SA AWA NG DIYOS, napagamot naman si Isabelle sa isang mumurahing Hospital. Ngunit nagamot nga siya, wala naman siyang narinig na iba kay Mother Hems kundi ang magreklamo hanggang sa paguwi nila ay hindi siya nakaligtas sa mga patutsada nito kung gaano kalaki ang nagastos nito sa pagpapacheck-up sakaniya.
"Ano ba kasi ang ginawa mo sa ina mo at nabugbog ka ng ganyan? Hay naku, maloloka ako sa'yo! Hindi pa kita napapakinabangan, magkano na agad ang nailabas kong pera sa'yo, kaya siguraduhin mong mapapakinabangan kita ng malaki-laki," inis pang tugon nito sakaniya nang nasa kwarto na siya.
Hindi siya sumagot at nakayuko lamang siya. "Hoy Isabelle, tignan mo ako. Makinig ka sa sasabihin ko," nakataas ang isang kilay na sabi nito sakaniya.
"Tandaan mo ito ah, hindi libre ang pagtira mo rito. Hindi ka buhay prinsesita. Kung inaakala mong makakaligtas ka na sa ina mo, puwes, mas impyerno ang kinabagsakan mo. Pero huwag ka magalala, hindi pa ako ganoon kasama. Alam kong minor-de-edad ka pa, at kahit laganap naman ang prostitusyon dito sa Pilipinas, e ayoko pang maraid ang club ko dahil lang sa'yo. So hangga't hindi ka pa tumutuntong sa edad disi-otso anyos, ikaw muna ang katulong sa bahay na 'to, at tutulungan mo rin ako at magsisilbi ka sa club ko. Maliwanag ba? Oh, baka naman sabihin mo napakasama ko. Hayaan mo, may kutson ka naman, libre kuryente't tubig at pagkain mo, titiyakin kong hindi ka mamamatay sa gutom at papalitan na natin 'yang mga leche mong damit na mas kupas pa yata sa basahan," nakairap na sabi nito.
Hindi pa rin siya kumikibo. Tila wala na nga yata siyang kakayahan magsalita, magprotesta o magreklamo man lang. Isabelle is too tired. Sobrang pagod na pagod na siya sa buhay na 'to kahit kinse anyos pa lamang siya.
Ngumuso pa si Mother Hems at ang tinutukoy ang magiging kwarto niya. "O, 'dyan ka matutulog. Double deck naman ang mga kama rito at maging maayos ka sa mga kasamahan mo. Sila ang mga GRO sa club. Bukas na bukas, gumising ka ng maaga, magluto ka at maglinis. Pagdating ng hapon, pumunta kang club, nagkakaintindihan ba tayo?"
Hindi siya kumibo. Tila manhid na nga yata siya. "Ay pesteng babaeng 'to! Pipi ka na ba? Ha?" gigil na sabi ni Mother Hems.
Tumango nalang siya at malungkot na pumasok sa kwarto. Pagkapasok niya, nagtitinginan pa sakaniya ang mga babaeng tantya niya ay lamang lang ng limang taon sakaniya. Hindi na nagulat ang mga ito na may bagong kasama sa kwarto.
Isa-isang nagpakilala ang mga ito. Ngunit tipid na ngiti lang ang naibigay ni Isabelle. Itinuro ng mga ito sakaniya ang magiging higaan niya. Nanghihinang lumapit naman siya roon. Ang masasabi niya, mas maayos naman ito kaysa bahay ng ina, dahil doon ay sa sala siya natutulog at sa banig lamang.
Samantalang dito ay may sariling kama, electricfan at malambot na kutson. Iyon nga lang, pagdating niya ng 18 anyos, magiging katulad niya rin ang mga babaeng naririto sa kwartong ito.
Sinubukan ng mga ito na kausapin siya. "Ganyan din ang reaksyon namin ng unang araw namin dito. Pero, grabe naman talaga ito si Mother Hems, ikaw na yata ang pinakabatang kinuha niya maging GRO." iling iling na sabi ng isang babae na tantya niya ay bente pataas na ang edad.
Nagpakilala naman siya upang hindi maging bastos. "Ganoon po ba?" malungkot na sabi na lamang niya.
"Bakit mo ba pinasok ang larangang ito? Masyado ka pang bata. At bakit namamaga at may pasa ang mukha mo?" tanong naman ng isang babaeng nagpakilalang Rachel.
Bumuntong hininga siya. "Hindi ko po pinasok ito. Binenta ako ng aking ina kay Mother Hems. At yang mga pasa ko sa mukha dahil din sa pangbubugbog ng ina ko,"
Lumakas ang pagsinghap sa loob ng kwarto. "Talaga ba? Sorry ha? Akala namin desisyon mo talagang mapabilang saamin. Kami kasi, dala ng hirap ng buhay no choice kaya desisyon namin mapunta sa ganitong uri ng trabaho. Pero grabe naman 'yang ina mo, ang ina ko nga halos mamatay sa sama ng loob ng maging ganito ako, tapos siya, ibebenta ka lamang dito?" tila hindi makapaniwalang sabi nito.
Malungkot na napayuko na lamang siya. "Sobrang bata mo pa para maging kauri namin..." nalulungkot na sabi ng isa.
"H-Hindi pa naman po raw agad ako magta-trabaho sa club, pagsapit ng 18th birthday ko, roon daw po ako magsisimula."
"Malungkot kami sa naging kapalaran mo, Isabelle."
"Pero huwag kang sumuko. Patuloy lang ang buhay,"
"Magpakatatag ka. Makakaahon din tayo sa ganitong buhay."
Ilan sa mga binitawang salita ng mga ito ngunit ni isa man lang doon ay hindi nakapag-pagaan ng kalooban niya.
~
KINABUKASAN, dahil likas na maaga talaga siyang nagigising ay naghanda na si Isabelle. Tulad nga ng sabi ni Mother Hems, binili na siya nito, at ngayon dakilang kasambahay ang role niya muna hanggat hindi pa siya 18 anyos.
Nagtungo siya sa kusina at mabilis na naghanda ng almusal para sa mga babae at kay Mother Hems. Kung may maipagsasalamat man siya ngayon, ay lubhang mas maayos ang mga pagkain at stocks sa bahay na ito kaysa sakanila at mukhang hindi naman siya gugutumin dito. Mapapagod lang tiyak.
Pinilit nalang isipin ni Isabelle na mas ayos na iyon kaysa sa walang makain. Mas maswerte pa rin siya sa ibang tao dahil may katre siyang nahihigaan at hindi sa basurahan naghahanap ng makakain. Iyon nga lang, lahat iyon ay syempre may kabayaran.
Natuwa naman sakaniya si Mother Hems dahil mabilis siyang makaadopt sa mga gawain sa bahay at nakapagluto ng almusal. "O, siya Isabelle, dahil hindi naman ako tulad ng ina mong hindi ka pinapasabay sa hapag-kainan at papatayin ka sa gutom, sumabay ka na rito saamin may upuan pa dito. At kumain ka na rin ng niluto mo, hugasan mo nalang pagkatapos ang mga plato,"
Tahimik na sumunod siya at umupo. Kumain na rin. Hindi niya napansing napadami siya dahil sa sobrang gutom at pagod na nadarama.
"Isabelle, ang sarap mong magluto ha? Thank you rito ha," nakangiting sabi ni Rachel.
Pinuri rin ng iba ang niluto niya. Nang matapos sila ay nagbilin sakaniya si Mother Hems. "Hugasan mo na ang mga plato at maglinis ka ng bahay, maghanda ka na rin ng pang lunch bago sumapit ang 11 am. Pagkatapos noon, kung umidlip ng sandali, pwepwede naman. Pero tiyakin mong magigising ka bago maghapon, at ihanda mo na ang dinner para makakain ang mga babae bago pumuntang club. Maligo ka na rin after 'non, at sasamahan mo ako sa club. Hindi ka pa mag G-GRO, sasanayin lang kita sa environment doon. Tutulong tulong ka lang muna. Hanggang 6am ang club ko. Pero pwede ka nang umuwi ng 12am para may tulog ka,"
Gustuhin man niyang umangal, pero may magagawa nga ba siya? Wala rin namang magbabago kahit magreklamo pa siya. Hindi mababago ng reklamo niya ang kapalaran niya.
"Sige po, Mother Hems."
"O siya sige, aakyat na ako para makapag beauty rest ako,"
Naiwan siyang napabuntong hininga. Nang matapos niya lahat ng habilin nito ay pagod siyang pumunta sa kwarto nila at pasalpak na humiga sa kama.
Dahil siya ang nasa taas na deck, napatulala siya sa kisame. Hindi niya maiwasang hindi mapaisip kung bakit naging ganito ang kapalaran niya.
Nagtitiwala siya sa salita ng Diyos and he can do miracles, ngunit hindi niya maiwasan hindi kwestyunin ito sa nangyayari ngayon sa buhay niya. Bakit kailangan niyang maranasan ang mga ito? Ano ba ang naging kasalanan niya? Naging mabuti naman siyang anak, masipag at hindi mareklamo, hindi rin naman siya mapaghanap sa buhay, ngunit bakit ganito ang kanyang naging kapalaran?
Ayaw man niyang tanungin Ito, ngunit hindi niya mapigilan at napaluha. "Ano po bang plano niyo saakin? Bakit kailangan kong maranasan lahat 'to?" bumuhos sa dalawang mata niya ang masaganang luha.
All her life, she always pleased her mother. Wala itong sinabing hindi niya ginawa, tanging pagmamahal lang nito ang kailangan niya ngunit hindi pa naibigay sakaniya.
Gustuhin man niyang sisihin ang Diyos, ngunit hindi niya kaya. Kahit gaano pa kalalim ang sugat sa puso niya, she just can't blame God for everything. Bata pa lang siya ay madasalin na siya at naniniwala sa kapangyarihan nito, kaya hanggat maaari... ayaw niyang sumbatan ito sa pinahiram nitong buhay sakaniya.
Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Naalala niya ang mga kapwa tindera at tindero sa palengke, tiyak magtataka ang mga ito kung bakit wala na siya. Ang mga suki niya... si Aling Martha! Bigla siyang napatayo ng maalala si Gregory.
Ang mahal niyang si Gregory... muling nagulap ang mga mata niya at napahagulgol. Nasapo ng dalawang palad niya ang mukha. Sa nangyari ngayon sa buhay niya, tiyak na hinding hindi na sila magkikita pa ni Gregory. Hindi na niya ito makikita pa... and that makes her heart ache in pain.
Tanging si Gregory lamang ang taong naging malapit ng ganoon sakaniya. At kung sakaling magkita pa muli sila, ano pang silbi noon? She was sold already, as if her soul was sold too. Ano na lamang ang sasabihin nito kapag nalaman nitong magiging GRO din siya?
For sure... pandidirihan siya nito. Hinding hindi na ito lalapit sakaniya. Si Gregory. Her Gregory...
Muli siyang napaluha. Sa batang puso niya, siguradong sigurado siya sa lumabas sa mga bibig niya. "Paaalam, mahal ko..."