This is the day, ika nga nila. Abala ang lahat ng tao sa mansion dahil uuwi na ang unica hija ng pamilyang Althea. Umalis kasi ito para mag-aral. December twenty is the date, at sa darating na twenty-four ay birthday na ng dalagang si Dorren. She's turning eighteen. At yes debut na nga niya sa susunod na mga araw.
Kaya naman ay naging abala ang lahat sa mansion. Sa kasalukuyan ay inaayos nina Rem at mga kasamahan niyang trabahador sa manggahan ang lawn ng mansion kung saan gaganapin ang party.
Naliligo ng sariling pawis ni Rem habang nagla- landscape sila ng kapitbahay niyang si Junnie sa garden. Si Junnie ay matanda lang ng limang taon sa kanya kaya para na rin silang magkuya sa tagal na pinagsamahan ng mga ito. Dahil sa tindi ng sikat ng araw ay naliligo na sila ng pawis.
Maya-maya pa ay biglang tumayo si Rem at saka naghubad ng pang-itaas na kasuotan. Ginawa niyang pananggalang sa init ang damit. Itinalukbong niya ito sa kanyang ulo at tanging mata na lamang niya ang nakikita.
"Wow, ang abs mo, Rem. Nakakabakla." Ani Junnie na ngiting-ngiti. Talagang may pagkaloko rin kasi ito. Napalingon naman si Rem sa kanyang sinabi habang may halong pagtataka sa mukha nito.
"Ano ba 'yan six packs o twelve packs?" dagdag pa ni Junnie at saka sinundan ng malakas na tawa. Saka lang naintindihan ni Rem na niloloko lang pala siya ng kanyang kaibigan at pinagti-tripan lang siya nito. Ngumiti na lang siya rito at nakitawa na rin.
"O, tingnan mo ito. Huwag ka ngang tumawa ng ganyan. Sige ka, ma-iinlove na talaga ako sa'yo nyan." mas lalo pa siya nitong inasar. Napa-iling na lang si Rem.
"Loko ka talaga, Jun. Kailan ka pa naging bading? Akala ko ba ay pakakasalan mo na si Rissa. Ba't nagkakaganyan ka ngayon? Lagot ka dahil isusumbong kita," nakatawa pa ring ganting asar ni Rem. Napakamot ng ulo ang kanyang kaibigan.
"Eh, kasi naman. Ba't ba kasi ang guwapo mong bata ka, huh? Artista ba ang papa mo?" Palusot nito.
"Oo. Hindi nga lang naipalabas ang movie niya sa tv." Ganting biro naman ni Rem at saka tinawanan ang sarili niyang biro. Baka iniisip ng kaibigan nito na totoo ang kanyang sinabi.
Ang totoo niyan ay five years ng patay ang Papa niya at baby pa lamang ang kapatid niyang si Gray nang mangyari iyon dahil sa sakit nito sa baga kaya ang Mama na niya ang nagtaguyod sa kanilang magkapatid.
"Magbihis ka na nga. Tingnan mo nga iyung likuran mo at marami nang laway ang tumulo para sa pandesal mo. Gusto na daw nila isawsaw sa mainit na kape sa ganitong kainit na panahon." Pagbibiro pa ni Junnie.
Napalingon naman si Remsa sa kanyang likuran at nakita nga niya ang pagkukumpulan ng mga kabataan na katulong sa mansion at pati na rin ang mga matandang dalaga, isama mo pa ang mga bakla na nakatanghod sa kanya. Tumutulo na nga ang mga laway nito. Bigla tuloy siyang na-conscious.
"Eh, ba't ngayon mo lang sinabi na nandiyan pala ang mga 'yan." bulong ni Rem kay Junnie.
"Hay naku, Rem. Lumilipad nga talaga 'yang utak mo. Talagang nandyan ang mga iyan dahil naglilinis sila. Ngayon kasi ang dating ni ma'am Dorren." sagot ni Junnie. Sa narinig ay bigla na namang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Tatanggalin na sana niya ang damit na itinalukbong nang may biglang sumigaw mula sa kanyang likuran.
"Rem!" Anang tinig sabay-yakap sa kanyang likuran. Nang maramdaman niya ang malambot nitong kamay ay saka niya lang napagtanto na si Dorren pala ang biglang yumakap sa kanya.
Nasira naman ang tanawin na gustong panoorin ng mga nagpapantasyang katulong kaya umalis na sila. Dumating na kasi ang prinsesa ng mga Althea. Dati naman siya nitong niyayakap pero iba ang pakiramdam ni Rem sa ngayon.
Pigil niya ang paghinga nang hawakan niya ang kamay ni Dorren para tanggalin sa pagkakayapos sa kanya. Ngunit bago niya pa matanggal ang kamay nito ay lumigid na ang dalaga sa kanyang harapan.
"Dorren."sambit niya sa pangalan nito. Nagsalubong ang kanilang mga paningin. Lumambitin na naman ang mga kamay ng dalaga sa kanyang leeg. Normal naman iyon para kay Dorren dahil kaibigan naman niya ang binata.
"T-teka, Dorren. Basang-basa pa ako ng pawis." nahihiyang sabi ni Rem. Ang akala niya ay magagalit sa kanya ang dalaga dahil sa kapangahasan niya noon. At expected na niyang magbabago na ang pakikitungo nito sa kanya.
But he is wrong. She treated him as what she used to treat him before na parang walang namagitan sa kanila. Yeah, he knew na it was just a kiss. A kiss without feelings and it should never happened between them.
Wala lang iyon at tuluyan na ngang nalimutan ng dalaga lalo pa at sila na ngayon ni Lance. Nakangiting tumingala sa kanya si Rem at tinanggal ang damit na itinalukbong niya sa kanyang mukha.
"Ba't ba kung saan-saan ka naghuhubad. Hay naku, magbihis ka na nga." Anito at may kinuhang panyo sa bag at pinunasan ang mukha ni Rem. Isinuot naman ng binata ang kanyang damit.
"Hay naku, ma'am. Kanina ko pa nga iyan sinasabihan eh." ani Junnie. "Hindi kasi aware si Rem na ang gwapo-gwapo niya." Dagdag pa niya. Kinuha ni Rem ang panyo sa dalaga at itinuloy na ang naudlot na ginagawa nilang landscape.
"Teka kuya Junnie, ano ba ang ginagawa niyo rito?" Tanong ni Dorren at saka tumingin pa sa paligid.
"Nagla-landscape po, ma'am. Para po maganda ang garden sa darating na party ninyo." Sagot ni Junnie.
"Wow, talaga? Thank you po, kuya Junnie." Masayang saad ni Dorren. Sadyang natural ang kabaitan nito kaya malapit siya sa mga nagtatrabaho sa hacienda. Sa halip kasi na manirahan ito sa syudad kasama ng mga kapatid niya ay mas pinipili nitong mamalagi sa hacienda sa tuwing wala siyang pasok sa eskwela.
"Wala po iyon, ma'am." nakangiting tugon ni Junnie.
"Kuya Jun?" muling untag ni Dorren. Nilingon naman siya ni Junnie.
"Bakit po, ma'am?" Sagot niya. Kahit naliligo na ito ng pawis ay nakangiti pa rin niyang hinarap ang dalaga.
"Pwede ko bang mahiram muna si Rem? Please... sandali lang 'to,"naka-pout pa nitong pakiusap kay Junnie. Napakamot na lang sa kanyang ulo ang binata kahit wala namang makati doon.
"S-sige po." nakangiting tugon nito na naguguluhan pang tumingin sa dalawa. Kung pagmamasdan kasi ng mabuti ay para bang higit pa sa kaibigan ang mayro'n kay Rem at Dorren.
"Talaga? Salamat, kuya," tuwang sabi ng dalaga saka hinila patayo si Rem. May kinuha siyang bag mula sa kanyang likuran at ibinigay iyon kay Junnie.
"Heto, pasalubong ko sa'yo kuya Jun, dahil mabait ka." Nakangiting dagdag pa niya.
"Naku, salamat po dito, ma'am." Masayang sagot nito. Saka lang napansin ng dalawa na marami pala itong bitbit. Hinila na ng dalaga si Rem. Napapakamot sa ulo ang binatang si Junnie dahil naguguluhan talaga siya.
"Halika na, Rem. Tayo na." Saad nito.
"Pero hindi pa ako tapos sa trabaho ko dito, Dorren." Tanggi niya.
"Halika na nga. Si kuya Junnie na raw ang bahala dito. 'Di ba, kuya?" Pagpupumilit ni Dorren na pilit itinatayo si Rem. Wala na ngang nagawa ang binata kung hindi sundin na naman ang spoiled brat niyang kaibigan. Talagang ang hirap tumanggi pag kinulit ka ng isang Dorren Klea Althea.