Chapter 15

1582 Words
CHAPTER FINALE: NATIGILAN silang pareho ni Charlie nang pukpukin ng Ama ng nobyo ang baston nito sa sahig. "Walang aalis. Charlie, kinakausap pa ng mga Ate mo ang nobya mo." Lagom ang boses nito na parang mas nakakatakot lalo na kapag ginalit. Narinig niyang mahinang nagsipagtawa ng peke ang dalawang mga Ate ni Charlie. "Nagbibiro lang naman kami ni Brittany." "Yeah right. Para mukhang pageant. Saka ano namang karapatan namin para himasukan ang lovelife ni Bunso." "You'll remain sitted, Danica. Hayaan mo siyang umalis," sabi ng Ama ni Charlie. "At huwag mo na kaming i-Po baka mas mukha pa nga kaming bata kaysa kay Bunso." "I like your witty. Welcome to the family!" hiyaw na sabi ni Brittany, ang ikalawa sa magkakapatid. Napilitang bumalik sa pagkakaupo si Charlie na bagsak ang balikat dahil sa pagkapahiya. Hindi na rin tuloy niya alam ang magiging reaksyon dahil sa nangyayari sa paligid. "Do you have date on your wedding?" kastigong tanong ng Ama ni Charlie na biglang nagpasamid kay Charlie matapos uminom ng tubig upang makabawi kanina lang. "Dad, we are not--" "So, wala ka palang balak panagutan ang magandang dilag na ito? Pobre!" dagdag na tanong ng panganay na Ate. Bigla tuloy kinabahan sa tensyon si Danica dahil sa nangyayari. Bakit napunta sa kasal ang usapan? Hindi ba dapat magkilanlan muna sila? Pero, napaisip din siya kung may balak din kayang siya ang pakasalan ni Charlie? "O-Of course not! Isn't too early talking about it?" Butil-butil na ang pawis sa noo ni Charlie nang muli niya itong sulyapansa kanyang tabi. Mukhang bigla itong napahamak sa ganoong tanong kaya siya na ang sumalo. "Opo, wala pa kaming balak. We want to count years," tukoy ni Danica sa sinabi ng Ama ni Charlie. Tumaas ang kilay ni Brittany. "Hindi naman nasusukat sa tagal ng relasyon ang pagpapakasal." Mukhang ginigisa talaga silang dalawa ng nobyo niya at walang balak bitiwan ang salitang kasal. "Gusto pa kasi naming kilalaning mabuti ang isa't-isa. Mahirap na kasi ang magmadali. Alam n'yo namang ang pag-aasawa ay hindi laro o parang kaning isusubo at iluluwa kung hindi gusto. And I also think it is a biggest part of decision making in life once you haven't plan and haven't known a person yet." "Hmm.. Very well," puri ni Athena. "Masuwerte ka hijo, you found a matured girlfriend. Mukhang mas marami pa siyang alam sa buhay kaysa sa iyo." Kumamot lang sa ulo si Charlie saka hinila ang kamay niya at marahang pinisil na parang nagpapasalamat. Natapos na ang hapunang puno ng kaba at tensyon. Bahagya rin siyang kinabahan na pilit niyang itinago at pinakalma ang sarili. Tensyonado na ang nobyo niya, dadagdag pa siya. Nakilala naman niya ang pamilya ng nobyo. Mukha namang mabubuting mga tao ang mga ito at hindi mahirap pakisamahan dahil kahit paano ay nakakasabayan niya sa tawanan ang mga Ate ng nobyo na n'ong una ay inakala niyang mahirap makapagpalagayan ng loob. Nagpaalam na rin sila sa pamilya Cordoval at inaayayahan pa siyang bumalik o kaya ay bumisita sa kanya-kanyang bahay ng dalawang Ate ni Charlie. Nakangiting umibis ng sasakyan si Charlie, kalmado na ito kumpara kanina. Malaki ang pagkakangiti na parang nabunutan ng tinik. Siya yata ang dapat magalak dahil natapos na ang tila delubyong hatid ng pamilya ni Charlie mula sa sitwasyon kanina. Napahawak si Danica sa sariling tiyan. "Hindi yata ako natunawan kanina." Iyon nga yata ang pakiramdam na parang may mga paru-paro sa tiyan mo at halos pigil ang paghinga na parang kanina ay magkamali lang ng salita ay masisilya elektrika na sila, lalo na sa Ama nito. She never imagine a father that can be this veracious and vulgar than her own father. Kinapa ni Charlie ang kamay niya, nagbigay iyong ng init na sinasabing huwag na siyang mag-alala. Nang makauwi si Danica saka lang tila nakahinga siya ng maayos. Iyon pala ang pakiramdam na makilala ang pamilya ng nobyo mo. Masaya na nakakakaba. Sana nga lang ay talagang nagustuhan siya ng pamilya ni Charlie. She'll not be able to work hard to win their heart like Charlie did to her family. Kinabukasan, ala singko pa lang ay bumangon na siya. Para tulungan ang Madrasta. May pasok pa ang dalawa niyang kapatid. Nag-ring ang phone niya na dinala pa niya sa CR para i-check ang messages ng nobyo. Kamuntik pang malunok ni Danica ang minumumog matapos magsipilyo nang sabihin nitong nasa labas ito. Agad siyang nag-ayos sa sarili para puntahan ang nobyo.   KINIKILIG at masaya, iyon ang eksaktong nararamdaman niya ngayon. Charlie is nicer than she thought. Gentle, caring, sweet and always full of suprises than before na hindi pa sila magkasintahan. "Grabe, ano namang nakain mo at napasugod ka dito?" "Namimiss na kasi kita." Humalik ito sa pisngi niya at tuluyang pumasok. Binitbit na rin niya ang dala nitong prutas at siyempre mga bulaklak na halos araw-arawin na nito. "Dana.." "Hmm.." "Puwede ko bang hiramin ang pamilya mo mamaya, before lunch siguro?" Napatda siya at binigyan ito ng nakapagdudang tingin. Siguradong may binabalak na naman ito na hindi niya mabasa sa hitsura ng mukha ng nobyo. Tumulong ito sa paghahanda ng almusal at umalis din matapos doon na kumain. Magme-message na lang daw ito mamaya para sunduin sila. Excited na kinakabahan na masaya, halo-halong emosyon ang narardaman niya ngayon. Gusto man niyang tanungin ang nobyo, minabuti niyang hayaan na lang ito. Naghalfday sa work si Divina, umabsent naman sa isang subject si Denver para samahan siya. "Ateee.. Baka magpo-propose na sa iyo si Sir. Charles!" kinikilig at ngiting-ngiting sabi ni Divina. "Gaga! Hindi pa nga kami nakakaisang taon. Mag-iisang buwan pa lang kami, propose na agad-agad?" "'Te, ganyan ang mga in-love, padalos-dalos sa desisyon," segunda ni Denver na umaayon din sa sinasabi ni Divina. Nagkibit na lang ng balikat si Danica. Nang marinig ang busina sa labas ng bahay, sabay-sabay na rin silang lumabas. Pagdating sa kotse, saka na niya ito inusisa. "Saan ba tayo pupunta at pati pamilya ko dapat kasama?" "Basta. Mamaya na ang tanong kapag nand'on na tayo." Natahimik na lang muli si Danica at sinenyasan na lang din ang mga kasama na huwag na munang magtanong. Napalinga-linga si Danica sa paligid nang makababa na ng sasakyan. Pamilyar sa kanya ang pinuntahan nila. Lumapit sa kanya ang Manager at hinagkan siya sa pisngi saka kinamayan. "Congratulations, hija. Sa wakas natupad mo na ang pangarap mo." Iginaya siya ng Ginang patungo sa entrance door na may malaking naka-ribbon. May nagsasalita ring MC na inaanunsyo ang ribbon cutting. Balak sana niyang lapitan si Charles para tanungin ang nangyayari. But what happening is making sense on her. Charles bought the store for her and Danica with her family also brought him together for the ribbon cutting. Her very first own fastfood restaurant. Pagkatapos ng ribbon cutting, pumasok na sila sa loob para kumain sa kaunting salo-salo. Hindi na niya malapitan ang nobyo nang isa-isang magdatingan ang mga kaibigan at kasamahan o staff niya sa dating trabaho. Pati rin ang pamilya niya ay nauunawaan na rin ang nangyayari. Hindi pa pala roon nagtatapos ang surpresa sa kanya ni Charlie lalo na nang dumating din ang pamilya nito pati pamangkin. Nagtataka man at walang ideya, hinayaan na lang niya si Charlie. Sinundan ni Danica ng tingin ang nobyo nang lumapit ito sa MC at kunin ang mic. Now he was the one talking on the stage. "I am glad that you are now here in this important even on our life. Miss Danica Carreon, alam kong marami ang magsasabi sa akin na dapat pahabain pa natin ang relasyon but I can't wait anymore to have you with me. To waking up in the morning and greeted by you face. To hear you voice, see you smile and that you're near with me. Hindi naman sa haba o tagal ng relasyon nasusukat ang kahat kundi sa pagmamahal, pang-una at pagtitiwala. Ano man ang maging desisyon mo ngayon dahil alam kong masyadong mabilis at masyado akong padalos-dalos, igagalang ko at tatanggapin lahat. I love you more, Danica." Umalis ito sa maliit na stage at dahan-dahang lumapit sa kanya. "C-Charles." Iniluhod nito ang kabilang binti. "Marry me." Hindi alam ni Danica kung bakit bigla siyang natawa sa halip na sagutin ang proposal nito. "B-Bakit?" nagtatakang tanong nito na biglang namula dahil sa mga pares ng mata na nakatingin sa kanila. "Kasi hindi ka mukhang nagtatanong." Tumikhim ito at inilapit ang velvet box matapos buksan. "Will you, marry me? Oh hayan, nagtatanong na po." Napangiti siya. "Sa una mong line, parang sigurado ka na na pakakasalan kita. But the second line is the right question." Naiinip na napatitig lang ito sa kanya. "At tama ka. Hindi naman sa tagal ng relasyon nasusukat ang lahat, pero mas gusto kong kilalanin pa nating mabuti ang isa't-isa but I guess habang buhay nating gagawin iyon ng magkasama. Yes." "Wait. Sa haba ng sinabi mo. Teka, anong sabi mo?" Itinaas niya ang kamay at itinapat ang daliri. "I'll marry you, Mister Cordoval." Isinuot ni Charles ang singsing kasunod ang palakpakan. Life is too short to treasure with. Hindi naman siguro sila kailangang magmadali na bukas makasal agad pero kaya nilang tantiyahin ang eksaktong kasal and that will be years from now. Panahon at pagkakataon na lang ang makakapagsabi na magiging kuntento na sila sa isa't-isa. Salamat sa Coffee meets Bagel, dahil pinakilala nito ang dalawang pusong palaging pinagtatagpo sa magulong sitwasyon ngunit pinaglapit ang puso sa romantikong paraan. Titiyakin nilang hindi na makakawala ang isa't-isa. When Coffee meets Bagel. Signed out.     ************* WAKAS********** 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD