Belyn Walang katao-tao sa loob ng bahay pagdating ko. Kahit sa living room walang tao. Hmm…nasaan kaya si Mommy? Akala ko ba, may kailangan siya sa akin. Nag-diretso ako sa dining area. Six thirty na ng gabi himala walang tao. Wala rin si Nanang Luisita pagdating ko roon. Dalawang kasambahay lang ang nakita ko. Naghahanda ng pagkain sa lamesa. I think dinner na ang inihanda nila base kasi sa oras ngayon. "Hindi po nagluto ang Nanang?" hinanap ko sa kanila kung nasaan ang Nanang Luisita. “Nasa silid niya kakapasok lang pero babalik daw agad,” “Ganun po ba? Sige po salamat, Ate. Um…dinner na po iyan diba?” tanong ko kahit may idea na ako na hapunan ang kanilang inihahanda sa dining table. “Opo,” sabay pa sila sumagot. “Sige po. Kapag po bumalik si Nanang Luisita, pakisabi dumating na