Chapter 2

1583 Words
"I like the idea, pero kahit ihatid pa ako ni Lance ngayon ay hindi rin pwede. Magagalit sina Mama at Papa kapag nalaman nilang hindi si Rem ang kasama ko pag-uwi. Siguradong grounded na naman ang aabutin ko sa kanila." nakangusong sagot ng dalaga. "Wooh! Wow! Strict ng parents mo ah," sagot ng kanilang mga kaibigan. "Alam niyo naman na mga old-fashioned 'yong mga magulang ko. Mabuti nga at wala ang mga kuya ko. Kung hindi, malamang ay nandito ang mga iyon ay binabantayan ako," sagot ni Dorren at saka ngumuso pa. Hagikhikan silang lahat sa sinabi ni Dorren maliban kay Rem na masyadong seryoso sa may tabi. Kung anu-ano pa ang mga pinag-usapan ng mga ito hanggang sa hindi na makatiis pa si Rem at tumayo na ito. "Dorren..." tawag-pansin niya sa dalaga na busy pa rin sa pakikipagtawanan sa mga kaibigan nito. "Yes?" Sagot ng dalaga. "Magbabanyo lang muna ako."bulong niya rito. "Okay." agad niyang nilisan ang table nila at tumungo sa comfort room. Naghilamos lang siya roon at pagkatapos ay lumabas din agad. Babalik na sana siya sa table nila nang mapansin niya ang pakikipagharutan ng mga kaibigan ni Dorren sa birthday celebrant na si Lance. Kaya't naman sa imbis na bumalik ay lumabas na lang si Rem at nagtungo sa malawak na garden at doon ay naupo sa may isang bench at nagpahangin na lang siya. Nawalan na siya ng gana na bumalik pa sa loob. He hated it so much seeing her how deeply in love she is with another man. Pero wala na siyang magagawa dahil iyon ang nakatadhana para sa kanya, na ang babaeng gusto nito ay hanggang kaibigan lang ang tingin sa kanya. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod nang dumampi ang malamig na hangin sa kanyang pisngi at doon ay nangalumbaba. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa ganoong posisyon. Hindi na rin niya namalayan ang pagsisimula ng sayawan sa loob hanggang sa matapos ito at magsi-uwian na ang mga bisita. Mahimbing pa rin ang tulog niya sa may garden samantalang nahihilo na sa kaiikot at kakatanong si Dorren sa loob kung nakita ba nila ito. "Hoy....Rem! Nasa'n ka ba?" inis nang sigaw ni Dorren at pinadyak-padyak pa nito ang kanyang mga paa habang patungo sa may garden. Iyon na lang kasi ang lugar na hindi pa niya napupuntahan na maaari rin nitong puntahan unless iniwan na nga siya nito. "Rem...?"tawag niya uli sa pangalan nito. Muntik pa siyang matapilok sa kamamadali niya ng paghakbang. Maiiyak na talaga siya. Yumuko siya at inabot ang paa para hilutin nang mapansin ang bulto ng isang tao sa may bench. Agad niya iyong nilapitan. "Hoy, Rem!" todo sigaw niya rito nang magising agad. Naalimpungatan si Rem at muntik pang mahulog sa kinauupuan. Nagdilat siya ng mga mata at nakita ang nakabusangot na mukha ni Dorren. Saka niya lang naalala na magkasama pala sila. "D-dorren. Ano ang nangyari sa'yo? M-may nangyari ba na--" "You shut up! Ikaw ang problema ko. You're supposed to be my date. Pero nasa'n ka? Tinulugan mo lang pala ako dito. And for your information, kanina pa natapos ang party at kanina pa ako hilung-hilo sa paghahanap sa'yo. Ang sakit na ng paa ko."sunud-sunod na reklamo nito sa kanya. Tumayo na si Rem at hinawakan sa balikat si Dorren. "I'm sorry. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako dito." mahinahon niyang sabi sa dalaga. "Just take me home, Rem." wika ng dalaga at tinalikuran na siya. Hanggang sa dumating sila sa bahay nina Dorren ay wala silang imikan na dalawa. Gustong magsalita ni Rem at kausapin ang dalaga habang nagmamaneho siya pero halatang galit ito sa kanya at sigurado siya na hindi siya kikibuin nito kaya nanatili na lang siyang tahimik hanggang sa makarating sa bahay nina Dorren. "Sige, Dorren, aalis na ako."paalam niya rito. Hindi sumagot ang dalaga sa sinabi niya at sa halip ay tinalikuran lang siya nito. Bagsak ang balikat na tumalikod ang binata sa bahay ng mga ito. "By the way, Rem," agad siyang napalingon sa kinaroroonan ng dalaga nang marinig ang boses nito. "Dorren?" "You perfectly ruined my date tonight." 'yon lang ang sinabi ni Dorren at nagmadali na itong pumasok sa loob ng bahay. Samantalang naiwan naman siyang nanghihina dahil sa sinabi ng dalaga. Inabutan na siya ng malakas na ulan sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay. May kalayuan pa kasi ang bahay nila mula sa bahay nina Dorren. Halos maghahating-gabi na nang makarating siya sa kanila at basang-basa pa. Magtatatlong araw na ngunit hindi pa rin nakikita ni Dorren si Rem sa hasyenda nila. Hindi niya alam kung nasaan ito at hindi niya rin sinubukan na itanong kung nas'an ito. Hanggang ngayon kasi ay nagtatampo pa rin siya. Gusto niya na suyuin muna siya ng binata bago niya ito kibuin gaya nang palaging ginagawa nito. Pero ilang araw na ang nakalipas ay walang ni anino ang nagpakita sa kanya. Kaya naman ngayon ay lumabas na siya ng bahay nila at pumunta sya sa bodega ng manggahan nila at inikot ang taniman ng mangga nila para hanapin ito subalit wala man lang ni bakas ni Rem ang nakita niya. Napapagod na siya sa kahahanap rito magmula kaninang umaga kaya medyo nahihilo na rin sya. Muntik na siyang madulas sa may batis kung saan naroon ang ibang tauhan nila na nagpapahinga at umiinom ng malinis na tubig. Mabuti na lang at nahawakan siya ng isang magsasaka nila. "Mag-iingat po kayo ma'am Dorren. Talagang madulas ang batuhan ngayon dahil halos gabi-gabi na lang ay umuulan. At saka wala si Rem para bantayan ka." Aniya. "Bakit po? Nasa'n ba siya?"pasimple niyang tanong. "Naku, hindi mo ba alam na magtatatlong-araw nang may sakit si Rem?" tanong ng matanda. "Si Rem po, may sakit?" nagugulat niyang tanong. "Oo. Nag-aalala na nga ang Mama niya kasi hindi pa rin humuhupa ang lagnat niya hanggang ngayon. Gusto na nga niyang dalhin iyon sa hospital pero ayaw lang talaga ni Rem. Dagdag gastos lang daw iyon." malungkot na sagot ng matanda. "S-sige po, alis muna ako."paalam niya agad. Nagmadali siyang nilisan ang lugar na iyon. Balot ng pag-aalala ang nararamdaman ng dibdib niya ngayon. Ang nasa isip niya lang ay ang kalagayan ng binata. Parang wala sa isip na binagtas niya ang daan patungo sa bahay nila Rem. Nasa harap na siya ngayon ng maliit na dampa kung saan nakatira si Rem at ang pamilya nito. 'Ano ba, papasok ba ako o hindi? Papasok o hindi?' hindi pa rin makapagdecide si Dorren kung tutuloy ba siya o hindi hanggang sa mabungaran siya ng Nanay ng binata. "Ma'am Dorren, narito po kayo? Pasok po muna kayo," agad siyang iginiya ng ginang sa loob ng bahay. "Pasensya na kayo at may kaliitan itong bahay namin." Paumanhin ng Nanay ni Rem. "Naku, ayos lang po iyon. Si Rem po, nasa'n?" tanong ni Dorren. "Ah, si Rem? Tama nga pala, magtatatlong-araw na siyang may sakit. Pasensya na po kayo at napasugod pa kayo rito." hinging paumanhin ng ginang. "Ayos lang po 'yun. Magkaibigan naman po kami ni Rem, at nag-alala rin ako kung ano na ang nangyari sa kanya dahil tatlong araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Heto pala at nagkasakit siya." paliwanag ng dalaga na ikinatango ng ginang. "Sandali lang ha, at gigisingin ko si Rem." "Naku po, huwag na po. Titingnan ko na lang po siya at aalis na rin ako." pigil nito sa ginang nang akma na itong aalis. "S-sige. Puntahan mo na lang siya sa silid niya at ako'y aalis muna, ha?" paalam ng ginang. "Sige po." Magalang na sagot ni Dorren. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid ng binata upang huwag itong magising. Gusto niya lang itong tingnan kung maayos nga lang ba ito. Ayaw niyang magkausap sila dahil nagtatampo pa rin naman siya rito. Pero nang masilayan niya ito ay biglang nawala ang lahat ng pagtatampo na nararamdaman niya para sa binata. Nahabag siya sa kanyang ginawa. Lumapit pa siya rito at sinubukang haplusin ang mukha nito subalit bigla siyang napaigtad sa gulat dahil napakainit nito. "R-rem?" tawag niya rito. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ng binata. At kita niya ang panginginig sa katawan nito. "Rem? Are you okay?" bigla siyang kinabahan nang wala siyang marinig na sagot mula rito at patuloy lang ito sa panginginig. Bigla siyang nataranta. Niyugyog na niya ito para magising pero tanging ungol lang ang kanyang narinig. "Rem, ano ba? Gumising ka na? Huwag mo nga akong takutin diyan." sa takot niya ay hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya at nanginginig na rin siya sa takot. Wala sa isip na nagdial siya ng numero at tinawagan ang kanyang Mama habang umiiyak. "Ma, please save Rem." Ilang oras nang nakaupo sa bench nang emergency room si Rem at sa mga panahong iyon ay tulala lang siya at parang lutang sa hangin. Ang Mama niyang si Kiera at ang Nanay ni Rem ang abala para sa admission sa hospital. Ayon kasi sa mga laboratory exams nito ay nagkaroon siya ng dengue at bumababa na ang kanyang platelets at kailangan na niyang ma-admit sa hospital para malunasan at maobserbahan ng doktor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na naririto siya sa hospital at nakaupo sa may tabi. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa kanyang utak nang mga oras na iyon. Naiisip na rin niya na baka siya nga ang may kasalanan at nagkasakit si Rem dahil ipinilit pa niyang isama ito sa party gayong alam niyang ayaw naman talaga nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD