Chapter 6

1664 Words
#HGDCh6 Angel "BOSS! Wala pa akong planong mamatay! Baka pwedeng bumagal ka naman!" sigaw ko pero tila wala siyang narinig at patuloy pa rin sa mabilis na pagpapatakbo. Palibhasa ay patay oras at nasa highway kami. Walang pulis na huhuli sa amin. Pilipinas nga naman! Napangiwi ako sa biglaan niyang pagtigil sa gilid ng kalsada. Napahawak pa ko sa leeg ko dahil feeling ko nabalian ako. Masama ko siyang binalingan pero mabilis siyang bumaba. Pinagmasdan ko na lang siya mula sa loob nang lumapit siya sa babaeng nasa waiting shed. Napasipol ako nang lumuhod siya at hawakan ang balikat nung babae. Hindi ko masyadong mabistahan ang mukha niya dahil natatabunan ng mahabang buhok. Sino kaya ang babaeng ito? Girlfriend niya? Ilang minuto ang nakalipas at binuksan niya ang front seat. Tila isang babasaging kristal na inalalayan niya papasok iyong babae. Sinilip ko mula sa rearview mirror ang babae. Maganda. Di lang maganda. Sobrang ganda. Masyadong maamo ang mukha. Inosente at mukhang anghel. Nagpupunas siya ng mukha kaya mukhang hindi niya napansin ang presensya ko. Nang magtagal ang titig ko ay mukhang nakaramdam siya. Nagulat siya at agad akong nilingon. Ngumiti siya na tila nahihiya. "I'm sorry, naistorbo ko ba kayo ni Cane?" saad niya. Nakakaantok ang boses niya. Nakakapanghalina. Tumikhim si Cane nang hindi ako sumagot. Agad akong umiling-iling. "Ay hindi po!" Ngumiti siya at inalok ang kamay sa akin. "I'm Spring...best friend ni Cane." "Who told you that I'm your best friend?" Umismid ang anghel at ngumuso. Ang cute. Pucha. "Fine. I'm her friend." pagdidiin niya sa huling salita. "Thine, p-personal assistant niya." saad ko sabay tanggap sa kamay niya. "Really? You're too beautiful to be his personal assistant...Mas bagay kang girlfriend niya." Awkward akong ngumiti sa sinabi niya. "Umayos ka na ng upo, Spring. Mangangalay ka niyan." saad ni Hurricane habang nagsimula nang magmaneho. Ngumiti sa akin si Spring at umayos na ng upo. Kung gaano kabilis ang patakbo niya kanina ay siyang kakalma ng takbo niya ngayon. May naaamoy ako. Matamis. "Why did you run away like that? Iniwan mo pa ang bag mo kay Torn? Paano kung hindi mo dala ang cellphone mo? Paano kita makikita?" Sayang. Walang popcorn. May pelikula sa harap ko. "I'll take a cab tapos magpapahatid ako sa bahay. Or I can just go to Dads' office. Easy, Cane. Malaki na ako." "Exactly my point. Malaki ka na!Pareho kayo ni Torn! Ano bang pinag-awayan ninyo ng kakambal ko?" Hmmmm. Kakambal niya? Nag-away? Ibig sabihin siya iyong girlfriend nung kakambal niya? So ano 'to? Unrequited love? Forbidden love? Habang nag-iisip ay nagsalubong ang tingin namin ni Spring sa rearview mirror. Mukhang nahihiya sa mga naririnig ko kaya naiilang akong ngumiti at iniwas ang tingin sa kanya. Sumandal ako sa kinauupuan ko at nagpanggap na hindi sila pinakikinggan. "Hindi niya ako maintindihan...I-I just wanted to pursue my dream!" "Dream?" "Yes! I want to be a doctor. A pediatrician to be exact!" Hmmm...sana oil may pera para sa pag-aaral maging doktor. Pinigilan kong matawa sa naisip ko. Kahit siguro may pera ako hindi kaya ng brain cells ko ang kursong 'yon. Marahas na bumuntong-hininga si boss. "So what did he say? Ayaw niya?" Hindi nagsalita si Spring at suminghot lang. Mukhang naiiyak. Gusto kong tingnan si Hurricane pero pinigilan ko ang sarili ko. "Spring, naiintindihan ko si Torn. It will take you what, nine years? Or ten years? Para lang maging isang doktor. Hindi rin ganoon kadali 'yon. I know you're smart, pero masyadong nakakapagod ang kursong 'yan. Baka hindi kayanin ng katawan mo..." "Kaya ko! It's been four years, bakit ganyan pa rin ba ang tingin ninyo sa akin? Wala na akong sakit! I'm healthy as I can be!" "Spring--" "Just drop me off, Cane. Napagod na ko sa pakikipag-argumento kay Torn, tapos ganito ka rin pala." Sa pagkakataong ito ay hindi ko na pinigilan ang sarili kong pagmasdan ang ekspresyon ni Hurricane. Seryoso ang mukha niya pero kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Kumain ka na ba?" "Drop me off--" "Let's eat. Gutom na ako..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kala ko ba may importante siyang meeting? "No. Wala akong gana..." "Gutom na rin si Amaranthine...come on Spring, don't be such a brat." Nilingon ako ni Spring, "Amaranthine is your name?" Tumango ako at napapangiwi. I never liked my name. "You have such a beautiful name...I'm sorry, imbes na kakain kayo nakaabala pa ako." Umiling-iling ako. "H-Hindi po! Busog--" Tumikhim nang malakas si Hurricane at nakita ko sa rearview mirror ang pagtaas ng kilay niya. "I mean, gutom na nga po ako." "I see, why don't we eat sa favorite restaurant ni Light, Cane? Malapit lang 'yon dito. You'll love their pasta, Thine!" saad niya na mukhang nakalimutan ang heated conversation nila ni lover boy. *** "RESTROOM lang ako..." saad ni Spring nang makapasok kami sa restaurant. Buti na lang maayos ang suot ko dahil as usual isang high end resto na naman ang pinasukan namin. "Ang ganda niya talaga..." hindi ko napigilang masabi habang naglalakad siya palayo. Sa kutis pa lang ay masasabi ko ng anak-mayaman. Pinagpala. "Are you a lesbian?" nakangiwing tanong sa akin ni Hurricane. "Hindi ah! Na-a-appreciate ko lang ang beauty niya. Ibang-iba siya doon sa mga babaeng dine-date mo..." Kumunot ang noo niya at napatigil sa pag-inom ng tubig. "Paano mo nalaman ang hitsura ng mga babaeng dine-date ko?" "Nasa files na binigay sa akin." "Files? Pinag-aralan mo ko?" Hindi ako nakasagot nang dumating ang waiter at tanungin ang mga order namin. Mabuti naman at hindi nakakabulol ang pangalan ng pagkain kaya nakapag-order ako. Siya na nga ang umorder kay Spring at marami pa siyang bilin sa waiter. Seems like matagal niya ng kilala iyong Spring. "So answer me, interesado ka ba sa akin kaya mo ako pinag-aralan?" Tumawa ako sa sinabi niya. "Sorry pero hindi po. Kailangan lang, parte ka ng trabaho ko eh." Nawala ang ngiti sa labi niya at napatikhim sa sinabi ko. "You'll become interested with me, soon." "Di rin..." Hindi na siya nagkomento pa nang dumating si Spring. Dumiretso siya ng upo sa tabi ni Hurricane. "So, nag-usap na ba kayo?" tanong ni Cane habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Hindi ako tumingala at tiningnan siya. Ang pokus ko ay nasa masarap na pagkain sa harap ko. Alam ko namang si Spring ang kausap niya. "Yeah...sorry naabala ka pa--" "Nonsense. Hindi ako naabala." Matamis na ngumiti si Spring at pinigilan kong masamid nang subuan niya ng garlic bread si Hurricane. "You're really the best, Hurricane!" Tumawa naman ang loko. Kinikilig yata. "So anong sabi ng kakambal ko?" "We'll talk again. He'll pick me up, he keeps on saying sorry. Na-guilty tuloy ako. You're right malaki na ako, sa dami-dami nang pinagdaanan ko dapat mas mature na ako ngayon. Maling ipilit ko iyong gusto ko..." Ginulo ni Hurricane ang buhok niya. "Good girl..." Nangingiti niyang saad. Hindi ko maiwasang titigan ang ngiti niya. Hindi peke. Pati ang mga mata niya ay ngumingiti. "So how do you like your food, Thine?" Mabilis akong bumaling kay Spring. May mapaglarong ngiti sa labi niya. Tila nanunukso, di yata't nahuli niya ang pagtitig ko sa boss ko. "Masarap!" nasasamid kong saad kaya mabilis akong uminom ng tubig. "M-Mukhang close na close kayo ah...Matagal na ba kayong magkakilala?" hindi ko na napigilang komento pa. Kakatwang sa file na ibinigay sa akin ni Madam ay wala roon si Spring. Sa bagay galing lang naman iyon sa mga internet. Tumawa si Spring, mahinhin malayong-malayo sa tawa. "Schoolmate kami, dati ring isa sa mga binubully niya..." "Hey! Masyado nang matagal 'yon stop mentioning about it..." "Bully? Ikaw? Binully niya?" Ngumuso si Spring na tila isang bata. Ang cute talaga. "Yup...for three years. Bad boy 'yan eh!" "Kumain ka na lang..." sabay lagay ng tinapay sa bibig ni Spring. Nakita ko ang pamumula ng tenga ni Cane. Tila nahihiya. "Bad boy pala ah..." nangingisi kong pang-aasar. Nagulat ako nang inilapit ni Hurricane ang kamay niyang may tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Ang kalat mong kumain..." Nawala ang ngisi sa labi ko. It was just a simple gesture. Nadugyutan siguro siya. Pero bakit tila sumikdo ang puso ko sa ginawa niya? "Oh there he is!" biglang saad ni Spring na ang tingin ay nasa labas. May lalaking kabababa lang sa kotse na kamukhang-kamukha ni Hurricane. "I have to go. It was nice meeting you, Thine. I hope sa susunod nating pagkikita. Hindi ka na lang basta assistant ni Cane. Bagay talaga kayong dalawa." Hindi na ako nakapagsalita pa nang mabilis siyang bumeso sa akin at umalis. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalabas siya at humigpit na yumakap sa kakambal ni Hurricane. Bumalik ang tingin ko sa huli. He's looking at them. Nakangiti siya na tila natutuwa siyang nagkaayos na ang dalawa. Hindi ko maintindihan ang lalaki sa harap ko. He seems like he loves her more than just a friend. Kumaway pa sa amin si Spring habang tipid na ngumiti lang ang kasintahan niya matapos ay sumakay na sila sa kotse. "Sorry about Spring, she just really wanted to find someone for me..." saad niya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Can I ask you a question?" "Go ahead..." Lumunok ako. "Do you love her?" Natigilan siya sa tanong ko. "She's my friend...my future sister in law, of course I love her." "Not as a friend or as a family--" "Akala ko ba hindi ka magiging interesado sa akin, Amaranthine?" Kahit walang kinakain ay nasamid ako sa tanong niya. "Hindi ako interesado, c-curious lang..." Natawa siya na may himig na pang-aasar. "Is that so?" Hindi na ako nagsalita at kumain na lang ako. "I loved her..." Hindi na ako nag-react sa sinabi niya at uminom na lang ng tubig. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD