Chapter 4

1501 Words
Dinala ng dalagang si Dorren ang kanyang kaibigan sa silid nito sa hindi malaman na dahilan ni Rem. Habang busy ang dalaga sa paghahalughog sa dala nitong mga gamit ay nakatingin lamang si Rem. "Ano ba ang hinahanap mo diyan?" Nagtatakang tanong ng binata. "Sandali. Nandito lang iyon eh. Just sit down there, okay." Sagot ni Dorren sabay turo nito sa sofa na naroon sa may side ng room ng dalaga. Hindi mapakali si Rem kaya lakad siya ng lakad. "Pwede ba, maupo ka muna. Ako ang nahihilo sayo eh." reklamo ng dalaga. Sumunod na lang rin si Rem sa utos ng dalaga at umupo na habang pinagmamasdan pa rin ang dalaga. "Here it is!"bulalas ni Dorren. Isang maliit na bag ang kinuha nito at dinala iyon sa mga tabi ni Rem. "Ano 'to?" Naguguluhan na tanong ni Rem. "Buksan mo na kasi, huwag ka ng tanong ng tanong." Nagsusungit na sagot ni Dorren. Binuksan na nga iyon ni Rem at nalaman niyang cellphone pala ang laman niyon. "Dorren, ano 'to? Sinabi ko na sa'yo, 'di ba?" Agad na pagtanggi ng binata. "No, no, no, no. Basta nabili ko na at para 'yan sa'yo kaya tatanggapin mo." Pagmamatigas ni Dorren. "P-pero hindi naman ako marunong gumamit nito at mukha pang mamahalin. Sabihin mo na lang sa Papa mo na ibawas na lang 'to sa sweldo ko." Sagot niyang napapabuntong hininga. "Ano ba? Para talaga sa'yo iyan, Rem. At saka kung hindi ka marunong ay tuturuan naman kita. Hindi problema iyon," anitong kinuha kay Rem ang cellphone at kinalikot ito. "O, heto. Ako ang number one sa speed dial mo, huh? At heto ang number ko." Saad ni Dorren. Muling ipinakita ito sa kanya ng dalaga. "Matalino ka kaya alam kong madali mo lang matututunan ang pag gamit ng gadget." Dagdag pa ni Dorren. "Pero, sobra-sobra naman yata 'to." reklamo ni Rem na muling tiningnan ang mamahaling cellphone na binili ng dalaga para lang sa kanya. Ito pa yata ang latest model ngayon. Napansin niya kasing katulad lang din ito ng cellphone ni Dorren. Color black nga lang ang sa kanya. "Isipin mo na lang na 'yan ang regalo ko sa'yo sa nagdaan mong birthday." sagot pa ng dalaga at umupo sa kanyang tabi. "Teka, baguhin natin ang wallpaper mo." sabi pa ng dalaga. Pinanood niya ang pagpindot-pindot ng mga daliri nito sa touchscreen na cellphone at nagulat pa siya na sariling mukha pa ng dalaga ang ginawang wallpaper "O, 'di ba ang ganda ko dito? " saad nito sa kanya at ngiting-ngiti pa. Pansin talaga ni Rem ang sobrang kasiyahan ni Dorren ngayon. Napapa-isip tuloy siya kung anong mayro'n at bakit siya masaya. Maya-maya pa ay nakita niyang kinuha ng dalaga ang cellphone na nagriring sa bulsa nito. "Ssshh...tumatawag siya." bulong ng dalaga sa kanya bago sinagot ang tawag. Katabi pa rin ni Ren ang dalaga at sumandal pa ito sa kanya habang sinasagot ang tawag. "Hello, Lance." Nang marinig ni Rem ang pangalan nito ay biglang may kung anong kumirot sa kanyang puso. Ang sakit pala talaga kapag harapan kang sinampal ng katotohanan na kailanman ay hindi magiging kayo ng taong mahal mo, dahil langit at lupa ang agwat ninyo at ang masaklap pa ay isang kaibigan lang ang turing niya sa'yo. "Oo, nakarating na ako rito sa bahay kanina pa. Okay, ba-bye. I love you too, mahal ko. Ingat ka." Saad ni Dorren. Ini- end na nito ang tawag. Nakatulala lang siya sa tabi ng dalaga. "Alam mo, Rem. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ni Lance. Akala ko ay hanggang tingin na lang ako sa kanya. Until one day, he asked me out and tinanong niya ako if I could be his girlfriend. Ang saya ko lang talaga. I'm just wondering, ako kaya ang first girlfriend niya?" Namumungay pa ang mga mata nito sa pagkukwento habang nakatingala kay Rem. "Niligawan ka ba niya?"kahit nasasaktan ay nagtanong pa rin siya. Manhid na nga siguro siya. "Hmmm..." pakiramdam ni Rem ay para bang nag-isip muna ang dalaga bago sumagot "Sa tingin ko, no need na 'yon, eh. Mahal ko naman siya kaya ayaw ko na siyang pahirapan pa." Sagot ni Dorren. Sa mga sandaling iyon nagbago na naman ng posisyon ang dalaga, kung kanina ay nakasandal siya patalikod sa binata ngayon naman ay nakaharap na siya habang nakatingala rito. "Mahal ka ba niya?" muli pang tanong ni Rem kahit na para bang gusto na niyang umiyak. Their gaze met. And it's just like they were hypnotized again. Kusang umangat ang mga kamay ni Dorren and touches his face down to his lips. Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay iyon ang ginawa ni Dorren. Para namang nanigas ang katawan ni Ren sa ginawa na iyon ng dalaga. Nararamdaman ni Rem kung paano tumibok ng mabilis ang kanyang puso na para bang nag-uunahan. His heart races again to that feelings he never knew. "Rem..."usal ng dalaga habang nakaawang ang kanyang mga labi. Kung alam lang ni Dorren kung gaano siya kagustong halikan ni Rem ng mga oras na iyon, wala talaga siyang idea. Pati kung gaano na nagsisikip ang dibdib nito sa nararamdaman para sa dalaga ay wala itong kaalam-alam. Pinipigilan lang ni Rem ngayon ang sarili dahil ayaw na niyang maulit pa ang pagkakamaling nagawa noon kahit na alam niya sa sarili na hindi naman niya pinagsisisihan iyon. Ayaw niya lang na magbago ang pakikitungo ni Dorren sa kanya. 'Cause he really can't afford to lose her as his friend. Yeah, being his friend. Iyon lang naman kasi ang mai-o-offer nito sa kanya. "I...I think..."muling usal ng dalaga habang papalapit ng papalapit ang mukha nito sa mukha ng binata. Hindi pa rin naghihiwalay ang kanilang mga titig. Gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila ng biglang tumayo si Rem. Siya na ang umiwas dahil ayaw niyang magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawahan ng dalaga. Eksakto namang may kumatok sa pintuan ng kwarto ng dalaga. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Aya. Alam niyang pulang-pula na ngayon ang kanyang pisngi sa kahihiyan. My Gosh! Magdisappear na lang sana siya, nahiling nito sa kanyang isipan. Nakita niyang tinungo ni Rem ang pinto at pinagbuksan ito at sumalubong sa kanya ang Mama ni Dorren na siya pa lang kumakatok. "Tita..." usal nito. Bigla tuloy siyang na- guilty kahit wala namang nangyari sa kanila. Sinalubong siya ng matamis na ngiti ng Mama ng dalaga. "Si Dorren?" tanong nito. Agad namang sumulpot ang dalaga sa tagiliran ni Rem. Hindi naman ito magagalit kahit nasa loob pa ng kwarto ang dalawa dahil nasanay na ito sa closeness ng dalawa. "Bakit po, Ma?"tanong ni Dorren. "May bisita ka sa baba." Sagot ng kanyang Mama. "Sino po, Ma?" Tanong ni Dorren. Nangunot pa ang kanyang kilay. "Huwag mo ng itanong. Bumaba ka na nga lang diyan at harapin mo ang iyong bisita." Sagot nito. May halong pagkadisgusto sa boses ng ginang. Agad na nagtaka si Rem kung sino ang bisita ni Dorren para umasta ng gano'n ang kanyang Mama. Alam kasi ni Rem na talagang malapit ang Ginang sa kahit na sino sa kanila. Napakabait pa nito kaya talagang nagtataka siya. Hindi kaya dumating na rin ang mga kapatid at mga pinsan ni Dorren? Hindi napigilang tanong ng isipan ni Rem. "Okay po, Ma. Susunod na po ako." Sagot ni Dorren. Umalis na ang kanyang Mama kaya sumunod na rin sila. Ngunit sa baba ay hindi na nagulat si na Rem nang madatnan si Lance sa salas na may dalang bouquet of roses, sa halip na mga kapatid at pinsan ni Dorren ang kanyang makita. Tumalilis na lang ng alis si Rem sa bahay. Ayaw niya na kasing masaksihan pa ang paglalambingan ng dalawa dahil masasaktan na naman siya. Alam niyang ipinakikilala na ni Dorren sa mga magulang nito ang kanysng boyfriend. Tumakbo siya papunta sa may batis at naupo sa may batuhan. Tinitingnan niya ang tahimik na agos ng tubig doon habang nakamasid sa sarili niyang repleksiyon. Kanina lang ay ramdam niya ang mainit na mga kamay ng dalaga na nakadampi sa kanyang balat at ngayon ay para na naman iyong isang panaginip lamang. Panaginip na kailanman ay hindi magkakaroon ng katuparan. Kinapa niya ang cellphone at pinagmasdan doon ang maamong mukha ng dalaga. Gusto na lamang niyang umiyak sa isiping sila na nga ni Lance ang magkakatuluyan at malabong mapunta pa sa kanya ang babaeng pinangarap niya. Hindi man lang niya masabi-sabi rito ang tunay niyang nadarama dahil hindi pwede. Hindi pwede dahil gusto pa rin niyang manatili sa tabi ng dalaga kahit bilang kaibigan na lang. Tatanggapin niya kung ano man ang mangyari sa kanilang dalawa. Ang tanging mahalaga lang ay makita niyang masaya si Dorren, kahit hindi na sa piling niya. Hindi bale nang masaktan siya, huwag lang ang damdamin ng babaeng mahal niya. Pipigilan niya ang nararamdaman para dito hangga't sa kaya niya. Itatago niya ang pagmamahal sa dalaga kahit hanggang kamatayan pa nito. Sapat na sa kanya na malapit siya dito kahit bilang kaibigan lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD