#HGDCh5
Insult
"PASENSYA na po talaga Madam...hayaan po ninyo at pupunta ako diyan para personal na magpaalam."
Napabuntong-hininga ako matapos kong ibaba ang tawag ko sa isa sa mga part time jobs ko. Pangatlo na siya sa tinawagan ko para pagpaalamanan ko.
"How many jobs do you have?" Napalingon ako sa katabi ko na nagmamaneho pero kanina ko pa napapansin na sumusulyap sa akin.
"Hmmmm...lima. Minsan pito. Basta kahit anong trabaho na kaya ko pinapatos ko."
Tumango-tango siya. "Why are you so desperate to earn money?"
"Sino namang tao ang hindi desperadong kumita ng pera?"
Nagkibit-balikat siya. "I'm not that desperate--"
"Nasasabi mo 'yan kasi mayaman ka naman na talaga. Ano pang ikadedesperado mo?" sarkastiko kong saad.
"Hey chill. Hindi ko kasalanang pinanganak akong mayaman."
Bumuntong-hininga ako at naisip ang tawag sa akin kanina. "Kung para sa akin lang, hindi ako magiging desperada kumita. Sapat na sa aking may masilungan at makakain ng tatlong beses sa isang araw."
"So para kanino? Your parents? Siblings?"
Umiling ako at ngumiti nang mapait. Wala akong ganoon. "Boyfriend."
Naubo siya na tila nasamid sa diretsahan kong sagot. "Woah! Hindi ka ba nahihiya?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman ako mahihiya?" baling ko sa kanya.
"Na ikaw ang bumubuhay sa boyfriend mo..."
"Walang nakakahiya ron. Mahal ko siya at kahit ano gagawin ko para sa kanya..."
Ngumisi siya. "Paano kung lokohin ka niya despite of your undying love?"
"Hindi niya gagawin 'yon..."
"Don't be so sure, woman."
"Bakit ba napaka-bitter mo? Ilang babae na ba nanloko sa 'yo?"
Tumawa siya pero ayon na naman ang lumbay sa mga mata niya. "Hindi ako naloko. Ako ang nanloloko..."
Umismid ako at napangiwi sa kanya. "Talagang proud ka pa, ah."
Hindi na siya sumagot at pinark na ang kotse sa tapat ng isang sosyaling mall.
Panigurado ay pagtitinginan ako sa hitsura ko.
"Hey, let's go." paghila niya sa akin nang hindi ako sumunod sa kanya. "I have an important meeting. My secretary is on leave. Siguro naman marunong kang magtake-down notes?"
Pumiksi ako sa kapit niya. Naiilang ako. Ewan ko ba.
Tumikhim ako at tumango. "Oo naman. Nakakaintindi rin akong english."
"Good."
Tama nga ako dahil iilang kilay ang tumataas nang makapasok kami sa mall.
"Don't mind them." saad niya at nanlaki ang mata ko nang umakbay pa siya.
"Boss, no touch please." saad ko at lumayo sa kanya.
"Jeez, do you have an idea kung ilang babae ang gustong hawakan ko sila?"
Sumimangot ako sa pagiging mayabang niya. "Alam ko pero hindi ako sila."
Tumawa siya at kahit na sinabi kong huwag niya akong hawakan ay hinila niya pa rin ako papasok sa isang shop na brand pa lang alam ko ng mahal.
Napapailing ako nang ang mga tingin ng saleslady ay napako sa lalaking kasama ko. Pero nang mapunta ang tingin sa akin ay tila nagulat sila.
Mukha naman kasi akong napulot lang kung saan ng lalaking 'to. Wala pa nga akong ligo.
Dire-diretso lang siya sa loob at tumitigil sa mga dress o kaya ay mga formal na ternong slacks at blouse. Saglit niyang titingnan 'yon tapos isa-isa niyang ibinabagsak 'yon sa braso ko. Kung hindi pa halos matabunan na ang mukha ko ay hindi pa siya titigil.
"Ooops, sorry." saad niya nang harapin ako.
Binalingan niya ang saleslady at itinuro ang mga hawak ko. Wala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Dali-dali namang kinuha iyon sa akin.
"Ifi-fit po ba ni Ma'am--"
"No. I'll pay for it."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya?!
Mababa na nga yata ang limang libo na presyo ng mga damit dito eh.
"Pero--"
"No buts. We're in a hurry, Amaranthine. May gusto ka pa ba? Then just get it." saad niya at inabot ang card niya sa saleslady na mukhang katulad ko ay nagulat din.
"Boss! Mahal ang mga damit dito! Saka bakit ang dami non, pwede namang isang pares lang--"
"You're my personal assistant. Sometimes, my representative. Kailangan mo ang mga damit na 'yon."
"Hindi naman ako magtatagal sa 'yo eh! Sayang lang 'yon. Hindi ko na rin magagamit."
Naupo siya at dumekwatro. "Then throw it."
Napanganga ako sa sinabi niya. "Napaka mo!"
"Napaka-ano? Guwapo?"
Nakakaubos ng pasensya ang lalaking 'to. "Look, hindi ka man lang ba magpapasalamat? I bought you expensive clothes. I doubt nagawa sa iyo ito ng boyfriend mo. Every woman dreams of this."
Umiling ako at nainsulto sa sinabi niya. "Hindi kailangan ni Nico na bilhan ako ng mga mamahaling damit. Siya lang sapat na."
"So Nico is his name? What a lucky man..." ngisi niyang saad sabay pirma sa inabot sa kanyang resibo ng saleslady.
Tumayo siya at binitbit ang mga paper bags. Inagaw ko sa kanya 'yon dahil ako ang assistant niya. Amo ko siya.
Ang mga damit na binili niya ay hindi para sa akin. Kung hindi para sa reputasyon niya.
"Let me hold--"
"You're my boss. Nakakahiya namang ikaw na nga ang nagbayad ay ikaw pagbibitbitin ko." seryoso kong saad sa kanya.
"Are you angry?"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "I'm not. Bakit ako magagalit? I should be thankful, so thank you boss." saad ko at nauna nang naglakad.
"You're angry. " saad niya nang mahabol ako.
Malalim akong bumuntong-hininga at hinarap siya. "Oo. Galit ako. Boss kita pero hindi ko nagugustuhan ang pang-iinsulto mo kay Nico."
Itinaas niya ang kamay niya. "Fine. I'm sorry."
Yumuko ako at nag-plaster na ng magandang ngiti sa kanya. Gaano man ako naiirita sa lalaking 'to, isa pa rin siyang sagot sa problema ko. "I'll do my best to be your assistant, Sir." pag-iiba ko na ng paksa.
Ngumiti siya at ipinatong ang kamay sa ulo ko. "You're cute."
"YOU look different..." saad niya nang makarating ako sa pinagparkan niya ng kotse.
Suot-suot ko ang isa sa mga damit na binili niya. Isang formal white dress na humapit sa katawan ko. Hanggang kalahati lang ito ng hita ko at nakapares sa itim na blazer. Pinaresan ko rin ito ng isang black stilettos na binili niya rin. Mabuti na lang at napapayag ko siyang isang pares lang ng sapatos ang bilhin sa akin.
Maigi na lang at hindi ito ang unang beses na nagsuot ako nang ganitong sapatos kung hindi ay gumulong na ako.
Nilugay ko ang buhok kong kulot-kulot ang dulo. Wala akong kolerete sa mukha pero hindi naman talaga ako naglalagay non unless kailangan.
True enough. I really look different. Too formal.
May kinang sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya. Nakakailang ang tingin niya sa akin.
Tumikhim ako. "Lika na boss, nagmamadali tayo di ba?"
Pagkapasok na pagkapasok namin ng kotse ay tumunog ang cellphone niya.
"Kailangan mo?" saad niya habang inistart ang kotse pero hindi ko pa nga tuluyang naikakabit ang seatbelt ko ay pumereno na siya, muntik na tuloy akong sumubsob sa dashboard. "What?!" sigaw niya at napasabunot sa buhok niya. "I'll call her then I'll call you if I find her..."
Puno ng kuryosidad ko siyang pinagmamasdan na busy sa pagkalikot sa cellphone niya.
"Damn it! Answer the phone!"
Sino naman kaya ang tumawag sa kanya at tinatawagan niya ngayon na nakapagpawala ng composure niya?
Ilang minuto pa ang lumipas na paulit-ulit niyang dinayal ang tinatawagan niya.
"Finally! Nasaan ka?!"
Pumikit siya at hinimas ang sentido niya. "Are you crying?"
Ilang segundo ulit ang lumipas bago siya muling nagsalita. "Don't cry. Just stay there. I'll find you..."
Ibinaba niya ang cellphone niya at nilingon ako.
"Lumipat ka sa backseat." seryosong saad niya sa akin.
"Huh?"
"Bingi ka ba? Doon ka sa likod! May susunduin tayo!" naiiritang saad niya sa akin.
Magtimpi ka Tintin!
"Oo na! Lilipat na!" sigaw ko at padabog na bumaba sa kotse niya.
Humalukipkip ako nang makaupo.
"Fasten your seatbelt." hindi tumitinging saad niya sa akin.
Sinunod ko naman siya kahit na nababalutan ako ng inis sa kanya. Oo na amo ko siya pero nakakainis pa rin!
Hindi pa ako tuluyang nakakaayos ng upo nang mabilis niyang pinasibad ang kotse.
"Ay! P u ta ragis!!" pagmumura ko at kumapit sa handle sa takot na humagis palabas ng kotse.
Saan ba ang punta ng malanding 'to?!
TBC