Ang araw na pinakahihintay ni Pinunong Sumate, ang pag-atake niya sa kaharian ng HU CHING WEI. Maaga pa lang sa oras na pinag-usapan nila ngunit nakahanda na silang lahat ng mga kawal niya. Halos lahat ng mga war dragons ay nagsipaghanda dahil sasama silang lahat. Ang tanging maiiwan ay ang wala pang isang daang kawal na magbantay at protektahan ang kanilang kaharian.
"Kawal ng Chiang Mae, makinig kayong lahat! Ang kaharian natin ang nakasalalay sa giyerang ito. Kaya't kung gusto ninyong magpatuloy ang ating pagahahari sa mundo nating mga dragon ay kailangang gawin ninyo ang lahat-lahat ng makakaya n'yo para matalo ang HU CHING WEI. Hindi ang tulad ng taong iyon ang nararapat na mamuno sa mundo nating mga dragon. Maliwanag ba?" patanong niyang pahayag.
"Opo, Pinuno!" sabayang tugon ng mga naipon na kawal sa bulwagan ng Chiang Mae.
"Mabuti naman kung ganoon. Magsipaghanda na kayo dahil anumang oras ay aalis na tayo. Hintayin lamang natin ang go signal ng mga post dragon na nauna upang magmanman," aniyang muli saka nagtungo sa upuang animo'y masusunog ang uupo dahil sa kulay apoy at kumikinang pa. Ang upuan na tanging Pinuno lamang ang maaring maupo.
Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating nga ang post dragon. Anyong dragon ito kaya't naging mabilis din ang pagbalik mula sa HU CHING WEI.
"Report!" Nag-angyong tao muna ito bago lumuhod sa harapan ng pinunong nakasuot na ng full attire para sa pakikipaglaban. Sa hitsura pa lamang nito ay halatang handang-handa na itong makipaglaban.
"Go ahead. Sabihin mo sa aming lahat ang nalaman mo sa mga traydor." Ikinampay ni Pinunong Sumate ang hawak-hawak na espada. Ang espada na sumisimbolo sa pagiging pinuno.
"Ayon sa aking pagmamasid ay tama ang hinala mo, Pinuno. Bukod sa gurads na nasa bawat gates at sa main tower nila ay wala na akong ibang nakitang kawal. Ang evening star ay ikinasal na rin sa pinuno nila at nagsasama na sa iisang bubong. Bukod doon ay wala na, Pinuno," anito.
"Ang kalagayan ng isasagawa nating paglusob, ang war zone nila, ano ang nakalap mong impormasyon doon?" tanong niyang muli.
"Tahimik ang paligid, Pinuno. Sa nakita ko ay wala silang kahina-hinala sa ating paglusob," tugon nito.
Kaya naman ay tumayo si Pinunong Sumate. Nagpalakad-lakad habang pumapalakpak bago tumapat sa kawal niyang nakaluhod pa rin.
"Tumayo ka na at ihanda mo na rin ang iyong sarili dahil oras mismo ay susugod na tayo sa HU CHING WEI." Tinanguan niya ito saka muling nagpatuloy sa paglalakad-lakad.
"Dumating na ang oras nang ating pagsugod sa kaharian ng Chiang traydor at sakupin ito. Tandaan ninyong powerful ang taong iyon. And we should not take him lightly as that wrench. Ang gawin ninyo paghiwalayin ninyo silang dalawa. Ako ang papatay sa taong iyon. Siya ang main target ng giyerang ito dahil hindi ang tulad niya ang nararapat sa mundo natin. Oras na magkahiwalay sila sa pakikipaglaban sa atin ay hihina ang kapangyarihang nilang nagsanib. At iyon ang ating samantalahin. Ang lahat ay paikutan ang bawat sulok o nag lahat ng gates at siguraduhing walang makakatas. Tandaan ninyo, ubusan ng lahi upang may maiwan at mamahala sa standing kingdom." Iginala niya ang kaniyang paningin sa mga nandoon.
Nang nakasigurado silang handa na ang lahat ay lumakad na sila. Kung nasa anyong tao sila ay hindi sila mahihirapan sa pagpunta sa HU CHING WEI. Ngunit dahil nasa anyong tao sila ay nasa daan sila sakay ng kani-kanilang war horse. May mga naglalakad din. Ilan lamang sa kanila ang nakaanyong dragon at nakaalalay sa kanilang nasa daan.
Samantala...
"Kumusta ang pag-iikot ninyo?" salubong na tanong ni Khim sa isa nilang kawal.
"Tamang-tama ang hinuha ninyo, Pinuno. Sasalakay sila ngayon. Sa katunayan ay nasa daan na sila. May mga nasa himpapawid ngunit si Pinunong Sumate ay nakasakay sa kabayo. Siya mismo ang nasa unahan," pahayag nito.
"Huwag ka nang magtaka. Dahil noon pa man ay gusto na niyang sakupin ang HU CHING WEI. At ngayong nandito ang evening star ay mas kumukulo ang dugo niya sa atin. Understatement ang kumukulo dahil bukod sa nais niyang sakupin ang kaharian natin ay gusto niyang gawing abo. Mabuti sana kung pamahalaan niya ng kagaya sa atin," ani Elder Fern.
"Kung ganoon ay sabihan mo ang mga kasamahan natin. Huwag na huwag kayong gagawa ng hakbang na magbibigay sa kanila na malaman nilang nakaalerto tayo. Hayaan ninyong makapasok at mahulog sila sa sarili nilang bitag. At mag-ingat kayong lahat. Pagkakaisa para sa ating kaharian! Para sa kapayapaan ng ating pamumuhay dito!" Itinaas ni Khim ang hawak na swords.
Ilang sandali pa ang nakalipas. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang trabaho. Dahil nakasalalay ang kaharian nila sa kahihinatnan ng digmaang iyon. Lahat ay nais mabuhay ng payapa. Ngunit kailangan nilang talunin ang Chiang Mae.
"Okay ka lang ba, my Lady?"
"Yes, Master. Ikaw? Bakit mukhang hindi ka mapakali?"
"Sa totoo lang ay talagang hindi ako mapakali, my Lady. Sigurado akong magtatagumpay tayo ngunit pakiramdam ko ay may iba pa na dahilan."
Dahil sa nakikitang pagkabalisa ni Churai sa mukha ng asawa ay yumakap siya rito.
"Kahit ano man ang mangyari, Master. Sa kamatayan man o ginhawa ay hindi tayo maaring magkahiwalay. Mahal na mahal kita, Master."
Sa mga binitawang salita ng asawa niya ay nabuhayan siya ng loob. Aminin man niya o hindi ay mayroong ibang nagpaparamdam sa kaniya. Hindi lamang niya matukoy kung ano nga ba.
"Mahal na mahal din kita, my lady. Ikaw ang buhay ko---"
"Pinuno! Pinuno! Nasa malapit na ang grupo ni Pinunong Sumate!" Habol-habol ang hininga ng isang kawal na lumapit sa kanila.
"Naabisuhan mo na ba ang mga kasamahan natin sa bawat sulok?"
"Oo, Pinuno. Nakahanda na ang lahat. Kahit ang mga mamamayan ay nakatago na rin."
"Sige, bumalik ka na sa puwesto mo at agad na kampana kapag nasa loob na silang lahat. Mag-ingat kayo ng mga kasamahan natin."
Hindi na sumagot ang kawal bagkus ay yumukod lamang at may pagmamadaling bumalik sa dating puwesto. Inabisuhan ang bawat nadaanang kasama.
"Halika ka na, my lady. Tara sa puwesto natin."
"Master, iwasan mo ang espada ni Lolo. Mayroong poison iyon. May kakayahan din siyang magpakawala ng needles at sigurado akong incurable din iyon."
"Basta huwag kang humiwalay sa akin, my lady. Hindi natin alam kung ano ang binabalak niya. Kailangan natin siyang matalo para sa kapayapaan."
Hindi na sumagot si Churai bagkus ay inabot niya ang labi ng asawa at hinagkan. She can't promise that they can make it through. But she will do everything just to protect him, her lover, Khim Soong.
"Diyos, ko. Ano po ba ang nais ipahiwatig ng damdaming ito? Ama, gabayan mo po kaming lahat," piping ani Khim Soong.
Hindi na lamang niya isinatinig dahil damang-dama rin niyang may nais sabihin ang paghalik ng asawa. Magkasama sila sa lahat ng oras lalo at kasundo naman nilang dalawa ang lahat sa kanilang kaharia
Sa kabilang banda.
"Pinuno," tawag ni Pinyakan sa Pinuno nila.
"Bakit? May problema ba?" agad nitong tanong.
"Mukhang may mali, Pinuno. Kilala na natin ang mga tao rito sa HU CHING WEI. At lagi silang alerto sa lahat ng bagay."
"Ano ang ibig mong sabihin, Pinyakan?"
"Nagtataka lamang ako, Pinuno. Sobra naman yata silang tahimik ngayon. At saka tingnan mo ang gates nila, animo'y sinadyang walang nagbabantay. Samantalang iba ang guards sa upper and lower gates. Ngunit ngayon ay wala akong makita sa upper gate. Nasa lower part silang lahat," pahayag ni Pinyakan saka bahagyang lumingon sa harapan.
Kaso!
"Pinuno, tingnan mo!" malakas na wika ng isa habang ang palad ay nakaturo sa mismong tower ng HU CHING WEI.
Naroon ang kanilang dragon scout. Iwinagayway ang ibinigay ni Pinunong Sumate na gamiting simbolo na maari na silang sumugod. At iyon na nga ang kanilang pinakahihintay.
"Nauunawaan ko ang nais mong sabihin, Pinyakan. Ngunit tingnan mo ang dragon scout natin. Nagtagumpay siyang nakarating sa main tower. Kaya't huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano." Muli ay baling ni Pinunong Sumate sa right hand man/ dragon.
"Masusunod, Pinuno." Bahagya itong yumukod saka iwinagayway din ang puting tela na may tatak na CHIANG MAE. Iyon din ang go signal nilang nasa pamumuno ni Pinunong Sumate na puwede na silang umabante.
Then...
Lumapit silang lahat sa gate at nakipaglaban sa mga nandoon!
"Patayin silang lahat! Huwag kayong mag-iwan kahit sino!"
"More fire!"
"Abante! Ito ang ipinagkaloob ng langit na pagkakataon sa atin kaya't huwag nating sayangin!"
"Full force attack!"
Mga ilan lamang sa utos at mando ni Pinunong Sumate sa mga tauhang kapwa niya nakipaglaban sa mga main gate guards.
"Men, let's go! Pasok na tayong lahat. We just need to kill them all! Huwag kayong nagpatumpik-tumpik na patayin silang lahat!" utos ni Pinunong Sumate.
Dahil sa utos ng kanilang pinuno ay sumunod sila. Naging mabilis ang kanilang mga kilos. Ngunit muling natigilan si Pinyakan nang nasa loob na silang lahat.
"Pinuno! Order us now to retreat. There's something wrong. It's not yet too late for us to retreat."
"Ano?! Bakit tayo aatras samantalang nandito na tayo sa loob? Ano ba kasi ang problema mo?!" dahil sa ingay dulot ng nangyayari sa paligid o ang giyera ay nagsigawa na sila.
"It's a bait! Naghanda sila ng surpresa pa sa atin, Pinuno. We were trapped inside here in HU CHING WEI!"
"No! That cannot be, Pinyakan!"
"Hindi ako nagbibiro, Pinuno. Tumingin ka tower!"
Sa narinig ay agad tumingala a tower si Pinunong Sumate. Doon niya napagtanto na hindi nga nagbibiro ang right hand man/dragon niya. Tama, nandoon nga nga dragon scout nila ngunit hindi ito nag-iisa. Naroon ang traydor! Ang apo niya kasama ang namumuno sa naturang kaharian. Kaya naman imbes na sundin ang sinuhestiyon ng tauhan ay iba ang sinabi.
"Kawal ng Chiang Mae, laban! Kailangang mapatay natin ang lahat ng traydor! Wala silang lugar dito sa mundo! Attack!" sigaw niya.
Kaso!
Nagsilabasan ang mga kapwa nila kawal. Kung saan man sila nagmula ay hindi nila nalaman. Sa madaling salita ay napalibutan sila.
"Pinuno ng Chiang Mae, makinig ka! Hindi lahat ng bagay ng nilalang ay hindi kagaya mong puro giyera ang nasa isipan. May mga nilalang na gustong mamuhay ng tahimik. Unlike you that you want to solve everything by war! Kung ayaw mong mauna sa piling ng amo ninyong si Satanas ay sumuko na ka na!" pasigaw na sabi ni Pinunong Khim.
Hindi naman kasi naging mahirap sa kanilang hinuli ang dragon scout ng kalaban nila. Dahil sila rin ay mayroong mga tauhang nagpapatrolya sa buong paligid. Mga kawal at risedente ng HU CHING WEI na nagsawa na sa kawalang-hiyaan ng Chiang Mae ay nagsama-sama at nagkaunawaan upang lipulin ang kalaban. Kaya't inuna nilang hinarang ang dragon scout ng taga-kabilang grupo.
"Sumuko? Pwe! Hindi ako duwag na kailangan pa ang magtago sa likod ng apo ko! Ang tulad ko ang hindi nanlilinlang para lamang makuha ang gusto! Subalit kung iniisip mong susuko kaming lahat dahil napalibutan n'yo na kami ay nagkakamali ka! Kung mamatay man ako ngayon din ay isasama ko kayong lahat!" ganting sigaw ni Sumate.
"Kung ganoon ay wala na akong magagawa, Pinunong Sumate. Binigyan kita ng pagkakataong mabuhay ngunit mas pinili mo ang dadanak pa ang madugong labanan!"
"People of HU CHING WEI, attack! Don't leave any single creature's alive!" Ikinumpas ni Khim Soong ang hawak-hawak na swords. Kasabay nang pagbigay niya ng go signal upang umatake sila ay nagsilabasan ang lahat-lahat.
Sa madaling salita ay sumiklab ang mainit na labanan sa pagitan ng dalawang kaharian. Ang mahigpit at mortal na magkaaway dahil na rin sa pinuno ng Chiang Mae. Hindi nagpatalo ang HU CHING WEI. Both of them are fighting fiercely. No one wants to be defeated.
"Men, ang tower! Unahin ninyo ang tower! Kapag guguho na ang tower na nila at mapatay natin ang pinuno nila at ang evening star ay babagsak na rin ang kaharian nila!" sigaw at mando ni Pinunong Sumate sa mga kawal niya.
"Huwag kayong panghinaan ng loob! We are on advantages! Mas kabisado natin ang ating kaharian. Laban kawal at risedente ng HU CHING WEI!" sigaw din ni Churai kasabay nang pakipaglaban niya.
Back to back!
Nasa tower man sila ng asawa niya ay hindi naging sagabal iyon upang hindi sila makipagsabayan sa pagpakawala ng apoy.
Walang gustong magpatalo! Kapangyarihan sa kapangyarihan! Apoy sa apoy!
Ang hindi alam ng bawat panig maliban sa tagapagmana ng dragon power ay mas lumalakas ang ipinagkaloob dito na puwersa kapag nagagamit ito. Mas nagliliyad ang apoy na nasa katawan sa tuwing may nakakalaban siyang kapwa mayroong kakayahan. Ang puwersa niya ay kayang higupin ang kapangyarihan ng kalaban! Hindi lamang iyon, kusa siyang nag-aanyong dragon kahit hindi pa dumarating ang panahon ng pag-iibang anyo nila.
Kaya naman!
Instantly!
Nang nag-angyong dragon na siya ay hindi na siya nagdalawang-isip.
"Sampa na sa likod ko, My Lady! Kailangan nating lisanin ang tower. Ako ang bahala!" malakas niyang sabi. Dahil alam niyang anumang oras babagsak ang tower na kinaroroonan nila.
Subalit ang hindi niya napaghandaan ay habang kausap niya ang asawa ay nagpakawala ng venom ang mortal niyang kaaway. A poisonous venoms comes from the snakes and the anti-dote is only located in Chiang Mae.
Ngunit!
Bago pa dumapo sa kaniya ang venomous snake ay niyakap na siya ng mahal niyang asawa. Sinalo ng asawa niya ang pinakawalan ng Lolo nitong demonyo.
"No! My lady! Hang on a little bit! I'll cure you!" he screamed in fear.
"D-don't worry about me, m-master. Go and defeat the demon." She smiled and embraced her husband.
Dahil dito ay hindi na nagsayang ng oras si Khim Soong! Limipad siya at inisahang dinaanan ng apoy ang mga nilalang na sumugod sa kanila. Nasa likod man niya ang asawa niya ay nagpaikot-ikot siya sa mismong taas ng grupo ni Pinunong Sumate.
Sinunod-sunod niya ang pagpakawala ng apoy! Kulang na lamang ay lamunin ng apoy ang kinaroroonan nila! Hindi siya tumigil hanggat hindi niya sila naubos!
"Father God in heaven, punish those creatures who wants to go against your wishes! Help me to wiped them out in this kingdom!" Khim Soong blubbered as fly down and got closer to Sumate.
Itinarak niya ang special swords na nagmula pa sa mga ninuno niya! Ang special swords na tanging ala-ala niya sa pinagmulan. At sa pagtarak niya sa espada niya sa hindi nakahumang si Sumate ay umalulong ito na parang aso! Hindi lamang iyon, ang lahat ng mga tauhan nito ay animo'y papel na hinigop ng ipo-ipo patungo sa itinarak niyang espada kay Sumate.
Ilang sandali rin ang lumipas, ang puwersang galing kay Pinunong Sumate at ang grupo nito ay tuluyang hinigop ng special swords niya.
The war is over!
Those demons are gone!
And his special power as the dragon heir became stronger than before.
But!
Sa pagtapos ng madugong labanan sa pagitan ng HU CHING WEI at CHIANG MAE ay naghingalo rin ang evening star! Ang linawag sa buhay ni Pinunong Khim Soong ay nag-aagaw buhay dahil sa venoms comes the snakes!
"My lady! Please don't leave me!"
"The war is over, master. Maipagpatuloy mo na ang maganda mong hangarin para sa kaharian ng HU CHING WEI. Mahal na mahal kita, master."
"Walang saysay ang mabuhay kung wala ka sa piling ko, my lady! Hang on a little bit. At gagamutin kita!"
At sa muli niyang pagbalik sa anyong tao ay sinugatan niya ang palad at ipainom sana rito ngunit huli na dahil kumalat na ang poison sa katawan nito. Lumuwag na ang pagkahawak nito sa kaniya. Patay na ito! Wala na ang asawa niyang hanggang sa huli ay nakangiti pa rin sa kaniya.
Kaya naman!
Kinuha niya ang special sword niya saka niyakap ang wala ng buhay na asawa. Itinarak niya ito sa likuran nito at pinindot ang gilid kaya't mas humaba. Inabot nito ang likuran din niya.
"Mahal na mahal kita, asawa ko. Kaya't sabay na nating lisanin ang mundong ito," sambit niya saka hinigpitan ang pagkayakap sa asawa. Walang saysay ang mabuhay kung wala ito.