, sa 20th floor siya nagtungo. Binuksan agad niya ang pinto ng opisina kung saan naroroon ang kanyang kapatid habang kausap pa yata ng Boss nito. "Divina, anong nang--" Naputol ni Danica ang itatanong sa kapatid nang makita niya itong kausap ang taong iniiwasan niya. Kung bakit naman kasi hindi muna siya nagbasa ng name plate sa labas bago eksaheradong diretsong pumasok. Nag-aalala na siya sa kapatid, nataranta tuloy siya. At ang tarantang iyon ay napalitan ng kaba nang makita niya ito sa harapan habang seryosong nakatingin sa kanya.   Itutuloy...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD