Chapter 3

1634 Words
IBINAGSAK ni Charlie ang limang files na pinagawa niya kahapon. Mainit ang ulong pumasok siya ngayon, dinagdagan pa ng mga disapproved files. "Roxanne!" Awtomatikong natarantang tumakbo patungo sa kanya ang sekretarya sa isang tawag niya sa pangalan nito. "Yes, Sir." "Nireview mo ba ang files na iyan?" tukoy niya sa kulay purple na nakakalat sa mesa. Tumuwid siya ng upo at pinagsalukap ang mga palad. Nakita niya ang bahagyang panginginig ng sekretarya dahil sa ipinapakita niyang anyo--ang matigas at mabalasik na kulang na lang ay maaari na siyang kumitil ng buhay. "Y-Yes, Sir." "Gaano ka na nga katagal dito?" Nagbutil-butil ang pawis sa noo ng maganda niyang sekretarya na kahit kailan ay hindi umubra sa kanya kahit pa magpa-cute ito. Hindi nakasagot ang babae, takot na masisante agad kapag nangatwiran pa ito. Ayaw na ayaw niya ng sumasagot at nangangatwiran lalo na tungkol sa desisyon niya. "Sino ang gumawa ng report na ito? Binasa ko iyan kagabi at sa tingin mo ba mabebenta ang produkto kung mapait o maalat ito?" He review the file presentation yesterday night. Walang tigil pa nga ang pagsaltik ng sintido niya matapos basahin iyon. Hindi niya tipo ang ganoong konsepto. It doesn't make sense to be that original and rare. Walang kwenta ang file na iyon para ipasa sa darating na presentation ng kompanya. Charlie Cordoval is the hottest bachelor businessman in town. Ceo at Presidente ng La Cordia Libatio Entity. He was sophisticated and perfectionist. Hindi ang tipo niya ang tatawa sa simpleng jokes o kwento at hindi rin siya mabilis napalalambot ng isang drama sa pelikula. He shows no mercy when it comes to work and business, a tyrant boss. Alam iyon ng lahat ng empleyado sa La Cordia, bagay na kinagiliwan ng kanyang ama dahil sa pagpapalaki nito sa kanya. Nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid. Ang dalawang Ate ay maagang nagsipag-asawa na, samantalang siya ay nanatili sa poder ng Ama. Mukhang hindi nga niya namana ang kabaitan ng butihin niyang Ina matapos mamatay nito noong nasa dise otso siya sa sakit na cancer. Noon pa man kasi ay kilala na ang kanyang Ina sa pagiging mapagkawanggawa. At ang Ama naman ay kabaliktaran at eksaktong mini me ni Charlie. Ang pangalan niyang kind person daw ang pinanggalingan pero salungat naman sa may-ari ng pangalan. Wala sa linya ni Charlie ang mag-asawa gaya ng bilin ng mga Ate niya, all he wants is money, business and luxury. Kabi-kabila man ang mga naging babae sa buhay niya, all of them is leisure, side flings and f*cking bed warmer. Wala pa siyang relasyong tumagal ng isang taon, karamihan months lang. Hindi na nakapagtataka dahil nga naman sa ugali niyang tyrant, domineering, perfectionist at authoritative na halos siya na ang nagdadala sa relasyon. At kapag alam niyang alanganin na.. Siya na mismo ang kusang bumibitaw at nakikipaghiwalay. "Ibalik mo sa gumawa niyan ang presentation na iyan. I don't need trash! I need another presentation within the week, understood?" Itinulak ni Charlie paabante ang mga files. Mabilis naman iyong dinampot ng sekretarya niya at tumungo saka nagmamadaling lumabas na ng Executive office. Isang ring mula sa phone nang sabihin ng sekretarya na may bisita siya. Iniluwa ng pinto ang pinsan niyang si Franzier Amarillo, ang anak ng kapatid na babae ng kanyang ama. "Mukhang wrong timing ang dating ko," pang-aasar ng pinsan niya. Sa lahat ng mga kamag-anak bukod sa pamangkin, ito ang isa sa close buddy niya. Kung nasa dulo ng pangalan niya ang cold and steel, nasa unahan naman ng pangalan nito ang calm and soft. A kind and charming person without exerting any effort. Charlie and Franzier had the same color skintone, caucasian white. Kung ano ang kinaamo ng mukha ni Charlie na kinabangis naman ng ugali niya. Samantalang si Franzier naman ay matapang ang mukha na kabaliktaran ng ugali. Parang palaging nakangisi o nakangiti at maraming bagay na naglalaro sa isipan. They were on the same 6'3" height na papasang model sa sikat na magazine. Pareho ang tayog at laki ng katawan, maipagkakamali pa nga yatang magkapatid silang dalawa. "Ano ang masamang hangin na nagdala sa iyo rito?" "Kinukumusta ka lang naman. More than a month tayong hindi nagkita. Wala bang hug or kiss diyan?" Nagdilim ang mukha ni Charlie. Wala pa rin itong ipinagbago, mapang-asar at puno pa rin ng kalokohan sa katawan. "Mainit ang ulo ko. I'm not in the mood. Magkita na lang tayo mamaya."   MUKHA namang hindi ito natinag at naisipan pang umupo sa sofa habang siya ay muling tumipa sa keyboard. "Nakakainip naman dito sa opisina mo. Wala ka bang balak palitan 'yang favorite color mong gray ng colorful? Napakadilim at malamig pa sa mata. Walang buhay." Hindi niya pinansin ang panlalait nito sa kulay at interior design ng opisina niya. "Anyway.. Wala ka bang bagong date ngayon?" "No time." "So, no steady girlfriend?" "Nope." "Then.. Why don't you try dating? Thirty two ka na, seriously wala kang balak mag-asawa?" Sa peripheral vision ay napansin niyang dumekwatro ito. "I'm still young. At kahit pa late fortys na ako mag-asawa, it doesn't matter." "Ang tanong ay mag-aasawa ka kaya? Narinig ko kayla Ate Athena at Ate Brittany na ginagawa na nila ang paraan para lang ihanap ka ng mapapangasawa." Napaangat ng mukha si Charlie at napatitig sa seryosong mukha ng pinsan. "How did you know?" "Charles, nag-aalala na sa'yo ang mga Ate mo. Hindi nila alam na kahit late pa tayo mag-asawa, may kakayahan pa rin tayong mag-anak." "It's not the point. How did you know, Franz? May kinalaman ka ba sa mga blind dates ko?" Ngumisi sa kanya si Franzier. "Binisita ko lang si Ate Athena at narinig kong nagpapahanap siya kay Chester kung may kakilala raw na dalaga sa campus." Nilamukos na papel na ang mukha ni Charlie nang marinig ang sinabi ni Franzier. "What the hell!" "Kaya kung ako sa iyo, gagawan ko na ng paraan bago pa ako matali ng wala sa oras. Kabi-kabila na ang gumagawa ng hakbang para isilya elektrika ka. Believe me, women are headache." "I know. Thanks for the tip. Ngayon alam ko na kung ano ang ipinunta mo rito." Pareho nga talaga sila ng likaw ng bituka pagdating sa babae. Ang pinsang si Franzier ang walang balak magseryoso, siya naman ang walang balak makipagrelasyon lalo na ngayon. May pinagdaraanang financial crisis ang kompanya matapos madespalto ng malaking halaga ang kanilang Accounting Manager at napilitan siyang ipakulong sana ito ngunit hanggang ngayon ay nagtatago na ito. "I have to go. Baka hinahanap na rin ako ni Daddy, may date pa kami ni Berna mamaya." Tumayo na ito at dumiretso sa pinto saka nagpaalam. "Chiao!" Natigil ang utak ni Charlie sa yugtong iyon. Ano na naman kaya ang evil plan ng dalawa niyang Ate at ayaw patahimikin ang kanyang buhay. Napadampot siya ng phone at nagtungo sa google, baka sakaling may makita siyang puwedeng makatulong o magpanggap para sa kanya. May nakita siyang app doon, an online dating app. Puwede na siguro iyon. Isang click lang at automatic na may date na agad siya. Money isn't matter as long as papasa itong maging pretend girlfriend or wife in the future. Napadako ang tingin niya sa reviews ng app. Hindi alam ni Charlie kung ano ang pumasok sa isipan niya para pagkaabalahan iyon at basahin isa-isa. Ayon sa nakasulat ay marami na ang nagiging successful sa lovelife ng ilan sa mga gumamit ng app na iyon. Karamihan ay nauuwi sa real life romance ang isang simpleng chat. Ito na nga yata ang sagot sa problema niya mula sa mga Ate na nakikialam ng lovelife niya. Charlie browse it until the deepest and tiniest words. Wala siyang pinaligtas. Gusto niyang alam at kabisado ang isang bagay bago gamitin. A perfectionist person can do before letting it in from his tired world. Mabilis na na-install niya ang application. Hindi naman siya ganoon kahilig sa social media, iwas sa press at hindi pala display ng mukha sa industriya. Boring ang laman ng cellphone niya. Hindi katulad ng iba na tadtad ng social media ang mobile phone. Wala siyang Friendster noon o f******k ngayon. Walang Snapchat, t****k, **, Twitter at kung anu-ano pa. Sapat na sa kanya ang nag-iisang Yahoo email na naging Google email na ngayon. Yahoo ang ginamit niyang confirmation email since hindi na niya gaanong na-update iyon. Naiiritang binitiwan niya ang phone. Kailangan pa kasi ng mobile number para sa easy access ng nasabing app. Isa lang ang ginagamit niyang numero. Napilitan tuloy siyang muling abalahin ang sekretarya. "Sir?" "I need another sim card, asap." "Yes, sir." Matapos ang bente minutos ay muling bumalik ang sekretarya niya na tangan na sa kamay ang simcard na kailangan niya. "Sir, bumili na rin po ako ng cellphone pero hindi po sobrang mamahalin, in case lang po na kailangan n'yo. Alam ko po kasing single sim lang ang iPhone. Puwede n'yo pong iawas na lang sa salary ko ang--" "It's okay. Good." Sa isang kumpas ng kamay ay umalis na si Roxanne. Mabilis na binuksan niya ang karton ng phone at kinuha na rin ang sim. Doon na rin niya ininstall ang dating app-- Coffee meets Bagel. Kakaiba at hindi mapaghahalataang dating app ang CMB. Bagay na bagay sa nais niya. Inalis niya sa iphone ang nauna ng app, sa bagong phone siya nagtuon. Mukhang kailangan din niyang magpa-impress para sa gagawin niyang profile viewer. Nagdalawang isip pa si Charlie kung ugali niya ang ilalagay na description, tiyak wala siyang mahahanap na ka-match. Si Franz agad ang pumasok sa imahinasyon niya. Why not make an ideal Franz version, a humble and Prince Charming side. Other than 'I am.. ' lahat ay puro tungkol na sa kanya. Sana nga lang at walang magsuplada sa kanya. Hanggang sa may natawag ang kanyang pansin at bago pa makatakas ay nag-press na siya ng LIKE.   Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD