"Kumusta na ang pakiramdam mo, Lolo?" masuyong tanong ni Churai sa abuelo na ilang araw ding nasa higaan dulot nang tinamong sugat sa huling pag-atake sa HU CHING WEI.
"Maayos-ayos na apo. Ilang taon ka na pala ngayon?" balik-tanong nito.
Kaya naman ay napatingin siya rito. Hindi pa naman ito katandaan upang makalimutan ang edad niya. Subalit mukhang may iba na naman itong inisip kaya't naalalang itanong kung ilang taon na siya samantalang ito ang nagpalaki sa kaniya . Ganoon pa man ay sumagot pa rin siya ng maayos dahil ayaw niya itong nagagalit. Iba pa naman ang epekto kapag may ikinakasama ang kalooban nito.
"Biyente-tres na po ako, Lolo," aniya.
"Kung ganoon ay may dalawang taon ka pa na magsanay, Churai. Hindi naman lingid sa iyo ang kalakaran ng ating kaharian. Nearest kin ang maiiwang tagapagmana kapag papanaw ang kasalukuyang namumuno," pahayag nito. Kaya naman ay agad siyang napatingin dito.
"Lolo! Bakit po na iyan ang naiisip mo? Malakas ka pa po upang isipin mo ang magmamana sa trono mo. At saka marami pa akong dapat matutunan sa pamamalakad ng kaharian natin." Umiling-iling siya. Tanda lamang na salungat siya sa tinuran nito.
"Wala sa edad ang pamumuno, Churai. Ang ama mo ay nakatakda sanang mamuno sa kaharian natin noong biyente siya. Subalit dahil sa pagkasawi niya dahil sa giyera noon ay hindi ko na naipasa ang trono. Kaya't dahil nasa tamang edad ka na rin ay ipapasa ko sa iyo sa mga susunod na araw," pahayag ni Pinunong Sumate.
Ngunit marahil ay hindi nito mahintay ang kaniyang pagsagot ay muli itong nagsalita.
"Nakalimutan mo na yatang ikaw ang evening star ng ating kaharian, apo. Kahit babae ka at biyente-tres lamang sa edad ay kayang-kaya mo na ang mamuno rito. Dahil bukod sa ikaw ang nag-iisa kong apo ay ikaw ang liwanag ng ating kaharian. Walang saysay ang lahat kung wala ka rito. Kaya't huwag ka nang umangal, apo. Total hindi pa sa ngayon. Nasabi ko nga lamang dahil nais kong makapaghanda ka," anito.
Sa tinuran nito ay tuluyan na siyang natahimik. Kahit half human at half dragon siya ay hindi siya pabor sa paraan nang pamumuhay nila. Kung siya nga lang ang masusunod ay mas gusto niya ang mamuhay ng malayo sa nakagisnang buhay. Subalit natatakot din siya sa mundo ng mga tao. Dahil siguradong kahit saan siya magpunta ay mag-aanyong dragon pa rin siya sa mga itinakdang oras. At kapag nasa mundo siya ng mga tao sa panahong iyon ay wala siyang mapagtaguan. Kaya't kahit labis-labis ang pagtutol ng kalooban niya sa uri nang pamumuhay nila sa Chiang ay wala pa rin siyang magawa.
"Maligayang pagdating sa ating kaharian, Pinunong Khim." Nagsiluhod ang mga kapwa tao sa HU CHING WEI.
"Magpasalamat sana ako dahil sa mainit ninyong pagtanggap sa akin mga kasama subalit hindi ko na magawa dahil nakaluhod naman po kayong lahat. Maari po bang magsitayo kayo? At saka huwag n'yo akong tawaging Pinuno dahil nandito si Pinunong Fern at siya pa rin ang pinuno natin." Hindi tuloy malaman ni Khim Soong kung sino ang uunahing puntahan upang patayuhin.
Sa tinuran ng kanilang Pinuno Khim ay isa-isa silang nagsitayuan. At nang nakatayo na silang lahat ay pumagitna ang isa sa mga elders saka nagwika.
"Tama nga ang mga ninuno natin dito sa HU CHING WEI, isa kang mabait na tao kahit pa may kakaiba kang kakayahan. Tama sila sa paglarawan sa iyo. Pinuno ang tawag namin sa iyo, Pinunong Khim. Dahil ikaw talaga ang aming pinuno. Kaya't hayaan mo sana kaming tawagin ka sa paraang komportable kami. Muli, maligayang pagdating sa ating kaharian, Pinunong Khim," anito saka muling yumukod.
Tuloy ay napatingin siya kay Pinunong Fern. Agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Tama si Elder, Pinunong Khim. Maaaring ako ang kasalukuyang namumuno sa kaharian natin sa kadahilanang kailangan namin ang mamuno sa lahat upang hindi magkawatak-watak ang nasasakupan natin. Subalit dahil nandito ka na at ikaw ang tunay na nagmamay-ari sa kahariang ito. Kaya't hayaan mong maging komportable ang bawat isa sa pamamagitan nang pagtawag sa namin sa iyo ng Pinunong Khim," pahayag nito.
Kaya naman ay hindi siya nakapagsalita agad. Tama naman silang lahat, nararapat lamang na tawagin siyang pinuno. Iyon nga lamang ay hindi siya sanay na niluluhuran at niyuyukuan ng ibang tao. Aware siya kung paano sila nagpapalit ng anyo kaya't alam niyang nauunawaan din nila ang nais niyang iparating. Ganoon pa man ay nagsalita pa rin siya.
"Maraming-maraming salamat po sa mainit ninyong pagtanggap sa akin dito mga kasama. Kung iyan ang gusto ninyo ay kung diyan kayo komportable ay kayo po ang bahala. Ngunit nais ko rin sanang ipabatid sa inyong lahat na mas masaya at mas maganda ang ating samahan kung ituring natin ang isa't isa na kapamilya. Tawagin n'yo ako sa paraang komportable kayo ngunit si Pinunong Fern pa rin po ang head natin. Isa pa po ay marami pa akong dapat matutunan sa pamamalakad dito sa ating kaharian at sana ay hayaan n'yo akong matuto sa lahat ng bagay. At sana ay tulong-tulong pa rin po tayo para sa ikabubuti nating lahat." Pinagala niya ang paningin sa kabuuan ng mga nandoon.
Nais iyang iparating sa lahat, kahit siya ang tagapagmana at may hawak sa bolang crystal na nagkukulay apoy ay mas marami pa rin silang nalalaman kaysa sa kaniya. Ang kaibahan nga lamang nila ay nasa kaniya ang bolang crystal ngunit simula't sapol ay iniwasan niya ang gamitin ang super power niya. Samantalang ang nasasakupan ng HU CHING WEI mga kabataan man o mga elders ay sigurado siyang eksperto sila sa pakikipaglaban sa mga kalaban.
"Sa bagay na iyan ay sasang-ayunan ka namin, Pinunong Khim. Masaya kaming lahat dahil sa iyo mismo nanggaling ang bagay na iyan. Ikinararangal naming tulungan ka," bakas sa tinig ng sumagot ang kasiyahan.
Paisa-isa ang mga sumang-ayon sa ipinahayag ni Khim Soong. Akala niya ay hanggang doon na lamang subalit nagkamali siya dahil ang paisa-isa ay naging isahan. Nagsabay-sabay sila sa pagsang-ayon sa ipinahayag niya. Hindi pa nakuntento ang isa, agad itong nagpalit ng anyo. Mula sa anyong tao ay hinawakan ito kaya't naging anyong dragon.
"Sakay na sa aking likuran, Pinunong Khim. Nais kitang pagsilbihan at sisimulan ko na sa paglipad natin sa kailangitan. Sa gagawin natin ay makikita mo ang kabuuan ng HU CHING WEI. Ang kahariang iyong pamumunuan." Sa anyong dragon ay umikot-ikot si Panit sa tabi ng bagong dating nilang pinuno.
"Pero baka masunog ka, kaibigan. Buhay na buhay ang nasa palad ko," alanganin tugon ni Khim Soong.
"Hindi iyan mangyayari, Pinunong Khim. Nandito ka na sa tunay mong mundo. Kaya ka lang nag-aapoy sa mundo ng mga tao dahil hindi mo nagagamit ang kakayahan mo. Pagbigyan mo si Panit, Pinuno." Nakangiting tumango-tango si Pinunong Fern.
Nag-aalangan man siya dahil na rin sa maaaring ibunga nang pagsakay niya sa likuran ng dragon ay sumampa pa rin siya. Ayaw niyang may makasamaan siya ng loob. Tinanggap na niya ang kaniyang kapalaran kaya't sisikapin na rin niyang pag-aralan ang tunay na pamumuhay sa HU CHING WEI.
Samantala, pag-angat pa lamang ng dragon na ai Panit ay unti-unti na rin silang nagsibalik sa kani-kanilang tahanan. Mailban lamang sa ilang elders na naiwan ay nagsiuwian na ang lahat.
"Paano mo siya nakumbinsing sumama sa iyo rito, Pinunong Fern?"
"Sa katunayan ay hindi ko siya kinumbinsi, Tata. Sa tuwing may giyerang nangyayari rito ay nag-aapoy ang pakiramdam niya. Subalit dahil alam ng pamilya nila ang maaaring gawin ng mga tao oras na malaman nila ang tungkol sa tunay nitong katauhanay inilihim nila iyon sa mga taong bayan. Ayon kay Pinunong Khim, simula raw noong tumuntong siya sa edad na biyente-singko ay madalas na siyang inaapoy. Kahit magbabad sa malamig na tubig ay hindi nawawala ang init sa katawan." Napatigil sa pagkukuwento si Pinunong Fern sa pag-aakalang lalapag na si Panit sakay ang pinuno nila ngunit halatang nag-eenjoy pa ang dalawa dahil muli silang nagpatuloy sa pag-ikot. Kaya naman ay nagpatuloy din siya.
"Sa katunayan ay ang mga kapatid niya ang tumulong sa akin nang nakarating ako sa lugar nila. Masasabi kong mababait ang pamilya nila at patunay lamang na tinanggap nila ang katotohanan tungkol sa kalagayan nito. Kaya kami natagalan dahil hiniling pa nila na apulahin ko muna ang init sa katawan nito upang mayakap nila sa huling pagkakataon. Sila na rin ang nagsabing baka hindi na nila ito makita pang muli. Tayo ang nangangailangan kaya't hinayaan ko rin sila." Pagtatapos niya sa pagkukuwento.
"Ngunit sa nakikita ko sa kaniya ay hindi siya ordinaryong tao. Bukod sa dragon power na nasa kaniya ay may nakikita akong ibang puwersa sa katauhan. Ngunit huwag kayong mag-alala dahil ako na ang nagsasabing ang puwersang nasa katauhan niya ay makakatulong sa ating kaharian, Pinunong Fern," wika ng kanilang mata. Mata ang tawag nila rito dahil nakikita nito ang nangyayari sa hinaharap. Iyon ang advantage nila sa mga mortal nilang kaaway.
"Mabuti naman, Elder Won. Dahil kahit mga dragon tayo at nagkakatawang tao ay nakakasawa rin ang buhay na may giyera. Nararapat din na magkaisa sana ang bawat panig. Ngunit wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang hanggang pangarap na lamang ang buhay na walang giyera. Kailangang lumaban tayo upang mapangalagaan natin ang ating kaharian. Maraming-maraming salamat sa lahat, Elder Won." Nakangiting humarap si Pinunong Fern sa mata at pinasalamatan ito.
Marahil ay sasagot pa ang isang elder ngunit hindi na nito natuloy dahil eksakto namang lumapag si Panit.
"Maraming-maraming salamat, kaibigan. Pakiramdam ko ay naalog ang isipan ko. Ngunit masaya sa pakiramdam," ani Khim nang nakababa na siya sa likuran ng dragon ngunit nagbalik na itong muli sa katawang tao.
"Walang anuman, Pinunong Khim. Alam kong napagod ka kaya't halika na at ihahatid kita sa magiging bahay mo para makapagpahinga ka na rin," tugon nito.
Hindi na sumalungat si Khim Soong bagkus ay nagpaalam siya ng maayos mga elders na naroon at ni Pinunong Fern. Malugod din nilang tinugon ang paalam niya.
Pag-alis ng tagapagmana sa harapan nila ay naghiwa-hiwalay na rin silang lahat. Nagsiuwian sila sa kani-kanilang tahanan.
Sa paglipas ng mga araw...
"Pinuno! Pinuno!" malakas na tinig ang bumulabog kay Churai. Nasa kabilang bahay naman kasi siya mula sa mismong tahanan ng pinuno kung saan naroon ang Lolo niya.
"Ano ba?! Wala na bang araw na hindi ka humihingal sa pagtawag sa akin! Ano na naman iyon?!" mas malakas pang sagot ni Pinunong Sumate.
"Ipagpatawad mo na, Pinuno. Ngunit may masamang balita---"
"Masamang balita? Ano iyon?!"
"A-ang HU CHING WEI, Pinuno. M-may dayo sa kanilang kaharian. Ngunit ayon sa mga nagmamasid doon sa boundary ay hindi ito basta dayo lamang." Dahil sa pinaghalong pagod mula sa pagtakbo at takot sa pinuno nila ay nautal-utal ang kaawa-awang tauhan.
"Ayusin mo ang iyong pananalita kung ayaw mong samain sa akin!" sa inis naman ni Pinunong Sumate dahil sa pautal-utal na pagbalita ng tauhan niya ay napalakas ang boses niya. Mabuti na lamang at naging maagap ang kaharap. Dahil kung hindi ay baka nasunog na ito.
"Tama po ang sinabi ko, Pinuno. Dahil na rin sa bilin mo na magpatrolya kami sa mga boundaries natin ay napadpad kami sa banda ng HU CHING WEI. At iyon ang ibinalita nila sa amin ng mga kasama ko. Mayroon din silang binanggit na ordinaryong tao raw---"
Ngunit hindi na iyon pinatapos ni Pinunong Sumate. Ang kaharian ng mga dragon ay hindi basta-basta napapasok ng mga ordinaryong tao. Hindi man siya sigurado subalit malakas ang kutob niyang ang dayo sa kaharian ng mortal niyang kaaway ay ang tagapagmana. Galit na galit man siya dahil sa pautal-utal nitong pagbabalita ay isinantabi na lamang niya. Kailangang niyang makasigurado kung tama nga ang hinala niya.
Then...
"Sinabi ko na nga ba! Sa wakas! Ang sugo na rin ang kusang sumugod dito! Makikita ninyo ang hinahanap n'yo. Gagawin kong abo ang HU CHING WEI! Ako ang mamumuno sa buong mundo! Papatayin ko kayong lahat dahil ako ang karapat-dapat!" Animo'y isa siyang demonyo sa oras na iyon.
Sa lakas nang pananalita at pagtawa niya ay kusang nag-apoy ang bawat tinilamsikan ng laway niya. Ngunit wala siyang pakialam dahil siya ang pinuno ng Chiang Mae. Nasa bulwagan siya kung saan naroon ang bolang crystal na nagkukulay apoy.
Natutop naman ni Churai ang labi dahil sa narinig mula sa Lolo niya. Palihim niya itong sinundan kahit nang kausap nito ang isang tauahan na nanggaling sa pagpapatrolya. Mukhang dumating na nga ang kinatatakutan niyang mangyari. Ang walang katapusang giyera para lamang makamit nito ang minimithi. Ang tuluyang mapabagsak at sakupin ang HU CHING WEI.