"Khim, kumusta si Fier Yan?" tanong ni Soong sa kapwa dragon.
"Nawala na lahat ang lason sa katawan niya. Ngunit hindi iyan ang problema natin ngayon," tugon nito.
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Dalawang buwan na siya rito sa kaharian natin kaya't nasaksihan na natin ang improvement sa kalagayan niya. Ano naman ang problema natin ngayon sa kaniya?" maang niyang tanong.
"May malakas na puwera sa katauhan niya, Soong. Buhay na buhay ang puwersang iyon. Kaya kako malaki ang problema natin dahil nandito siya sa kaharian nating mg dragon." Lumingon si Khim sa babaeng nasa higaan.
Ligtas na ito sa kapahamakan. Ginawa nila ang lahat upang mailigtas ito at laking pasasalamat nila dahil napagtagumpayan nila ang bagay na iyon. Iyon nga lang ay may buhay sa sinapupunan nito. And yes! Fier Yan is carrying a child. A child of the master from the pearl of the Orient Seas. Ang master na naging dahilan kung bakit nakalaya silang lahat sa palad ng GRAND PALACE at CHING WAI HUK.
"Ha? Totoo ba iyan, Khim? Totoo bang buntis siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Soong.
"Oo, Soong. Mga dragon man tayo ngunit naging bantay tayo sa mga kagaya niyang normal na tao. Maaaring nabura na sa mundo ang Grand Palace at CHING WAI HUK ngunit buhay na buhay ang puwersa sa loob ng tiyan niya. Naaalala ko ang sinabi dati ng young master, may anak siyang naghihintay sa bansa nila. Sa tingin ko ay malaki ang kinalaman ng master at anak nito kay Fier Yan---"
"Saglit lang, Khim. Saglit lang at ako ay naguguluhan sa mga sinasabi mo. Okay, sabihin na nating mag-ama ang master at ang tinutukoy nitong anak na naghihintay sa kaniya. Anong kinalaman nilang mag-ama kay Fier Yan?" nagugulumihang tanong at pamumutol ni Soong sa kapwa dragon.
Kaya naman ay napatingin sa kawalan ang dating tagapagbantay ng Grand Palace. Di yata't sadyang humina ang pick up ng kapwa niya dragon war. Ganoon pa man ay matiyaga niya itong ipinaliwanag. Karapatan din nitong malaman kung ano ang nais niyang sabihin.
"Makinig kang mabuti, Soong. Malaki ang kinalaman ni Fier Yan sa mag-amang tinutukoy ko. Ang malaking puwersa ang nag-uugnay sa kanilang lahat. Kailangan din natin siyang pangalagaan hanggang sa makarecover siya ng tuluyan. Dahil hindi natin siya maaaring ihatid sa VILLAVERDE sa ganyang kalagayan. At para malinawan ka sa mga sinasabi ko ay kailangan nating gamitan ng dragon powers ang mag-ina upang masiguradong ligtas sila." Iginalaw-galaw pa niya ang buntot kasabay nang pagpapaliwanag sa kausap.
"Nauunawaan ko ang sinasabi mo, Khim. Alam ko na kung bakit sabi mo ay problema ito. Kapag hindi natin sila gagamitan ng dragon powers, mamatay silang mag-ina. At kung tatanggapin ng katawan ni Fier Yan ang dragon powers ay natural na mapupunta ito sa bata. Ibig sabihin may kapangyarihan din ito paglabas niya sa mundong ibabaw." Umikot-ikot na rin si Soong sa tabi ni Khim.
"Tama ka, Soong. At higit sa lahat ay iyan ang magdadala sa kanilang mag-ina sa kinaroroonan ng isa pang puwersa. Alalahanin mong naipamana ng dating pinuno ng VILLAVERDE ang kapangyarihan ng rosas. Ang inaalala ko lamang ay kung paano. Kung ano ang buhay na naghihintay sa kanilang lahat. Nagbalik na tayo sa tunay nating kaanyuan at mundo kaya't hindi na natin mababago pa ito. Ngunit matutulungan natin sila upang mamuhay ng maayos. Mga normal silang tao ngunit sila ang nakakaunawa sa ating mga dragon," muli ay wika ni Khim.
Hindi na rin sumagot ang isa pang dragon na si Soong. Malaking problema iyon para sa kanila. Dahil bukod sa mga dragon sila ay tao ang tinulugan nila. Ngunit hindi rin naman nila ito maaring hayaang mabuhay sa kaharian nila. Dahil hindi lang sila ang nakatira sa lugar na iyon. Marami-rami silang dragon doon. Pinagbigyan lamang sila na gamutin ang babae kaya't kailangan nila itong maibalik sa kapwa tao kapag magaling na.
Samantala, dahan-dahan iyang iminulat ang kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay nakatulog siya ng napakahabang panahon. Saka nasaan ba siya? Ang huli niyang natatandaan ay ininum niya ang anti-dote na ipinainum sa kaniya ng asawa. Ngunit hanggang doon lamang ang naaalala niya.
"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili.
Ang huli niya talagang naalala ay nawalan siya ng malay pagkatapos niyang ininum ang gamot. Wala naman siyang makitang ibang tao sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali ay wala siya sa kabihasnan. Ngunit kung tama ang hinala niya ay ano ang ginagawa niya sa bahaging iyon ng mundo? Paano siya napunta roon?
"Hi, Master Fier Yan. Kumusta ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin?" tanong na nagmula sa likuran niya. Kaya naman ay napalingon siya ngunit wala siyang ibang makita kundi ang mga dragon wars.
"Khim? Soong? Anong nangyari? Bakit ako naririto sa kaharian ninyo?" balik-tanong niya sa una.
"Mahabang kuwento, Master Fier Yan. Ngunit upang maunawaan mo ay kami ang kasama ng kaibigan mo na lumusob sa CHING WAI HUK two months ago upang kunin ang gamot sa lason dulot ng poisonous hairpins. Subalit huli na ang pagdating namin dahil kumalat na ito sa buong katawan mo. Kaya ka namin isinama rito upang lunasan ito. At napagtagumpayan namin kayong iligtas. Anumang oras pagkatapos mong makapagpalakas ay dadalhin kita sa VILLAVERDE," pahayag ni Khim.
"Two months? Ibig mong sabihin ay natulog ako ng dalawang buwan? Anong nangyari? Ah...Ang mga banyaga? Nasaan sila? Anong nangyari sa kanila? Saka anong kami, nag-iisa lang naman ako rito ah," aniya na hindi magkandatuto.
"Karapatan mong malaman kung ano ang nangyari kaya't sasagutin namin ang mga katanungan mo. Tama natulog ka ng dalawang buwan dahil nahuli na ang antidote galing sa CHING WAI HUK. Kaya ka namin isinama rito dahil ginamitan ka namin ng dragon powers upang maligtas ka sa poisonous hairpins. Ang mga kaibigan mo ay matiwasay na nakauwi sa bansa nila isang linggo matapos bumagsak ang Grand Palace at CHING WAI HUK. Tulog ka pa sa panahong iyon, pilit nilalabanan ang kamatayan. Kaya't hindi ka namin ipinakita sa kanila. Dahil kapag ginawa namin iyon ay wala ka na sa mundong ibabaw. At sa huli mong tanong ay hindi ka nag-iisa, Master Fier Yan. Buntis ka at ang malakas na puwersang iyan ang magdadala sa iyo sa tunay mong mundo. Sana nasagot ko ng maayos ang mga katanungan mo." Umikot-ikot ang dragon war kinaroroonan niya habang nagsasalita.
Ngunit hindi iyon ang ikinatahimik niya kundi ang ibinalita nito. Kung buntis siya ibig sabihin ay nagbunga ang isang gabing pagsisiping nila ng asawa niya bago ang international competition. Kaso puwersa ng mga dragon ang bumuhay sa kanila ng fetus sa loob niya ay mas malakas ang puwersang dala nito kaysa sa rosas nila ni Khemkaeng.
"Alam ko ang iniisip mo, Master Fier Yan. Huwag kang mag-alala dahil mananatili kayong ligtas ng magiging anak mo hanggat walang mananakit sa inyo. Oo, Master Fier Yan, mapupunta ang dragon powers namin sa anak mo dahil diyan kayo nabuhay. Magpalakas ka at ihahatid ka namin sa VILLAVERDE. At sana pagdating mo roon ay alagaan mo rin ang sarili mo upang makapiling mo ang pamilya mo. Alam kong may tagapagmana sa rosas kaya't huwag kang mag-alala dahil ang rosas at dragon powers ang puwersang magiging proteksyon mo." Napaangat siya nang paningin dahil nabasa ng dragon ang nasa isipan niya.
"A-alam ninyo ang tungkol sa anak ko?" nautal niyang tanong.
"Mga hayop man kami nila Khim at ang iba pang dragons, Master Fier Yan, ngunit naging bantay kami sa dalawang pinuno na pinagsilbihan mo. Oo, alam namin ang tungkol dito. Kung hindi ako nagkakamali ay ang kaibigan mo na iniligtas mo ang ama nila. Kagaya nang sinabi ko kanina ay huwag kang mag-alala dahil ligtas ka na at maaari ka nang babalik sa tunay mong mundo. At bago ko pa makalimutan ay maraming-maraming salamat sa pagpapalaya mo sa aming lahat. Magpalakas ka, Master Fier Yan," saad na rin ni Soong na pumaikot-ikot din.
"Kung may dapat man na magpasalamat ay ako iyon, Soong, Khim. Binuhay ninyo ako kahit pa sabihing nabawasan ang kakayahan ninyo. Alam ko ring manganganib ang kaharian ninyo dahil sa presensiya ko rito. At tama kayo, siya ang ama ng mga anak ko at pupuntahan ko sila kapag kaya na ng katawan ko ang babalik ng Chiang. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Tatanawin ko itong utang na loob." Bakas ang kasenseruhan sa tinig niya habang pinaglipat-lipat ang paningin sa dalawang dragon na umiikot-ikot sa tabi niya.
Sa isipan niya ay hindi pa rin pala sila nakawala sa mga puwersang dulot ng dugong mandirigma. Panahon ang magbigay sa kanila ng pagkakataon upang magkitang muli matapos niyang pinauwi ang asawa limang taon na ang nakalipas. Panahon din ang naging tulay nila sa paghiwalay ng landas dalawang buwan na rin da ang nagdaan. Ang tanong, bibigyan din kaya siya ng pagkakataong muling makasama ang asawa at anak?
"Diyos ko, tulungan mo po ako akong tahakin ang tamang landas, Ama. Ikaw na po ang bahala sa akin at sa mag-ama ko," aniya sa kaniyang isipan.
Masaya siya sa kaalamang nagdadalang-tao siya ngunit kaakibat din ng pangamba. Ang panganay niyang anak ay buhay na buhay ang rosas sa likuran nito as she does. Iyon ang alam niyang nag-uugnay sa kanilang mag-ina. Ngunit kailangan din niyang magabayan ito dahil baka magamit sa ibang paraan. May kapangyarihan silang mag-iina ngunit ayaw niyang masira ang buhay nila. Ang buhay na iniwasan niya sa CHING WAI HUK at Grand Palace. Ang panganay niya ay may kakayahang pagalawin ang mga rosas, mauutusan nito. Kapag buhay na buhay ang rosas ay makaangat ito na parang ibon. At ngayon naman ay ang nasa sinapupunan niya ang maaaring magmana sa dragon powers. Dugo pa lamang ito ngunit hindi nila matatakasang mag-ina ang katotohanang nabuhay sila dahil sa puwersa ng mga dragons.
Few days later...
"Sigurado ka bang kaya mo na, Master Fier Yan?" tanong ni Khim.
"Oo sigurado na ako, Khim. Ilang buwan na rin akong nakapagpalakas. Nag-aalala na rin ako sa mag-ama ko. Alam kong alam ninyo ang tungkol sa rosas na nag-uugnay sa aming mag-ina kaya't bago pa mahuli ang lahat ay kailangan ko na silang makita," tugon ni Fier Yan.
"Karapatan mo ang makapiling sila, Master Fier Yan. Normal kang tao kaya't huwag kang mag-alala dahil ihahatid ka namin ni Soong sa Chiang Mae. Alam kong naaalala ako ni Master James kaya't ipaabot mo sa kaniya ang pagbati ko. May isa lang akong ipapakiusap sa iyo. Paglabas ng baby mo, babae man ito o lalaki ay pangalanan mo ng Khim Soong. Dahil iyan ang palatandaan naming siya ang nagtataglay sa dragon powers. Huwag kang mag-alala dahil mananatili itong lihim sa ibang tao. Ang pinuno ng VILLAVERDE ay maaring alam niya ngunit ang iba ay hindi. At huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin gagambalahin pa. Ngunit kapag kailangan mo ng tulong ay alam mo kung saan kami matatagpuan at kung paano." Umikot-ikot ito sa kinatatayuan niya.
Napakasuwerte pa rin niya dahil ang mga ito ang nakakuha sa kaniya. Maaaring may puwersa na namang kakaiba sa magiging anak niya. Ngunit gagawin niya ang lahat upang makapamuhay ng normal na tao ang anak niya. Sa pagkakataong iyon ay ang panganay niya ang nanganganib. Habang lumalaki ang tiyan niya ay mas nabubuhay ang rosas sa tagiliran niya. Walang nakapansin doon dahil hindi nakikita. Kahit ang asawa niya ay walang kaalam-alam tungkol doon. Tanging ang nasa anak niya lamang ang alam nito.
"Wala akong ibang masabi kundi maraming-maraming salamat. Utang naming mag-ina sa inyo rito ang aming buhay. Masusunod ang kahilingan mo, Khim. Ipapangalan ko ang Khim Soong dahil nanatili siyang buhay sa sinapupunan ko dahil sa inyo. Huwag kayong mag-alala dahil susundin ko lahat ng payo ninyo. Maraming-maraming salamat." Iminuwestra niya ang kaniyang palad sa dragon kaya't bahagya itong bumaba hanggang sa pumantay sa kaniya.
Niyakap niya ito at idinikit ang mukha sa katawan nito. Kaso napakislot siya dahil pabiro itong binangga ni Soong. Iyon pala ay gusto ring makipaglambingan sa kaniya. Kaya naman ay napangiti siyang yumukap dito. Sa isipan niya ay kahit pala nga hayop sila ay marunong ding magselos.
"Huwag ka nang magtampo, Soong. Love na love ko naman kayong dalawa. Kayong lahat dito sa inyong kaharian. Maraming salamat, Soong." Nakayap man siya rito ngunit hindi naging sagabal iyon upang hindi niya ito haplusin.
Damang-dama niya ang paggalaw ng buntot nito. Sigurado naman siya sa ibig sabihin nito. Natutuwa rin ito para sa kaniya. Napamahal na sila sa kaniya kahit pa sabihing normal siyang tao. Nais rin nila siyang pangalagaan. Apat na buwan na ang tiyan niya. Ibig sabihin ay ganoon na rin siya katagal na nawala sa piling ng asawa niya. Kahit naman gustong-gusto niyang uuwi ng VILLAVERDE subalit hindi niya magagawa iyon na mag-isa. Kaya't sinunod niya ang lahat ng bilin nila sa kaniya. At masaya siya dahil sa wakas ay makakabalik na rin siya sa tunay niyang mundo.