Chapter 14

1629 Words
NAPATAKIP ng sariling bibig si Danica. Ito pala ang hitsura ng isang Charlie Cordoval kapag nababasted. Parang natalo sa lotto. Hindi naman siya mukhang winning ticket para pag interesan nito. Wala nga sigurong kasing sakit kapag nawala sa iyo ang taong mahal mo. "Pero bakit.." "Dahil.." Huminto muna siya at dahan-dahang ngumiti. "Girlfriend mo na ako." Sa pagkakasabi niya niyon ay bigla itong nabingi. Kung kanina ay mukha itong pinagtakluban ng langit at lupa, ngayon naman ay bigla itong sumigla. Nagliwanag ang mukha nito. "A-anong sabi mo? Tama ba ang narinig ko?" Saka lang ito tumayo at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Agad itong nagtatatalon at sumuntok sa ere. "Yohoo! Sinagot na ako ng nililigawan ko! Kami na ni Dana!" Napalingon-lingon siya sa paligid at natatarantang tinakpan ang bibig ni Charlie. "Tumigil ka nga, nakakahiya." Ibinaba ni Charles ang kamay niya. "Akala ko talaga, wala na akong pag-asa." Para nga itong namatay kanina at biglang nabuhay. Akala nga niya ay hihimatayin pa ito dahil sa pagkagitla. Hinatid siya nito hanggang gate at hinagkan sa pisngi para makapag-good bye kiss. Nakapasok na sa loob si Danica, ramdam niya ang lakas ng t***k ng kanyang puso na parang kakawala sa kanyang dibdib. Hindi na talaga niya maitatanggi, mahal na niya ang binata. Sa tagal nito sa panunuyo sa kanya ay lalo niyang nakilala ng lubusan ang lalaki. Kinabukasan, magaan ang gising na binati niya ang mga kasama sa bahay. Kinuha ni Danica ang apron, siya pa mismo ang nagprisintang maghanda ng almusal. "Anong meron, Ate? Hindi ka naman mukhang nanalo sa lotto?" tanong ng bunso niyang kapatid. "Higit pa 'don," ngiting-ngiting sagot niya. "Halos mapilas na iyang pisngi mo ah. Parang may ideya na ako," sabi naman ni Denver na siguradong-sigurado sa iniisip at mukhang tama nga ito. Inabot ni Danica sa Madrasta ang kanin. Kakaupo naman ng kanilang Ama. "Dad, I have something to tell you." Naibuga ni Divina ang iniinom na tubig nang makaupo sa dining. "Buntis ka, Ate?" Iningutan niya ang kapatid para manahimik. Tumingin sa kanya ang Madrasta, "Buntis ka nga?" "Naku, hindi po." "Huwag mong sabihing magpapakasal ka n--" Bago pa matapos lahat ng panghuhula, inunahan na niya ang kanyang Ama. "Sinagot ko na po si Charles." "Ayon naman pala." "Seryoso, Ate? Sinagot mo na si Boss?" paniniyak ng kapatid niyang si Divina. Mukhang ito ang unang matutuwa sa nangyari. Boss lang naman nito ang boyfriend niya at talaga nga namang pabor sa kapatid iyon. Kahit sino yata ang lumagay sa ganoong posisyon ay tiyak matutuwa rin. "Kung ganoon, bakit hindi mo pa siya dinala rito?" singit ng kanyang Ama. Nagsandok na rin ito ng pagkain, sumusubo at hindi siya tinitingnan. "Dad, he was Charles," salo niya sa Ama na hindi yata kilala ang binata. "Charles? Iyong laging nagdadala ng pansit palabok at habhab?" "Bingo, 'My!" gatong naman ng bunso niyang kapatid. "Sinagot mo na pala siya." This time, tumingin na sa kanya ang Ama. "He looks serious. Gusto ko rin ang batang iyon, hindi maangas, may pagkasuplado lang ang datingan," susog pa ng kanyang Ama. Mukhang boto naman kay Charlie --na nobyo na niya ngayon, ang pamilya niya. "Huwag ko lang malalamang pinaiyak ka niya, kundi hihiram ng mukha sa akin ang lalaking iyon." "Dad, he's a good guy. Don't worry." "Dalhin mo ulit siya dito, hija," suhestisyon ng kanyang Madrasta. "I will Mom." Matapos ang almusal, nagkanya-kanya na ring lakad ang mga kapatid niya. Siya naman ay nagtungo ng bangko para i-deposit ang down payment na napag-usapan nila ni Charles. Hindi niya ugali ang magpalibre, kahit sa mga nanligaw sa kanya noon. Maging sa mga kaibigan, kundi siya ang nanlilibre, minsan kanya-kanya. She has all the rights to be spoiled by Charles but then ayaw niyang sumandal at sanayin ang sarili sa nobyo. Hindi naman siya nag-boyfriend para sa pera. At tinitiyak niya sa sarili na kaya niyang tumayo mag-isa na walang ibang inaasahan kundi ang sarili, lalo na sa pangarap niya. Isang linggo ang lumipas, nag-submit na siya ng resignation sa pinapasukan na ikinalungkot ng mga katrabaho niya. Nasa farewell party nga siya nang sumama rin si Charlie para daw makilala naman nito ang mga kaibigan niya. It was her first time having this kind of feeling. Hindi niya akalaing magiging ganito kasensitibo si Charlie para kilalanin pa nito ang mga kaibigan niya. Hindi na tuloy niya maitago ang kilig. Iyong parang gusto ng lumabas ng puso niya, not just the overwhelming presence but also his love to her. Napapayag naman ni Danica ang nobyo na maghati sila sa gastos sa pag-arkila ng buong videoke booth at mga pagkain. Masaya naman silang naghiwa-hiwalay ng mga kasama. Ang iba nga ay nagpaiwan pa. Umuna na rin silang dalawa ni Charlie. Gusto daw kasi nito na maihatid siya ng ligtas. Mukhang natitikman na niya ang mga traits nito na hindi niya akalaing gagawin nito. Love effect.   NASALO ni Franzier ang inihagis ng pinsang nitong longsleeve. Nasa loob ito ng kwarto, pumasok nang makitang nakapinid ang pinto. Nagkakalkal si Charlie sa harap ng closet at abala sa paghanap ng damit na babagay sa kanya. Susunduin niya ang nobya para dalhin sa mga Ate niyang wala paring balak sukuan ang misyong hanapan siya ng mapapangasawa. Ngayon nila napagkasunduang ipakilala si Danica. He was surely enough that Danica would be gorgeous and suddenly he might not fit for her. "Grabe! Daig mo pa ang babae, Charles. Tinawagan mo ako para lang papuntahin dito? Nasaan na ang believer na 'Woman is headache'?" Binato ni Charlie ng nadampot na shirt, sapol sa mukha si Franzier. "Tulungan mo na lang ako." Kinuha niya ang isang polo shirt saka diniretsong suot. "Ito, okay na ba? Hindi ba masyadong madilim ang kulay?" "Navy blue?" Napamasid ito habang hinihimas ang baba at nag-iisip kung babagay nga ba sa kanya. "Babatuhin kita ng lampshade kapag hindi maayos iyang sagot mo." Tumawa ito na mukhang tama nga ang hinala niya. "Bagay naman. Seriously, gray ang trouser? Kailan ka pa naging baduy? Palitan mo na lang ng maong." Ngayon lang siya naging aligaga, kinakabahan din kasi siya na baka may masabi ang mga Ate niya s girlfriend na si Dana. Alam niyang kayang-kaya ni Dana na i-handle ang sarili, ayaw lang talaga niyang magkaroon ng masamang impression ang mga Ate sa nobya. Makalipas ang halos isang oras na pagsusukat at pag-aayos, mukhang tumama rin ang timpla ng suot niya. Dahil parehas pa sila ng kulay ni Dana, salamat sa ideya ng pinsang niyang si Franzier. Manghang nakatingin sa kanya ang nobya paglabas nito sa gate ng bahay. "You look handsome," puri nito saka niya iniabot ang bouquet. "Thanks." "Nagiging gwapo lang ako, pag ikaw ang kasama ko." "Ako rin. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamagandang babae pag magkasama tayo." Humalik si Charlie sa noo ng dalaga at iginaya pasakay ng kotse. Hinawakan pa niya ang kamay ng nobyo. Mainit iyon, it brings warmth to his soul. Hindi katulad ng sa kanya. Malamig, parang walang buhay dahil sa kaba. Mabilis na hinalikan siya ni Danica sa pisngi dahilan para mapapreno ito. "s**t! Baka maaksidente tayo." "Para kumalma ka. Huwag kang masyadong ma-tense. Ba't ka ba kasi kinakabahan?" Hindi na niya inialis ang mga kamay sa manibela pati ang mga mata sa kalsada.  "Basta pag hindi sila nagkasundo, magtatanan tayo." Narinig lang niyang tahimik na natawa sa tabi niya ang nobya. "Okay po, as you wish." Nakarating na sila sa tapat ng two storey house. Mas malaki iyon kaysa sa bahay ng mga Carreon. Nakita nga niyang nakatingala at nakamasid ang nobya habang magkahawak-kamay pa silang pumasok sa gate. It was Danica's first time to reach their house. Mabuti na lang talaga at natipon niya ang dalawang witch niyang mga Ate na pumunta sa bahay dahil may okasyon. Kung hindi nga lang siguro masyadong mabilis, gusto na niyang ayain ng kasal ng dalaga para hindi na ito mawala at masabi niyang kanyang-kanya na. Cliche but it was his heart says it all. Kinalampag ng Ate Athena niya ang goblet wine. Mukhang naiinip na ito at mas maaga pa nga yatang dumating kaysa sa Ate Brittany niya. "So, what's the news, para kumpletuhin mo kami ni Brittany dito?" Tumikhim naman si Brittany. "Oo nga. Ano bang mayroon?" Sakto namang kabababa lang ng kanyang Ama. Maghahapunan ang oras na pinili nila dahil gusto rin niyang makasalo ang nobya. Itinuktok muna nito ang baston bago dumiretsong upo sa center chair sa hapag, indikasyon na magsiupo na sila. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang talim ng titig ng mga ate niya sa kanyang nobya. "Ate Athena, Ate Brittany, hindi n'yo na kailangan pang retohan ako ng kung sinu-sinong babae. Because I already found the person whom I wish to share the rest of my life." Hinila ni Charlie si Danica para maipakilala. "This is Danica Carreon, my girlfriend and soon to be my wife." Ngumiti si Danica at nakipagbeso sa dalawa. Hindi naman umiwas ang mga ate niya, maaaring puwedeng magustuhan ng mga ito ang nobya niya. Inilatag ng mga kasambahay ang pagkain at wine sa mesa. "So, do you think you're fit to our dearest Charlie, Danica?" diretsong tanong ni Brittany sa kanya. "Yes. If not, I'll do everything to make me fit to him." "Do you think you're perfect to him?" "No. Wala naman po kasing perpektong tao, pero gagawin kong perpect ang relationship namin that makes us perfect to each other." Pinigilan ni Charlie sa pang-usisa ang mga Ate niya pero siya pa ang pinigilan ni Danica at sinabing hayaan lang sila. "Do you think magugustuhan ka namin despite sa pagkatao mo?" tanong ni Athena na nagpakunot ng noo ni Charlie. Tumayo si Charlie at hinila ang kamay ni Danica para tumayo na rin. "Kung hindi n'yo siya magugustuhan para sa akin. Magtatanan na lang kami."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD