NAPATINGIN si Danica sa kapatid na si Divina nang makauwi siya ng bahay. Graduate na noong Marso sa kursong Marketing Management at isa na ngayong office staff sa Pasay. Dalawang buwan na rin ito sa pinapasukang kompanya. Nakabusangot at mukhang wala sa mood ang kapatid niya. Mukhang may hindi magandang nangyari sa pagitan nito at ng trabaho.
"Anong problema? Bakit parang sasabitan na ng basket 'yang nguso mo sa haba?"
"Ate naman!" saway nito.
"Ano nga? Saka akala ko OT ka ngayon?"
Bumuntong hininga muna ito. Puno ng pagod at pagkadisgusto ang tinig. "Parang gusto ko ng mag-resign. Napakasungit ng boss namin. Kada may gagawin kaming hindi pasok sa taste niya, gusto niya palitan agad. Kesyo hindi raw magandang i-market. Wala siyang puso."
Tumayo siya sa sofa at nilapitan ito. "Alam mo baka gusto lang niyang makita ang dedikasyon mo sa trabaho at kung gaano ka katatag. Believe me, kapag napansin niyang hindi ka pumapalag, I'm sure siya ang mapapahiya. Just give your best."
"Talaga, 'te?"
"Oo naman. Magaling ka, kaya nga bagay sa iyo ang kursong kinuha mo. Sa sales talk pa lang, umaariba ka na. Be confident enough to face them, okay?"
Tumango ang ikalawa niyang kapatid at napalitan na ng ngiti ang nakabusangot nitong mukha kanina. Sana lang ay makatulong ang payo niyang iyon para hindi ito sumuko sa hamon ng buhay.
Hindi rin naman kasi niya maialok na sa branch ito magtrabaho dahil puros Hotel and Restaurant naman ang linya ng mga nagtatrabaho roon.
"Anyway, si Denver, bakit hindi pa dumarating?"
"Nag-text siya sa akin kanina. May practice daw sila ng basketball. Late na raw siya uuwi. Baka gabihin."
"Fine. Sige magpahinga ka na. Ako na ang mag-aabang sa kanya."
Dalawang taon pa bago maka-graduate ng kolehiyo ang bunso niyang kapatid na lalaki. Information Technology naman ang kinukuha nito at talaga nga namang magaling itong mangalikot ng computer at gadgets. Hindi na rin kasi sila nagpapagawa kapag nagkaproblema ang laptop, computer o cellphone nila. Natutuwa siya na gifted ang mga kapatid niya.
Nagpaalam na si Danica sa ama at ina. Siya na lang ang tutungo sa Campus para abangan ang kapatid. Pasado alas nuebe na rin kasi at talaga nga namang delikado na sa labas.
Ipinakita niya sa guard ang kopya ng ID ng kapatid niya at ID niya para makapasok siya sa School.
Pag-park ni Danica ng sasakyan sa Parking Lot ng School ay may biglang umatras, hindi yata napansin nito na papasok ang sasakyan niya, ito naman ang paglabas kaya nagbungguan ang sasakyan nila. Tinamaan ang bumper nito at sa buntot naman ang sa kanya.
Napababa tuloy siya ng kotse at mabilis na ininspeksyon ang sariling sasakyan. "Holy s**t! May gasgas ang kotse ko!" Napatingin siya sa may-ari ng sasakyang bumangga sa kotse niya. Pajero ang sasakyan at halatang mamahalin. Mukha ring matibay dahil tila wala namang natamong gasgas. "Kung sino ka man! Bumaba ka riyan." Pinalo pa niya ang kotse nito dahil tinted ang mga bintana, hindi niya maaninag ang sakay niyon.
Bumaba rin naman ang may-ari. Napasipat din ito sa sariling sasakyan at mabilis na tinitigan ang bumper. "f**k! What have you done to my car?" puno ng pag-aalalang balik tanong nito sa kanya.
"Mister, FYI, ikaw po ang bumangga ng kotse ko at hindi ako."
"Hoy Miss, ako ang naunang lumabas. Hindi ko kasalanan kung sumalubong ka."
"Don't hoy me. May pangalan ako. Isa pa, alam mo ng magpa-park ako hindi ka muna nagbigay."
"Is that your way to telling me your name. Believe me, hindi uubra."
Napamaywang siya sa tabas ng dila nito. "Aba! Antipatiko rin pala ang isang ito. Mister, bayaran mo na lang ang damage ng kotse ko."
"Bakit ko naman babayaran? Ako ang naunang lumabas. Ang hirap sa 'yo hindi pa nilalabas gusto mo ipasok na."
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ka lang pala antipatiko, bastos ka pa."
"Ang bastos, nakahubad. Hindi ko na kasalanan kung double meaning sa 'yo ang sinabi ko, Ms. Greenminded."
Akmang tatalikuran na siya nito nang pinigil niya ito. "What did you say? Greenminded?"
Nilingon siya nito at ngumising Demonyo.
Agad kumulo ang dugo niya at bumbilyang umilaw ang sariling utak sa naisip na ideya. "Greenminded pala. Tingnan natin kung hanggang saan tatagal 'yang kademonyohan mong arogante ka!" gigil na bulong niya habang pinanunuod itong pumapasok na sa sariling sasakyan.
Humarang siya sa harapan ng kotse nito at hinubad ang suot na One and half inch stilleto. Mabilis na pinukpok niya iyon sa magara nitong kotse. Kita niyang nabutas nga iyon dahil sa lakas ng pagpukpok niya, basag-basag pa ang ibang parte. Kung wala itong balak magbayad, mas mabuti ng damay-damay na lang.
"Hoy!" Sumilip pa ito sa bintana ng sasakyan at nang mapansing wala siyang balak tumigil, bumisina ito ng malakas na halos ikahiga niya sa sobrang gulat.
Pinaharurot nito ang sasakyan papalayo sa kanya habang siya ay nakataas ang kanang kamay, holding her middle finger above in the air. Kapag ganitong gusto nito ng gulo, aba hindi talaga siya mangingiming patulan ito. Sorry na lang ito at minsan na siyang naging sira ulo.
Binalikan ni Danica ng sipat ng tingin ang sariling sasakyan. "Damn it! Mahal pa naman magpagawa ng sasakyan. Kainis talaga. Bukas ko na lang siguro ito idadaan sa Shop."
Napapadyak na lang siya sa sobrang inis. Sa dami-rami ng dadapuang malas, siya pa talaga ang napili. Todo sumpa tuloy siya sa lalaking iyon. Lahat sana ng kamalasan sa mundo ay bagyuhin ito.
PAGDATING ni Danica sa covered court ay rinig na rinig na niya ang tunog ng bola at mga binatilyong nag-eensayo sa basketball. May laban nga pala ang campus at isa ang grupo ng kapatid niyang si Denver sa lalaban. Hinanap niya roon ang kapatid. Walang Denver siyang natagpuan kaya nagtanong siya sa mga kasama nito.
"Nasa shower area. Baka magpapalit na!" sigaw ng coach nila na naroon din sa training.
"Thanks, Coach."
Tinungo ni Danica ng Shower area, nakita nga niya ang kapatid na nag-eempake na sakto pang may lumapit na lalaki. Naka-jersey terno sa short nito. Sigurado siyang hindi nito kagrupo ang lalaking iyon. Nanlaki ang mga mata nito nang biglang hinaltak nito sa kwelyo ang kapatid niya.
"Tigilan mo si Krishna kung ayaw mong sirain ko 'yang pagmumukha mo. Ungas ka! Akin lang si Krishna."
"Sira ulo! Hindi mo siya pag-aari! Hindi naman kayo ah. Kung makaangkin, akala mo kung sinong boyfriend!"
Kitang-kita niyang itinaas na ng lalaki ang kamao at akmang susuntukin na ang kapatid niyang si Denver.
"Hey! Stop!" Lumapit siya sa dalawa at agad hinila ang braso ng lalaking susuntukin na sana si Denver.
"Ate, huwag kang makialam. Away lalaki ito," pigil ng kapatid niya.
"Kapatid kita, hindi puwedeng hindi ako makialam."
Hinaklit ng lalaki ang sariling braso mula sa pagkakahawak niya at tumingin sa kanya. "Ikaw pala ang ate ng gagong ito."
"Be man enough! Kung nanliligaw si Denver eh 'di dapat sabayan mo rin. Hindi 'yong manakot lang ang alam mo. Be the best man win!"
Ngumisi ito. Ngising pamilyar sa kanya. Parang kamukha ng ngisi ng demonyong nakabangga niya kanina.
"Bakit ka ba nakikialam? Inggit ka ba? Gusto mo bang ikaw ang ipalit ko sa gagong ito?"
Bumigwas ito at susuntukin din siya nang mabilis siyang nakaiwas. Umupo siya at sinipa ito sa binti na dahilan ng pagkawala nito ng balanse. Nakahiga itong bumagsak sa tiled floor. Idinapa niya ang lalaki at inilagay ang kamay nito sa likuran.
"Ang kamay hindi ginagamit sa p*******t, kundi sa pagmamahal."
"Aray! Aray! Tama na."
"Ate, tama na. Baka mapilayan mo."
"Pipilayan ko talaga 'to, nang hindi na makalaro ng basketball," sabi niya kay Denver. "Mister, rember that you need to fight fairly. Hindi 'yong ginagamit mo ang lakas mo sa maling paraan. Paano ka magugustuhan ng babae kung hindi ka marunong gumalang?"
"S-sorry na. Hindi na! Hindi ko na uulitin."
"Kapag nakita ko pang nambu-bully ka o kayo. Babalian ko na talaga kayo ng buto." Saka siya tumayo at hinayaan itong namimilipit sa sakit.
Dinampot niya ang bag ng kapatid. "Tayo na. Uuwi na tayo."
Sa kotse ay masama na ang tingin ni Denver sa kanya.
"O, anong drama mo?"
"Ba't ba nakialam ka pa? Paano kung lalo lang nila akong pagtripan at isiping may sister complex ako."
"Eh 'di huwag mong isipin ang sasabihin nila."
Muli itong tumahimik hanggang sa makarating sila sa bahay. Padabog pa nitong isinara ang pinto ng sasakyan niya. "Next time, ayaw na kitang makita sa School," at padabog na iniwan siya.
"Denver.. Denver!"
Mukhang napasama pa yata ang pagtulong niya. Naiintindihan naman niya, iisipin ng mga ito na mahina si Denver at marunong lang pumalag dahil may Ate na black belter. Hindi nga naman siya dapat na makialam pa dahil problemang kabataan, problemang lalaki. Kasalanan lang kasi ng gagong bumangga sa kotse niya at kailangan niyang ilabas ang inis.
Dumiretso na siya ng kwarto at mabilis na sinipa ang nakasabit na foam padding. Kulang pa yata ang inis na inilabas niya. Lalo tuloy na hindi siya matahimik. Dapat nga yata na hindi siya nakikialam. Parang bini-baby tuloy niya ang bunso niyang kapatid. Bukas ay kakausapin na lang niya si Denver nang mawala na ang tampo nito sa kanya. Sana lang ay mabilis din silang magkaayos.
Itutuloy...