Few years later...
"What happen, Khim? Why you're furious?" maang na tanong ni James sa anak.
Sutil ito pero makabuluhan naman. Laging inaasar ang mga kapatid pero inuunawa nito kapag nakaresbak sila. And for the first in long time, he seen him in his beast mode. Beast mode is understatement because base on his outlook appearance. In any moment he will burst into his anger.
"Papa, I'm sorry. May kasalanan po ako sa inyo ni Mama. Pero huwag po kayong mag-alala dahil kahit saan sila makarating babawiin ko siya. Huwag nila akong subukan!" Kuyom ang kamao nito.
"Saglit lang, anak. Hindi kita maunawaan ah. Ano ba ang nais mong sabihin? Saka nasaan ang kapatid mo? Hindi ba't kabilin-bilinan kong isama mo siya sa iyong pag-uwi?" maang pa rin niyang tanong.
Kaso imbes na sagutin siya nito ay iba ang sinabi.
"Let me use the real sword, Papa. I'll chase them and take back my sister. No matter what happen!" Ngitngit pa rin nito.
Iyon naman ang nadatnang senaryo ni Fier Yan. Kaya't agad siyang lumapit sa dose anyos na anak. Hinawakan sa magkabilang balikat kaso agad ding binawi ang palad dahil napakainit nito. Dahil dito ay ang palad nito ang pinagtuunan ng pansin. Buhay na buhay ang dragon sa palad nito. Hindi pa siya nakuntento ay ang likuran pa ang tiningnan.
"Tell me, Khim, sino ba ang kumuha sa kapatid mo? Kailan pa ito?" tanong niya rito.
"Matagal na po, Mama. Pero kagaya ng bilin ninyo ay hindi ko ginagamit dahil alam ko po ang idudulot nito sa atin. Kung napapansin ninyo na lagi akong nagkukulong ay nasa banyo lamang po ako dahil minsan hindi kaya ng air-conditioned room namin ni Kuya Khem ang init sa katawan ko. But this is not the time to talk about this. Please give me the special sword and I'll go after them. Hindi ko hahayaang mapahamak si Princess," saad nito.
Sa pahayag ng anak niya ay saka pa lamang nanoot sa isipan niya ang dahilan kung bakit galit na galit ito. Hindi niya naisip na buhay ang kakayan nito. Kaso oras na gawin nito ang ninanais ay mapapahamak din ito dahil malalaman ng tao ang tungkol sa lihim nito. Ngunit kung mananahimik naman siya ay ang prinsesa nila ang malalagay sa alanganin.
"Ano ba, Mama, Papa. Akin na po ang special sword---it's so frustrating! Bakit pa kasi ako umuwi. Sana ay sinundan ko na lang sila." He walked out.
Sa murang edad niya ay kaya na niyang humawak ng tunay na espada. Ngunit alam niyang natatakot silang ipahawak sa kaniya dahil na rin sa special powers niya. Pero hindi siya makakapayag na masaktan ang kapatid niya. Kahit lagi niya itong inaasar, kahit pinagtitripan ay mahal na mahal niya ito. Princess Angela is her only sister. He can sacrifice his life just for her.
"Hey, Young Master Khim, what's on that wrinkles?" tanong nang humarang na kapatid.
"Get out of my way, Kuya. Kung wala ka rin maitutulong sa akin ay huwag mo akong harangan dahil may pupuntahan ako," malamig niyang sagot.
Wala itong binatbat sa kaniya kapag siya ang magalit. Nalalanta ang mga rosas sa garden nila kapag ito ang dinadalaw ng super power. Ngunit siya ay kaya niyang sunugin ang buong bayan. Pero hindi niya iyon gagawin dahil mas mahalaga sa kaniya ang kapatid niya. Mainit lamang ang ulo niya kaya't mas mabuting ang mga demonyo na lamang ang susundan niya at sila ang patatahimikin niya. They pissed him off!
"Bakit pa kasi ako umuwi? Damm! Kailangan kong mabawi si Princess. Kahit sinusutil ko iyon ay hindi ko hahayaang mapahamak. If I need to use my powers, I will do it for the sake of my sister! I will kill those bastards!" ngitngit niya kasabay nang paglayo niya sa kanilang tahanan.
Kabilin-bilinan ng mga magulang niyang gamitin ang dragon power niya. Dahil oras na malaman iyon ng mga tao ay siya rin ang mapapahamak. Ang akala ng mga kalaro niya noong maliit pa lamang siya ay ordinaryong balat lamang ang nasa palad niya. Walang nakakaalam sa kakayahan niyang iyon kundi silang pamilya. Dahil sa kagustuhang mamuhay siya ng normal ay ipinagbawal nilang gamitin niya iyon. Sinunod niya ang lahat dahil alam din niyang para sa ikabubuti niya iyon. Subalit ibang usapan kapag ang pamilya niya ang saklaw.
"I will save you, Princess. Don't worry because your brother is on the way to save you. I will not let those bastards will hurt you," muli niyang bulong saka inalalang muli ang dinaanan ng mga bad guys na kumuha sa kapatid niya.
Hindi lang dragon power ang nasa kaniya. May abilidad din siyang amuyin kinaroroonan ng mga kalaban niya. At sa pamamagitan nang kakayahan niyang iyon ay matatagpuan niya ang nag-iisang kapatid na babae. Dahil ayaw din niyang may makakita sa kaniya ay bahagya siyang nagkubli sa nadaanang kahoy habang patuloy sa pag-amoy.
"Huwamanda kayo ngayon sa akin! I'll burn you to death! Never lay a finger to my sister. Dahil talagang susunugin ko kayong lahat!" gigil niyang sambit saka nagpatuloy sa paglakad.
Alam na niya kung nasaan ang mga dumukot sa kapatid niya. Sa pamamagitan ng pang-amoy at sa imahinasyon niya ay masusundan niya ang mga kumuha sa kapatid niya. Hindi na niya maitatago pa ang kakayahan niyang iyon. Wala siyang planong ipaalam sa ibang tao na mayroon siyang superpower ngunit marahil nga ay hindi na niya iyon maitatago. Dahil kung mananahimik siya ay baka mabalitaan na lamang niyang wala na ito.
Samantala...
"Sundan mo ang kapatid mo, Khemkaeng. Alam kong kaya mo siyang sundan kahit hindi mo alam ang daang tinahak niya," ani James sa panganay na anak.
"Opo, Daddy. Ako na po ang bahala." Tumango-tango ito bilang pagsang-ayon.
"Sige na anak. Lumakad ka na baka pati siya ay mapahamak din. Mag-ingat kayong dalawa lalo at hindi natin alam kung ano ang motibo ng kumuha kay Princess." Pagtataboy naman ni Fier Yan.
Kaya naman imbes na magpatuloy na si Khemkaeng ay hinarap ang inang halatang labis-labis ang pag-aalala. Sabagay hindi niya ito masisi. Dahil kahit may special power silang magkapatid ay bata pa sila sa edad. At higit sa lahat ay ayaw na ayaw nilang ipaalam sa taong bayan ang tungkol sa rosas sa palad niya at dragon ng nakakababata niyang kapatid.
"Mommy, wala na tayong magagawa kundi magtiwala kay Khim Soong. Mainitin man ang ulo ng taong iyon subalit kailanman ay hindi hinayaang may mapahamak sa ating lahat. Alam kong hindi aakma kung sasabihin kong calm down and relax kaya't wala na akong ibang masabi kundi ang magtiwala kayo ni Daddy kay Khim Soong. Sigurado akong sa oras na ito ay natagpuan na niya ang lugar kung saan dinala nang mga dumukot kay Princess. Sige na po, Mommy. Maiwan ko na kayo ni Daddy dito." Bahagya siyang yumukod bilang pamamaalam bago tuluyang lumabas sa bahay nila.
Kailangan niyang masundan ang kapatid niya. Dahil ayaw din niyang mag-isa nitong suungin ang delikadong buhay. Mas malakas ang special power nito kaysa sa kaniya ngunit hindi pa rin nito magagawa ang kayang gawin ang kakayahan ng sanib puwersa ng special power.
After sometimes...
Sa isang katamtamang bahay sa may kalayuan sa kanilang lugar. Natagpuan ni Khim Soong ang bahay kung saan dinala ng tatlong lalaking dumukot sa nag-iisa niyang kapatid na babae. Nang nasigurado niyang nandoon ang kapatid niya ay pinag-aralan niya kung paano niya papasukin ang bahay. Kailangan niyang makapasok sa loob upang iligtas ito. Dahil determinado siyang sunugin ang buong paligid matapos niyang mailigtas ang kapatid niyang nasa loob ng bahay.
Papasok na sana siya sa loob ng bahay nang naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. Tuloy! Bigyan siyang napalingon. Ibubuka pa nga lamang niya ang labi upang itanong sana kung bakit ito sumunod sa kaniya. Ngunit hindi niya iyon nagawa dahil tinakpan nito ang labi niya gamit ang palad.