Chapter 1

2649 Words
"Hoy, Rem!" Sigaw ni Dorren sa 'di kalayuan mula sa kinatatayuan ng binata. Kasalukuyan na isinisilid ng binata sa sako ang mga naharvest niyang mangga. Nakita niya ang tumatakbong dalagita papunta sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin at sa halip ay ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Kailangan na kasi niya iyong matapos para hindi na siya gabihin sa pag-uwi. Medyo malayo pa kasi ang uuwian nito at baka mag-alala na naman ang kanyang Ina kung gagabihin siya. "Hoy, Rem. Ano ba? Ba't hindi mo na ako kinikibo diyan?" tanong agad ng dalaga sa binata nang makalapit ito. "May trabaho pa ako, Dorren. May kailangan ka ba?" hindi nakatingin sa dalaga na tanong nito. "Hmmph! Ang sungit naman nito?" nakapameywang na hinarap ni Dorren ang binata. Tiningnan naman ni Rem ang dalaga sa puntong 'yon dahil sa narinig. Halatang anak mayaman nga ito dahil hindi sanay sa init ng araw kaya ngayon ay mamula-mula na ang pisngi nito sa tindi ng init. "O, ano nga ang kailangan mo?" muli niyang tanong sa dalaga habang ipinagpapatuloy niya na ang kanyang ginagawa. "Samahan mo naman ako,oh..." Pakiusap ng dalaga sa kanya. Napatigil naman sa ginagawa ang binata at muli itong hinarap. "Dorren, naman. Marami pa akong trabaho," mabilis na pagdadahilan nang binata. "Tutulungan na kita para madali kang matapos." mabilis na suhestiyon ng dalaga sa kanya. "Naku, hindi pwede. Ayoko pang mawalan ng trabaho, Dorren," mabilis din na sagot ni Rem. "Ah, bahala ka. Basta tutulungan kita." anitong kumuha na agad ng sako at isinilid na ang mga mangga doon at hindi na nagpaawat pa kay Rem. "Ano na naman bang kahilingan ang gusto mo?" tanong ng binata rito. "Samahan mo ako mamaya, pagkatapos nito." Nakangiting sagot ni Dorren. "Saan?" sumusukong sagot ng binata sa dalaga. "Basta. Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo pagkatapos nito." may ngiting tagumpay na sagot ng dalaga. Hindi alam ni Rem kung ano ang nakain ngayon ng dalaga at nagmamadali ito sa pagtulong sa kanya kaya naman ay maaga silang natapos. Ngayon ay nasa loob na siya ng mansiyon ng mga Althea, sa mismong silid ng dalaga. "Dorren, sigurado akong pagagalitan ako ng Mama mo pag nakita niya akong nasa loob ng silid mo ngayon." kinakabahan na sambit ng binata. "Just don't mind her, okay?" anito na abala sa paghahalungkat sa kanyang cabinet. Napabuga na lang ng hangin si Rem. Wala talagang pwedeng kumontra sa spoiled brat na ito. Sa isip-isip niya. "At saka, ba't naman siya magagalit? Sanay naman siya na makita tayong naglalaro dito kahit noong mga bata pa tayo." dagdag pa ng dalaga na may inilapag na katamtaman na box sa ibabaw ng kanyang kama. "Mga bata pa tayo noon. Iba na ngayon, Dorren," paliwanag ng ni Rem ngunit ang hirap ngang makaintindi ng dalaga o mas tamang sabihin na ayaw lang nitong makinig. Spoiled brat talaga. Sa isip na naman ng binata. "Well, I don't care."sagot ni Dorren."Come here, Rem," dagdag pa ng dalaga. "Saan ba tayo pupunta at ano ang gagawin natin?"muli niyang tanong nang makalapit sa dalaga. Nakita niyang binuksan ng dalaga ang box at may kinuha doon na damit. "Look? Hindi ba bagay ito sa'yo?" nakangiti nitong tanong kay Rem. "No. Hindi 'yan bagay sa akin." wika niyang kinuha ang damit sa dalaga at saka ibinalik sa box. "Rem, naman! Hindi mo ba alam na isang linggong allowance ko ang ipinambili ko diyan? Nakakainis ka naman eh," reklamo ng dalaga at naging busangot na ang mukha nito. Muli nitong kinuha ang polong nabili at idinikit sa binata. "Sinabi na ngang bagay sa iyo, eh. Kita mo?" umiling lang si Rem sa sinabi nito. "Halika nga rito at nang makita mo?"hinila siya nito palapit sa isang whole body mirror. "O, tingnan mo? 'Di ba bagay sa'yo?" anitong isinukat sa binata ang damit. "Bakit mo naman ako pagsusuotin ng ganito? Saan ba talaga tayo pupunta?" muli niyang tanong at ibinaba na naman ang hawak na damit ng dalaga sa harap niya. "Well, we're going to a party." nakangiting sagot ng dalaga. "Party? Dorren naman, utusan mo na lang akong balatan ang lahat ng mangga sa bodega kaysa naman sa isama mo ako sa party. Nakakahiya lang do'n," mabilis na sagot ng binata. "Bakit naman?" tanong ni Dorren na tiningnan pa ang mukha ni Rem, at kalaunan ay napangiti na ang dalaga. "Tingnan mo nga ang itsura ko. Hindi ako nababagay doon." mahinang sagot ng binata na tila nahihiya pa. "Sinong may sabi sa'yo?" nakataas ang kilay na tanong ng dalaga dito. "Common sense ko na lang 'yon," napakamot sa ulong sagot ng binata. "Sa guwapo mong iyan, hindi ka nababagay sa party? I bet, sigurado akong maraming magpapantasya sa'yong mga babae mamaya." pilya nitong sabi sa kanya na ipinulupot pa ang magkabila nitong kamay sa kanyang leeg at inilapit ang mukha sa kanya. Parang naging tuod ang binata sa kanyang kinatatayuan at hindi nakagalaw. Ikaw ba naman ang lambitinan ng babaeng 'to. Walang hiya lang talaga. Bumilis ang t***k nang puso ng binata at naramdaman pa niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "Ano, pumayag ka na kasi. Ikaw lang ang pag-asa ko na makadalo sa party na iyon. Sigurado naman talaga akong hindi papayag sina Mama at Papa na dumalo ako doon pag hindi kita kasama."wika nito na hindi pa rin bumibitiw sa kanya. "B-bakit ako pa?" nabubulol na tanong ng binata dahil sa epekto nang ginagawa ng dalaga sa kanya. Sadyang ganoon na lang yata kalakas ang atraksiyon niya rito at ang totoo nga niyan ay matagal na niyang inililihim sa dalaga ang kanyang pagkagusto rito. Ayaw niya lang sabihin kasi takot siya na baka masira ang pagkakaibigan nila at higit sa lahat ay hindi sila nababagay dahil langit at lupa ang agwat nila. Isa lamang siyang hamak na trabahador sa hasyenda ng mga ito at sigurado naman siyang hindi rin siya magugustuhan ng dalaga dahil may minamahal na itong iba at hindi siya iyon. "Syempre, ikaw lang naman ang pwede sa lahat ng taong nandito. Una, kasi, kaibigan kita. Pangalawa, teen party iyon at wala sila kuya para samahan ako. Alangan naman na isama ko ang driver ni Mama, pagtatawanan lang ako do'n dahil nagsama ako ng matanda at mabobore lang din siya. Ikaw, kasi ikaw lang naman ang ka-close ko dito at sigurado ako na papayag sina Mama at Papa pag ikaw ang kasama ko at plus points na rin na ang cute ng mga eyes mo. Overall, ikaw ang suitable date ko sa party, okay? Sige na magbihis ka na," anitong minamadali na siya at kinuha pa ang kapares ng kanyang damit at ibinigay sa binata. "Dorren, hinihintay pa ako ng Nanay at kapatid ko,"tutol pa rin ng binata. "Alam ko kaya ipinagpaalam na kita sa Nanay mo at pumayag na siya." wala na nga talaga siyang masabi rito at talagang pinaghandaan na ng dalaga ang lahat. Kahit na anong tutol niya ay napapayag rin siya nito. Hindi nga ito nagkamali na papayagan ito na dumalo sa party dahil siya ang kasama. Tiwala kasi ang mga magulang nito sa kanya. Ewan niya ba kung bakit? Eksakto lang naman ang dating nila sa party at magsisimula na. Pamilyar sa kanya ang bahay na pinasukan, hindi pala iyon ang mansiyon sa lugar nila dahil iyon lang naman kasi ang bahay na pagmamay-ari ng gobernador nila. At birthday party pala iyon ng nag-iisang anak nila na lalaki na si Lance. Ngayon lang niya iyon nalaman. Kung alam lang niya ay talagang pipilitin niyang hindi makasama sa party na iyon. Dahil alam niyang masasaktan lang siya. Si Lance kasi ang itinatangi ng puso ng dalaga kahit noong mga bata pa man sila. Bukambibig palagi nito si Lance hanggang magtapos sila sa high school at kahit ngayon na college na sila ay ito pa rin ang itinitibok ng puso ng dalaga. Doon nga rin ito nag-aaral sa school na pinapasukan ni Lance para lang palagi itong makita ng dalaga. At sigurado siyang sobrang galak ng puso nito ngayon kasi nakatanggap ito ng invitation card sa birthday party ni Lance. Kaya ganoon na lang pala ang paghahanda nito na ibinili pa siya ng damit na galing mismo sa allowance nito. And it is all for the sake of this party. Pagdating pa lang nila ay marami na silang nakasalubong na mga kakilala ni Dorren, ang iba ay namumukhaan pa niya dahil schoolmate nila ito noong high school at ang iba naman ay hindi at sigurado siyang mga taga-Maynila ang mga ito. Lahat ng mga dumalo sa party na iyon ay all glows from the dress they wear. Talagang pang mayaman nga ang party na iyon. Hindi nga siya nababagay rito. Sana ay iniwan na lang siya ni Dorren sa labas dahil pakiramdam niya ay masu-suffocate lang siya sa loob ng lugar na iyon. "Hi, Dorren. But wait, who's this handsome man with you?" tanong ng ginang na nakasalubong nila. Iyon ang Mama ni Lance. Kilala na niya iyon dahil palagi itong kasama ng gobernador tuwing kampanya. "Si Rem po, kaibigan ko," nakangiting sagot ng dalaga sa ginang. Sinulyapan niya rin ang ginang at binati bilang respeto. "Magandang gabi po ma'am." wika ng binata. "Magandang gabi rin sayo, Rem. What a nice name, huh? Sige, mag-enjoy lang kayo tonight at aasikasuhin ko pa ang ibang bisita,"paalam nito sa kanila. "Sige po, tita," magalang at nakangiting sagot ng dalaga. Sumasakit na ang paa ni Rem sa kaiikot nila sa malawak na lawn ng mansiyon ng gobernador. Nakaramdam ng inis ang binata. Wala bang balak na umupo ang babaeng ito at manatili sa isang tabi na lamang? Alam niyang hindi nito iyon gagawin kasi hindi pa rin nito nakikita si Lance. "There he is!" bulong ni Dorren na ikinalingon niya sa direksyon na tinitingnan ng dalaga. Si Lance nga na busy sa pag-eestima sa mga bisita nito. Dali-daling lumakad si Dorren sa kinaroroonan nito at kinalimutan na yata na magkasama sila. Sumunod pa rin siya sa likuran nito. "Hi, Lance!" masiglang bati ni Dorren rito. "Oh, hello, Dorren! Mabuti naman at nakarating ka sa birthday ko," nakangiti rin na bati sa kanya ni Lance. "Syempre naman! Heto nga pala ang regalo ko sa'yo." aniya sabay abot sa dalang regalo. "Thank you! O, Rem, ikaw ba 'yan?" tanong ni Lance nang mapansin siya nito. "Ah, Happy birthday nga pala sa'yo. Ang totoo niyan isinama lang ako rito ni Dorren. Hindi ko alam na birthday mo pala kaya pasensya na at hindi kita mabibigyan ng regalo ngayon." napakamot sa ulo na paliwanag nito. Naku, ano ba itong ginagawa ko? Tanong ni Rem sa kanyang sarili. "No, it's okay. Just enjoy this night. Kumain na kayo. Maraming pagkain ang nakahanda." nakangiting wika nito. "Okay, gutom na nga ako eh." si Dorren na pasimpleng humawak sa siko ni Lance at sabay silang naglakad papunta sa isang mesa. Noon pa ma'y magkakilala na sila ni Lance dahil palagi itong niyayaya ni Dorren na pumunta sa hasyenda ng dalaga para mangabayo, samantalang siya naman ay sunud lang ng sunod sa dalawa para tiyakin na ligtas sila sa pangangabayo kaya kalaunan ay naging kilala na rin niya ito. Sa pagkakaalam niya ay isa namang maginoong tao si Lance at hindi ito kagaya ng ibang anak-pulitiko na laki sa luho at mapagmataas. May paggalang ito sa lahat ng taong kanyang nakakasalubong sa araw-araw. Mabait ito at palakaibigan kaya naman hindi imposibleng mahulog ang loob ni Dorren dito dahil bukod sa guwapo nga ito at matikas, may yaman pang ipagmamalaki. Hindi kagaya niya na kahit sakahin niya ang buong bukid sa baryo nila ay hindi pa rin siya yayaman. Iyon ang katotohanan na kailanma'y isang malabong pangarap na lang, ang maging kapantay nina Dorren at Lance ay imposible kaya naman hangga't maaga pa ay sinusupil na niya ang kanyang damdamin para rito. Tahimik siyang kumakain ngayon kasama si Dorren. Nasa may sulok ang mesang pinuwestuhan nila kasama ang schoolmate nila noong highschool. Kahit na labag sa kanyang kalooban na narito siya ay nilubos na niya ang kanyang pagkain dahil kanina pa siya nagugutom at ngayon lang siya ulit makakatikim ng masasarap na pagkain na unlimited dahil ang daming handa ni Lance. Hindi niya paiiralin ang kanyang pride pagdating sa pagkain at iyon na mismo ang gagawin niyang konsolasyon sa sarili kung bakit napasali pa siya sa party na ito. "Dorren, kasama mo pala ngayon si Rem? Mabuti at pinayagan ka ng parents mo?" tanong ng isang schoolmate nila dati na alam niyang kakilala rin ni Rem. "Ah, yes si Rem! Kaya nga pinayagan ako ni Mama at Papa dahil siya ang kasama ko." nakangiting sagot ni Dorren saka sumisipsip ng kanyang juice. "So, Rem. Any girlfriend?" tanong ng isang babae na katabi niya at bigla na lang ipinatong ang siko nito sa kanyang balikat. Pinamungay pa ang mga mata nito sa kanya. Kung pwede lang na itulak niya ito ay ginawa na niya dahil pakiramdam ni Rem ay masusuka siya. Kumakain pa naman siya. Kung bakit ba naman kasi siya lang ang lalaki sa grupong iyon. Ayan tuloy at nilalandi na siya ng mga amasonang kaharap at katabi niya. Hindi man lang yata siya tutulungan ni Dorren na awatin ang mga ito. Ano ba ang isasagot niya? "Wala. Wala pa naman sa isip ko ang mga bagay na iyan." sagot niya. Iyon rin naman kasi ang totoo. "O, baka naman wala ka pang girlfriend kasi hindi ka pa sinasagot ni Dorren," hirit naman ng isa pang ka-schoolmate nila na siyang ikinabuga ng juice ni Dorren sa kanyang bibig at ikinaubo naman ni Rem. Mukhang nabulunan 'ata siya sa sinabi nito. Naramdaman niya rin ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Bakit ba sa lahat ng pwedeng itanong ay iyon pa ang kanilang naisipang itanong. Masyado na ba talaga siyang halata na may gusto siya kay Dorren? Dumukwang sa kanya si Dorren na nasa harapan lang nito at tinitigan siya ng matiim nito. Juice lang naman ang ininom ng babaeng ito, bakit mukhang high na yata ito sa paningin niya o baka naman siya na ang high sa kanilang dalawa. "Tell me, Rem. Totoo ba ang sinasabi nila?"seryosong tanong sa kanya ni Dorren. Naglumikot naman ang kanyang mga mata at pilit na iniiwasan salubungin ang mga titig nito. "Totoo ba na hindi ka nagkakagirlfriend nang dahil sa akin?"malungkot nitong tanong sa kanya. "H-hindi. Ano bang tanong iyan, Dorren? Alam mo namang mahirap lang kami at marami pa akong responsibilidad sa pamilya ko kaya wala pa sa isipan ko ang mga bagay na iyan. Ano ka ba, naniwala ka naman sa kanila." paglulubag-loob niya rito dahil ayaw niyang maghinala ito sa kanya na may lihim siyang pagtingin rito kundi ay katapusan na niya. "Okay." Sagot ni Dorren at saka muling umayos ng upo. "If ever na hindi ka sinagot ng nililigawan mo, Rem. Willing naman akong maging girlfriend mo eh," sabi ng katabi niyang babae. Ni hindi nga niya alam ang pangalan nito pero kung makalandi naman ay wagas. Tumikhim na lang siya at hindi na nagkomento pa. "Hoy, ano ba kayo, huwag niyo ngang pagtripan si Rem, pag nagalit 'yan ngayon baka iwanan pa niya ako rito. Wala na akong kasamang pauwi." Mabilis na sabad ni Dorren. "Well, it's a good idea! Kapag iniwan ka ni Ren dito ay may dahilan ka na para pwede ka ng ihatid ng Prince Lance mo." namimilog ang mga matang sabi nito kay Dorren na sa tingin ni Rem ay nagustuhan naman nito ang ideyang iyon. Yeah, ganyan niya kagusto si Lance. Lahat ay gagawin niya makuha lang ang atensyon nito. Si Lance naman kasi ang klase ng taong hindi isnabero at sweet sa mga kaibigan niya kaya siguro hindi malabong minahal niya ito since high school pa lang sila. Napatiim-bagang na lang si Rem sa sinabi ng kaibigan ni Dorren. Hindi yata niya gusto ang ideyang iyon. Nakaramdam siya ng panibugho lalo na nang tingnan niya ang kasiyahan sa mukha ng dalaga na tila nagustuhan rin nito ang ideyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD