"Sino kayo? Ano ang ginagawa ninyo sa kaharaian namin?" tanong ng taong nasa kumikinang na upuan.
"Khim Soong ang pangalan ko at siya ang asawa kong si Churai. At sa tanong mo kung ano ang ginagawa namin sa kaharian ninyo ay hindi ko alam. Dahil nagising na lamang kaming nandito na sa lugar ninyo," tugon ni Khim Soong.
"You wretched man! He is the king! Answer him with respect!" malakas na sigaw ng isang general kasabay nang pagpalo kay Khim.
Sa gulat ni Churai ay walang pasintabi niyang binigyan nang nakakaliyong sipa ang taong nanakit sa asawa niya. Hindi naman yata makatarungan ang basta na lamang itong manakit. Sila na nga ang agrabyado tapos sila pa ang sasaktan nila.
"Wala kayong karapatang saktan ang asawa ko! Kung tutuusin ay kayo ang may kasalanan sa amin!" malakas din niyang wika.
Marahil ay siya naman ang isusunod ng General na saktan ngunit naging maagap ang hari. Kung hindi sila nagkakamali ay amazement ang nakikita niya sa mata nito. Ito ang hari ngunit mas maamo ang mukha nito kaysa tinawag na general.
"Enough General Lucio!" anito bago muling bumaling sa kanilang mag-asawa.
"I am lenient to anyone but it will depends on how you will answer me. Okay, sabihin ninyo sa akin ng maayos kung bakit kayo nandito sa KINGDOM OF THE NORTH. Kung taga saan nga ba kayo," muli nitong saad.
"Nanggaling kami sa fallen kingdom of Edessa, mahal na hari. Ngunit wala kaming kaalam-alam na ang napuntahan naming lugar ay ang KINGDOM OF THE NORTH. Dahil basta na lamang kami tumakas sa kinagisnan naming kaharian," pahayag ni Khim Soong.
Totoo naman kasi iyon. Nang araw na bumagsak ang kanilang kaharian at napunta sa kamay ng mga sumakop ay tumakas silang mag-asawa. Ilang araw din silang naging instant traveller. Hanggang sa nakarating sila sa isang kaharian at iyon nga ang KINGDOM OF THE NORTH.
"Attack! Kill them all! Don't leave any single creature's alive!"
"I'll give the highest merit to the one who can kill the king of this kingdom!"
"Ang tagapagmana, nasaan siya? Hanapin ninyo kung nasaan ang tagapagmana ng trono. Dahil habang may nabubuhay sa royal blood ay hindi tayo makampante. Kailangan nating ang Empire of Edessa para sa expansion of our territory!"
Sa kabila nang pakikipaglaban nila ay narinig nila ang tinig na iyon ng hari mula sa Rusa Dynasty. Ang numero-unong kalaban Kingdom of Edessa. Dahil na rin sa gustong sakupin ito ngunit dahil sa unity at pagtutulungan ng mga residente at mga nasa puwesto ay ilang beses ding nabigo ang mga nagnanais sakupin sila. Ngunit sa paglipas ng mga taon ay bigla na lamang umatake ang Rusa Dynasty. Sa kanilang pag-aanalisa ay may spies na nagbigay o nag-leaked sa mga mahahalagang impormasyon ay umabot sila sa puntong pagbagsak.
"Makinig ka, General Khim. Ikaw ang keeper ng anak ko. Ngayon pa lamang ay ibinibigay ko na aking basbas. Simula sa araw na ito ay mag-asawa na kayo ni Churai. Heto ang royal seal, umalis na kayo---"
"Mahal na Hari, hindi ka namin iiwan dito. Kung aalis man kami ay kasama ka!" malakas na sagot at pamumutol ni Khim sa haring matagal na niyang pinagsilbihan. Sa kaguluhang nangyayari sa kasalukuyan ay halos hindi na sila magkaringgan. Kaya't animo'y magkaaway sila dahil sa lakas ng boses.
"No, General Khim. Kailangan mong ilayo ang anak ko rito sa Edessa. Dahil siya ang isusunod nilang hahanapin. Huwag mong isipin na pagkatalo ang pagtakas ninyo ngayon. Go and be stronger than before. Kapag dumating ang tamang panahon ay balikan ninyo ang ating kaharian at kunin ninyong muli. Here, take this too, sapat na salaping iyan hanggang sa makarating kayo sa KINGDOM OF THE NORTH. Oras na ipakita ninyo ang ating royal seal ay makikilala niya kayo," muli ay pahayag ni King Saul.
"My Princess, take care of yourself so that when the time will come, you can reclaim our kingdom. But for now, go and live akong the people outside this country. Don't worry, General Khim will take care of you. But please understand me as well if I'll proclaimed you now as husband and wife. I love you, my Princess." Binalingan niya ang anak.
Babae man ito ngunit sinanay niya bilang warrior simula pagkabata. Kaya't hindi na nakapagtataka na mahal ito ng mga tao. Mabait ito, maraming natulungan. At higit sa lahat ay mayroon itong special power. Kaya't ito lagi ang target ng mga taga-ibang kaharian sa tuwing may sumusubok na sakupin sila.
"Ama, huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat upang muli naming mabawi ang kaharian natin. Alam ko po na maaring hindi na tayo magkita pa kaya't hayaan mong yakapin kita. Dahil baka ito na ang huling pagkakataon kong mayakap ka." Yumakap si Princess Churai sa ama bago bumaling sa magiting nilang general.
"Maaring hindi ako ang tipo mong babae bilang kabiyak mo. Ngunit nais kitang pagsilbihan bilang asawa mo. At labis-labis ang pasasalamat ko bilang anak ng ating mahal na hari, bilang maging asawa mo. Maraming salamat, General Khim." Iminuwestra niya ang mga braso upang yakapin ito.
May permission mula sa mahal na Hari, ang Princesa ay ganoon din. Kaya naman ay bahagyang ibinaba ni General Khim Soong ang hawak-hawak na royal seal at box ng gold coins bilang salapi nila.
"We are in awkward moment, My Princess. But in front of our king, I'll tell you the truth. Since we were young, my heart was captivated by your presence. I love you, My Princess. And yes, it's an honour to be your better half for the rest of our lives." Gumanti siya nang mahigpit na yakap.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang muling may sumabog sa pinagtataguan nila. Kaya't muling humarap si King Saul sa mag-asawa.
Umalis na kayo, My Princess, General Khim. Sa likod kayo dadaan dahil deretso iyon sa stable. Nandoon ang war horse ko. That horse will take you out of Edessa. Make sure to survive no matter what happen." Pagtataboy ng Hari sa dalawa.
Ang Empire of Edessa ay nasa Hilagang Kanluran ng Villaberde Island. Kaya't inabot sila ng ilang linggo o mas tamang sabihin na isang buwan bago nakarating sa KINGDOM OF THE NORTH. Dahil na rin sa mga sumunod at nais silang patayin. Ngunit dahil war horse ang sinakyan nila at kapwa naman sila warriors ay napagtagumpayan nilang nakalayo sa Edessa. Iyon nga lang ay napalaban sila. Sa bawat borders na nadaanan nila a ganoon ang nangyari.
"Edessa Empire? Fallen kingdom of Edessa? Bakit? Ano ang nangyari?" hindi makapaniwalang tanong ni King Simon.
"Kapag ipagtatapat ko ba ay tatanggapin mo ba kaming mag-asawa bilang residente ng iyong kaharian?" balik-tanong din ni Khim kaya't muli siyang nakatikim ng pamalo mula sa General.
Kaya naman ay uminit ang ulo niya. Kagaya ng mahal niyang asawa ay ibinalik din niya ang pananakit nito sa kaniya sa pamamagitan ng paghugot sa special swords niya at kulang na lamang ay itarak ito sa katawan nito.
"Tama na iyan---"
"Are you a human or not?"
Hindi magkandatutong wika ni Haring Simon. Dahil sa pagpatigil kay General Khim ay idinantay ang palad sa balikat nito ngunit agad ding binawi. Dahil kulang na lamang ay mapaso siya.
"Yes, I am. Ngunit kung patuloy n'yo kaming saktan ay maari kong sunugin instantly ang kaharian ninyo. Nais lang naman naming mabuhay ng maayos. Ngunit ang mga kawal mo sa pangunguna ng general na ito ay hinuli kami sa paanan ng bundok kung saan kami pansamantalang nakatira. We even revealed the place where we came from but you still treating us like this." Hawak-hawak man ni Khim Soong si General Lucio habang nasa leeg ang espada niya ay nagawa pa rin niyang humarap sa hari.
"Okay, okay, just put that sword's down. Mag-usap tayo ng mabuti. Tama, kilala ko ang hari sa Edessa. Ngunit bilang hari sa kahariang ito ay kailangan ko ring makasigurado," muli ay pahayag ng hari.
Habang kausap ng asawa niya ang hari at bihag nitong General ay pinag-aralan ni Princess Churai ang sitwasyon. Bilang tao at Princesa sa Edessa ay alam niyang naninigurado lamang ito. Kaya't pasimple siyang tumango-tango sa asawa. Hindi NGA naglipat-oras ay pinakawalan nito ang heneral na kulang na lamang ay masunog ang likuran na bahagyang dumikit sa katawan ng asawa.
"Nandito Tayo sa conversion hall. Kung mamarapatin ninyong dalawa ay maaring lilipat muna kayo sa private room para sa mga bisita. Magpapatawag ako ng meeting sa lahat ng mga ministro ko. At ako mismo ang pupunta sa visitors room upang kausapin kayo tungkol sa kahihinatnan ng meeting. Okay lang ba?" patanong na pahayag ng hari.
"Of course, mahal na hari. Ngunit nais ko lamang ipaalala na huwag mo kaming lukuhin dahil kaya naming sirain ang kaharian mo. Ngunit dahil gisto naming mamuhay ng tahimik ay mas gugustuhin din naming hayaan kang tanggapin kami rito at hayaang mabuhay kagaya ng mga ordinaryong tao." Tumango-tango naman si Khim Soong.
Dinala sila ng mga royal guards sa isang magarang bongalow style. Sa unang tingin pa lamang ay maalamang visitors area ang lugar.
"If you need anything just ask the maids. They will bring it here for you," the guard said.
"Okay, thank you." Tinanguan nila ang guard kaya't umalis na rin ito. Siguradong babalik na ito sa trabaho.
Sa kinaroroonan ng palasyo ni Haring Simon ay pinatawag nga niya ang mga ministro.
"Ipinatawag ko kayong lahat upang isangguni ang tungkol sa pagtanggap ko sa mga taong galing sa Edessa. Hindi naman siguro ligid sa kaalaman ninyo ang pagbagsak nito at pumalit ang Rusa Dynasty. At mas hindi lingid sa inyong lahat na tayo ang next na sasakupin ng Rusa Dynasty kung hindi natin sila malabanan." Pinagala ni King Simon ang paningin sa mga ministro.
"Mahal na Hari, kung mamarapatin mo ay mayroon akong suhestiyon," ani ng Chief of Ministers.
"Of course, Chief Ministers. Ano iyon?" tanong ng Hari.
"Wala namang masama kung tanggapin mo sila dito sa ating kaharian. Iyon nga lang ay nararapat lamang na sumailalim sila sa surveillance. Hindi lamang iyon, kung talagang nanggaling sila sa Edessa ay sigurado akong magaling silang makipaglaban. Kaya't kung iyong mamarapatin ay gawin mo silang sundalo at hayaang makipagsagupaan sa sino mang kalaban. Ito ay aking opinion lamang, mahal na hari. Ang desisyon ay nasa iyo pa rin." Yumukod at bumalik na sa puwesto ang Chief of Ministers.
"Tama ang Chief of Ministers, Mahal na Hari. Hindi pa naman tayo mga hayop upang ipagkait ang ating tulong sa mga nangangailangan. Total ayon sa iyo ay gusto lamang nilang mamuhay ng normal, hayaan mo silang maging residente ng KINGDOM OF THE NORTH. At kagaya nang sinabi ni Chief of Ministers ay bigyan mo sila ng pagkakataong patunayan nila ang sarili." Tumatango-tangong pagsang-ayon ng isa pang high minister.
Dahil halos iisa lamang din ang suhestiyon nilang lahat ay napagdesisyonan nilang sundin ang majority vote. Tatanggapin nila ang mga bagong salta sa kanilang kaharian at hayaang mamuhay ng maayos. Iyon nga lang ay kailangan din nilang magsilbi bilang mga sundalo at tumulong sa kanila lalo at pinag-iinitan na rin sila ng mga karatig bansa. At kagaya nang ipinangako ni King Simon sa mga dalawa o sina Khim Soong at Churai Dara ay siya mismo ang nagtungo sa visitors room. Siya mismo ang nagtapat sa mag-asawa tungkol sa napagdesisyonan nila ng mga ministro.
Bilang pagsimula ay hinayaan niya silang mamuhay at manirahan sa isang bahay sa loob ng palasyo. Ang rason niya ay upang matawag sila agad kapag may kailangan. Dahil alam at ramdam niyang hindi ordinaryong nilalang ang dalawa. Patunay na lamang ang pagkapaso ng palad niya, ang pagkasunog ng likuran ni General Lucio.
Kinagabihan, laking pasasalamat ng mag-asawang Khim Soong at Churai Dara dahil kahit papaano ay makapahinha na rin sila ng maayos. Halos isang buwan din silang namuhay sa daan. Kung wala silang mabilhan ng pagkain ay nagtitiis sila sa tubig. Mabuti na lamang at alam ng mahal nilang war horse ang daan kung saan may tubig. Ito rin ang nagsilbing watcher nila.
"Okay ka lang ba, My Princess?" tanong ni Khim Soong sa asawa.
"Yes, Khim. Ikaw? Mukhang hindi mo na naman napigilan ang sarili mong ilabas ang dragon sa iyong palad," tugon nito.
"Ito ang magiging gabay natin sa ating pamumuhay dito sa Kingdom Of The North, My Princess. Tinanggap nila tayo ngunit hindi natin alam kung hanggang kailan---"
"Why, Khim? What's happening?" agad na tanong ni Churai dahil hindi nakaligtas sa kaniya ang pagtigil nito.
Ngunit hindi siya nito sinagot bagkus ay pinatay ang gasera at dahan-dahang hinila upang makakubli sa hindi pansining puwesto! Ang isa nitong braso ay nakayakap sa kaniya samantalang ang isa ay hawak-hawak ang special sword nito. Hindi nagtagal ay kitang-kita na nila ang mga aninong nagsibabaan mula sa kanilang bubong. Sa isang iglap ay muling dumanak ang madugong labanan sa mismong kabahayan o ang bahay na ipinagkaloob sa kanila ng mahal na Hari.