Belyn “Kuya salamat po,” magalang kong sabi sa duty guwardiya sa factory noong hapon na uwian namin. Sila kasi ang nagbukas ng gate para sa akin. Nakita ko pa sila Danica at Melissa sa paradahan ng tricycle pasakay na nagbusina ako kaya napalingon sila. Binuksan ko ang pinto sa tabi ko. “Sabay na kayong dalawa. Idadaan ko kayo sa sakayan ng dyipni,” alok ko sa kanila tinigil ko ang kotse sa kanilang tabi. Isang ride lang naman sila ng jeep. Medyo malayo-layo ang bahay ng dalawa hindi kaya ng tricycle or pwede rin naman tricycle. Mahal nga lang ang ibabayad nila. Kung mag Jeep lang sila 13 pesos lang ang pamasahe. Kaso lang wala kasing dyipni na dumadaan dito sa harapan ng factory. No choice ang dalawa nagtra-tricycle sila patungong sakayan ng dyipni. May samahan kasi ng tricycle sa tab