TBND - 2

1626 Words
PAGKATAPOS NG insidenteng iyon, ay hindi na muli siyang kinibo ng ina. Nakasampay naman na ang dadamitin nito mamaya at pinapatuyo na niya sa sampayan. Bago siya kumain nang tanghalian ay naglinis muna siya para siguradong wala siyang maririnig sa ina niya. Nang matapos makakain, ay mabilis niyang hinugasan ang mga pinagkainan at pinaglutuan niya at nagmamadaling naglatag ng banig sa sala. Antok na antok na siya at gusto niyang magpahinga ng kaunti, dahil mamayang alas kwatro ay babalik siya sa palengke at magtitinda ulit. Ang ina niya malamang tulad niya, ay natutulog na rin sa ganitong oras. Nagising siya bandang alas tres na para maghandang gumayak. Tulog pa rin ang ina at alam niyang baka hindi na ito sumama sa kaniya sa palengke dahil may lakad nga ito mamayang gabi. Lumabas siya ng bahay upang kumuha ng sariwang hangin nang mapansin niyang may nakatingin sa kaniya. Awtomatikong gumala ang mata niya at nagtama ang tingin nila ni Greg. Kababata at kalugar niya ito. Bagama’t hindi talaga masasabing kababata, pagka’t 21 anyos na ito at anim na taon ang tanda sa kaniya, sabay naman silang lumaki at kilala na nila ang isa’t isa noon pa. Aaminin niyang gusto niya si Greg. Pero alam niyang impossibleng maabot ito. “Isabelle,” tawag nito sa kaniya. Nagaalalang napatingin siya sa bahay nila. Alam niya ang matinding pag-kaayaw ng ina kay Greg at sa pakikipagkaibigan dito. At kapag nahuli sila, ay tiyak na puputok nanaman sa galit ang ina. “Greg, ano’ng ginagawa mo rito? Baka makita ka ng inay,” hindi nakatakas sa binata ang pagaalala sa boses ng dalagita. Kinumpas nito ang kamay sa ere at sinasabing lumapit siya roon. Tahimik na pumunta siya sa tabi nito. “Bakit naririto ka? Alam mong kailangan kong maghanda. Babalik na ako sa palengke,” sabi na lamang niya. Ngumiti ito sa kaniya. “Huwag ka magalala, hindi ito matagal. Isa pa, alam mo namang ang tagal nating hindi nagkita. Pasensiya kana, medyo naging busy lang ako sa pag-aaral.” Graduating na si Gregory ng Business Administration at hinahangaan niya ito dahil alam niyang matalino ito. Samantalang siya ay nasa 4th year highschool na, at madalas ay absent. Talagang pinupursigi niya lang ang makapagtapos. Alam niyang hanggang doon na lang iyon. Hindi na siya tataas pa roon. Muli itong nagsalita. “Namiss kita ng husto, Isabelle.” sinserong saad ng binata sa kaniya at niyakap siya. Napapikit si Isabelle at gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob sa dibdib niya. Gusto niyang umiyak ng umiyak dito hanggang sa wala na siyang iluluha pa, ngunit ayaw niyang maging sagabal sa ibang tao. Gustuhin man niyang gumanti ng yakap dito, at iburo ang mukha sa dibdib ng binata ay hindi magawa. Natatakot siya sa maaring maging reaksyon ng sarili niya kapag ginawa niya iyon. Natatakot siya sa kung ano ang pwedeng mangyari. At baka makita sila ng ina niya. Kaya pinili na lamang niya nanatili sa gilid niya ang dalawang kamay niya. Hinalikan nito ang buhok niya. “Kamusta ka? Okay ka lang ba rito?” tanong nito. Bagama’t wala siyang pinagkukwentuhan ng nangyayari sa buhay niya ay may pakiramdam siyang nakakaramdam si Aling Martha at si Gregory sa pangit na pakikitungo at pagaalipin sa kaniya ng sariling ina. Tipid na tumango siya. “O-Oo naman, bakit naman magiging hindi,” Tinignan nito ang mukha niya. Tinitignan kung may katotohanan ang sinabi niya. Maya-maya ay napabuntong-hininga ito. “Basta nandito lang ako, Isabelle. Ang mama. Hindi ka na iba sa akin. I care for you, alam mo ‘yan. Siya nga pala, may dala ako sayo ditong pasalubong. Sana magustuhan mo.” Dahil mayaman ang pamilya ni Greg ay nakakabalik manaog ito sa Manila at malamang sa klase ng paperbag na inaabot nito sa kaniya ngayon ay galing itong Manila. “P-Pero, Greg--” Kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang paper bag. “Please, Isabelle. Tanggapin mo. Nagmamakaawa ako. Alam kong ayaw mong tinutulungan. Kaya iyan lamang ang magagawa ko sa ngayon. Itapon mo ang iba mong damit, sobrang kupas na at anong taon mo pa ‘yon gamit. Bitin na bitin na nga sayo,” masuyo nitong sabi. Naramdaman ni Isabelle ang paguulap ng mata niya. Gustong gusto niya pumasok sa bisig ng binata. “Sige na, pumasok ka na. Alam kong maghahanda ka pa papuntang palengke. Dadalaw-dalawin kita at ng mama. Mag-iingat ka lagi, Isabelle.” Nakatingin lang dito ang dalagita habang paliit ng paliit ang sasakyan ng binata. Napabuntong hininga siya at pumasok ng bahay. Hindi siya materialistic na tao, pero hindi niya naitago ang panginginig at excitement niya habang binubuksan ang ibinigay ng binata. Nagulat siya nang makita ang mga imported na tsokolate, 2 dress, tatlong blouse at shorts. May envelope rin doon. Binuksan niya iyon at liham iyon ng binata na nagsasabing namimiss siya nito at huwag siyang mangiming humingi ng tulong kapag kailangan niya ito. Mayroon din sa loob na limang libo. Tuluyan na siyang napaiyak sa tuwa. Napakaganda ng mga ibinigay sa kaniya ni Greg, at tiyak niyang bagay iyon sa kaniya. First time niya lang rin makakasuot ng ganoong kagandang damit at makakatikim ng tsokolate. Nasa ganoong tagpo siya nang biglang lumabas ang ina at mabilis na lumapit sa kaniya. Hinaklit nito ang ibinigay ni Greg. “Aba, dumating nanaman ba ‘yon si Greg? Baka naman boyfriend mo talaga ‘yon? At ang sososyal ng bigay sayo ha?” nakangising sabi nito. Kinakabahan na si Isabelle sa tinging iginagawad ng ina sa ibinigay ni Greg. “Maganda ang mga binili niya sa’yo. Tutal magkasing katawan lang naman tayo at wala kang pagdadamitan nito, akin na lang ‘to. Tamang tama, hindi pa natutuyo ang nilabhan mo, ito ang dress na susuotin ko mamaya sa date ko,” ngiting ngiti na sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Isabelle. “N-Nay… bigay ho sa akin ni Greg ‘yan. Please ho, nay. Huwag po. Ngayon lang naman po ako nagkaroon ng ganyan…” pumiyok na sabi niya. Nagapoy ang mga mata nito. “Sumasagot ka? Dapat lang ‘yan sayo. Pasalamat ka nga may naidadamit kapa. Binibigay ko sa’yo ‘yong mga pinaglumaan ko. At ano ‘yan? Chocolate at pera?” Nagkalakas ng loob si Isabelle na itago iyon mula sa ina. Hindi nito nagustuhan ang ginawa niya kaya malakas siyang sinampal. “Nagtatago ka na sa akin ngayon? Pinagdadamutan mo ako? Baka gustong singilin kita sa gastos ko sa’yo simula nang ipanganak ka,” Kung ganitong buhay lang din ang ibibigay niyo sa akin at pagtrato, hiniling ko na sanang hindi niyo ako binuhay. Mga katagang gustong lumabas sa bibig ni Isabelle ngunit hindi maisantinig. Tuluyan na nitong nakuha ang tsokolate at ang pera sa kaniya. Pinunit pa nito ang liham ni Greg. “May silbi ka rin naman pala kahit papano. Laki ng pera ko ngayon. O siya, ano pa tinutunganga mo ‘dyan? Magayos kana at pumuntang palengke,” nakataas ang kilay na sabi nito. Hindi kinayanan ni Isabelle ang emosyon kaya dali daling tumakbo at pumuntang banyo. ~ KANINA PA hinihintay ni Isabelle ang ina. Anong oras na at nagaalala na siya kung bakit wala pa ito. Hindi naman ito ang unang beses na umuwi ito ng gabi, ngunit ito na yata ang pinakagabing uwi nito. O, kung uuwi pa ba ito? Nang makarinig ng ingay sa labas si Isabelle ay natiyak niyang ang ina niya iyon kaya nagmamadaling lumabas siya. May kasama itong lalaki na sa tantiya niya ay hindi nalalayo sa edad nito. “Nay, gabing gabi na ho,” Naiiritang tiningnan siya nito. “Bakit? Hiningi ko ba ang opinyon mo? Sinabi ko bang hintayin mo ako? Dapat nga natutulog kana kasi maaga ka pa bukas sa palengke,” “Alam ko naman ho iyon, nagaalala lang po ako.” nakayukong sabi niya. Nakita niya pa ang mga plastic na dala nito na tila nagshopping. Ginasta ba ng ina ang perang binigay ni Greg sa kaniya para lang sa luho nito? “Layla, bakit hindi mo ako ipakilala sa anak mo?” sabi ng lalaking kasama nito. Tumirik ang mga mata ni Layla at wala nang nagawa pa, pumasok sila ng bahay at nagsalita ang ina. “Tomas, si Isabelle.” Hindi man lang nitong sinabing anak siya nito. “Isabelle, si Tomas. Dito na siya titira, magkasintahan kami.” walang prenong sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Dito titira ito? Pero hindi ba’t parang maaga pa at pangit tignan… Pero kung sabagay, hindi nakakapagtaka kung magaasawa o magnonobyo ang ina. Napakabata pa nito nang nabuntis sa kaniya. 17 lang ito nang nabuntis sa kaniya at ngayon ay 32 pa lamang ito. Si Tomas naman ay halatang hindi nalalayo ang edad sa ina. Batang bata pa ang ina at tunay naman talagang maganda, hindi naman sa ayaw niyang magasawa ito, napapaisip lamang siya sa mga ibang bagay. May trabaho ba ito? Tutulungan ba sila sa gastusin? Kasi ang ina niya ay sa kaniya inaasa ang trabaho. Ano ang pinagkakakitaan nito? Pero dahil hindi naman siya lumaking bastos ay pilit na ngumiti siya. “Magandang gabi ho, Mang Tomas.” Umirap sa kaniya ang ina. “Sundin mo lahat ng sasabihin at iuutos niya, maliwanag ba? Kung ano ang ginagawa mo sa akin, ganoon din sa kaniya. O siya, lumayas ka na at maaga ka pa mamaya.” pagtataboy nito sa kaniya. Wala nang nagawa pa si Isabelle kundi ang umalis sa harap ng mga ito. Hindi naman nakaligtas kay Tomas kung gaano kaganda ang nagiisang anak ni Layla. Kahit bata pa ito, ay malaking bulas na at dalagang dalaga na kung titignan. Hindi ito ang typical na ganda. Halatang may lahing foreigner ang anak ni Layla, mula sa light brown nitong buhok, kulay kahel na mata ang mga pekas sa mukha at ang magandang hubog ng katawan. Maganda rin si Layla, ngunit hindi aakalain ni Tomas na mas maganda pala ang anak nito. Mukhang hindi siya magsisising tumira sa bahay na iyon. Napangisi ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD