#HGDCh7
Injured
"YES Dad, I'm sorry there's an emergency...Thank you Dad."
Nangangawit na ang paa ko sa pagtayo habang pinagmamasdan si Hurricane na kausap ang ama niya sa cellphone. Papunta na sana kami sa parking lot ng restaurant pero may tumawag sa kanya. Hindi naman sa chismosa ko, sadyang naririnig ko lang. Mukhang mahalaga nga yata ang meeting niya kanina pero hindi siya nakapunta kaya tumawag ang ama niya sa kanya.
Importante pero mas importante sa kanya si Spring, napakaswerteng babae.
He loved her. So what happened? Hindi siya ang pinili kung hindi iyong kambal niya?
Ano bang pagkakaiba nila 'eh magkamukhang-magkamukha naman. Ah siguro sa ugali. Baka loyal iyong isa, tapos eto malandi. Baka iyon nga.
"I don't like the way you stare at me, looks like you're thinking some negative things about me,"
Tumikhim ako at iniwas sa kanya ang tingin ko. "Excuse me, d-di kita tinititigan ah. Masyado kang assuming,"
"Really?"
Napalunok ako nang tawirin niya ang distansya naming dalawa. Nakangisi siya at ang mga mata ay hindi maalis sa akin.
"M-Masyado kang malapit boss, mainit..." saad ko at kahit ayoko siyang hawakan ay tinulak ko siya kaya naman naramdaman ko ang mamasel niyang dibdib.
"Mainit? Napag-iinit kita?"
Nanlaki ang mga mata ko at sa gulat ko ay nahampas ko siya ng purse na binili niya rin para sa akin.
"Bastos!"
"Ouch, damn it I was just kidding!"
Mas lumaki ang mga mata ko nang mapagtantong napalakas ang hampas ko sa kanya. Mukhang humampas pa sa kanya ang cellphone ko. Sa pagkataranta ko sa nagawa ko ay tumalikod ako at aalis na sana pero sa kamalas-malasan ay natapilok ako.
Napangiwi ako nang maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kaliwa kong paa.
"s**t! Are you okay?" mabilis niyang lapit sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya habang ang tingin ay nasa paa ko na kitang-kita ko na mabilis namaga.
I bite my lips hard trying not to cry. He gently moved my left foot and a moan escape from my lips because of the pain that I felt.
"A-Anong ginagawa mo?" tanong ko nang dahan-dahan niyang alisin ang sapatos ko. Inihagis niya iyon at sinunod niya naman ang nasa kanan kong paa. Muli walang habas niya iyong itinapon.
"Bakit mo tinapon? Mahal yan--"
"I knew that shoes would cause some trouble. Never wear shoes like that again." nakatiim ang bagang niyang saad.
"Let's go to the hospital,"
"Hindi na--"
Hindi ko na natuloy ang pagpoprotesta ko nang bigla niya akong buhatin. Umeskapo ang singhap sa akin nang tila walang kahirap-hirap sa kanya ang pagbuhat sa akin.
"Put your hands on my neck, lady. You're kinda heavy,"
Joke lang pala. Nabibigatan din pala siya sa akin. Naiilang kong ipinaikot ang kamay ko sa leeg niya lihim na humihiling na bumilis pa ang hakbang niya para makarating kami agad sa kotse niya.
Talaga bang tama ang desisyon kong tanggapin ang alok niyang trabaho?
Why does it feel like I entered a dangerous game the moment I accepted his offer.
***
"LUCKILY, wala namang nabaling buto. But your ligament in your ankle was partially torn. Hindi ka muna pwedeng magkikilos masyado, kung hindi mas mamamaga 'yan at mas matatagalan bago gumaling,"
Kahit na nakainom na ako ng pain killer ay napapangiwi pa rin ako habang binabalutan ng magandang doktora ng elastic bandage ang bukong-bukong ko.
"Make sure to take a rest for a week or more, maigi ring lagyan mo ng yelo iyan para mabawasan ang pamamaga."
"Are you sure she's okay Dani--"
"Then bring your girlfriend to the other hospital if you don't want to believe my diagnosis!"
Sa pagkakataong ito ay hindi na ako napangiwi kung hindi dahil sa nakumpirma ko ang hinala ko. Ang magandang doktora na gumamot sa akin ay may nakaraan sa boss ko.
Kanina nang makita ng doktora kung sino ang kasama ko ay nakita ko ang rekognisyon sa mga mata niya. Halata rin sa pataas-taas niyang kilay na tila nagseselos siya sa akin.
Ilang babae ba ang nagdaan sa buhay nitong lalaking 'to?
Pero teka---girlfriend? Ako?
"Doc, sorry pero hindi niya po ako--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na naman akong buhatin ni Hurricane. "Kaya ko nang maglakad, boss!"
Hindi pa naman ako imbalido saka pakiramdam ko mamamatay na ako sa masamang tingin sa akin ng doktora.
"Boss? Don't tell me she's not your girlfriend?" nakangisi ng tanong ng doktora.
Tumikhim si Hurricane at mas lalo akong hinapit sa kanya. "It's her endearment to me, we're going now. Thanks for treating my girlfriend, Doctor Mendez!"
"Damn you, Hurricane Helios!" sigaw niya na mukhang hindi na nakapagpigil pa sa galit para sa lalaking kasama ko.
Kung kanina ay mabagal ang paglakad niya tila ngayon ay may humahabol sa kanyang aso na madaling-madali na makaalis kami sa clinic ng doktora.
Nang makarating kami sa billing ay binaba niya ako sa upuan habang taas-baba ang dibdib niya. Pumikit siya at kitang-kita ko ang pagtakas ng pawis sa noo niya.
Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang malakas na kabog ng puso ko. Tila hinihingal din ako pero hindi naman ako tumakbo.
Nakarinig ako ng tila isang mahinang tili at doon ko napansin na marami na palang tumitingin kay Hurricane. Ang iba pa nga ay may mga hawak na cellphone.
Ang sinag sa papalubog na araw ay tumatama sa mukha niya. Tila isa siyang modelo na nasa isang photoshoot. Ang pawis sa noo ay naglandas pababa hanggang sa leeg niya. Tila gusto kong punasan iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Mas nabistahan ko ang mukha niya sa malapitan. Walang kapintas-pintas. Ngumiti siya at lumitaw ang biloy sa kanang pisngi niya kasabay nang pagdilat ng mga mata niya. Nagtagpo ang tingin namin at doon ko napagtantong alam niya na kanina pa ako nakatingin sa kanya.
"Baka matunaw na ko niyan, Amaranthine."
Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya at inagaw ang ibinigay na papel sa kanya ng Nurse para dalhin sa cashier.
Tatayo na sana ako nang marahan niya akong hilahin paupo. "Ako na, we need to hurry baka maisipan pa non na sundan tayo. Damn, sapat na ang hampas mo kanina, I can't afford to be slap by her."
Tumayo ako at paika-ika na sinundan siya. Ngiting-ngiti ang cashier na nag-a-assist sa kanya.
"Hey, I told you to sit down. You're not even wearing slippers."
Bago niya pa ako hawakan ay iika-ika na akong nagtungo sa upuan. Nang matapos siya sa pagbabayad ay yumuko siya nang makalapit sa akin.
"Uy, a-anong ginagawa ninyo, Boss?"
Inilabas niya ang panyo niya at inangat ang paa ko para pagpagin.
Hindi ito ang Hurricane Helios na inaakala ko. Bakit siya ganito? Mas magugustuhan ko pa na maging masungit at arogante siya, iyong sinisigawan ako katulad noong nasa kotse kami kanina.
"Thine?"
Nasipa ko si Hurricane nang makita kung sino ang tumawag sa akin. Natumba siya at sinamaan ako ng tingin. Namumula ang mukha niya na tiningnan ang mga nakakita sa ginawa ko.
Tumayo siya at pinagpag ang suot niya. Ang masamang tingin sa akin ay hindi pa rin naaalis. Hindi ko na siya pinansin at iika-ikang nilapitan ang nakalapit na sa amin na doktor.
"Doc James,"
"What happened to you?" kunot-noong tanong niya ang tingin ay nasa paa ko.
Ngumiwi ako at napakamot sa gilid ng noo ko. "Simpleng ankle injury lang,"
Umiling siya at napapalatak. "Dahil sa trabaho na naman?"
"Ay hindi, katangahan lang talaga,"
Tumawa siya na mukhang naaliw na naman sa akin. "Ikaw talaga, sa susunod ay mag-ingat ka. Hindi matutuwa si Nico kapag nalaman niyang nasaktan ang babaeng pinakamamahal niya,"
Ngumiti ako nang malungkot. "I'll be glad kahit magalit pa siya, basta bumalik lang siya."
"You look different," pag-iiba niya ng paksa at hinagod ng tingin ang ayos ko.
"Kailangan lang sa trabaho, Doc."
Tumango siya pero nagtaka ako nang hubarin niya ang crocs na suot-suot niya. "Baka magkasugat ka naman kung maglalakad kang nakaapa. Be sure to walk slowly, and take a rest." saad niya at bago pa ako makatanggi ay yumuko siya at isinuot sa paa ko ang crocs. Medyo malaki para sa akin pero dahil hindi naman katangkaran si Doc James at malaki ang size ng mga paa ko ay tingin ko naman ay magiging komportable ako roon.
"Doc, nakakahiya--"
"Don't worry, meron pa naman ako sa clinic ko."
"Then, maglalakad ka papunta sa clinic na naka-medyas lang?"
Tumawa siya na tila balewala lang sa kanya 'yon at ginulo ang buhok ko. Umalis na siya pero saglit siyang tumigil sa harap ni Hurricane na hindi maipinta ang mukha.
Kahit hindi nagtatanong si Doc James ay maagap akong nagsalita nang makalapit sa kanila, "Doc, si Hurricane Helios--bagong boss ko."
Tumango-tango si Doc at inilahad ang kamay niya sa lalaking parang mangangain ng tao.
"Nice meeting you, I hope you'll take care of Thine,"
Hindi sumagot si Hurricane at tinanggap ang kamay ni Doc James. Kumunot ang noo ko nang makita na tila mahigpit ang pagkakatanggap niya sa kamay ni Doc.
"Of course. I'll take care of her. She's my employee, after all."
Tila ayaw pang bitawan ni Hurricane ang kamay ni Doc kaya pahila iyong kinuha ng huli. Ngumiti siya sa akin bago mabilis na naglakad palayo.
"Type mo ba si Doc? Ayaw mo nang pakawalan ang kamay, ikaw ah." pagbibiro ko pero napaatras ako nang sinamaan niya ako ng tingin.
Iyong tingin na nakakamatay at nasa mga mata na kung hindi ako lalayo sa kanya ay baka masakal niya na ako kahit injured pa ako.
Ngumiwi ako at nag-peace sign na lang sa kanya.
"Joke lang po, boss,"
"Hindi ka nakakatuwa." masungit niyang saad at kala mo ay babae na nag-walk out.
Bumungisngis ako nang palihim pero nang lumingon siya ay tumikhim ako at nagseryoso.
"Are you sure you can walk?"
Ngumiti ako at naglakad, mabagal at sinisigurong hindi ko maididiin ang tapak ng paa ko. Hindi pwedeng umabot ng isang linggo ang pamamaga nito.
"Tsk, mas madali kung magpapabuhat ka na lang,"
"Kaya ko, ang ganitong injury dapat ilakad para mas mabilis gumaling,"
Umismid siya. "Saan mo naman nalaman 'yan?"
Hindi na ako sumagot at nagpokus na lang sa paglalakad. Napatigil ako nang abutin niya ang kamay ko at iabrisete iyon sa braso niya.
"You might fall..."
Umiling ako. "Hindi...hindi ako kailanman mahuhulog." pag-alis ko sa kamay ko sa braso niya.
Nauna na akong maglakad pero mabilis niya akong naabutan at hinawakan ang braso ko.
"Look, it's either I'll carry you or you'll hold my arms. What's wrong with you? Parang diring-diri kang mahawakan ko. Wala akong nakakahawang sakit, for pete's sake!" simangot niyang saad kaya naiilang man ay umabrisete ako sa kanya.
"Nakakahiya lang, boss ko po kayo."
Hindi siya sumagot at nanatili pa ring nakasimangot. Mukhang tuluyan nang na-badtrip sa akin.
Hindi pa nga humuhupa ang pagkainis niya sa akin ay nakatanggap naman siya nang tumataginting na sampal mula sa doktorang tumingin sa akin kanina.
Aray!
TBC