Chapter 12

1535 Words
MUKHANG nahuhulaan na ni Danica ang nangyayari. Too late, hindi na siya puwede pang tumakbo o pagtaguan na naman ang lalaking ito. "Ate.. Sorry talaga. Gusto ka raw kasi niyang makausap kundi tatanggalin niya ako sa trabaho." Napipilitan pang ngumiti si Divina sa kanya dahil guilty sa pagsisinungaling. Tinanguan na lang niya si Divina at tuluyan na itong lumabas ng opisina. Narinig pa niyang tumunog iyon na parang nag-lock. "Ano na namang sasabihin mo at kailangan mo pang gamitin ang kapatid ko?" Bahagyang tumaas ang timbre ng boses niya sa inis sa binata. Pati ang walang malay niyang kapatid ay ginawa nitong pananggalang. How hypocrite! "We need to talk." "We're talking," panunupla niya. "Ng maayos." "Hindi pa ba maayos ito,  ano 'to sirang pag-uusap?" pamimilosopo pa rin niya. Lumabas mula sa pagkakaupo sa swivel chair si Charlie at lumapit sa kanya. "I'm sorry. I really am. Alam kong hindi ko na mababalik pa ang dati but please.. Bigyan mo naman ako ng second chance. I want you again, Dana." She cross her arms over her chest. "Para gawin mong display sa mga Ate mo?" Dahan-dahang lumapit sa kanya si Charlie. "Of course not. Naalala mo ang huli kong sinabi sa'yo sa chat. I want everything to take into next level. I want to court you for real." Huh? Court? Court-kurutin kaya niya ito nang magising. "Court your face! Hindi sinasabi 'yan, ginagawa." "Talaga? So, pinapayagan mo na ako? Yes!" Maging siya ay nagulat nang bigla siya nitong nakawan ng halik sa pisngi. "Hoy teka, hindi pa kita sinasagot, ba't nakahalik ka na?" "Doon din naman ang punta n'on." Saka ito ngumisi. "Gusto mo bang bawiin? Fine." Inilapit nito ang sariling mukha. "Halikan mo rin ako. --Aray! Ba't mo ko sinampal?" "Doon din kasi ang punta n'on, magbe-break din tayo." Bigla itong nag-pout. "Sorry na. I promise I'll be a good boy now. Hindi na ulit kita aawayin. Siguro mali nga lang talaga ang una nating pagkikita." Tinaasan niya ito ng kilay habang nakahalukipkip pa rin. "Kaya ba pinalitan mo na iyong profile pic mo?" "Gusto ko na kasing maging totoo ang lahat at uulitin ko, Dana. I still like you. Nang malaman kong ikaw at ang chatmate ko ay iisa, hindi nagbago ang pagtingin ko sa'yo. Sising-sisi lang ako sa mga nagawa ko. Kaya gusto ko ng bumawi. Gusto kong magsimula uli tayo, but this time in person and not in chat. Hayaan mong ipakita ko sa 'yo ang good side ko at hindi ang bad side na nakita mo noon." Nakatitig lang siya sa mga mata ni Charlie na parang doon binabasa ang mga salitang sinasabi nito. "Fine. You win. Hahayaan na kitang gawin iyon. Pero hindi ibig sabihin niyon ay padadaliin ko ang panliligaw mo." Nagtaas ito ng dalawang kamay bilang pagsuko at pagtanggap sa hamon niya. "Okay. Deal. Kahit ano pang ipagawa mo, kakayanin ko 'yan." Gumaan ang pakiramdam ni Danica nang makalabas ng opisina ng binata. Tila nabunutan siya ng tinik nang sa wakas ay magkaayos na sila. Wala rin naman siyang balak patagalin ang gulo nilang dalawa. Iniisip nga niyang ibaon na lang din iyon sa limot. Past is past. She also need to move on and get a life. Hindi naman buong buhay ay kailangan niyang magkimkim ng sama ng loob. Tiyak siya rin ang maaapektuhan baka lalo lang niyang ikatanda ang gusot sa pagitan nila ng binata. Nakalabas na siya ng opisina nito nang sa hallway ay narinig niya ang mga bulungan. Kesyo hindi na nagsusungit ang Evil Boss nila, bumabait na at palaging nakangiti. Na nakahanap ng katapat. At mukhang siya lang naman ang pinatatamaan ng mga ito. Oh well, their Evill Boss must serve him right. Hindi lang talaga akalain ni Danica na gagamitin nito ang kapatid niya. Sa huli ay nagwagi naman ito. Hindi naman niya kailangang magalit habang buhay kahit paano naman nakilala niya ito na mabuti thru chat. Nagkataon nga lang sigurong siya rin ang nagmatigas at gumawa ng gulo. But how can she know the real him,  kung magkaiba naman ang trato ng isang Charlie Cordoval sa chat at sa personal? Nakabalik na si Danica sa branch, nagulat pa siya nang makitang nagmistulang hallway ng mga bulaklak ang nilalakaran niya nang puro basket ng bulaklak ang nakapila sa daraanan niya. "Camila!" Agad na lumapit ang tinawag niyang staff. "Anong nangyayari dito? Bakit puno ng bulaklak ang store?" "Ma'am, may nagdeliver po kanina, ito lang po ang inabot." Binigay ng staff niya ang maliit na sobre. "Flowers bloom like your smile that shine. Hope you like it -Charles." Sa mga oras na iyon ay dapat kinikilig na siya pero maling lugar nito ibinigay ang mga iyon. Agad niyang tinawagan ang binata. "Hello. Sinasabi ko na nga bang tatawag ka. Nagustuhan mo ba?" "Alam mo naman siguro na fastfood ito, 'diba? Pagkain. Kunin mo ngayon din ang mga bulaklak dito, bago ko makalimutang makipag-ayos sa'yo." Narinig pa niya itong tumawa ng mapakla. "Sabi ko nga, palpak. Fine. Kukunin ko, in one condition." Napataas siya ng kilay sa sinabi nito at sa kondisyong hindi na niya natanggihan.   PUMAYAG ng lumabas si Danica, parang lunch date. Hindi niya akalaing pati ang mga bulaklak ay gagamitin nitong dahilan para lang mai-date siya. Clever than she thought. "Kung hindi kapatid ko, 'yong mga bulaklak. Ano pa kaya ang balak mong gamitin para lang mapa-Oo ako?" Napakamot ulo ito. "Oh sorry about that. I just really want to win your heart. Hindi ba puwedeng bawasan mo ng kaunti ang pagsusungit? Sige ka, nakakapangit." "Ayaw mo 'non, para wala ka ng reason para habulin ak--" "Hep! It doesn't mean na susukuan na kita. I can do anything for you." Nagkibit balikat na lang si Danica at pinagbigyan na ang binata. "How did you know my favorite is potato salad and champagne?" "Because I know. Knowing you better makes me smarter." Saka ito kumindat na parang kinagwapo nga nito. Gwapo naman talaga ito. Kung hindi ay wala sanang mga pares ng mata ang nakatingin sa lalaking ito ngayon. Wala sanang mga babaeng kulang na lang ay hilahin ito para nakawin sa kanya. Because Charlie is the one handsome bastard right now. "I don't think it's a good idea to eat here." Napansin din nito ang tinitingnan niya bago pa man niya malantakan ang kinakain. "Don't bother. Sa'yo naman ang mga mata ko." "Kahit kailan, presko ka na, arogante ka pa." Tumawa lang ito. Tawang parang gusto niyang palaging marinig. It makes music to her ears. Pagkatapos ng lunch date ay nagpahatid na siya sa binata. "Can I steal your time? Hindi kasi ako satisfied. Parang matagal bago kita ulit makasama," sabi nito bago pa man maigarahe ang sasakyan sa tapat ng Fastfood. Hindi pa man siya nakasagot ay minaniobra na nito ang sasakyan. "Oy, teka, saan mo ako dadalhin? Hindi pa ako nagpapaalam sa mga staff ko." "Trust me and enjoy this time." Nakarating sila sa Laguna. "Bakit dito mo ako dinala?" Pumamulsa ito saka siya tinabihan sa maliit na tulay na kinatatayuan niya. "Member ng Clubhouse Laguna ang isa sa kasosyo ko. I bought two tickets for the entrance." Minsan na niyang nabasa sa sikat na magazine ang pamosong Clubhouse sa Laguna kung saan elusive bachelor lang ang puwedeng maging miyembro-- single. "May okasyon ba kaya ka nakakuha ng ticket?" Sa pagkakaalala niya, hindi open sa public ang lugar, only those exclusive member ang puwedeng makapasok. "Birthday ng may-ari at nagkataong wedding anniversary ng isang mag-asawa. They invited me, kaya nakahanap ako ng dahilan para makapunta." "Anong dahilan?" "Ikaw. Hindi ako mahilig sa mga occasion. Alam mo naman siguro 'yon. But then this a perfect place to bring you here and do a romantic scene." Napatingin siya sa kabuuan ng paligid. "Hmm.. Hindi na masama sulit naman. They are nice, just like paradise. Napakaganda." "Really beautiful." Napahinto ang pagmamasid niya nang mapansing hindi sa kapaligiran ang tingin nito, kundi sa kanya mismo. Siya ba ang tinutukoy nitong 'Really beautiful'? Humarap siya sa binata at nakatingin parin ito sa kanya. "Romantic nga." "Hindi iyan ang tinutukoy ko." Nagsalin si Danica ng tingin sa iba, natatakot na mahuli na nito ang puso niya. Oo, aaminin niyang, unti-unti na nga siyang nahuhulog sa binata at kaunti na lang din ang palugit na kaya niyang ibigay kay Charlie para sagutin ito. "Ano pala?" "Baka sampalin mo ako 'pag ginawa ko 'yon." Tiningnan niya ito sa mata. "Don't worry hindi na kita sasampalin." Her heartbeat race. Namanhid ang mga kamay niya at ang pakiramdam na bumagal ang sandali o tumigil pati ang t***k ng puso niya. Ang tangi na lamang niyang naririnig ay ang hininga nilang dalawa. Mas malandi pa nga yata ang katawan niya. Hindi namalayan ni Danica na naiangat na niya ang kamay at ngayon ay nakaikot na sa batok ni Charlie, savoring those delicious lips of him. Ramdam niya ang paglapit ng katawan nito sa katawan niya, ang init na nagmumula sa katawan nito na parang nagiging isa na ngayon. When was the feeling she felt right now, like it was no tomorrow? Like it was no one can stop them right now? Paano pa niya ito sasampalin kung ang halik na pinagsasaluhan nila ay hindi niya kayang maikumpara sa anumang putahe?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD