BeLyn Dahil wala akong pasok nagpatangahli ako ng gising. Kalimitan ang gising ko alas-sais kapag papasok ako sa office. Eight A.M kasi ang pasok ko kaya kailangan ganoon oras ay gising na ako upang hindi abutan ng traffic sa biyahe. Sabi naman ni Mommy ten A.M ang open ng shop ni Mrs. Ching, kaya ngayon lang akong alas-otso gumising. Aalis raw kami mga around ten thirty. Hindi pa ako kumilos nanatili pa ako sa higaan ko dahil gusto kong kumustahin ang anak ko. Tinawagan ko muna si Rhonda. Mamaya ako mago-overnight sa Mansion Condo. Iisip pa ako ng alibi sa Daddy, upang hindi ko na kailangang tumakas pa. “Oh, himala hindi ka ngayon pumasok? Bumait na ba ang Mommy mo kaya nakapag absent ka?” nakangisi pa bungad agad ni Rhonda sa akin sa kabilang linya. First day of school ngayon ni Ben