bc

Game of life

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
heavy
like
intro-logo
Blurb

It's a story of a family and a siblings who struggle so much and fight for thier life until they had thier huge success

chap-preview
Free preview
Game of life-1
Game of life-chapter-1 Ako si Anna, bunsong kapatid sa aming tatlo. Mayroon akong matapang at mabait na kuya at sweet na ate na si ate May. Masaya kaming pamilya, housewife si nanay at masipag n'ya kaming inaalagan na tatlong magkapatid. Habang si papa naman ay isang factory worker. Nakatira kami sa bayan ng bicol, hindi kami ganoon ka naghihirapnna pamilya dahil sa bukod sa housewife si mama ay may maliit naman kaming tindahan ni mama kaya hindi ganoon kabigat ang buhay sa amin, nakakapag-aral kami ng maayos at mabibili ng mga magulang namin ang mga pangangailangan naming magkapatid. Simple lang pero masaya kaming pamilya, ganun talaga ang buhay mahirap na sapat lang ang kakayahan para mabuhay, na appreciate mo ang lahat na maliit na bagay galing sa mga magulang mo. "Anna!" tawag sa akin ng ama ko, kasalukuyan akong uminom ng gatas ko sa baso at 5 years old lang ako. Excited akong tumakbo kay papa papunta sa pintuan ng bahay namin at iniwan ko na ang isang baso kong gatas sa mesa. Excited akong marinig ang sasabihin n'ya, alam kong tanungin n'ya ako kung ano ang gusto ko. "Papa!" ngiti kong sabi sabay yakap sa kanyang beywang. "Aba! Ang saya ng umaga ng anak ko ah," sabi sa akin ni papa at niyakap n'ya ako sabay gulo ng aking buhok. "Anong gus…," hindi na ipagpatuloy ni papa Ang dapat n'yang sabihin ng bigla ko na itong putulin. "Cake! Cake papa cake! Na may pangalan ko sa taas at five na kandela sa mag-5 na ako ngayon diba," masaya kung sabi sa kanya, twinkle-twinkle pa ang mga mata ko sabay pa cute. Humagalpak sa tawa ang ama ko at muli n'yang ginulo ang buhok ko. "Kay aga ang taas na ng energy mo ah, pa kiss nga sa bunso ko," aniya sa akin at hinalikan n'ya ang pisngi ko. "Oh, ikaw na bahala sa mga bata ah," sabi n'ya sa Ina ko at hinalikan n'ya si mama sa labi. Ang sweet talaga ng mga magulang ko. "Ate! Kuya" tawag naman n'ya sa mga nakakatanda kong kapatid at lumapit naman sila ate at kuya sa ama ko. "Kuya, tulongan mo si mama dito sa bahay ah. At ikaw ate, tulungan mo rin si mama mo sa tindahan ha," bilin pa n'ya sa mga kapatid ko at tumango naman sila bilang tugon sabay ginulo rin ni papa ang mga buhok nila bago tuluyang umalis. "Anna, halika ka nga rito. Ang gulo ng buhok mo," saway pa ni ate sa akin at dinala n'ya ako sa upuan namin at inayos n'ya ang buhok ko at tinali. "Ayan, maganda ka na," aniya sa akin at niyakap n'ya ako mula sa likuran ko. "Malaki na ang bunso namin, magdadala na s'ya balang-araw," dugtong pa n'ya. "Ate, matagal pa ako mag dalaga. Mauuna ka pa sa akin," sabi ko sa kapatid ko na 8 years old pa lamang noon, at napa-ngisi s'ya sa sinabi ko. "Dalaga raw," singit pa ng kuya ko sa ate at nilapitan n'ya ito. "Dalaga-dalaga. May mota ka pa nga!" saway n'ya kay ate ko at dinakot n'ya ang mota sa gilid ng mata nito. Habang ako naman ay abot nataw ko ang Ina ko na nasa kusina at napapa-ngisi s'ya habang pinagmamasdan n'ya kaming tatlo. Masaya s'ya na makita kaming magkasundo. Alas-singko ng hapon ay nag-ulo na si mama ng ihahanda n'ya sa birthday ko. Marami na ang nasa mesa, may spaghetti, pancit, tinolang manok at syempre hindi mawawala ang coke sa mesa. Excited ako sa pag-uwi ni papa dahil cake na lang ang kulang at ang pagbati n'ya sa akin. Mas important si papa at ang pagbati n'ya kaysa sa cake na gusto ko. Tuluyan ng nag takip ang dilim sa kalangitan at medyo maulan. Alas-6-30 na ng gabi pero wala pa si papa, nasa pintuan ako ngayon at hinihintay ko si papa na umuwi. Nilapitan ako ng ina at hinapuhap n'ya ang likod ko. "Dadating si papa mo, umopo ka na muna sa loob," aniya sa akin. "Pero ma, 6-30 na. Dapat kanina pa si papa eh, diba dapat 6 ay naka-uwi na s'ya?" malungkot kong sabi sa ina ko. "Anak, maulan. Baka nagpasilong lang si papa mo kaya wala pa s'ya ngayon, or baka nag over pa si papa mo sa trabaho n'ya," mahinahong tugon pa ni mama sa akin," "Pero sabi ni papa maaga s'yang uuwi diba? Na hindi s'ya mag o-over time ngayon dahil birthday ko," "Anak, huwag ka munang mag-isip. Darating si papa mo kaya umopo ka muna sa loob," sa puntong iyon ay sinunod ko si mama at umupo ako sa tabi ng mga kapatid ko. "Anna, hintayin mo lang. Dadating si papa natin kaya hintayin mo na lang s'ya," alo din sa akin ng kuya ko. Hintay kami ng nag hintay sa pag dating ni papa, alas-7 na ng gabi subalit wala pa si papa. Tumila na rin ang ulan kaya nag hintay na naman ako sa pintuan at sa puntong iyon ay pati ang mga kapatid ko ay kasama ko ng dumungaw sa pintuan at hinihiling ang pag-uwi ni papa. "Ma, malamig na ang pagkain pero wala pa si papa, bakit hindi pa kaya umuuwi si papa?" tanong ng kapatid kong babae sa aming Ina. "B-baka, nahirapan lang maka-kuha ng masasakyan si papa n'yo. Mga anak, kumain na muna kayo dahil baka matagal pa si papa n'yo. Gigisingin ko na lang kayo kapag dumating na si papa ha?" aniya sa amin at nakinig naman kami sa aming Ina. Kumain kaming tatlo habang si mama naman ay hinihintay n'ya si papa sa pintuan. Pagkatapos naming kumain ay natulog na rin kami dahil iyon ang nais ng aming ina. Lumalim na ang gabi at bumulusok na naman ang ulan pero wala pa ring papa ang dumating. Alas- 11 na ng gabi ng maramdaman ko si mama na tumabi na sa amin. "Mama, si papa?" tanong ko sa kanya. "Matulog ka na, bukas pa dadating si papa. Huwag ka na muna mag tanong anak, matulog na muna tayo," malamig na sabi ni mama sa akin at ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko. Mahimbing na ang tulog namin ng biglang bumalikwas ng bangon si mama at umiyak s'ya ng umiyak. "Mario, bakit hindi ka maka-uwi? Nasaan ka ba?" iyak ng mama ko kaya nagising kaming lahat ng mga kapatid ko, lahat kami ay nagtaka kung bakit umiiyak si mama. "Mama, bakit?" tanong namin sa ina namin subalit bigla lang si mama na lumabas ng silid namin at lumabas s'ya ng bahay naman habang umiiyak, hinahanap n'ya si papa namin sa kalsada sa gitna ng dilim, kaya sinundan s'ya ng kuya namin. Subalit hindi nila nakita si papa, kaya kalaunan ay umuwi na rin sila na matamlay si mama. "Mama," mahinang bigkas ko at kasunod na pumasok si tita Ning sa loob ng bahay namin, kapit bahay namin s'ya at hindi namin s'ya kadugu subalit malapit kami sa kanya. "Mga bata, halika kayo. Pumasok na kayo sa loob ng kwarto at matulog ulit. Ngunit nge isa sa amin ay walang nakinig sa kanya at gusto naming lapitan si mama habang umiiyak doon sa kusina. "Tita Ning, bakit umiiyak si mama?" tanong ko habang nagbabadya na ang luha sa mga mata ko. Ayaw sabihin sa amin ni tita ang totoo pero makulit talaga kaming tatlo at gusto naming malaman ang totoo. "Wala, nanaginip lang si mama ninyo sa papa n'yo. Basa raw si papa ninyo at hindi daw ito maka-uwi. Humihingi daw ito ng tulong sa mama ninyo na sunduin s'ya dahil hindi s'ya maka-uwi, hindi raw n'ya makita ang daan. Ang story na ito will be continued after finishing. Her Cruel Fate Kasandra free po ito para sa mga readers ko

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Death Wolf Saga

read
96.0K
bc

Billionaire's Wrong Bride

read
957.4K
bc

Scarred Knight

read
232.7K
bc

The Alpha Assassin

read
66.9K
bc

Triumphant Ex-wife(After Divorce)

read
9.1K
bc

The Billionaire's Private Nurse

read
64.6K
bc

It Was Always You (book 2)

read
15.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook