"Huwag, Pinuno! Patay na si evening star kaya't huwag mo nang painumin ng dugo! Buhay mo ang maaring kapalit!" dinig niyang sigaw at pagpipigil sa kaniya ni Elder Fern.
"Hindi! Buhay ang asawa ko! Siya ang ilaw ko kaya't kailangan niyang uminom mula sa dugo ko. Upang muling---"
Nasugatan na niya ang palad, handa na sana niya itong ipainom sa asawa. Ngunit ang palad nitong nakakapit sa kaniya ay biglang lumuwag at nahulog. Kaya naman ay bahagya niyang nakalimutan ang pagpainom sana rito ng dugo. Hindi ito maaring mangyari! Buhay ang asawa niya!
"Gumising ka, My Lady! Please, open you eyes!" Panggigising niya rito.
"Ano ba?! Puwedi bang tigilan n'yo ako! Buhay ang asawa ko! Kailangan niyang mabuhay!" singhal niya sa isa pa niyang tauhan. Dahil panay pa rin ang pag-awat nito sa kaniya dahil sa kaniyang pagwawala at panggigising sa asawa niyang sumalo venomous needle na ibinato ng abuelo nito.
At sa muli niyang pagbalik sa anyong tao ay sinugatan niya ang palad at ipinainum dito. Ngunit huli na dahil kumalat na ang poison sa katawan nito. Lumuwag na ang pagkahawak nito sa kaniya. Patay na ito! Wala na ang asawa niyang hanggang sa huli ay nakangiti pa sa kaniya.
Kaya naman!
Kinuha niya ang special sword niya saka niyakap ang wala ng buhay na asawa. Itinarak niya ito sa likuran nito at pinindot ang gilid kaya't mas humaba ito. Umabot nito ang likuran din niya.
"Mahal na mahal kita, asawa ko. Kaya't sabay na nating lisanin ang mundong ito," sambit niya saka hinigpitan ang pagkayakap sa asawa.
"Pinuno! Huwag!..."
Sinubukan pang pinigilan ng mga elders ang kanilang pinuno. Ngunit huli na dahil humaba na ang baon nitong special swords noong sinundo nila sa mundo ng mga tao. Umabot na ito sa sariling katawan kaya't sumunod na rin sa asawang naunang nagsauli nang hiniram na buhay.
"Paano na ngayon, Elder Fern? Ano ang gagawin natin?"
"Patay na si Pinunong Sumate, ang sarili nating Pinuno. Namatay silang lahat, ano ngayon ang plano mo?"
Ilang lamang sa mga katanungan ng mga elders ng HU CHING WEI. Hindi lang mga elders kundi buong kaharian. Halos iisa ang kanilang katanungan. Dahil ang napamahal sa kanilang tagapagmana ng pinakamalakas na dragon power ay mas piniling sundan ang asawa sa kabilang buhay.
"Sa ngayon ay ang bangkay muna nilang mag-asawa ang ayusin natin. Bilang isa sa mga elders sa ating kaharian ay ako na ang nagsasabing bigyan sila ng grand funeral. Ilagay n'yo sila sa iisang bangka at hayaan silang magkahawak-kamay sa kanilang paglalayag. Ang sword ni Pinunong Khim ay ilagay ninyo sa tabi niya upang mayroon siyang magamit kung sakali man na magkaroon sila ng pangalawang buhay," malungkot na pahayag ni Elder Fern.
"Sa palagay ko ay kailangan na rin nating kausapin ang taga-Chiang Mae na wala tayong balak na masama sa kanila. Dahil patay na rin ang kanilang pinuno na si Sumate." Pumagitna rin si elder Won.
"Tama iyan, elder Won. Wala naman talaga sanang digmaang naganap kung hindi dahil sa kanilang pinuno. Kaya't sigurado akong papayag sila. Kailangan lang nating siguraduhing hindi na sila uulit sa pag-atake sa ating kaharian. Magtalaga na rin tayo ng magiging pinuno nila." Muli ay pagsang-ayon ni Elder Fern na agad ding sinang-ayunan ng nakakarami.
Sa pagkamatay ni Pinunong Sumate ay nagkaayos ang dalawang kaharian. Nagkasundo silang nagsanib puwersa upang labanan ang sino mang sasalakay sa kaharian nila. Nangako sila sa isa't-isa na magkaisa upang hindi masayang ang pagkamatay ng powerful dragon heir at ng evening star.
Kagaya nang kanilang napagkasunduan ay binigyan nila ng Grand Funeral ang mag-asawang Khim Soong at Churai Dara Yuan. Gumawa sila ng espesyal na bangka at doon pinagtabi ang dalawa. Magkahawak-kamay silang mag-asawa. Ang special swords ni Pinunong Khim Soong ay nasa tabi nito samantalang ang kuwentas ng evening star na hugis star ay hinayaan lamang nila. Dahil ang kanilang rason ay hindi nila pag-inteteresan ang hindi nila pag-aari. At isa pa, naniniwala sila sa reincarnation at umaasa silang muling mabuhay ang mag-asawa kahit sa ibang mundo na mamumuhay.
"Who are you?!" mariing tanong ni General Khim sa lalaking pangahas.
"It's out of your business if who I am!" sigaw nito
"Naturally, it is! Nandito ka sa bahay namin! Hindi lang iyon, lumusob ka ng wala naman kaming ginagawang masama sa iyo! Inuulit ko, sino ka? Sino ang nag-utos sa iyo upang gawin ito sa amin?!" Mas bumalasik na nga ang boses niya.
"Bahay ninyo? Ang lakas naman ng loob mong tawaging bahay ninyo ang hindi n'yo pag-aari! Kung sa labas sana ng palasyo ay maaring masabi mo iyan ngunit nandito ka sa loob kaya't wala kayong karapatang tawaging bahay n'yo---"
Sa pag-aanalisa si Princess Churai sa pangahas at bilang prinsesa ng Edessa ay alam niyang hindi basta-basta napapasok ng outsider ang palasyo. Kaya naman ay lumapit siya sa asawa at pinutol niya ang pananalita nito.
"So what if we are inside the palace? Do want to question it? Sige, kung gusto mo ay kausapin mo mismo ang hari o baka naman ipinadala ka niya? In that case, I'm ao disappointed with him!" Mula sa malumanay na boses ay naging mabagsik din.
And at the end, sinipa niya ito kaya't tumabingi ang mukha. Hindi lamang iyon, natanggal ang takip ng mukha nito.
"You are a woman?!" sabayang sambit ng mag-asawa.
"Yeah! And not ordinary woman, I am one of the Princesses of this kingdom! Now that you know who I am, release me instantly!" She ordered.
Ngunit imbes na sundin ito ng mag-asawa ay inismiran pa nila ito.
"And? Ano naman ngayon kung prinsesa ka? Bakit ikaw ba ang tumanggap sa amin dito? And who knows, you are just fooling us! Get up, and we'll take you to the grand palace!" Kulang na lamang ay kaladkarin ni Churai ang nagpakilalang prinsesa.
She is a Princess. And she know the proper etiquette of a real princess. The wrench who is bubbling in and intrudes their house that the king bestowed to them is acting she's outdated ang crazy.
"Tama iyan, my Princess. Ikaw ang bahala sa kaniya at ako naman sa mga tauhan niya. Hindi maaring ganito na lamang. May kasunduan tayo kay King Simon." Hindi rin nakatiis si General Khim at tinanggal niya ang mga bonete ng iba pang intruders.
"My Princess! They are all women!" General Khim Soong exclaimed.
"Princess? You? Princess? Nonsense!" wika pa ng intruder.
Kaya naman ay gagamitan sana ni Churai ng power na tanging ang Edessa princess ang makakagawa. Subalit naging maagap si Khim Soong.
"Huwag, Princess. Hayaan mo siya. Tandaan mo ang kabilin-bilinan ng mahal na hari. Sa ngayon ay dalhin natin sila sa grand palace. Sigurado akong nandoon ang ama niya. Siya ang kailangan nating makausap sa ngayon," ani Khim Soong.
After sometimes...
"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong ng hari.
"Ipagpaumanhin mo ang aming kapangahasan, mahal na hari. Ngunit kami nga sana ang nararapat na magtanong sa bagay na iyan. Why did those assassin's dragged into our home? You bestowed us that remember," ani Khim Soong. Banaag sa boses ang pagkadisgusto sa boses.
"Assassin? Why should I send you assassin? Nandito kayo sa loob ng palasyo. Kung gusto ko kayong patayin ay kaninang pagdating n'yo pa lamang ay pinugutan ko na kayo ng ulo. Hindi ko na kailangang magpadala ng assassin upang patayin kayong dalawa. Samantalang tinanggap ko na kayo bilang residente sa aking kaharian." Napailing ang hari dahil sa hindi makapaniwala.
Kaya naman ay tinanggal ni Khim Soong ang takip sa mukha ng mga assasins.
"Kung wala kang kinalaman, paano mo sila ipapaliwanag, Mahal na Hari?" isa-isang tinanggal ni Khim Soong ang takip sa mukha ng mga assasins.
"Princess Yona? Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kayo sumugod sa kanila?!" tanong ng hari nang napagsino ang assassin na tinutukoy ng mga bagong kasapi ng palasyo.
"Sumagot ka! Huwag mong ubusin ang pasensiya ko!" muli niyang sigaw dahil sa pananahimik ng isa sa mga anak niya.
Sa anim niyang prinsesa ay ito na yata ang mayroong sungay. Sa labas man ng palasyo o sa loob ay madalas itong napapasama sa trouble.
"Sila! Sila ang bagong dating pero agad kang nagtiwala sa kanila, ama! Pero ako na dugo at laman mo ay wala kang tiwala! Bakit, ama? Ano ang ipinakain nila sa iyo at agad mo silang pinagkakatiwalaan? Ayon sa mga narinig ko ay nahuli sila ni General Lucio sa borders. Ngunit amo ang ginagawa ng mga tulisan na iyan dito sa loob ng palasyo? Gusto---"
Without a word, Churai Dara, gave the princess a heavy punches!
"Kung prinsesa ka nga ay umasta ka ng naaayon sa pagkatao mo! Is that your way of gaining the trust of your father? Stupid! Shall I teach you to act as a proper princess? Tulisan ba kamo? Ano kaya kung patunayan ko sa harapan ng lahat ang sinasabi mo? Next time, huwag kang kikilos kung hindi mo man din mapanindigan, nauunawaan mo ba?!" kulang ang malakas upang ilarawan ang boses ni Churai Dara sa oras na iyon.
Ngunit hindi iyon ang pumukaw sa atensiyon ni Khim Soong. Kundi ang kuwentas ng asawa niya. Ang hugis tala na kumikinang-kinang. Kaya naman bago pa ito mahala ng hari ay hinila na niya ito sa tabi niya at pasimpleng binulungan.
"Ang kuwentas mo, Princess," halos hindi na marinig ang pagkasabi niya.
Ayaw niyang malaman iyon ng mga tao lalo na ang mga royal families. Kabilin-bilinan ng ama nito na huwag hayaang mawala ito dahil iyon ang simbolo ng pagiging tagapagmana nito sa Edessa. Kahit ilang taon man daw lilipas kapag hawak iyon ng tagapagmana ay malaya itong makabalik at ma-reclaim ang kaharian nila.
"Mahal na Hari, ikaw na ang bahalang humusga sa anak mo. Isa lang naman ang hinihiling naming mag-asawa. Ang hayaan mo kaming maging residente ng kaharian mo. Alam kong may pagdududa ka pa rin sa amin ngunit handa kaming patunayan kung sino at ano kami. We are not your enemies, Your Majesty." Bilang paggalang ay yumukod pa rin siya saka dali-daling hinawakan sa palad ang asawa saka inilayo sa Grand Palace ng KINGDOM OF THE NORTH.
After sometimes...
"Princess, huwag ka sanang magalit sa sasabihin ko ngunit iwasan mo ang magalit. Dahil hindi natin alam kong bakit nagliliwanag ang kuwentas mo. Napansin ko rin iyan noong napalaban tayo sa ilang bandits noong nasa daan pa. At kanina ay mas matindi ang pagkinang niya habang kausap mo si Princess Yona," ani Khim Soong nang nakabalik na sila sa kanilang bahay.
"Ipagpaumanhin mo na, Khim. Pero ayaw na ayaw ko kasi ang ganoon. Alam mo iyan dahil halos buong buhay mo ay nanilbihan ka kay amang Saul. Ngunit hayaan mo at sisikapin kong maging mahinahon. Maraming salamat pala, Khim," tugon nito.
Kaya naman ay napatingin siya rito. Wala naman siyang ginawa upang magpasalamat ito.
"Salamat para saan, Princess?"
"Sa pag-aalaga mo sa akin. Wala na tayo sa Edessa ngunit prinsesa pa rin ako kung ituring mo. Alam kong pinakasalan mo ako dahil sa---"
Alam niya ang sasabihin ng asawa niya. Kaya't hindi na niya ito pinatapos. Bagkus ay umusog siya sa tabi nito saka ito niyakap.
"Pinakasalan kita hindi dahil sa utos ni King Saul, asawa ko. Maaring hindi ako showy pero kahit hindi ako pinakiusapan ng ating ama ay gagawin ko iyon. Kung hindi lang sana nangyari ang pagbagsak ng Edessa ay ako mismo ang makiusap sa kaniyang hayaan akong pakasalan ka. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Churai. Kahit buhay ko ay itataya ko para sa iyo at sa Kingdom Of Edessa. Mahal na mahal kita, Princess Churai Dara. Tandaan mo iyan," masuyo niyang saad kasabay nang paghaplos-haplos niya sa likuran nito.
Samantalang sa narinig ay napahikbi ang prinsesa. Pinaghalong tuwa at lungkot ang lumulukob sa kaibutuwiran ng puso niya. Natutuwa siya dahil narinig niya ang matagal na niyang inasam-asam na marinig mula sa pinakamamahal na lalaki. Ang magiting na kawal ng kaniyang amang Saul. Nalulungkot siya at the same time dahil walang kasiguraduhan kung buhay pa ba ang kaniyang ama.
"Oh, may problema ba?" tanong ni Khim Soong dahil kumalas ang asawa niya sa pagkayakap niya. Samantalang naramdaman niyang gumanti ito.
"Wala, gusto ko lang na titigan ka... Hmmm, maari ba kitang tawaging, asawa ko?" tanong nito na kahit liwanag lang mula sa full moon ang tumatanglaw sa kanila ay kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito.
"Mag-asawa na tayo kaya't may karapatan kang tawagin ako sa paraang komportable ka. At saka talaga namang asawa mo ako. You own me, my precious Churai Dara, my dearest wife." Ngumiti siya rito. Dahil talagang natutuwa siya. Magiting itong mandirigma ng Edessa ngunit sa oras na iyon ay animo'y isang crystal na babasagin.
But!
Ang hindi niya napaghandaan na hakbang nito ay humarap sa kaniya ng maayos. Saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan siya! Tuloy! Kahit wala pa siyang balak kunin ang bahagi niya rito o ang wedding consumption nila ay nangyari na! Dahil sa simpleng paghalik nito sa kaniya ay nauwi rin sa wakas sa isang marubdubang pagniniig!