Game of life-2

1703 Words
Game-2 "Halina kayo mga bata, matulog na kayo ulit," sabi sa amin ni tita, nagtinginan kaming magkapatid at nasa mata ng bawat isa sa amin ang hindi pagsang-ayon sa gusto ni tita. "Tita, hahanapin namin si papa para hindi na umiyak si mama," sabi ng ate ko. "Ah, Anna, Karen," bigkas ni kuya sa mga pangalan namin, hinawakan n'ya ang kamay namin at hinila n'ya kami papuntang silid. "Matulog na kayo, ako na ang bahala kay mama, tutulungan ko s'yang hanapin si papa, huwag kayong mag-alala. Bukas ng umaga pag gising ninyo ay nahanap na namin si papa," sabi ng kuya ko. "Talaga kuya?" masigla kong sambit sabay hila ko sa kamay ng ate ko. "Tara na ate, matulog na tayo para mabilis dumating ang umaga, para bukas pag gising natin ay nandiyan na si papa," inosente kong tugon, subalit parang ayaw ni ate na sumunod sa akin kaya nagtaka na naman ang inosenteng ako sa aking kapatid. "Ate, bakit matamlay ka? Tara na kasi, tulog lang tayo para may papa na tayo bukas, miss mo si papa diba? Miss ko rin s'ya, pero kailangan natin matulog para makita natin s'ya agad," kumbinsi ko sa ate ko, subalit malungkot na lumingon ang ate ko kay kuya na tila ay may gusto itong sabihin. Niyakap ng kuya ko si ate. "Karen, sige na. Matulog na kayo ni Anna, sasamahan kayo ni tita, ipalagay mo iyang isip mo at huwag kang mag-alala ," wika ng kuya ko na parang naiintindihan n'ya ang lahat ng hindi ko naiintindihan dahil musmos pa lang ako. Palagay ko ay may tinatago ang mga kapatid ko sa akin. "Jason, ako na ang bahala sa kanila. Samahan mo muna si mama mo," sabi ni Tita mula sa likuran ni kuya. Pumasok si tita sa kwarto namin at si kuya namin ay tumabi kay mama. "Tita, bukas darating na si papa diba? Matutulog lang kami para mas mabilis diba?" ganado kong sambit at excited ako sa pag sibol ng umaga dahil ang utak ko at ang mga mata ko ay tanging si papa ang hanap, papa's girl kasi ako kaya ganoon. "Karen, tama na iyang pag- iisip mo, matulog ka na," wika ni tita sa ate ko habang ako naman ay nagkumot na ng aking kumot sabay pikit ng aking mga mata na may ngiti sa mga labi. Katabi naming natulog sa kwarto si tita at sa pag sibol ng umaga ay maaga akong nagising, pagkagising ko ay wala na si tita sa aking tabi pati na rin ang aking ate. Ang bagong gising kong mukha ay agad na napalitan ng ngiti at tuwa. "Wala na sila! Si papa? Baka dumating na si papa! Hindi man lang nila ako ginising! Ang daya," excited kong sabi sa aking sarili at ang puso pati na ang mga mata ko ay naghahangad na muli kong masilayan ang mukha ni papa. "Tita! Kuya! Ate! Mama!" sigaw ko habang tumatakbo, subalit hindi ko nakita sina mama at kuya, tanging si tita lang na kasalukuyang nagtitimpla ng gatas para kay ate. "Ate! Ate!" takbo ko palapit sa kanya at umakyat ako sa silya at doon umopo. Hindi ko kasi abot ang silya kaya kailangan ko lang akyatin maka-upo lang. "Gising ka na pala Anna, saglit lang at ipagtitimpla kita ng gatas," sabi ni tita. "Ate, si kuya nasaan? Si mama? Si papa dumating na ba?" excited ko pa ring sambit. Hindi sumagot si ate at matamlay ang kanyang mukha kaya si tita na ang sumagot sa mga katanungan ko. "Ah, Anna. Hindi pa nakaka-uwi si mama mo at si kuya mo," tugon ni tita. "Ah, hintayin ko po sila, alam ko kasama na nila si papa pag-uwi nila,," sabi ko at tinanggap ko ang gatas na inabot n'ya sa akin. Akmang iinumin ko na sana ang gatas ng biglang dumating na sina mama at kuya, dali-dali kong ibinaba ang hawak kong isang basong gatas at masaya kong sinalubong ng yakap si mama. "Yehey! Nandito si mama!" tuwang-tuwa kong bigkas at agad na hinahanap ng mga mata ko si papa subalit hindi ko nakita ang aking ama. "Mama, bakit basa kayo ni kuya? si papa, ma?" tanong ko at tumingala ako sa aking ina. I saw my mom eyes na tila ay walang tigil sa kakaiyak, namumula pa kasi ang kanyang mga mata at tila ay wala s'yang sigla sa kanyang mga mata. Kaya nilingon ko si kuya upang tanungin subalit nag-iwas ng tingin sa akin ang aking kuya. Pareho silang matamlay at malungkot, hindi rin mahahagilap ng aking mga mata si papa kaya agad na namula ang aking ilong at agad na humula sa aking mga mata ang nagbabadyang mga luha na handang pumatak anumang oras mula sa aking mga mata. "Kuyaaaaaa," hikbi ko sabay patak ng mga luha sa aking mga mata, pagka-iyak ko ay umiyak na rin si kuya pati na si mama, narinig ko rin ang iyak ni ate mula sa likuran. "Maaaaa, si papa? Bakit hindi umuwi si papa? Nasaan si papa? Over time po ba? Maaaa, gusto ko makita si papa, mag-blow pa ako ng candle sa cake na dadalhin n'ya sa akin diba?" sabi ko habang pumapatak ang mga luha mula sa aking mga mata. Lumuhod ang mama ko sa aking harapan at niyakap ako. Mas lalo akong umiyak at humagulgol na ako ng humagulgol dahil sa mga yakap ni mama sa akin, sa mga yakap n'ya kasi ay parang gusto n'yang sabihin na wala ng papa ang dadating at uuwi sa amin. "Anak, tahan na, tahan na anak, hahanapin natin si papa, hahanapin natin s'ya," sambit ng aking ina at pahigpit ng pahigpit ang mga yakap n'ya sa akin. "Anak, pasok ka na sa loob, hahanapin ko pa ang papa ninyo. Jason anak, mag pahinga ka na muna," sabi n'ya "Mare, mag kape ka muna, kumain ka na rin, mahina ka na, kailangan mong maging malakas sa panahong ito," sabi ni tita kay mama. "Mare, salamat sa pag aalaga mo sa mga anak ko pero kailangan kong hanapin pa ng husto ang asawa ko, kinakabahan ako gayong hindi maganda ang panaginip ko tungkol sa kanya at hindi pa rin s'ya umuuwi sa piling namin. Pinuntahan ko na rin ang pinagta-trabahuan n'ya pero sabi ng mga ka-work n'ya sa akin ay maagang nag out ang asawa ko kahapon. Mare, huwag sanang maging tama ang ikinakatakot ko," sagot n'ya kay tita na punong-puno ng pangamba at kaba. "Mare! Mare! Azul! Azul!" nagkukumahog na takbo ng Isa pa naming kapitbahay palapit sa bahay namin kaya lahat ng aming attention ay napukol sa aming kapitbahay. "Azul! Nakauwi na ba si Mario?!" "H-hindi pa," kinakabahang sagot ni mama sa kapitbahay namin, sa tuno kasi nito ay tila may dalang isang masamang balita. "Naku! Azol, may bangkay na nakuha sa ilog malapit lang dito sa atin! Naka-dapa at hindi ko kita ang mukha! Tignan mo dahil paki-wari ko ay asawa mo iyon!" nerbyos na ulat sa amin ng aming kapitbahay. "D'yos ko!" bigkas ni mama at napa-hawak s'ya sa kanyang dibdib at lahat kami ay tumakbo na sa sinasabing ilog. Pagkarating namin doon ay napakaraming tao at nakipag -siksikan ang aking ina pati na rin kami sa tumpok ng mga tao. "D'yos ko! Mariiiiiiio!" palahaw ng aking ina. Kahit na nakatalikod ang papa ko ay kilalang-kilala s'ya ng aking ina. Walang pang police at tanging mga kabarangay lang ang nandoon, halos tinalon ni mama ang malamig na katawan ni papa at pinaharap n'ya ito. "U-ughhh! Mariooooooo! Mariooooooo! D'yos ko! D'yos ko! Mariooooooo! Ughhhhhhh!" sigaw ni mama sa napaka-sakit na tinig habang nanginginig ang kanyang isang kamay na humahawak sa pisngi ni papa. Umiyak na rin ang mga kapatid ko subalit ako ay walang kahit isang luha ang pumapatak sa aking mga mata. "Ate, kuya, huwag kayong umiyak. Natutulog lang si papa eh," sabi ko at inosente akong lumapit kay papa at kiniliti ko ang kanyang mga paa para magising s'ya gaya ng ginagawa n'ya sa akin. Ng dumampi ang daliri ko sa kanyang paa ay naramdaman kong malamig ang paa ng papa ko. "Mama, nilalamig si papa, uwi na tayo, kukumutan natin si papa para magising s'ya, maginaw kasi kagabi tapos dito s'ya natulog. Baka magkasakit pa si papa," sabi ko sa aking ina habang ang mga tao ay naaawa sila sa akin at sa amin, bagay na hindi ko naiintindihan. Humawak ako sa t'yan ni papa at my kumatas na konting dugo mula sa basa n'yang katawan, nagulat ako sa aking nakita. "Dugo! Mama si papa may dugo!" sabi ko sabay hila ko ng isang kamay ni papa. "Papa! Papa! Tayo ka! May sugat ka papa!Mama! Dalhin natin si papa sa hospital!" pagmamadali ko at hinawakan ni mama ang kamay ko at umiling-iling. "Anak, wala na si papa mo, wala na ang ama n'yo," katagang nangaling sa mga labi ni mama na kay hirap tanggapin para sa akin. "Mama! Buhay pa si papa! Kailangan n'ya lang magamot! Papa tayo ka! Papa! Papa!" hikbi ko at pilit kong pinapatayo ang ama ko mula sa pagkaka-higa nito. "Papa! Bangon na! Kulit mo eh! Papa! Papa! Papa!" subalit hindi tumatayo si papa kaya niyakap ko na s'ya kasama ang aking ina. "Papa! Sabi mo uuwi ka! Mag blow pa ako ng candle ko eh, papa! Papa! Gising na! Hindi na ako pasaway papa! Papa! " hikbi ko at halos mag maka-awa na ako sa papa ko para gumising lang s'ya. Halos lahat ng tao sa paligid namin ay umiiyak na kakatingin sa amin, habang sina ate at kuya ay nagyayakapan silang dalawa. "Papa!" "Mario!" sigaw namin ng aking ina ng biglang binuhat na kami ng mga police na bagong dating palayo sa katawan ng aking ama. "Papa! Papa ko iyan! Dalhin n'yo si papa sa hospital! Maawa na kayo! Maawa na kayo!" sigaw ko at kinuha ako ng aking ina mula sa police. "Anak, tahan na, tahan na,tahan na," pag aalo ni mama dahil kulang na lang ay mag wala na ang batang ako. Yumakap din mula sa likuran ni mama ang aking mga kapatid tawag-tawag ang katagang 'Papa' "Mga anak, tahan na kayo, tahan na," pag aalo ni mama sa amin, subalit paano kami tatahan gayong tumutulo rin ang mga luha sa mama mula sa kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD