Chapter 13

1513 Words
NAKATINGIN lang ang binata kay Danica. Wala na yatang mas gaganda pang tanawin sa nakikita ni Charlie ngayon. He was with the girl he loves and he can't help himself falling and falling again. After that kiss, biglang nag-iba ang pananaw ni Danica kay Charlie, giving him a chance means starting a new chapter. Nasa isang cottage sila ni Charlie na may dalawang kwarto. Pumayag na siyang samahan mamaya si Charlie para dumalo sa party ng kaibigang miyembro ng pamoso at prestihiyosong clubhouse sa Laguna. Kailangan din niyang sulitin na ang bakasyon, besides nakapagpaalam na rin siya sa head office na mawawala ng dalawang araw. Bahagyang nagulat pa si Danica nang makita ang paper bag sa ibabaw ng kama. Mukhang pinaghandaan ng binata ang pagdala nito sa kanya. What can she ask for? Everything a man could have was all him. Kailangan na lang siguro niyang i-explore ang lahat kay Charlie. Kalahating oras na lang ay kakatukin na siya ni Charlie sa kwarto. Suot na niya ang gown. She had her thin make up. And wearing those sandals. Hindi na rin naman niya kinailangan ng bra dahil built-in na ang gown. It was over the knee length, baby pink halter dress with a silhouette touching the feet gown. Her hair was lay down behind her back. Hindi na niya iyon ikinulot pa. She let her straight hair flowing down freely. Gumamit lang siya ng maliit na hair clip sa bandang kanan ng tainga matapos maipon ang ibang hibla. Saktong kakatok pa lamang si Charlie ay binuksan na niya ang pinto ng kwarto. "H-Hi." Animo batang nauutal ang binata nang masilayan siya. "Let's go?" Tumango ito at agad na iniangat ang kaliwang braso para kapitan niya. Hanggang makarating sila sa event ay hindi mapigtas-pigtas ang tingin nito sa kanya na parang nakakita ng Diwatang bumaba sa lupa. Huli na nga nang iabot pa nito ang isang pirasong pulang rosas. Ngayon lang nakadalo si Danica nang ganito ka-engrandeng okasyon. Pinagsamang birthday at wedding anniversary ang theme. "Diyosa, I-I mean Dana, I'd like you to meet the birthday celebrant." Inilapit siya ni Charlie sa may tan complexion na matangkad na lalaki. He looks like young on his age and a bit gangster ang aurahan. Hindi maikakailang gwapo ang lalaki. "This is Aldrich Carvajal, owner ng Clubhouse and married." Makikipagkamay sana siya nang pigilan siya ni Charlie. "Happy Birthday na lang." "Maniwala ka diyan kay pareng Charles." Agad na may lumapit na bata sa ipinakilalang Aldrich. "Daddy, lift," utos ng bata na habang nakataas ang mga kamay na nais magpakarga. "Where is your Mommy, Light?" "There Mommy." Sabay turo ng bata. "Kita mo na. May anak ka na pilyo ka parin," pabirong sabi ni Charlie. Kinarga ni Aldrich ang bata at kinandatan siya nito. "Nagseselos lang, 'yan. Let's go, Son." Mabuti na lang at lumayo na si Aldrich, nakikita ni Danica na iba na ang tingin ni Charlie sa kabaro. Bigla yata itong nagsisi na nagtungo pa sila at bakas sa mukha ang asar. Hinawakan niya ang kamay ng binata para kahit paano ay mapakalma niya ang nararamdaman nito. Hindi man ito magsalita mukha ngang nagseselos ito. Maging ang galaw ng Adams apple nito na parang may bumabagabag dito. "Everything is alright." "Natatakot ako, Dana. P-paano kung may umagaw sa'yo? Tama nga siya ng pantaha. "Huwag mong sabihing hindi pa rin kayo magkasundo ng pamangkin mo?" "No. I already get rid of that." Natingala niya ang binata. Mangha sa narinig. "How?" "Naghanap ako ng ipapakilala sa kanya. I'm not generous enough to share my girl." Iyon ngang malaman na may ibang nanliligaw sa kanya ay para na itong sinisilihan, paano pa kaya kung malaman nitong may iba pang gustong magmay-ari sa kanya? "Selfish ka rin eh 'no." "Dahil gusto ko ako lang." His eyes glimpse. Tumitig ito sa kanya na halos makita na niya ang sarili niyang kaluluwa sa paraan ng pagtitig nito. "Let's go. Ipapakilala kita sa mag-asawang nagse-celebrate ng wedding anniv." Mula sa bilog na mesa ay nakaupo ang dalawang mag-asawa. "Charles! Dude, kumusta?" "Hi. Dana, this is Alfer Saravejo and his wife, Arissa." "Hello, Happy Anniversary sa inyo," bati niya sa dalawa. Walang kasing kisig at walang kasing ganda, hindi maikakailang bagay ngang magkapareha. "You're Danica, girlfriend ni Charles?" Iko-correct pa sana ni Danica ang lalaki ngunit nang sulyapan niya si Charles para itong babaeng kinikilig. Kaya hindi na lang siya tumutol. May pag-asa rin namang doon ang punta nilang dalawa. Pinatagal niya ang lahat. Hindi dahil hindi pa siya handa, gusto lang muna niyang kilalaning maigi ang binatang patuloy na nagpapatibok ngayon ng puso niya.   Magtatatlong buwan ng nanliligaw sa kanya si Charlie. Walang humpay at walang tigil ang ka-sweet-ang pinapakita nito sa kanya. Iyong tipong handa nitong ibuwis ang buhay sa kanya. Tuwi ngang wala siyang dalang payong ay laging nakaabang na ito sa kanya para sunduin siya lalo na kapag umuulan. Kagaya na lang ngayon. Galing siya sa Head office, nagulat nga siya nang malamang na-approve na ang pag-purchase niya sa sikat na fastfood chain. Mayroon na siyang sariling fastfood. At ang isa pang pinagtakhan niya ay bayad na rin iyon. Napilitan tuloy siyang puntahan ang head office para ma-check kung sino ang nagbayad at inilagay sa pangalan niya. Nagulat man ay hindi niya maiaalis sa sarili ang mainis. She can do that actually. She has money and can even afford to buy that.L Alam niyang mas mayaman sa kanya when it comes to finances si Charlie but then he might prove her independence. Bagay na hindi niya nais mangyari. Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Charlie na nasa Head office siya kahit na wala naman siyang sinasabi. Paglabas niya sa building, nakatayo na sa labas si Charlie, may dalang payong at nakaabang sa kanya. Pinayungan pa nga siya nito hanggang makarating sa sarili nitong sasakyan nang gabing iyon dahil sa ambon. Kinuha ni Charlie ang jacket at ipinatong sa balikat niya. "Baka magkasakit ka." "We need to talk, Charlie. Bakit mo binayaran ang pag-purchase ko sa fastfood." "Is that a big deal?" "Oo. You were just proven me that I'm dependent." "Dana, ginawa ko lang kung ano ang bagay na ikasisiya mo." Napabuntong hininga na lang siya saka nag-umpisa itong buksan ang engine at minaniobra na ang sasakyan. "Fine. Kung hindi mo gusto ang ginawa ko, bayaran mo. No problem. Kahit kalahati, that's fine with me." Tinanguan niya si Charlie. "Buo kong babayaran iyon sa iyo." She transfer her gaze on the window. Manaka-nakang ambon, winter is coming. Mabuti nga at nakaalis na ang bagyo bago sapitin ang pasko. "Galit ka ba, Dana? Alam ko namang hindi ka papayag na tulungan kita." "Okay lang. I get your point. Iuwi mo na lang ako." Narinig pa niya ang buntong hininga ng binata mukhang nabawasan ang pogi points nito sa kanya. Tahimik nilang binaybay ang daan pauwi sa bahay nila Dana. Walang gustong umimik, walang bumabasag sa katahimikan hanggang makarating sila sa bahay nila. Inihinto nito ang sasakyan pero hindi parin binubuksan ang lock ng pinto. "Dana.." "It's okay. But please, tell me next time. You should have told me beforehand. Ayaw kong masanay akong umaasa sa iyo. At sana huwag mo ng ipamukha ang pera mo." Hinawakan siya nito sa braso. "Hindi ganoon iyon. Gusto ko lang talagang tulungan ka." "Then help me in some otherway. Iyong walang perang involve. Baka nga mas matutuwa pa ako kapag nag-exert ng effort." "I'm sorry. Hindi ko na uulitin." "Alam ko. Last na ito ayaw ko ng ganito." Nagusot ang mukha ni Charlie na parang alam na nito ang ibig niyang ipakahulugan. "Babastedin mo na ba ako?" "Bababa na ako." Hindi niya sinagot ang tanong nito. Narinig niya ang mahinang click, she open the door and move out. Lumabas din si Charlie. "Dana.." Sinundan siya nito at hinawakan sa braso niya. "Please.. Tell me, wala na ba akong pag-asa sa ginawa ko." "Stop it, Charles. Mula ngayon hindi mo na ako puwede pang ligawan." Lalong lumungkot ang anyo nito, ang mga mata nito ay nangungusap at nagtatanong. "Dana, huwag naman ganito." Tinalikuran na niya ito. Narinig niya ang bigla nitong pagluhod. "Dana.. Mahal na mahal kita." Wala pa sana siyang balak sabihin iyon. Palilipasin pa sana niya ang mga araw pero hindi na niya kaya pang tiiisin ang sarili. Ayaw na rin niyang pahirapan ang sariling damdamin. Because Charlie has proven everything for her. "Magbabago ako, sabihin mo lang. Sabihin mo lang kung ano ang hindi mo nagustuhan sa akin." Hinarap niya si Charlie. "Tumayo ka na nga. Nakakahiya." "Hanggat hindi mo sinasabi ang dahilan, hindi ako tatayo." "I like you a lot. And I'm starting to fall for you, kaya hindi mo na ako kailangang ligawan pa. Tigilan mo na 'to." "Kung kailangang araw-araw kitang susuyuin, gagawin ko, Dana. I can't leave without you near me." Saka na lang siguro niya pagagalitan ang sarili. Sa ngayon ay gaganti muna siya sa binata. Kailangan niyang bawian ito. Hindi sa masakit na paraan kundi sa isiping wala silang pag-asa. "Charles, stop courting me from now on," punong-puno ng sensiridad na sabi niya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD