Few years later
CHIANG MAE
"Pinuno! Pinuno!" humihingal na pagtawag ng isang kawal sa kanilang leader.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo, Ram? Bakit ba umaabot hanggang sa kabilang barangay ang boses mo?" salubong ding tanong ni Pinunong Sumate.
Ang namumuno sa nasasakupan ng Chiang Mae. Lahat ay may takot sa pinuno nila. Dahil hindi lang ito basta pinuno kundi may kakayahan itong patahimikin ang taong sumusuway sa kagustuhan. Dahil siya si Pinunong Sumate at siya ang numero-unong kalaban ng HU CHING WEI.
"Ipagpatawad mo sana, Pinuno, ang aking kapangahasan. Subalit kailangan mo itong malaman. Ang bolang apoy ay umiilaw," pahayag nang tinawag na Ram.
"Ano?! Kailan pa? Kailan pa iyang nangyari?!" sa pagkabigla ay napalakas ang boses niya.
Kaya naman ay biglang naihipan ang tauhan! Dahil sa paglakas ng boses niya ay sumabay na kumawala ang apoy sa labi niya. Subalit nang naalala ang sinabi nito tungkol sa bolang apoy ay agad niya itong tinulungan upang apulahin ang apoy na sumusunog sa katawan nito. Ang lagayan ng tubig ang tinamaan ng apoy kaya't nabuhos ito sa tauhan niya.
"Churai! Churai! Nasaan ka? Halika rito at gamutin mo si Ram!" malakas niyang pagtawag sa kaisa-isa niyang apo. Hindi nga nagtagal ay may pagmamadaling lumapit ang dalaga sa kinaroroonan nila.
"Lolo! Ano po ba ang nangyari? Bakit nasunog si Ram?" agad na tanong ni Churai. At kasabay nang paggamot niya rito ay nakuha rin niyang tinanong ang ninuno.
"Huwag ka nang magtanong! Gamutin mo siya dahil hindi siya maaring mamatay hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa nasimulan niya," tugon ng pinuno.
Hindi rin nagsalita at nagtanong si Churai bagkus ay itinuon niya ang atensiyon sa paggamot sa nasunog na katawan ng kapwa nila dragon. Half human at half dragon sila. But every three months, nagiging purong dragon sila. Apat na beses silang nagiging dragon sa loob ng isang taon. Hindi rin nagtagal ay natapos niya ang ginagawa. At sa paglagay niya ng gamot sa nasunog ay napaisip siya. Ganoon pa man ay sinolo niya ang kuro-kurong nasa isipan. Kakausapin na lamang niya ito kapag silang dalawa na lang.
"Ligtas ka na, Ram. Ngunit huwag ka munang magpuwersa sa trabaho. Dahil maari mong ikamatay kapag magbukas ang mga sugat mo," aniya nang natapos niya ang paglagay ng gamot sa katawan nito..
"Maraming-maraming salamat, Miss Churai. Huwag kang mag-alala dahil aksidente lamang ito. Mabuti nga ay nandiya si Pinuno. Siya ang umapula sa apoy bago ka dumating." Ngumiti si Ram.
Ayaw niyang ipagkanulo ang pinuno nila. Dahil maaring mas malala pa ang gagawin nito sa kaniya. Aksidente lang naman talaga ang nangyari kaya't siya na ang nag-adjust kaysa naman tuluyan siya nitong sunugin na buhay. Hindi nga siya nagkamali dahil kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha nito.
"Iwanan mo muna kaming dalawa ni Ram at may pag-uusapan kami. Saka mo na lang siya gagamuting muli bago siya uuwi sa bahay niya." Baling ng pinuno sa apo.
"Sige po, Lolo." Bahagyang yumukod ang dalaga bago tuluyang bumalik sa sariling silid.
Marami siyang nais itanong sa tauhan ng Lolo niya subalit ayaw din niyang siya ang pagbalingan nito sa galit na nakikita sa mata nito. Alam niyang hindi basta-basta ang pagkasunog ni Ram. Maaring mayroon na namang hindi nagustuhan ang abuelo niya. Hindi pa sumasapit ang full moon kaya't may katawang tao pa sila. At iyon ang isa sa nagpatibay sa kalooban niya tungkol sa halos masunog na katawan ni Ram.
Samantala ay agad nagtanong si Pinunong Sumate nang nawala na sa paningin nila ang apo. Iyon nga lang ay mahina na subalit mas mabagsik naman.
"Ngayon ay magtapat ka, Ram. Ano iyong sinasabi mong kumikinang ang bolang apoy? Kailan pa nangyari iyon?" tanong niya.
"Tama po ang sinabi ko, Pinuno. Nasa lagayan po iyon sa gitna ng bulwagan. Kaya't kitang-kita ko. Sa katunayan ay may mga kasamahan akong nakakita. Kaya't sinabihan nila akong ipagbigay-alam sa iyo," tugon nito.
"Kung ganoon ay nalalapit na ang takdang panahon. Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang nagkaroon nang sagupaan ang mga dragon. Sa wakas ay muli tayong mapapalaban sa mga taga HU CHING WEI. Sila ang tanging balakid sa ating pangunguna sa buong mundo. At ngayong dumating na ang tamang panahon ay humanda silang lahat. Dahil susunugin natin sila! Wala silang puwang dito sa mundo natin!" Dahil sa tuwang lumukob sa kaibutuwiran ng puso niya ay hindi na napigilan ng Pinuno ang napatawa ng malakas.
Tawang halos yumanig sa nasasakupan. Ngunit dahil ayaw din niyang mabahala ang mga tao na nagiging dragon sa tuwing ikatlong buwan. Sila ang dragons na may kakayahang magpaiba-iba ng anyo sa loob ng isang taon.
"Sabihan mo ang mga kasamahan natin, Ram. Sabihin mong may pagpupulong tayo mamayang gabi sa bulwagan. Kailangang magsidalo ang lahat dahil may mahalaga akong sasabihin. Ang hindi dadalo ay makikita na lang sila sa bulwagan bukas na nakasabit. Magiging traitor sila. Kaya't sabihin mong dapat nandoon ang lahat," pahayag niya makalipas ang ilang sandali.
"Masusunod, Pinuno. Sige po at simulan ko na ang pag-anunsiyo sa mahalaga bilin mo. Maiwan na po kita, Pinuno." Yumukod si Ram bago tuluyang umalis sa bahay ng kanilang pinuno.
Marami itong nasabi na nagbigay sa kaniya ng kuryusidad. Ngunit ayaw niyang magtanong dahil baka hindi lamh half burn ang aabutin niya rito. Malupit pa naman ang kanilang pinuno. Walang nangangahas na salungatin ito.
Mt Province, Philippines
"Mukhang hindi ka mapakali, Khim? May problema ka ba?" tanong ni Khemkaeng sa kapatid.
"Malaki ang problema ko kung problema ang pag-uusapan, Kuya. Ngunit hindi iyang ang bumabagabag sa akin, Kuya. Kundi ang panahon. Mainit ang panahon, Kuya," tugon niya.
Ngunit alam niyang hindi ordinaryong init ng panahon ang nagpapainit sa katawan niya. Ilang araw na rin niyang napapansin ang pagkabuhay ng dragon sa palad niya. Ngunit dahil kabilin-bilinan ng magulang niyang huwag gamitin ay sinikap niyang labanan sa tuwing nag-aapoy ang pakiramdam niya.
"Khim, alam kong nais mong itago iyan dahil iyan ang kabilin-bilinan ng magulang natin. Ngunit kung hindi mo kaya ang init samantalang malamig na ang panahon. Kung gusto mo ay sasamahan kita sa ilog. Magpapaalam lamang ako kay Daddy baka hanapin tayo." Bahagyang idinantay ni Khemkaeng ang palad sa balikat ng kapatid ngunit agad ding binawi. Hindi nga siya nagkakamali, buhay na buhay na naman ang dragon powers nito.
"Kuya, alam mo ba ang naiisip ko? Paano kung darating ang panahon na kakailanganin ako ng mga nilalang na nagbigay sa akin sa powers na ito? Paano kung ako ang makapaglistas sa kanila sa anumang kapahamakan? Lilisanin ko ba ang bansa natin? Ayon kay Mommy ay nabuhay kami noon dahil sa tulong ng mga butihing dragons na sina Khim at Soong kaya nga Khim Soong ang pangalan ko. Magiging dragon na rin ba ako?" pahayag nito kaya't hindi siya matuloy sa pagpunta sana sa kinaroroonan ng mga magulang nila.
Subalit bago rin niya ito masagot ay nauhan na siya ng mga magulang nila.
"Mahirap ang malayo kahit sino sa inyo mga anak. Lalong-lalo na sa iyo, Khim. Sa inyong magkakapatid ay ikaw ang madalas nandito sa bahay at madalas naming kasama sa gymnasium. Subalit ang kapalaran mo ay hindi maiiwasan. Dahil sa lahat ng katanungan mo sa iyong Kuya Khemkaeng ay oo ang sagot. Kaya nga namin pinilit ipinatago iyan sa iyo. Ngunit kung iyan ang nakatadhana sa iyo ay wala na tayong magagawa pa kundi ang tanggapin," malungkot ang tinig na nagmula sa likuran nila. Kahit hindi nila ito lingunin ay kilalang-kilala na nila. Walang iba kundi ang kanilang ina.
"Subalit wala tayong magagawa dahil sa iyo ipinagkatiwala ng mga taga HU CHING WEI powers na magliligtas sa kanila. Sa ngayon ay kailangan mong alagaan ang sarili mo dahil sabi mo ay nag-iinit ang iyong katawan. Kami ang magulang mo ngunit wala kaming magagawa upang pigilan ang kapalaran mo. Ikaw at wala ng iba ang makakagawa sa bagay na iyon, anak," segunda rin ng kanilang ama.
Kaya naman ay napayuko si Khim Soong. Hindi pa nangyayari ang nasa isipan niya ngunit nalulungkot na siya. Tao siyang ipinangak ng Mommy niya ngunit wala man lang makayakap sa kaniya kapag nalulungkot siya. Dahil na rin sa mas dumadalas na ang pag-aalab ng katawan niya. Mabuti na lamang at maunawain at mabait ang mga kapatid niya. Kapag hindi niya kaya ang init ng katawan niya ay sinasamahan siya sa ilog. Doon siya nagbababad dahil hindi na kaya ng cold water sa banyo.
Later that night...
Hinintay ni Khim Soong na makatulog ang mga tao sa bahay nila bago siya lumabas. Alam niyang hindi siya ordinaryong tao kaya't hindi na siya dumaan sa main door.
"Dragon ako at nagkatawang tao. Kaya't kayang-kaya kong dadaan sa bintana," bulong niya.
Hindi kasi siya pumayag na samahan siya ng Kuya Khemkaeng niya nang hapon na iyon dahil ang plano niya ay sa gabi lalabas. At iyon na nga, gamit ang palad niyang may apoy ay binaybay niya ang kalsada patungo sa ilog. Doon siya nagbababad ng ilang oras. Maghating-gabi na samantalang alas-nuebe pa lamang bago siya lumusong.
Kaso!
"Wow! Natsambahan din natin ang taong ito! Aba'h sino ang mag-aakalang nasisiraan na rin pala siya ng bait? Tsk! Tsk! Hating-gabi na ngunit nandito pa," dinig niyang wika ng hindi niya nakikitang tao.
"Ang sabihin mo ay kabilugan na naman ng buwan kaya't muli siyang dinalaw ng anting-anting niya," saad pa ng isa bago napahalakhak na wari'y nang-aasar.
Ngunit dahil wala siyang balak patulan sila ay nagpatuloy siya. They are not his match. At isa pa ay ayaw niyang gamitin sa mga kabarangay nila ang powers niya. Isa iyon sa kabilin-bilinan ng magulang niya. Maari siyang magtungo kung saan-saan ngunit kailangang makasigurado sa kaligtasan.
"Hoy, Arellano! Huwag kang bastos! Aba'y ang bastos naman nito!" sigaw ng lalaki.
"Kung ako sa inyo ay magsiuwian na kayo. Huwag ninyo akong asarin dahil baka pagsisihan n'yo ang kalalabasan ninyo," malamig niyang wika bago nagpatuloy sa paglakad.
Kung hindi siya nagkakamali ay ang mga kicked out student ng MGJG ang tatlo. Marahil ay nakita nila ang pagpunta niya sa ilog kaya't sinundan siya. They are now in a wide open field. Dahil kahit kalsada ang daan ay may ilang metro ring lalakarin sa bukid bago tuluyang makarating sa ilog na malapit sa kanila.
"Aba'h! Aba'h! Talagang may anting-anting ka ano? Ah, mali pala ang nasabi ko. Wala kang anting-anting kundi ambisyoso kang nilalang. Mataas pa ang tingin sa sarili dahil nagtapos sa pagkaabogado." Patuya itong nagpaikot-ikot sa kinatatayuan niya.
"Oh, huwag mo kaming tingnan ng ganyan, Arellano. Dahil kahit anak ka ng may-ari sa mini-school at ang MGJG ninyo ay wala kang binatbat pagdating sa aming anim. Tama! Anim kaming nandito dahil gusto naming siguraduhing isa ka ng malamig bangkay pag-uwi mo sa inyo," ismid pa ng isa.
Halatang nang-iinis. Madaling uminit pa naman ang ulo niya pagdating sa mga ganoong bagay. Kailanman ay hindi sila nanlamang sa kapwa. Dahil simula pagkabata nila ay tinuruan na silang magkakapatid ng kagandahang asal. Kaya't sa tuwing may ibinabato ang ibang tao na salita laban sa kanilang pamilya ay talagang nag-iinit ang ulo niya.
Maliwanag ang buwan kaya't unti-unti niyang nakita ang pagmumukha ng mga lalaking humarang sa kaniya. Tama ang sinabi nito, tatlo lamang ang nakita niya ngunit nang nasa gitna na sila ng palayang naanihan na ay nagpakita ang tatlo pa nilang kasamahan.
"Talaga bang ayaw ninyo akong tantanan?" tanong niya sa malamig na boses. Kasing lamig ng tubig sa ilog na nagpalamig sa nag-aapoy niyang katawan.
"At bakit ka namin lulubayan? Kaya ka nga namin sinundan dahil gusto ka naming iligpit eh. Palibutan na!" malakas nitong sabi. Kaya't dali-daling umatake ang lima! Sabay-sabay silang sumugod sa kaniya. Ngunit hindi siya nagpatinag bagkus ay hinayaan niyang makalapit sila ng husto saka pa siya umangat na animo'y isang ibon!
"Huliin n'yo siya!" dinig niyang sigaw ng isa. Ngunit kagaya ng nauna ay hindi niya hinayaang may makadapo sa kaniya kahit sino sa kanila.
Kahit pa magsigawan sila ay lalamunin lamang ng gabi. Dahil bukod sa may ilang kilometro ang layo sa pinakamalapit na bahay ay malawak pa. Alam niyang paraan lamang nila iyon upang mapilitan siyang gamitin ang special power niya.
Kinabukasan...
Nagulantang ang buong barangay dahil sa mga bangkay na natagpuan sa palayan! Hindi lamang iyon, dahil may mga nakasulat pa sa kanilang katawan!