Game-3
Wala akong nagawa at ang aking mga kapatid pati na ang aking ina sa sitwasyong ito. Nakuntento na lang kami sa isang tabi habang lumuluha habang pinapanood namin ang mga police sa pag-iimbestiga.
Sabi ng mga ito sa ina namin na ang dahilan ng pagkamatay ng papa namin ay saksak sa tagiliran at pag-sakal dahil sa pagnanakaw na motibo ng kriminal, dahil wala kahit isang sintimo ang nasa bulsa ng papa ko at sahod n'ya noong birthday ko. Pati cellphone n'ya ay nawawala rin. Maaring sumakay raw ng tricycle si papa ko at pagdating doon sa madilim na bahagi ng lugar ay doon s'ya pinababa at doon na isinagawa ang krimen.
Ang pinaka-masaklap pa ay walang kahit anong lead kaming nakuha para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Walang cctv, walag witness.
Maka-lipas ng isang linggo ay inilibing lang namin si papa sa gilid ng aming bahay dahil wala kaming perang pang gastos at para ramdam namin na malapit pa rin si papa sa buhay namin.
Simula ng pagkawala ni papa ay naghirap kami ng husto, wala kaming bigas kaya unti-unting naibinta ng aking ina ang aming sofa, tv, ref, at iba pang mga kagamitan sa murang halaga upang matustusan lang ang aming mga pangangailangan at para malagyan ng makakain ang aming gutom na t'yan. Pasalamat na lang kami kapag may nag hatid ng ulam at kanin sa bahay namin, sa ganoong biyaya ang sobra na ang saya namin. Pero minsan, ay wala talaga kaming makian at pumapasok ang dalawa kong kapatid sa skwela ng walang agahan. Habang ako naman ay tumigil sa skwela ko sa kindergarten.
Si mama naman ay tumatangap na ng mga labahin mula sa aming mga kapitbahay upang makabili lang kami ng ulam at bigas, upang may lulugawin kami kahit papaano. Kulang na kulang din ang kinakita ni mama para amin, nakikita ko na pagod na pagod na si mama kaka-laba, minsan ay magdamag s'yang naglalaba upang mas marami pa s'yang malalabhan Kinabukasan. Kahit sugat na ang kanyang mga daliri ay sige pa rin s'ya sa kakatangap ng labahin mabuhay n'ya lang kami.
"Mama, masakit?" inosente kong tanong ng makita ko si mama na panay ihip n'ya sa kanyang kamay na napuno na ng mga sugat.
"Ah, wala ito anak, wala ito," tangi n'ya sa akin at peke s'yang ngumiti sa akin upang itago ang sakit at para makumbinsi n'ya ako na okay lang s'ya. Itinago pa n'ya ang kanyang kamay sa kanyang likuran upang huwag ipakita sa akin ang mga sugat n'ya sa kanyang mga kamay.
"Mama, nakita ko iyon eh, akin na mama. Tulungan kita, hihipan ko lang ang sugat mo," sabi ko at kinuha ko ang kamay n'ya at hinipan.
"Mama, kiss ko para hindi na mahapdi ah. Gaya ng ginawa ni papa sa akin para mawala ang sakit," dugtong ko sabay halik ko sa kamay ni mama.
"Mama, magaling na ba? Hindi na masakit?"
Pagka-angat ko ng aking patingin kay mama ay lumuluha na s'ya sabay yakap n'ya ng mahigpit sa akin at humahagolhol s'ya ng humagulgol habang yakap-yakap n'ya ako.
"Mama, masakit pa? Gusto mo isang kiss pa?" Tanong ko at rinig na rinig ko ang bawat pag sighot n'ya ng kanyang sipon at walang tigil pa rin s'ya sa kakaiyak.
"Anak, patawad kong naghihirap tayo ha, patawad dahil mahina si mama. Pasensya na kayo kung hindi ko kaya ibigay ang buhay na nakasanayan ninyo noong buhay pa ang ama ninyo, patawad kung minsan ay ang inuuwi kong pagkain ay tira-tira lang sa mga karinderya. Patawad kung hindi ko na mabibili ang lahat ng gusto ninyo ng mga kapatid mo. Anak, konting tiis na lang ha? Konting tiis na lang, magiging maayos din tayo. Hindi tayo pababayaan ng ama mo, gagabayan n'ya tayo alam ko," sambit n'ya sa akin habang umiiyak.
"Nay! Nay!" tawag ng mga kapatid ko sa aking ina kaya agad na nag punas ng luha ang mama ko upang itago na naman ang kanyang mga luha mula sa aking mga kapatid. Maya-maya lang ay bumungad na sa pintuan ang aking mga kapatid na kakauwi lang galing eskwela at masaya ang mga ito.
"Nay! Binili ni teacher ang lahat ng kamote na dala namin kanina sa school kaya may pera na kami!" masayang ulat pa ng mga kapatid ko at proud sila na naka-binta sila.
"Ito mama oh, pambili bigas para may kakainin tayo mamayang gabi!" sabi ng kuya ko at inabot n'ya ang fifty pesos sa aking ina.
"Ang galing naman ng mga anak ko, malaking tulong ito mga anak," sagot ni mama subalit agad na nalungkot ang kanyang mukha.
"Ma,bakit?" usisa ni ate.
"Wala pa kasi tayong pambayad ng kuryente, baka mapuputulan tayo ng ilaw, pero huwag n'yo ng isipan iyon mga anak, ako na ang bahala doon. Kumain na kayo para masigla kayo kapag papasok na kayo sa skwela," bawi ng Ina ko sa lungkot na bumalot sa amin.
Kumain kami at hati-hati kaming magkapatid sa kaunting kanin na nasa harapan namin at tatlong tuyo lang ang ulam namin.
"Ma, kumain ka na," aya ko sa aking ina dahil hindi pa s'ya kumakain.
"Ah, sige ubusin n'yo iyan mga anak. Tapos na si mama kumain kanina pa," sabi n'ya.
"Pero mama, hindi kita nakitang kumain kanina,"
"Porket hindi mo ba ako nakitang kumain ay hindi na ako kumakain? Naku, kanina pa ako tapos. Sige na, ubusin n'yo iyan. Magkukusot lang ako nag ibang labahin," dugtong n'ya sabay pumunta sa kanyang mga labahin.
Sikretong nag pahid ng mga luha si Azul at agad n'ya itong pinunas, humilab ang kanyang t'yan sa gutom dahil hindi totoo na kumain na s'ya, alam n'ya kasi na kulang ang pagkain para sa kanyang mga anak kaya mas pipiliin na lang n'yang hindi kumain makita lang na nalamanan ang t'yan ng kanyang mga anak. Bumalik s'ya sa kaka-kusot ng kanyang mga labahin.
Matapos kumain ay bumalik na sina ate sa kanilang skwela.
Maya-maya lang may isang kapit bahay kaming galit na galit sa aming Ina at wala pa itong pakundangan na pumasok sa aming bahay sigaw-sigaw ang pangalan ni mama.
"Azul! Azul! Hayop kang babae ka! Azul!" sigaw nito.
"Aling Betty, b-bakit po?"
"Anong bakit-bakit!? Andami mong labada pero hindi mo nababayaran ang mga utang mo sa akin! Ang galing mong mangutang pero hindi ka marunong mag bayad! Kinain n'yo na ang inutang ninyo pero nge isang sentimo ay wala akong nahita sa paninda ko sa inyo!" naka-pamewang nitong sambit at nag uumapoy sa galit.
"A-ah, pasensya na po Aling Betty, mag babayad naman po ako eh, kaunting palugit lang po,"
"Bayad!? Magbabayad ka?! Kailan naman? Puro ka pangako at pangako! Wala naman! Sinabi ko kay Miriam na ang bayad n'ya sa iyo ay idiretso na sa akin para maka-bayad ka naman!"
"A-aling Betty, huwag po muna. W-wala po akong pambili ng bigas para sa mga anak ko mamayang gabi, wala po kaming maka-kain,"
"Wala akong pakialam! Malaki na ang utang mo at kulang pa nga ang sahod mo kay Miriam para makabayad ka sa akin! Ang haba ng listahan mo! Akin na nga iyan, pandagdag mo sa bayad mo!" dugtong nito sabay hablot ng singkwenta na nasa kamay ng ina ko.
"Aling Betty, huwag na po iyan. Aling Betty!" nagkukumahog na sabi ng aking ina habang sinusubukan n'yang agawin ang fifty pesos mula sa kamay ni Aling Betty. Subalit malakas nitong tinulak ang aking ina at matalim n'ya itong tinitigan sa mga mata at dinuro pa n'ya si mama.
"Azul! Kung wala kayong makain ay wala akong pakialam! Manlimos ka at humingi ng mga tira-tirang pagkain! Wala akong pakialam sa mga sikmura ninyo dahil ako ang walang kakainin dahil sa pahaba ng pahaba mong utang!"