"Ang punong ito ang naging palatandaan kong buhay na buhay ka, Pinunong Khim. Noong isinilang ka ng ina mo ay itinanim ko rin ito at ipinangako kong hanggat nabubuhay ito ay mananatili ka ring buhay. Maraming salamat, Pinunong Khim." Itinuro ni Elder Fern ang punong Balsa. Ang tinagurian nilang pinakamatibay na puno sa buong kaharian.
Iyon ang rason kung bakit pinili niyang itanim ang balsa tree. Dahil alam niyang matibay ito. Normal na tao ang tagapagmana nila ngunit matibay itong tao. Ilang araw lamang niya nitong nakasama sa mundo ng mga tao at ilang araw na ring nasa HU CHING WEI. Napatunayan na niyang hindi ito basta-bastang nilalang. Bukod sa special power nito ay may puso ito. Hindi lang siya ang nakapansin sa katangiang iyon ng pinuno nila. Halos lahat sila ay ganooon ang napansin, dahil sa ilang araw nito sa kaharian nila iisa lamang ang nasabi.
"Wow! Kung ganoon ay magkasing-edad kami?" namimilog ang mata ni Khim Soong dahil sa pahayag nang kausap.
"Oo, Pinunong Khim. Dahil kagaya nang sinabi ko kanina ay ito ang naging palatandaan kong lumaki kang matibay. At sa harapan ng punong-kahoy na ito au hilingin kong burahin mo na sana ang ala-ala ng dating buhay mayroon ka. Dahil sa katunayan ay talagang hindi ka na makakabalik sa pagiging normal na buhay kagaya ng mga kapatid. Iyan ang kakambal nang pagtanggap mo sa buhay ng tagapagmana. At ngayon pa lamang ay humihingi na ako ng paumanhin," pahayag ni Elder Fern kasabay nang pagluhod niya.
"Elder Fern, maari po bang tumayo ka na? Alam ko po ang katotohanang iyan dahil noon pa man ay nagparamdam na sa akin ang bagay na ito. Kaya't habang tumatagal ay mas nahirapan kaming itago iyan sa mga tao. At sa paglipas ng panahon ay unti-unti ko na ring tinanggap na talagang hindi ako ordinaryong tao kahit pa tao ako sa paningin ng lahat. Tumayo ka na riyan, Elder Fern at ipinapakiusap ko ring iyan ang sabihin mo sa mga nasasakupan natin. Huwag kayong lumuhod kahit kanino man dahil pare-parehas tayong nilalang ng langit. Kailangan ko kayong lahat, magtulongan tayo para sa ikauunlad ng ating kaharian." Nakangiting tinulungan ni Khim Soong upang makatayo ang dating pinuno ng HU CHING WEI na lumuhod sa harapan niya.
Noong umalis siya sa bansang sinilangan ay binura na niya sa kaniyang isipan ang pinanggalingan. Dahil gusto niyang makausad sa buhay. Hindi dahil sa ayaw na niyang makasama ang pamilya nila ngunit dahil ito ang nakatadhana sa kaniya. Ang maging tagapagmana. At kung mananatili siya sa pagiging ordinaryong tao ay mas marami ang mapapahamak.
As the days goes on.
"Bilang panimula sa pamumuno ko sa inyo ay gusto ko sanang magkaroon tayo ng organisasyon. Sabihin na nating ako ang pinuno ninyo ngunit kung ano at paano ninyo pinakisamahan at sinunod ang kautusan ni Elder Fern ay sana ganoon din sa akin." Panimula ni Khim Soong.
Kahit anong gawin niya ay hindi niya napigilan ang nasasakupang iluklok siya bilang pinuno ng HU CHING WEI. Dahil siya raw ang tunay na pinuno nila. Si Pinunong Fern daw ay ang humalili lamang dahil wala pa sa takdang panahon. Subalit dahil nandoon siya ay nararapat lamang daw na tanggapin at yakapin niya ng buong-buo. In return, babaguhin niya ang nakasanayan nilang niluluhuran ang pinuno.
"Igagalang namin ang lahat ng iyong alituntunin, Pinunong Khim. Huwag kang mag-alala dahil noon pa man ay napag-usapan na namin ang tungkol diyan. Para sa kapayapaan ng ating kaharian ay nararapat lamang na magkaisa tayo," ani Elder Won.
"Tama si Elder Won, Pinunong Khim. Dahil kahit mga half blood dragon at human tayo ay may karapatan din tayong mabuhay ng payapa. Wala rin naman tayong ginagambala sa buhay mayroon tayo. Susunod kaming lahat sa paraan nang pamumuhay na gusto mo o ang paraan nang pamamalakad mo. Dahil alam naming para sa ikabubuti nating lahat ang ginagawa mo," segunda pa ng isa.
Sa pahayag nang mga elders at younger teams ay hindi na napigilan ni Khim Soong ang napangiti. Dahil damang-dama niya ang katapatan nila, ang suportang kanilang ipinapamalas s kanila.
"Mabuhay ang bagong pinuno ng HU CHING WEI! MABUHAY! MABUHAY ANG BAGONG PINUNO NG HU CHING WEI! MABUHAY! MABUHAY ANG BAGONG PINUNO NG HU CHING WEI."
Kung ilang beses man nilang isinigaw ang papuring iyon sa bago nilang pinuno ay hindi na nila alam. Ang mahalaga sa kanila ay mabigyan nila ito ng papuri. Dahil alam nilang sa pagkakataong iyon ay hindi na sila basta-basta maaatake ng Chiang Mae. Simula noong dumating ito ay marami na ring pagbabago sa kaharian nila lalo na sa seguridad. Naka-high alert lagi ang kanilang morale at anumang oras ay handang harapin ang mga kalaban.
"Maraming salamat sa inyong lahat. Magwawagi tayo sa anumang laban basta't magkaisa tayo," ang tanging nanulas sa labi ni Khim Soong.
Ngunit sa tinuran niyang iyon ay mas nag-ingay ang mga naroon sa pagbigkas ng MABUHAY ANG BAGONG PINUNO NG HU CHING WEI. Nagmistula tuloy silang mga nasa isang party na nagkakatuwaan. Ganoon pa man ay nandoon ang respeto para bago nilang pinuno.
CHIANG MAE
Kasalukuyang nag-eensayo si Churai sa paggamit ng swords nang may nagsalita sa kaniyang tabi. Kaya naman ay bigla rin niyang pinaikot-ikot ang hawak-hawak na espada saka itinutok sa pangahas na tumabi sa kaniya.
"Ano ba ang problema mo?" tanong nito sa boses na banaag ang pagkagulat.
"Dapat ako ang magtanong sa bagay na iyan, Anurak. Bakit ka nandito sa training ground samantalang alam ng lahat kapag ako ang nag-eensayo ay walang puweding dumisturbo. Ngayon ay ibalik ko ang tanong mo, ano ang problema mo? Bakit ka nandito?" patanong niyang tugon ngunit ang hawak-hawak na espada ay nanatiling nakaturo sa leeg nito. Sa kaunting pagkakamali nito ay siguradong bubulwak ang dugo
"Makapag-usap naman tayong hindi nakatutok sa akin ang espada na iyan ah. Churai, ibaba mo muna iyan," anito at hindi maipagkamali ang takot.
Subalit dahil sa pag-aakalang may binabalak itong masama sa kaniya ay mas idiniin niya ang espada.
"Inuulit ko, Anurak. Bakit ka nandito? Ano ang dahilan at pumarito ka? Magsalita ka kung ayaw mong ora mismo ay magigilitan ang leeg mo! Huwag mo akong subukan, Anurak!" bagkus ay sigaw niya.
With his trembling , sumagot na rin sa wakas ang lalaki.
"Ipinapakatawg ka ni Pinunong Sumate, Miss Churai," anito sa paraang kulang na lamang ay mautal ito dahil sa paraan nang pagsagot.
Ngunit sa pagkarinig niya sa sagot nito ay agad niyang ibinaba ang nakadiing armas sa leeg nito at walang lingong iniwan ito. Tinungo niya ang silid ng kaniyang Lolo. Ang isipan ay punong-puno rin ng katanungan. Hindi tuloy niya alam kung ano ang sasabihin sa kaniya ng Lolo niya. Ilang araw na ang nakaraan subalit hindi mawala-wala sa isipan niya ang narinig mula sa pakikipag-usap nito sa isang tauhan.
Then...
"Maupo ka, Churai. Alam kong ikaw iyan kaya't huwag ka nang magtaka kung paano ko nalamang ikaw iyan," wika nang nakatalikod na Pinuno.
"Dahil alam mo po na ako ang dumating ay nais ko rin po sanang itanong kung ano ang pag-uusapan natin, Lolo," tugon ng dalaga.
Hindi naman agad sumagot si Pinunong Sumate dahil humarap sa apo. Ang nag-iisang ala-ala niya sa namayapang anak. At balang-araw ay ito rin ang mamumuno sa kanilang kaharian kapag wala na siya sa mundo.
"Mayroon akong ipapagawa sa iyo, apo. Bahagi ito nang iyong pagsasanay para sa pamamahala sa ating kaharian balang-araw." Panimula niya.
Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha nito. Ngunit nagpatuloy siya dahil kailangan niyang malaman kung ano ang kaganapan sa kaharian ng mga kalaban nila. Hindi pa man niya nakikita ng personal ang bagong pinuno sa HU CHING WEI ngunit base na lamang sa kuwento ng mga tauhan niya ay mas malakas ito kaysa sa dating pinuno na si Pinunong Fern. Napag-alaman din niyang mahal na mahal ito ng mga nasasakupan.
"Ano po iyon, Lolo?" tinig ng apo ang pumukaw sa naglulumikot niyang isipan.
"You need to go and infiltrate the enemies kingdom," he answered.
"Po? Bakit, Lolo?"
"Why, Churai? Are not consistent with your power and ability?"
"Of course I am, Lolo. Pero nakalimutan mo na yatang walang nagtungo roon na galing dito ang bumalik na buhay. Gusto mo rin ba akong mawala sa kaharian natin?"
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin, apo ko. Kailangan mong magtungo sa HU CHING WEI upang maging espiya---"
"Maging espiya? Ay mas lalo nang manganganib ang buhay ko kapag nagkataon, Lolo." Pamumutol ni Churai sa abuelo.
Kaso sa ginawa niyang iyon ay bigla itong napatingin sa kaniya. Sa hitsura pa lamang nito ay galit na galit. Kung nagkataong ibang tao lamang siya ay nabulyawan na siya nito. Kagaya nang ginagawa sa mga mahina ang pick up. Her grandfather is ruthless and cruel.
"Are you defying now my command, Churai? Alam kong delikado ang bagay na ito pero hindi mo ba naunawaan ang sinabi ko? Kako ay kailangan mong maging espiya upang makakuha tayo ng impormasyon. At isa pa, sigurado ka na bang ikaw nga ang evening star natin dito sa Chiang Mae? Sa pananalita mo na ay natatakot ka. Ganyan ba kita pinalaki? Hindi 'diba? Ngayon ay patunayan mong karapat-dapat ka nga posisyon na iyan." Hinagod niya ito nang tingin. Mula ulo hanggang paa.
"Hindi naman sa ganoon, Lolo. Alalahanin mo po na kahit saan ako magpunta ay nalalaman---"
"Listen carefully, Churai. Tama, ikaw ang evening star ng Chiang Mae ay kahit saan ka man magtungo ay alam ko iyan. Dahil iyan sumisimbolo na ikaw ang tagapagmana ng trono ko. Pero iyan sa atin lamang. Kung inaakala mong malalaman nila ang tungkol sa tunay na ikaw ay hindi maliban na lamang kung sabihin mo." Pamumutol din ng pinuno sa pananalita ng apo.
Dahil alam niyang wala siyang laban pagdating sa abuelo niya ay sumang-ayon na lamang siya.
"Okay, okay. Ano po ba ang nais mong gawin ko? Sabihin na nating makapasok ako sa HU CHING WEI at lingid sa kaalaman nila, bukod sa pag-espiya ay ano pa ba ang nais mo?" patanong na pahayag ni Churai.
"Iyan ang apo ko. Madali lang iyan apo. Dahil ikaw a espiya ay ikaw din ang tagasuorta ng mga balita galing sa loob. Kapag may pagkakataon ka patayin mo na siya para wala nang problema sa susunod," animo'y isa itong luko-lukong nababaliw.
"Sige po, Lolo. Babalik na po so sa room ko." Pamamaalam niya. Upang ayusin ang gamit na kakailanganin niya.
"What a ruthless man you are, Lolo. Pero sige, gagawin ko pero sana ay hindi mo ring pagsisihan kung ano ang maging hakbang ko," aniya sa isipan bago pumasok sa silid upang ayusin ang gamit niya.
Few days later!
"Pinunong Khim! Pinuno!" malakas na sigaw ng isang binatilyo.
"Ano ba iyon?" tanong niya.
Mukhang may bagong pakulo na naman ang mga kasama niya. Kabilin-bilinan niya na huwag siyang bigyan ng espesyal na pagtrato. Kaso sa pagtawag nang humihingal niyang tauhan ay mukhang nakalimot na naman sila. Ganoon pa man ay mabilisan siyang lumabas sa bahay niya at hinarap ito.
"Bakit, ano ba ang dahilan at hinahabol mo na naman ang hininga mo, Celeste?" muli niyang tanong saka nilapitan ito upang tulungan muling itayo ang sarili.
"Mayroon kaming nahuling tao, Pinuno. Sa aming sapantaha ay isa siyang espiya. Ngunit ayaw umamin. Mariin niya itong itinatanggi," pahayag nito.
"Nasaan na siya ngayon? Saan n'yo siya nahuli?" muli ay tanong niya.
Mukhang mayroong nakaligtas sa mga de-kuryente nilang proteksiyon sa bawat bakod. Laking pasasalamat niya dahil mayroong silang kakayahang mag-transform in fully human kaya't nakakabili sila ng mga high quality upang mayroong magamit sa kaharian nila.
"Sa main gate, Pinuno. Kaya't sabi ni Elder Fern ay ipagbigay-alam ko sa iyo. Nakapagtataka kasi, pinuno dahil sa main gate pa," anito.
"Halika, Celeste. Samahan mo ako sa kinaroroonan niya." Dali-dali niyang isinara ang bahay niya saka muling hinarap si Celeste
Ilang sandali rin silang naglakad patungong interrogation room. Kaso! Ang bihag nila ay isang napakagandang dilag! Alam niya kung sino ang nahuli ng mga kasamahan niya. Ito ang matagal na niyang gustong makasama. Ang kawangis ng puso niya.