"Ano ngayon ang plano mo, Ama?" tanong ni Panit sa kanilang Pinuno.
"Tama si Panit, Ama. Sa ngayon ay nakaya pa natin sila subalit oras na muli silang aatake ay wala na tayong kasiguraduhan. Nasaksihan nating lahat kung paano nila tayo binato ng apoy. Wala silang puso, Pinuno. Kahit alam nilang maraming madamay ay sige pa rin sila sa pagbato ng apoy," dagdag pa ng isa.
Sa narinig na pahayag ng mga kasamahan ay napabuntunghininga si Pinunong Fern. Tama naman sila, basta na lamang sumugod ang grupo ni Pinunong Sumate o ang Pinuno ng Chiang Mae. Itinuturing silang mga mortal na kaaway samantalang pare-parehas silang mga dragon at nagkakatawang tao tuwing kada dalawang buwan. Kung sila lamang ang masusunod ay gusto nilang magkasundo ang lahat. Dahil kawawa ang mga nadadamay. Mga dragon man sila ngunit namumuhay sila bilang tao dahil nag-aanyo naman silang tao. Ngunit ang kaharian ng Chiang Mae ay labis-labis ang pagkamuhi sa kanila.
"Hindi ko alam kung nararapat bang tawagin na natin ang ating tagapagmana. Dahil kahit ako ang pinuno natin dito sa HU CHING WEI ay siya pa rin ang may hawak sa bolang apoy. Ngunit kabilin-bilinan ng ating mga ninuno na saka lamang natin siya maaring dalhin dito at hiranging tunay na pinuno kapag nasa tamang edad na siya," pahayag niya.
"Amang, ang sabi mo sa akin noon, ilang taon na ang nakalipas ay nagtanim ka ng puno noong isinilang ang tagapagmana natin. At nasa biyente na taong gulang na ang punong iyon, ibig sabihin ay ganoon din ang tagapagmana. Kung hindi ako nagkakamali ay limang taon na ang nakalipas simula itinuro mo sa akin ang puno na iyon. Biyente-singkong taong na silang parehas. Ibig sabihin ay nasa tamang gulang na." Lumapit din ang isa pa nilang kasamahan.
May benda ito sa kanang braso dahil na rin sa paghampas ng kampwa dragon. Ngunit wala iyon sa kaniya kumpara sa mga inosenting nadamay. Sila ay nasugatan lamang samantalang may ilang namatay at nalagas sa kanilang grupo.
"Tama ka, at sa tuwing dumarating ang araw ng kapanganakan nito ay mas lumalakas ang puwersang nasa katauhan niya. Patunay lamang ang pag-aapoy ng buo niyang katawan. Walang makalapit dito dahil masusunog sila. Kagaya ng punong-kahoy na iyon, sa ilang bagyong dumaan sa buhay natin dito, ilang giyera dulot ng Chiang Mae ay nanatiling nakatayo ang punong iyon. Walang nakapatumba, ibig sabihin ay ang nagmamay-ari ang hinihintay," pahayag ng pinuno.
"Kung ganoon, Amang, nararapat lamang na tawagin na natin siya rito." Pumaikot ang isa pang dragon upang maharap ang kanilang pinuno.
"Bakit, Amang? May problema ba?" tanong ni Panit dahil hindi nakaligtas sa kaniya ang paglumbay at pag-iling ng pinuno.
"Malaki ang problema, Panit. Kahit nasa tamang gulang na ang ating tagapagmana ay hindi rin tayo sigurado kung papayag siyang paparito. Normal siyang tao kahit pa sabihin nating may super power siya. Walang kasiguraduhan kung nanaisin niyang yakapin ang nakatadhana sa kaniya." Napailing-iling si Pinunong Fern dahil sa pagkakaalala sa taong pinag-alayan ng mga ninuno nila sa bolang apoy at tanging ito lamang ang may kakayahang labanan ang kawangis nito na nasa pangangalaga ng kanilang kalaban.
"Saglit lang, Amang. Nakita mo na ba ang tagapagmana natin? Dahil ang sabi mo ay sa kaniya ipinamana ng mga ninuno natin ang super power na makakalipol kay Sumate, ibig sabihin ay nasa sinapupunan pa ito ng ordinaryong tao noong tinulungan siya ng ating ninuno. At isa pa, Amang, alam mo ba kung nasaan ang sugo natin." Pagitna rin ng isa nilang kasama.
"Sa ating mundo, mga dragon tayo at nagkatawang tao sa tuwing ikatlong buwan samantalang ang sugo at tagapagmana ay ordinaryong tao. Ngunit dahil sa kakayahan niyang makagawa ng apoy sa pamamagitan ng palad ay madali lang siyang makilala. At isa pa ay may palatandaan siya at isa na iyon sa tatak niya na tumanggap sa tulong ng mga ninuno natin. At sa huli mong tanong ay oo, alam ko," muli ay pahayag ng pinuno.
At sa kanilang pagpapatuloy sa kanilang talakayan ay may nabuo silang plano. Kailan nilang kumbinsihin ang sugo nila dahil siguradong babalikan na naman sila ni Pinunong Sumate. Hindi maaari ang nais nitong sakupin ang HU CHING WEI. Dahil maraming madadamay at isa pa ay ilang henerasyon na ang kanilang kaharian samantalang ilang dekada pa lamang ang Chiang Mae.
Sa kabilang banda at sa paglipas ng mga araw, dahil sa sunod-sunod na kaguluhang ibinato nila sa binatang si Khim Soong ay muli niyang kinausap ang mga magulang. Nag-aral at nagtapos siya bilang licensed lawyer ngunit ito ay upang mailihim nila sa publiko ang tunay niyang kakayahan. Ngunit may napapansin siya sa sarili, mas dumadalas na ang pag-aapoy ng katawan niya. Madalas na ring buhay ang dragon sa kaniyang palad. Wala siyang hinahawakan na hindi nasusunog kaya't napapadalas na rin ang pagpunta niya sa ilog upang doon magbabad.
"Mom, Dad, buhay pa ba ang mga nilalang na nagbigay sa akin sa kakayahang ito? Saan ko ba sila matatagpuan?"
"Bago ko sagutin ang tanong mo anak ay may itatanong din muna ako sa iyo."
"Sige po, Mommy."
"Handa ka na bang tanggapin ang katotohanang ikaw ang sugo ng mga nagbigay sa iyo sa kakayahan mong iyan? Kaya mo na bang iwanan kami rito ng mga kapatid at Daddy mo? Kapag taos-puso mo iyang masagot ay sasagutin ko rin ng buong puso ang mga tanong mo," ani Fier Yan.
Sa pahayag ng kaniyang ina ay hindi siya agad nakasagot. Pinakiramdaman niya ang sarili kung kaya nga ba niyang malayo sa pamilya niya. Subalit maaring inisip ng ama niyang hindi pa siya handang sumagot kaya't inunahan siya nito.
"Anak, kung hindi ka pa handang tanggapin ang lahat ay huwag mong pilitin ang sarili mo. Kung kami ng Mommy mo ang masusunod ay gustong-gusto ka naming makawala sa powers na iyan at makapamuhay ka ng normal as your siblings does. Ngunit hindi maari dahil noon pa man ay alam na naming may kaakibat na ibang puwersa ang guardian mo o ang bolang crystal na nagkukulay apoy," anito.
"Alam ko po ang nais mong sabihin, Daddy. Oras na tanggapin ko ang aking kapalaran ay malaki ang tendency na hindi na ako muling makabalik dito sa lugar natin dahil maaring maging dragon na rin ako, maaari ring mamatay ako on the process. At maari ring tuluyan ko kayong hindi makasama. Ngunit aminin ko man o hindi ay nahihirapan na rin tayong ilihim sa mga tao ang katotohanan. Tama, sa gabi ako nagtutungong ilog at umuuwi bago mag-umaga ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapadalas na po ang pag-init ng katawan ko. Para akong nasusunog. At sa tanong po ninyo ni Mommy ay oo ang sagot ko. Kung buhay ko ang makapagsalba sa mga libo-libong nilalang sa mundong nila ay malugod ko itong tatanggapin. Dahil sila rin naman ang nagbigay sa buhay ko. It's a chain of love, Mom, Dad." Pinaglipat-lipat ng binata ang paningin sa mga magulang.
Sa narinig na pahayag ng anak ay pansamantala ring hindi agad nakaimik ang Ginang. Dahil kahit ihinanda niya ang kaniyang sarili noon pa man na darating ang pagkakataong ay hindi pa rin niya maiwasang maiyak. Ngunit kagaya nang sinabi nito ay wala silang magawa kundi ang tanggapin ito lalo at sila rin naman ang naging dahilan kung bakit nabuhay silang mag-ina.
"Sa mga katanungan mo ay oo lahat ang aking sagot, anak. Alam ko kung nasaan sila at kung saang lugar ito. Ngunit hindi ka basta-basta pupunta roon dahil tulad dito sa bansa natin ay maaring ikapahamak mo rin ang pagsugod mong hindi nila alam. Mayroong epiko ang HU CHING WEI, anak. Kaya't hintayin nating magpakita sa atin ang kahit sinong galing doon. Dahil kamo ay dumadalas ang pagkabuhay ng dragon sa katawan mo kaya't minsan ay hindi mo makaya ang init. Iyan ay mayroong giyera sa lugar ng mga dragon at nasa panganib sila. Ang pagkinang-kinang ng bolang crystal na kulay apoy ay babala mo iyan. Iyan ang nagsasabi kung mayroong panganib na paparating." Aminin man niya o hindi ay talagang umiiyak na siya habang nagsasalaysay.
"Kung ganoon po ay hindi lang panaginip ang lahat-lahat, Mommy. Dahil kamo ay babala ko ang bolang crystal na nagkukulay apoy. Hindi lang kumikinang iyon, nakikita ko pa ang madugong labanan sa pagitan ng mga dragon. Mayroon akong naaalalang pangalang tinawag ng isang half human at half dragon na Pinunong Sumate at mayroon ding Amang Fern. Parehas silang nagbatuhan ng sunod-sunod na apoy. Ngayon ay nauunawaan ko na ang lahat. Ang kapalaran ko ay tinatawag na ako."
Napaangat ang paningin ang binata kaya't kitang-kita niya ang lungkot sa mga magulang niya. Hindi lamang iyon, nandoon ang Kuya Khem niya, ang triplets at ang bunso nilang kapatid. Iisang reaksyon ang nakikita sa kanilang lahat, nalulungkot. Wala naman kasing mag-aakalang nasa kabahayan pa ang lima dahil may kani-kaniya silang trabaho.
"Animo'y hindi ko kayang tanggapin ang katotohanang iyan, Kuya Khim. Ngunit sa nakikita ko ay kailangan na naming simulang sanayin ang aming sarili na wala ka rito. Sana man lang apulahin muna ng mga dragon ang init sa katawan mo dahil gusto ka pa naming yakapin bago natin tanggapin lahat ang katotohanang mawawala ka na sa amin," malungkot na pahayag ng bunso niyang kapatid na si Princess.
"Princess, huwag mong sabihin iyan---"
"Tama naman ang kapatid natin, Kuya. Mahirap man pero ako na ang nagsasabing hindi ko na maiiwasan ang katotohanang iyan. Kaya't huwag mo nang pigilan si Princess. Dahil ako man ay nahihirapan ding itago at kontrolin ang init sa katawan ko sa tuwing mayroong giyera. Sana magpakita na ang sinumang taga HU CHING WEI dahil handa ko nang tanggapin ang lahat. At kung darating man ang pagkakataong iyon ay isipin n'yo na lamang na namatayan kayo. Dahil tama sina Mommy at Daddy na malaki ang pag-asang hindi na ako makakabalik pa sa dating ako at sa piling ninyo." Maagap na pamumutol ni Khim Soong sa Kuya Khemkaeng niya. Ayaw niyang paasahin ang lahat dahil doon din naman mauuwi. Mas maigi ng magpakatotoo siya.
Sa pahayag ng binata ay muling namayani ang katahimikan sa buong mag-anak. Kaya naman nang may nagsalita sa paligid nila ay napatingin silang lahat.
"It's been a while, Master James, Miss Fier Yan. How are you?" tanong nito.
"Ikaw?" sabayang tanong ng triplets
"Yes, masters. Ako nga at maraming salamat dahil tinulungan n'yo ako sa daan. Ngayon ay mas napatunayan kong hindi kami nagkamali sa desisyong sa kapatid ninyo ipinanama ang super power naming mga dragon," tugon ng Ginoong biglang sumulpot.
"Paano ka nakapasok dito, Mister?" tanong pa ni Princess
Subalit napangiti ito at nag-ibang anyo. Naging dragonfly ito at lumipad-lipad sa kanilang paligid. Nanatili ito ng ilang sandali sa pagiging dragonfly bago bumalik sa anyong tao. Kaya naman ay mas walang nakaimik sa kanilang lahat dahil ang nais paghahampasin ng prinsesa ay ang sundo ng kapatid patungo sa kanilang kaharian, sa HU CHING WEI.
"Kumusta ka, Pinunong Khim? Alam kong kalabisan subalit labis-labis din akong nagpapasalamat dahil sa iyo ko mismo narinig ang mga katagang iyan. Tanggapin mo ang aking pagabati, Pinunong Khim." Nakangiting lumuhod ang Ginoo saka nag-vow sa binata. At ang Ginoong biglang sumulpot ay walang iba kundi si Pinunong Fern.
"Po? Huwag kang yumukod sa akin, Mister. Saka anong Pinuno po ang sinasabi mo? Tumayo ka riyan, Mister." Maagap na tumayo mula sa pagkakaupo si Khim Soong at hinawakan sa magkabilang balikat ang Ginoong nakaluhod sa harapan niya. Pinatayo niya ito.
Then...
"Anak, siya si Pinunong Fern, ang kasalukuyang namumuno sa HU CHING WEI. At ang lahi nila ang nagbigay sa iyo ng kakayahang iyan at sa pangalawa kong buhay," pahayag ni Fier Yan nakalipas ang ilang sandali.
"Po? Paano niya nalaman ang lugar natin?" hindi makapaniwalang tanong ng binata.
"Ang sabi mo ay dumadalas ang pagkinang ng bolang crystal na nagkukulay apoy at mas dumadalas ang pagkabuhay ng nasa palad mo. Iyan ang marka mo, anak. Ang isa sa katibayang ikaw ang sugo at tagapagmana ng HU CHING WEI. Paano niya nalaman ang lugar natin? Dahil sa bolang crystal na kulay apoy, the giver and it's master recognised it all, son," paliwanag ni James. Wala na silang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang nalalapit nang mawala sa kanila ang pangalawang anak na nabuhay dahil sa dragon power.
"Mister, alam naming maaring mawala na sa amin ng tuluyan si Kuya Khim. Baka naman puweding hayaan mo kaming makayakap sa kaniya bago mo siya dalhin sa kaharaian ninyo." Lumapit na rin ang dalaga sa Pinuno ng mga dragon at nakiusap.
"Oo naman, Miss Princess. Dahil kahit nandito ako upang sunduin ang Kuya mo ay hahayaan ko rin kayong magkaroon ng sapat na panahon upang makapagpaalam sa kaniya. Huwag kayong mag-alala dahil aapulahin ko ang init sa katawan niya at apoy sa bolang crystal habang nandito ako upang mayakap n'yo siya at isa pa ay upang hindi malaman ng Chiang Mae ang pagbalik namin sa HU CHING WEI," saad ni Pinunong Fern.
Sa pagkakataong iyon ay hindi nagsalita ang mag-anak. Sinulit nila ang bawat oras at araw na nakasama ang binata dahil tinapat na rin sila ni Pinunong Fern na tama lahat ang kanilang haka-haka. For life nang mawawala sa kanila ang tagapagmana ng mga mabubuting dragon. Tatanggapin nila iyon ng buong-puso para sa mas matagumpay nitong pamamahala at pagtanggap sa kapalaran.