CHAPTER FOUR

2029 Words
"Pinuno, ang sabi mo ay kailangan nating mahanap ang tagapagmana ng dragon power. Ipagpatawad mo sana kung magtatanong ako. Kung ang tagapagmana kailangan natin ay bakit hindi na lang natin lusubin ang HU CHING WEI? Sila ang mortal na kaaway ng kaharian natin, nasa kanila ang tagapagmana. Kaya't kung magbigay ka lang ng kautusan ay lulusubin na natin ngayon ang kaharian ng mga traydor," pahayag ng isang dragon. Ngunit sa pagkakataong iyon ay mga anyong tao sila. "Tama si Anika, Pinuno. Bigyan mo lamang kami nang kautusan ay lulusubin namin ang kaharian nila upang matapos na ang problema mo. Dahil walang ibang mamumuno sa mundo kundi ikaw lamang, Pinunong Sumate," dagdag pa ng isa. "You are all wrong. Kung iyan lang ang gusto ko ay noon ko pa kayo inutasan upang lusubin ang HU CHING WEI. Pero hindi n'yo ba naisip ang bagay na iyon? Tama, makapangyarihan ang Chiang Mae ngunit hindi n'yo ba alam na kahit anong gawin natin kung hindi natin makuha ang kapares ng bolang apoy ay hindi tayo magtatagumpay sa pagsakop sa kanila? Kung ang sakupin lamang ang HU CHING WEI ni Fern ay noon ko pa sana ginawa iyan. Ngunit mas malaki at mas malalim ang gusto kong makamtam. Gusto kong tayo ang mamuno sa buong daigdig. Ang CHIANG MAE ang kikilalanin ng lahat! At ako ang mamumuno sa buong mundo!" Mula sa mahinang boses ni Pinunong Sumate ay unti-unti itong lumakas hanggang sa nagdulot ng pagyanig. Animo'y isa itong diyablong nakatayo sa gitna ng bulwagan. Iniunat ang mga braso kasabay nang pagbitaw ng salita. Dahil dito ay pansamantalang natahimik ang mga nasasakupan. Walang nagbitiw ng kahit anong salita sa loob ng ilang minuto. "Kung mamarapatin ay magtatanong din ako, Pinuno." Tumayo rin ang isa at lakas-loob na humarap sa kanilang pinunong halatang mayroon na namang ibang iniisip. "Sige lang. Kaya ko nga ipinatawag ang meeting na ito upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na ipahayag ang kuro-kurong nasa isipan." Tumatango nitong pagsang-ayon. "Tungkol ito sa tagapagmana ng dragon power, Pinuno. Dahil ayon sa pagkaunawa ko sa iyong pahayag ay hawak-hawak din ng tagapagmana ang bolang apoy. At dahil siya ang kailangan ng kaharian natin. Paano natin malalaman kung sino siya? Ang katauhan niya? Lahat tayo sa kahariang ito any nagiging dragon tuwing lumilipas ang dalawang buwan at ordinaryong tao sa mga ganitong pagkakataon ganoon din sa HU CHING WEI. Kaya't ang tanong ko, Pinuno, paano natin makikilala ang tagapagmana?" tanong niya sa pinuno. "Magaling! Magaling, Anura. Mabuti at naitanong mo ang bagay na iyan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi natin malusob-lusob ang HU CHING WEI dahil sila ang nakakaalam sa kinaroroonan ng tagapagmana. Kung itatanong ninyo kung nasaan ito ay wala sa HU CHING WEI. Dahil kung nandoon ang tagapagmana ay matagal na sana silang nag-ingay. Malalaman at malalaman natin ang katauhan ng tagapagmana dahil nandito ang evening star. Ang apo kong si Churai," pahayag ng pinuno. "Kung ganoon, Pinuno, ano ang plano mo ngayon? Ibig kong sabihin ay kung ano ang nais mong ipagawa sa amin? Kung wala sa piling ng HU CHING WEI ang tagapagmana ay nararapat lamang na maunahan natin silang mahanap ito," muli ay wika ni Anura. Isa sa mga leaders sa kanilang kaharian. "Huwag kayong mag-alala dahil mayroon akong plano upang malaman natin kung nasaan ito. Ayon sa aking ama ay hindi ordinaryong dragon ang tagapagmana. Isa itong tao, dahil sa isang normal na tao ipinamana ng mga sinaunang namumuno sa HU CHING WEI ang bolang apoy na iyon. At sa susunod na mag-ibang anyo tayo ay susugod tayo. Gagawin natin ito upang malaman kung ano ang binabalak nila. Mayroon itong marka at palatandaan na siya ang tagapagmana. At iyon ang aalamin natin sa ngayon para sa ating tagumpay." Nagpalakad-lakad ang pinuno sa gitna ng bulwagan. Nais niyang iparating sa mga nasasakupan na walang ibang dapat mamuno sa mundo kundi sila lamang. Wala siyang pakialam kahit maraming buhay ang maisakripisyo ang mahalaga ay makamit niya ang minimithi para sa Chiang Mae. Ramdam niyang nalalapit na ang oras na iyon, ang paghahari nila sa buong daigdig. Subalit sa pagpapatuloy ng pagpupulong nilang iyon ay lihim namang nababahala si Churai. Tama, siya ang evening star ng kanilang kaharian. At siya rin ang tagapagmana ng trono dahil ang ama niya ay pumanaw noong huling sagupaan ng dalawang kaharian na bukod sa nag-aagawan sila ng teretoryo ay nagpapalakasan pa ng puwersa, kung sino ang dapat mamuno sa buong daigdig. Ngunit malakas ang dugo niya bilang normal na tao. Siya ang labis-labis na naapektuhan sa tuwing sumisiklab ang giyera. At ngayon ay mukhang hindi na nila maiiwasan ang muling pagkakaroon ng madugong labanan. Samantala... "Alam ko kahit ipagkaila mo ay mayroon kang nalalaman tungkol sa nangyari sa palayan, Khim," ani Khemkaeng sa nakababatang kapatid. "Wala akong balak ipagkaila iyan, Kuya. Dahil hindi tayo pinalaki ng mga magulang natin upang magsinungaling. At mas wala akong balak akuin ang bagay na wala akong ginawang masama. Sila-sila lang din naman ang nagpatayan. Kung may kasalanan ako roon ay ang umiwas ako sa mga armas nila at ang paglagay ko ng sulat sa katawan nila." Umayos si Khim sa pag-upo at nakipagtitigan sa Kuya Khemkaeng niya. "Kung ganoon, paano mo ipaliwanag ang nasunog na palayan? Ang mga palad ng anim na katao?" may pagdududang tanong ng Kuya niya. "Ang palayan ay ako ang may kagagawan at ginawa ko iyon upang hindi nila ako malapitan. Dahil kahit nagagalit ako sa kanila ay wala akong balak gamitin sa kanila ang apoy. Alam mo kung bakit? Sa bawat paggamit ko sa apoy ay mas lumalakas ito. Sa tuwing nagpapakawala ako ng apoy ay mas nag-aalab ang katawan ko. Iyan ang koneksyon nang pagkasunog ng mga palad nila. Nag-unahan silang makalapit sa akin upang saksakin ako. Ngunit anong laban nila sa nag-aapoy kong katawan? Sa madaling salita ay napaso sila sa pagnanais na saksakin ako," pahayag niya. Sa narinig ay bahagyang natahimik si Khemkaeng. Tama nga naman ito. At alam na alam nito ang tungkol sa maaring ikaso sa mga pangahas. Subalit alam din niyang kahit nabuhay ang anim ay hindi ito magdedemanda. Dahil simula pagkabata nila ay nasaksihan na niya kung paano nito pinilit itinago ang super power nito. Kayang-kaya niyang magpakawala ng mga tinik ng rosas dahil iyon ang ipinamana sa kaniya ng ninuno sa ina. Nalalanta ang mga pananim ng mga ninuno nila sa ama sa tuwing on high ang dugong nanalaytay sa kaniya. "Sa lagay na iyan ay wala na tayong magagawa pa upang ilihim ang tunay mong kakayahan. Kung na-offend man kita sa pagtatanong ko, Khim. Ngayon ay halika sa labas lalo at---" "Kayo na naman? Aba'h, aba'h! Bakit n'yo ba laging pinag-iinitan ang Kuya Khim ko? Ano kaya kung ipabugbug ko kayong lahat sa mga naughty ladies sa gym ni Daddy? Magsilayas kayo sa pamamahay namin," dinig nilang wika ni Princess. Kaya naman ay napatakbo sila pababa sa unang palapag ng bahay. Kaso nasa paanan pa lamang sila ng hagdan ay kitang-kita na nila ang nag-iisa nilang kapatid na babae. Nakapamaywang ito ay nakaharap sa nasilip nilang alagad ng batas. "Miss Arellano, alam mo bang puwedi ka naming kasuhan sa paraan nang pananalita mo?" tanong ng isang police. "Hoy! Wala akong pakialam, Mamang police. Dahil wala akong kasalanan sa inyo. Saka saglit nga lang, Mamang Police, bakit ano ba ang tingin ninyo sa kapatid ko? Kung masamang tao siya ay noon pa sana lalo na sa tuwing inaakusahan ninyo siyang may kababalaghang nangyayari. Kung ayaw ninyong kayo ang ipahuli ko sa mga naughty ladies sa gym ni Daddy ay lumayas kayo sa pamamahay namin!" Nakapamaywang na nga ay naituro pa nito ang gate. Alam niyang nais siyang protektahan ng kapatid niya ngunit ayaw din niyang lagi itong nagsisinungaling upang pagtakpan siya. Kaya't kahit wala siyang balak ipagkanulo ang sarili dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo ay kasalanan pa rin niya ang sunog sa palayan. Lumapit sila ng Kuya Khemkaeng niya sa main door kung saan nakaharang ang kapatid niyang babae. "Magandang araw po, Sir. Sa pagkaunawa ko sa kapatid ko ay ako ang hinahanap ninyo. Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang niyang tanong. "Magandang araw din sa iyo, Mr Arellano. Nais ka sana naming anyayahan sa presinto upang tanungin sa ilang impormasyon. Kung iyong mamarapatin ay magtatanong kami tungkol sa nangyari sa palayan kagabi," pormal na sagot ng police. "Oo naman po, Sir---" "Teka lang, Kuya Khim. Kung sasama ka sa kanila ay dapat kasama rin akoe or si Kuya Khem. Aba'y baka kung ano ang gagawin nila sa iyo sa daan." Humarang pa sa daan ang dalaga. Animo'y nakadipa sa higaan dahil sa hitsura. "Princess, alam ko ang nais mong sabihin. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi naman sila gagawa nang ikakasira ng kanilang propeayon o trabaho. Wala kang dapat ikabahala dahil wala akong ginagawang masama. Kung magtatanong lamang sila ay wala ring problema. Mas magkakaroon tayo ng suliranin kapag umayaw sa paanyaya nila. Admissions of guilt na iyon, Princess. So, there's nothing to worry about it." Ginulo pa niya ang buhok nito bago muling hinarap ang tatlong police. "Tara na po, Sir," aniya. "Okay, Mr Arellano. This way." Inilahad ng police ang palad sa daan patungo sa kalsadang kiparadahan ng patrol car. Sa isipan ni Khim Soong ay huwag na huwag silang magkamaling saktan siya at mas lalong huwag gawin sa kaniya ang nais tumbukin ng bunso niyang kapatid. Dahil hindi siya papayag na gawin nila iyon sa kaniya. Maaring pilit nilang itinatago sa mga taong bayan ang tunay na kakayahan niya. Ngunit hindi rin siya makakapayag na saktan siya. Maghahalo ang balat ng tinalupan kapag nangyari iyon dahil kahit nga mga magulang niya ay hindi siya nakatikim ng pananakit. HU CHING WEI "Ama! Ama! Nasaan ka ba?!" malakas na tawag ng isang kawal sa pinuno nila. Subalit ama ang tawag nila rito. "Bakit ba? Ano ba ang---" "Ano iyon?" pamumutol din niya sa pagtatanong. Sunod-sunod na pagsabog ang narinig niya. Kung hindi siya nagkakamali ay may labanan. Dahil ang sumabog ay tunog ng tinupok ng apo. "Iyan ang nais kong sabihin, ama! Nilusob tayo ng mga taga CHIANG MAE! Nasa main gate sila, ama!" "Maging madali ka, Panit! Alertuhan mo ang mga nasasakupan natin! Sabihin mong magsioagtago ang mga kababaehan!" "Opo, ama! Sige po at maiwan na muna kita." Umatras na si Panit. Tama ang pinuno nila. Kailangang maabisuhan niya ang mga kasamahan nila. Dahil kung hindi ay baka pare-parehas silang masunog. Hindi kaila sa kanila ang kawalang-hiyaan ng Chiang Mae lalong-lalo na ang pinuno nila. Samantala... "Sunugin silang lahat! Wala kayong dapat itirang buhay! Apoy ang kailangan upang makapasok tayo sa loob!" sigaw ni Pinunong Sumate sa mga tauhang abala sa pakikipaglaban sa mga kapwa dragon. "Huwag kayong mabahala mga kasama! Hindi maari ang nais nila! Kailangan nating pangalagaan ang kaligtasan ng ating kaharian!" malakas ding wika ng isa pang lalaki ngunit nasa loob ito ng HU CHING WEI gate. Lahat sila ay abala sa pakikipaglaban sa grupo ng mga salbaheng dragons! Wala naman silang kasalanan sa grupo ng Chiang Mae subalit galit na galit sila sa kanilang grupo. Kaya't hindi sila papayag na basta na lamang sila salakayin. "Wala kayong karapatang saktan ang mga nasasakupan ko, Sumate! Makuntento ka kung ano mayroon kayo!" saad ni Pinunong Fern o si Ama. "Sabihin mo iyan sa akin kapag kaya mo akong labanan! Tandaan mo, Fern! Walang makakatalo sa tulad ko. Kaya't ang dapat sa inyo ng mga tauhan mo ay masunog." Muli pang nagbato ng ilang bolang apoy si Sumate na animo'y granada. Ngunit maagap itong hinarangan ni Fern. Gamit din ang kakayahan ay ibinuka niya ang palad bago nagwika. "Pabalikin mo ang apoy na iyan sa nagpakawala sa kanila. Sunugin mo ang mga halang ang kaluluwa!" utos niya saka sunod-sunod ding ibinato ang palad. Kaya naman! Dahil hindi inaasaahan ni Sumate ang biglaang pagganti ng kalaban ay huli na upang umiwas siya. Tumama ang apoy na ibinato ng mortal niyang kaaway sa kaniya. "Pinuno!" "Tumakas na tayo, Pinuno. Mas dumarami ang lumalaban sa atin. Kung magpapatuloy tayo sa pakikipaglaban sa kanila ay baka mas marami---" Subalit hindi nagawang tapusin ni Ram ang pananalita dahil muling nagpakawala ng sunod-sunod na apoy ang pinuno ng HU CHING WEI.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD