Note: THIS IS AN UNEDITED VERSION and ALREADY COMPLETED, PLEASE EXPECT TYPO ERRORS/GRAMMATICAL ERRORS. THE NEW AND REVISED VERSION SOON WILL BE POSTED. PLEASE STAY TUNED.
NAPILITAN si Danica nang araw na iyon na sumama sa matalik na kaibigang si Janice sa Salon. Day off niya bilang Operations Manager sa isang fastfood chain kung saan siya noon nag-OJT.
Hindi nga inakala ni Danica na sa edad na bente tres ay magiging isa na siyang Supervisor hanggang nagtuloy-tuloy na sa promotions, matapos ang tatlong taon ay naging Manager naman. Nagsimula lang sa pag-o-OJT hanggang doon na rin siya nagpatuloy para magtrabaho, naging candidate at ngayon nga ay isa ng Operations Manager ng branch sa Cavite. Isinalang at nagtapos ng kolehiyo sa Cavite, panganay sa magkakapatid. Kaya madalas siya ang boss at nangungunang team leader sa dalawa pa niyang nakababatang kapatid. Namatay na ang kanyang ina nang ipanganak siya, kaya ang dalawa ay kapatid na niya sa ama.
Hindi naman naging hadlang iyon para ituring niyang ina ang ikalawang asawa ng kanyang ama na si Sandra. Five years old nang muling magpakasal ang kanyang ama, dahil sa kasabikan sa ina, minahal niya ang madrasta at itinuring na parang tunay na ina.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito, Janice?" puno ng disgustong tanong niya sa kaibigan.
"Ay, Besty, vaka magpapa-dry clean. Para mamasa ka naman. Kaloka 'toh! Ano pa ba ang ginagawa sa salon? Natural nagpapaganda, Teng," eksaheradang sabi nito na parang hindi niya alam ang ginagawa ng mga babae sa salon.
"What I mean is bakit pa natin kailangan magpa-salon?"
"Basta! Leave it to me everything, Besty. Hindi ba puwedeng makisama ka na lang?"
Nakasimangot na nakisama nga siya sa kaibigan. Nagpaalam muna ito sandali na may bibilhin lang sa katabing pharmacy. Kalahating oras na mula nang matapos ang make-over galore nang muling bumalik ang kaibigan. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit kailangan pa niyang dumaan sa orasyon ng pagpapaganda, samantalang hindi naman siya chararat kung tutuusin. Oo, aaminin niyang mukha na siyang matured sa edad na bente otso at wala na talagang oras magpa-beauty rest kaya hindi na nakapagtatakang walang nangingiming manligaw sa kanya. Alam naman niya ang lahat ng iyon pero hindi naman siguro niya kailangang magbago para lang may manligaw o magkagusto sa kanya? She was the hopeless romantic type of person at naniniwala pa rin si Danica na hindi kailangang baguhin ang sarili mo para sa iba o para magustuhan ka ng tao. Hindi siya ang klase ng babaeng mag-a-adjust para sa kagustuhan ng iba.
"Danica Rei Carreon, sorry late na me. I'm here na. With matching dress for your make-over galore!"
Inilabas ni Janice ang dress na binili nito gamit ang credit card niya. Napangiwi siya sa klase ng damit na gusto nitong ipasuot sa kanya. Aaminin niyang may pagka-Maria Clara siya kung manamit kaya naasiwa siya nang suotin niya ang sleeveless dress na halos makitaan na siya ng dibdib at aabot lang ang haba sa tuhod niya. This was her first time to wear that kind of alluring dress. Madalas naman kasi ay naka-slacks, pantalon, long sleeve o polo-shirt siya. Kung magpapalda naman siya tuwing magsisimba lang ay sinisigurado naman niyang lampas tuhod o halos nasa binti na. Hindi naman sa hindi siya makinis. Ayaw lang talaga niyang mapansin dahil sa revealing dress na susuotin niya.
"Last mo na 'to, Janice ha. Ngayon lang ito. Ngayon lang," paalala niya sa kaibigan na kuntodo ang ngiti na halos ikapunit na ng labi nito.
"Wow! Para kang diyosa! I can't believe na may igaganda pa pala ang kaibigan kong manang."
Pinameywangan niya ito, "Excuse me, FYI hindi naman ako, chararat 'no."
"Oh well, I didn't say that."
Tama na raw ang pagtitipid niya sa sarili, minsan naman daw ay i-treat niya ang sarili at hindi iyong laging priority na lang niya ang pamilya. Kaya ayon, sunod-sunuran siya sa lukaret na kaibigan.
Tumambay sila sa isang coffee shop sa Pasay. Doon daw nila kukunan ang photo shoot niya. Tuwi naman kinukulit niya ang kaibigan kung para saan, puros 'basta' o 'wait ka lang' ang bukambibig nito.
Napilitan siyang mag-pose at si Janice ang taga kuha. Mukha siyang model. Pati ba naman kasi sandals at accessories ay hindi nakawala sa taste buds nito. Pakiramdam tuloy niya namulubi siya nang mga sandaling iyon. Ano ba naman kasi ang gagawin ni Janice sa mga photos niya?
Nabigla siya sa naglalaro sa isipan. "Huwag mong sabihing ibebenta mo online ang photos ko?"
"Gaga! Don't you worry, kahit sa fcebook or insagram hindi ko po iyan ipo-post. Remembrance lang."
"Fine. Bakit pa kasi ayaw mong sabihin ang dahilan? Nakapagdududa ka na talaga."
"Intrigera ka lang. Huwag ka nga. Relax lang and enjoy this day." Saka sinabayan ng kindat.
Minsan talagang may time na hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng kaibigan, lalo na kung naglilihim talaga ito.
Nagpaalam itong tutungo ng CR at pagbalik ay saka na sila uuwi. As usual, naghintay na naman siya ng halos dalawampung minuto.
"'Kala ko iniwan mo na ako," reklamo pa niya nang makita itong ngiting-ngiti.
"Besty! Huwag muna tayong umalis. Look at this."
Gawa ng kyuryusidad, inilapit niya ang mukha sa hawak nitong cellphone.
"Charlie Cordoval like you too."
"Huh! Sino naman 'yan? Ba't nag-like sa—wait! Hindi ito sss ah." Mabilis niyang hinaklit ang phone na kanya pala. "You snatched my phone and doing horrible things?"
HALOS maloka si Danica sa pinaggagagawa ng lukaret niyang kaibigan. Ginawan siya nito ng account sa isang online dating application—ang Coffee Meets Bagel. At nagulantang siya nang sa ilang saglit ay may naka-match na agad siya at nag-message pa sa kanya.
Dahil sa pangungumbinsi ni Janice na subukan niya ang online dating app at makipagsapalaran para mahanap ang soul mate, napilitan siyang pagbigyan ito. Ngayon ay nalinawan na siya kung bakit nagpaayos pa siya sa salon, bumili ng magagarang damit at sapatos na kasama pa ang mga burloloy. Iyon pala ay para sa profile niya sa isang app.
Pinasadahan ni Danica ng tingin ang profile ng lalaking naka-match niya.
Charlie, 32
Location: Philippines
Occupation: Entrepreneur, Business tycon
I am... Gallant and goofy. Loves terrible joke.
I like... Exploring things in a different ways.
I appreciate when my date is... Can deal with my crazy schedule and mind. Take time to meet me more.
"Huh! Take time to meet him more.. Mukhang secretive ang isang ito." Napa-zoom siya sa profile picture ng lalaki. Naka-smile ito, labas ang malalim na dimple sa magkabilang pisngi na malapit sa bawat kanto ng labi nito. Kulay tan, abuhin ang kulay ng mga mata, makapal ang kilay at makinis ang mukha. It looks like a tall, dark and handsome figure. Nakaupo ito sa isang sofa habang nakapatong ang magkabilang braso sa tuhod at magkahugpong ang dalawang palad. Wearing a navy blue polo shirt. Hindi naman mayabang ang dating, parang pa-humble pa nga ito. At masasabi niyang, may itsura ang lalaki.
That Charlie Cordoval really captures her eyes in one look. Kahit pa marami na ang nag-like sa kanya ay hindi na niya pinapansin pa. Parang magneto na nakuha nito ang attention niya.
'You're gorgeous. A refine beauty,' puri nito sa pagitan ng chat nila ng gabing iyon.
Sa halip kasi na mag-extend pa ng oras ay minabuti niyang umuwi na lang at paunlakan na ang reto ng kaibigan na patulan ang dating app. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya.
'Thanks,' matipid na sagot niya. Hindi naman kasi siya madaldal sa chat. Subok lang talaga. Sana lang ay mapagtiyagaan siya nito.
'If you don't mind, may I ask kung madalas ka dito?' Sino naman kasi ang kukuha pa ng dating app kung successful ka naman sa buhay?
'Hmm.. Actually, ngayon lang. Sabi ng cousin ko, maganda raw dito.'
'Oh I see. Hndi ba puro past time ang mga napupunta rito?'
'Hindi nman siguro. Karamihan daw kasi na narito, successful na sa love life. And this is an effective way to kill time and stress.'
Isang smiley emoticon ang s-in-end niya. Tama naman ito. Mukhang maganda nga ang app na ito.
'Ano pala ang business mo?'
'Isang factory ng mga drinks, juice at iba pa. Baka nga kapag nalaman ng mga kasamahan ko na dito ako naghahanap ng lovelife, pagtawanan nila ako.'
'Pareho pala tayo. Kapag nalaman din sa branch, todo tawa rin ang mga staff ko.'
'Wala naman sigurong masama if we try our luck. Who knows that it's not only match in the app but in real life.'
'You're good in talking ha. No wonder kung bakit businessman ka.'
'Hindi naman. Akala ko nga ikaw ang magsusuplada. Mukhang mabait ka naman pala.'
'Sakto lang naman. Minsan talaga may kasamaan din ang tao..'
'Straightforward ka rin pala. Anyway, u work as a Manager at an early age. Nakakatuwa ka naman. Im sure proud na proud sa iyo ang family mo.'
'Thanks. Ikaw nga rin, successful businessman na..'
'Is it ok to ask, why are u still single at the age of twenty eight?'
'Baka mapili nga ako. Suplada daw kasi ako kaya walang nanliligaw. If there is any, matic na basted na saken..'
'Nakatatakot ka nman palang ligawan. Anyway, ano mga hobbies mo?'
'I like playing badminton and volleyball..' High school pa lang siya iyon na ang hobbies na gusto niya kaya nga siya ang nominated sa mga panlaban ng school pagdating sa sports.
'I played badminton din magkakasundo pala tayo sa bagay na yan. Pero love ko rin ang basketball.'
Nagtanungan pa sila ng mga bagay na wala sa mga profile nila hanggang inabot na sila ng madaling araw sa pag-uusap. Kung hindi pa siya nagpaalam, wala pa yata silang balak huminto para matulog.
Another thing she didn't realized that it is a good na mayroon siyang makilala beyond her comfort zone.