"Anong ginagawa mo rito, Kuya?" tanong ni Khim Soong sa nakatatandang kapatid nang tinanggal nito ang palad na nakatakip sa labi niya.
"To help you, dearest brother. Alam kong gusto mong iligtas ang kapatid natin subalit hindi mo iyan magagawa nang nag-iisa. Kaya't hayaan mong tulungan kita," tugon nito.
Sa tinuran ng Kuya Khemkaeng niya ay natigilan siya. Kasabay nang pagpakawala niya ng malalim na hininga ay napatingin siyang muli sa bahay na kinaroroonan ng bunso niyang kapatid. Aminado naman siyang mabilis uminit ang ulo niya lalo na kung pamilya niya ang sangkot. Kaya nga imbes na pakiusapan niya ng maayos ang mga magulang ay nag-walked out siya.
"I'm sorry for what I've done to you a while ago, Kuya. Alam mo namang kahit lagi kong sinusutil ang bunso nating kapatid ay mahal na mahal ko iyon. Kabilin-bilinan nina Mommy at Daddy na huwag nating gamitin ang special power natin kaya't wala akong nagawa kanina. But I got nervous when our parents didn't response immediately when I asked Dad to let me use the real swords," aniya.
"Okay lang iyon, Brother. That's your asset after all. Kaya't huwag kang mag-alala dahil hindi ako galit sa iyo. Ngayon, halika rito at iligtas na natin ang bunso nating kapatid." Nakangiting tinapik-tapik ni Khemkaeng sa balikat ang nakababatang kapatid na kagaya rin niyang may special powers.
Hindi na sila nagsayang ng oras. Nagtungo sila sa kaliwang bahagi ng bahay. Muli pa ay sinilip nila ang nasa loob. Hindi naman nakagapos ang kapatid nila kagaya ng ibang bihag. Nasa isang tabi ito na animo'y nasa bahay lang nila. Ipaalam na nga sana nila ang kanilang presensiya rito ngunit muli silang natigilan dahil nagsalita ito.
"Hey, old man! Why did you take me here?!" malakas nitong sabi.
"Manahimik ka bubwit kung ayaw mong ora mismo ay papatayin kita!" ganting sigaw ng lalaki.
"Aba'y sino ba kasi ang nag-utos sa tulad mong kalbong panot upang dukutin ako? Take me back in our home, now! Dahil kapag hindi mo ako ibabalik sa bahay ngayon din ay ang Papa ko ang papatay sa iyo!" Matinis pa rin ang boses ni Princess.
"Anak ng...bata ka ba o matandang nagkatawang bata? Aba'y hindi ka yata natatakot na mamatay ngayon din ah. Huwag kang mag-alala dahil ang Papa mo ang kailangan namin hindi ikaw na bubwit. Kung susunod siya sa usapan ay makakauwi ka pa na buhay. Kaya't manahimik ka munang bata ka!" malakas pa ring tugon ng lalaki.
Halatang nawawalan na ng pasensiya. Dahil iniwan pansamantala ang batang animo'y isang matanda kung magsalita. Kung hindi lang sana kabilin-bilinan ng Boss nila na huwag itong galawin hanggat hindi dumarating ang ama nito ay baka nasakal na niya ito upang manahimik.
Iyon naman ang hinihintay na pagkakataon ng magkapatid na Khemkaeng at Khim Soong. Pumasok sila at patihayang lumapit sa prinsesa nila. Magsasalita pa sana ito nang nakita sila subalit iminuwestra nila na huwag maingay.
Kaso!
Kung kailan nakapasok at nakalapit sila sa prinsesa nila ay saka naman may papalapit na yabag. Kaya naman ay agad silang nagtago sa likuran ng pintuan.
"Mando! Mando! Nasaan ang bata? Kabilin-bilinan ko naman sa iyo na huwag mo siyang iwanan! Saan natin siya hahanapin?!" dumadagundong na tanong ng isa pang lalaki.
"Nandito lang iyon kanina, Boss. Sumaglit lang ako sa banyo---"
"Tawagin mo ang kasamahan mo ngayon din! Hindi puweding makatakas ang bubwit na iyon. Dahil siya ang susi upang mapabagsak natin ang Arellano na iyon! Malilintikan kayong lahat oras na hindi ninyo maibalik sa akin ang batang iyon!" Pamumutol ng Boss sa pananalita ng tauhan.
Hindi na sumagot ang kaawa-awang tauhan dahil na rin sa pagkakamaling pag-iwan sa bubwit na animo'y matanda at nagkatawang bata lamang.
"Damm you, Arellano! Kahit wala ka rito ay sakit ka pa rin sa ulo ko!" Napakuyom ang palad ng Boss dahil sa pagngingitngit.
Samantalang nang napansin ng magkakapatid na nanahimik na sa loob ng bahay ay dahan-dahan nilang lumabas sa pinagtataguan. Subalit ang hindi nila alam ay may nakaabang na sa paglabas nila. Kaya naman imbes na tahimik silang aalis ay napatili pa ng pagkalakas-lakas si Princess dahil sa pagkagulat.
"Ano ba?! Bad kayong lahat! Paalisin n'yo na kami rito at sasabihin ko kay Papa na huwag kayong isumbong sa mga policemen! Hey, you! Don't get near to me! You have a bad breathe!" tili nito sabay takip sa ilong.
"Ikaw na bata ka ay nakarami na. Kaya't hindi ko na ito papalampasin total nandito na ang Boss namin. Papatayin namin kayong tatlo! Hindi na namin hihintayin pa ang Papa ninyo!" Napatawa ng nakakaloko ang tinawag na Mando. Saka sumenyas sa mga kasamahan na lalapit sa kanilang tatlo.
Ngunit habang nakikipag-usap si Princess sa mga lalaking nakapalibot sa kanila ay nagkaunawaan naman sina Khemkaeng at Khim Soong.
"Go and kill them all. They are devils from hell," ani Khem sa mga tinik sa palad saka inihipan.
Nagpakawala siya ng napakaraming tinik ng rosas na pumigil paglapit sana ng mga lalaking kailangan pa nilang magtakip ng bibig bago haharap sa mga ito.
Ganoon din si Khim Soong. Bahagyang ibinukas ang palad at nagsalita. Tanging sila lamang din ang nakarinig. Silang dalawa na may special powers.
"Burn them all including this place. Take them back to the place where they belong," bulong ni Khim. Ang apoy kahit maliit lamang ngunit kapag naihipan ito ay mas malakas ang pag-asang sisiklab ito. Sinigurado niyang masusunog ang lahat.
Kasabay nang pagbigkas nila sa salitang binitawan ay agad-agad ding nagliparan ang mga tinik ng rosas. Sumiklab ang apoy na hindi alam ng mga lalaking parang hindi nagmumog at naligo ng isang linggo ayon sa malditang bata. At iyon ang sinamantala nilang tatlo. Sinamantala nila ang pagkarambula ng mga bad guys at cheaters!
"Apulahin ang apoy!"
"Hanapin kung saan nagmula ang apoy!"
"Nasaan ang mga bubwit?"
"Saan ba nanggagaling ang mga tinik ng rosas?"
Mga ilan lamang sa samo't saring nagmula sa tinig ng mga ito. Pero hindi na nila napansin ang paglaganap ng apoy sa buong building.
"Mando! Oscar!" dinig pa nilang sigaw ng Boss.
Ngunit wala nang sumagot dahil kaniya-kaniya na sila nang lapusan. They're trying their to save themselves from the flying thorns of roses. Apoy na bigla na lamang sumiklab.
"Wait! Wait! Carry me, Kuya Khem. My legs are shaking from running." Nakasimangot na pagpapatigil ni Princess Angela sa mga Kuya.
"Quickly, Princess. They are chasing us." Agad na naupo si Khem upang maabot ng kapatid ang likod niya.
Iyon din ang sinamantala ni Khim. Hinarap niyang muli ang ilang kalalakihan na hinahabol sa kanila. With his two hands, he pointed to them.
"Burn them all to death. Take them back to Lucifer. Burn this place for them not to do again the devilish plan," he said as he pointed his two hands to their chasers.
Inulit-ulit pa niya ang pagbato ng apoy sa lugar na iyon upang siguraduhing wala nang mabubuhay sa mga anak ni Satanas na kumidnap sa maldita niyang kapatid.
Sa isang iglap ay sumiklab ang mas marami pang apoy saa lugar na iyon. Dahil ayaw din nilang madatnan sila ng mga taong aapula sa apoy ay naging mabilis din ang kilos nila.
"Huwag ka na munang magtanong, Princess. Uuwi na tayo bago pa may makakita sa atin." Pinigilan agad ni Khim ang kapatid sa akmang pagtatanong.
"Sampa na ulit sa likod ko, bunso. Aba'y naghihintay na ang Papa at Mama sa atin," segunda pa ni Khem.
Halata naman kasi sa mukha nito na gustong magtanong. Malditang bata pero matalino sa edad na anim. Actually, all of them has the brain. Lahat sila ay hinahakot ang parangal tuwing commencement exercises. Kaya hindi na nakapagtataka kung hindi nila ito basta-basta naililiko sa usapan. Ngunit kailangan na nilang aalis sa lugar na iyon dahil ayaw nilang madatnan ng kahit sinumang magtangkang aapula sa apoy.
They left the place without looking back anymore.
They are so sure that no one of those devil will survive from a huge fire. They were forced to used their special powers for them to go away from that place. And they will never allow once again to caused a commotion to them as well as any of their family members.