Chapter 8

1842 Words
#HGDCh8 Fire "Masakit?" Napangiwi ako nang lingunin niya ako nang masamang tingin bago muling nagpatuloy sa pagmamaneho. Naalala ko na naman tuloy kung anong nangyari kanina nang makita ang pamumula ng pisngi niya. "You bastard! You really have the guts to come here after breaking up with me? At talagang sinama mo pa 'yang girlfriend mo?!" "Dani, I didn't know that you work here. But just so you know, I did not break up with you, walang tayo sa simula pa lang." "Then anong tawag sa mga pinaggagawa natin? s*x lang ganoon?! You asshole!" "We both enjoyed it, Dani. You're great in bed but sorry I can't give you the relationship that you want." Isang tumataginting na naman na sampal ang natanggap niya bago umiiyak na umalis si Doktora. "Masakit? Nakita mo ba na halos umikot ang leeg ko dahil sa sampal ng babaeng 'yon?" he shouted that snapped me out from my reverie. Ngumuso ako at napaismid. Nagtatanong lang naman ako bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari sa kanya. "Lady, stop creating trouble for me," Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Inaano kita?" "If only hindi ka nagpakalampa, hindi tayo pupunta sa ospital na 'yon. Hindi ko makikita ang babaeng 'yon. Kung hindi ka nakipag-flirt sa doktor na 'yon hindi niya tayo maaabutan at hindi ako masasampal," Napanganga ako sa mga sinabi niya. So ang puno't dulo ay ako? Ibang klase rin naman ang lalaking 'to. Hindi ko na maintindihan kung anong ugali ba ang meron siya. At first, kung tratuhin niya ako kanina ay talaga namang nakakatouch pero ngayon isinisisi niya sa akin ang pamamaga ng pisngi niya?! "Magkalinawan nga tayo, Helios! Unang-una hindi ako nagprisinta na maging personal assistant mo! Hindi rin ako ang bumili ng mamahaling sapatos na 'yon, at hindi ako matatalisod kung hindi dahil sa kalandian mo. Lastly, hindi ko sinabing dalhin mo ako sa hospital na pinagtatrabahuhan ng girlfriend mo, at hindi ako ang sumampal diyan sa pisngi mo!" "You--" "Meron pa pala! Hindi ako nakikipagflirt kay Doc James! Loyal ako sa boyfriend ko hindi katulad mo!" Huminga ako nang malalim nang ihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Heto na ba iyong parteng sisigawan niya ako at ipagtatabuyan niya ako sa mamahalin niyang kotse? Sa naisip ay napapikit ako. Paano ko pa magagawang tuparin ang pinangako ko sa ina ni Nico? Napabuntong-hininga ako at inalis na ang seatbelt ko. Naisip ko na rin na mas maigi pa 'to, wala pa ngang bente-kuwatro oras akong nagtatrabaho sa kanya, ang dami nang masyadong nangyari at halos ang lahat ng mga 'yon ay hindi maganda. "What are you doing?" kunot ang noong tanong niya. "Uunahan na kita, I'm fired right?" Ngumisi siya, "Says who?" "Hindi ba?" may umuusbong na pag-asa sa loob ko na baka hindi niya naman ako tanggalin. Talagang izi-zipper ko na ang bunganga ko at hinding-hindi na ako magpapaapekto sa kalandian niya. Bumuntong-hininga siya, "You're right. It's not your fault, I surrender. You proved your point in this argument," "Ngek, eh bakit tayo huminto? Kala ko naman ihahagis mo na ako sa labas," "Gusto ko man 'yon gawin kanina dahil halos mabingi ako sa boses mo. I'm not that heartless," Itinuro niya ang labas at nakakita ako ng mga tao sa harap ng isang stall na nagtitinda ng iba't-ibang street foods. "I'm kinda hungry, I'll just buy some orange ball there," "Orange ball? Baka kwek-kwek kamo," natatawa kong saad pero natigilan sa nalaman. "Kumakain ka riyan? Hindi ba sensitive ang tiyan ninyong mayayaman?" Pinitik niya ang noo ko. "Well news flash, my stomach is not that sensitive," Bumaba na siya at susunod na rin sana ako dahil natatakam ako nang humarang siya nang mabuksan ko ang pinto. "Where do you think you're going?" taas ang kilay niyang tanong. "News flash din boss. Gutom din ako," "Just stay there. Sabihin mo na lang kung anong gusto mo," Umiling ako at nginuso ang lamesa na nasa gilid nung stall. "Doon na lang tayo kumain, mangangamoy rito sa kotse mo," Hindi na siya nakapagprotesta pa nang tuluyan na akong makababa. Saglit akong napangiwi sa sakit pero hindi ko na ininda 'yon at naglakad ako nang dahan-dahan palapit sa stall. Mag-uumpisa na rin sana akong makitusok nang may humawak sa kamay ko. "Just sit, bawal sa 'yo matagal tumayo," saad niya sabay agaw sa akin ng stick. Ang pogi! Shocks beh parang may iba akong gustong tusukin! Napalingon ako sa gilid ko sa dalawang babae na ang mga bulungan ay umabot sa pandinig ko. Nang makita ang tingin ko ay muli silang bumalik sa pagtutusok pero patuloy pa rin sa pagbubungisngisan. "Hey, what do you want?" tila sanay na sanay siya na kumuha pa ng plastik na baso. "Aba, iba yata ang kasama natin ser!" Ngumiti lang si Hurricane at kumindat pa kay Manong kaya naman narinig ko ang impit na tili ng dalawang babae sa gilid ko. Pinigilan kong ipaikot ang mga mata ko at isa-isang itinuro ang gusto ko. "What's your sauce?" "Halo. Maanghang saka suka," "Got it. Now, sit down Amaranthine." Hindi na ako nagsalita at naglakad palapit sa mesa. Napabuga ako ng hangin nang makaupo ako. Ramdam ko ang ngalay sa kabila kong paa na hindi injured, ang bigat ko kasi ay nailalagay ko ron. Hindi ko mapigilang dumekwatro at himasin iyon para lang mapatigil nang may sumipol. Naibaba ko ang paa ko at naging conscious dahil sa matabang lalaki na tinitingnan ako partikular ang hita ko. Nanindig ang balahibo ko nang kumindat siya sa akin. Nang tumayo siya ay hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Humarang sa kanya si Hurricane at napanganga ako nang suntukin niya iyong lalaki. "Tarantado ka! Inaano kitang putang@@@ ka!" hawak-hawak ang pumutok na labi. Tumayo siya at susuntukin din sana si Hurricane nang yumuko siya para makaiwas kaya dumiretso ang matabang lalaki sa lupa. Tatayo pa sana siya nang apakan siya ni Hurricane sa likod. Napangiwi ako nang makitang diniinan pa iyon ni Hurricane. Madilim ang mukha niya at nagtatagis ang bagang niya nang yumuko siya at may ibinulong sa manyak na lalaki na tumayo na at mabilis na kumaripas ng takbo. Tila walang nangyari na inayos ni Hurricane ang silya na natumba dahil sa pagsuntok niya sa lalaki kanina. Hinubad niya ang suit niya at inilagay sa hita ko makaraan ay bumalik siya sa pagkuha ng pagkain namin kay Manong na mukhang hindi naman nagulat sa nangyari. Kahit nang maibaba niya ang mga pagkain namin ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya. Ganado niyang magkakasunod na isinubo ang kwek-kwek, walang kaarte-arte na tila sanay na sanay sa pagkaing pangmasa. "What are you waiting for?" Umiling ako at sinimulan na ring kumain, "S-Salamat," "Para saan?" "Sa kanina," nahihiya kong sagot at pinuno ng kikiam ang bibig ko. Ngumisi siya. "So what do you think of me now? Gusto mo na ba ako?" "Gusto?" tumango-tango ako at tumusok naman ng fish ball. "Naman, noong una kala ko manyak ka eh. Pero mabait ka naman pala, bawas-bawasan mo nga lang ang kalandian mo," Tama yan Tin, huwag kang mag-overreact sa mga sinasabi niya. Be cool. "You keep on saying that I'm a flirt, saang banda ako naging malandi sa 'yo?" Tumawa ako. "Babae ako at hindi ko kailangan ng maraming experience para matukoy kung malandi ang isang lalaki. Stop it, boss. Sige ka, 'pag bumigay ako sa kalandian mo ikaw rin lang mamomoroblema," pananakot ko sa kanya. Unti-unting nagiging proud sa sarili dahil nagagawa ko ng sakyan ang mga sinasabi niya. "Bakit naman ako mamomoroblema?" Ngumisi ako. You want to play then let's play Hurricane Helios. "Kasi nakakatakot ako kapag nahulog sa isang tao. I'll keep on chasing that person, hanggang tuluyan siyang mapasaakin. Hindi ganoon ang mga tipo mong babae hindi ba? Guys like you, allergic kayo sa salitang commitment, kaya nga at nakalembang ni Doktora 'yang magkabila mong pisngi 'eh," Sumeryoso siya at pumangalumbaba sa mesa. "Really? Sapat na ba ang isang araw para malaman mo na ganoong klaseng lalaki talaga ako?" Napalunok ako pero hindi ako magpapatalo. "Mali ba ako kung ganoon?" Ngumisi siya at umiling, "No, but let me tell you something about myself. I love trouble, Amaranthine," Bumaba ang tingin niya sa daliri kong may singsing, "More like I love playing with fire," "If you play with fire, you're gonna get burned, Boss." Tumawa siya. "I know but it doesn't matter as long as it gives me pleasure...Great pleasure." Kumindat siya at pinigilan kong itusok sa kanya ang stick na hawak ko. Malandi ngang talaga. *** "PABABA na lang ako diyan boss, magta-tricyle na lang ako--" "With your injured foot? Just tell me where you live," Lumunok ako at itinuro sa kanya ang papunta sa lugar namin. Ano naman kung malaman niyang sa isang slummed area ako nakatira. Pero kumunot ang noo ko nang matanaw ko na nagkakagulo malapit sa talipapa. Gumilid si Hurricane para padaanin ang ambulansyang nasa likod namin. Naririnig ko ang wang-wang ng bumbero sa malayuan at kanya-kanyang buhat ang mga tao sa mga gamit nila. No! Hindi to pwedeng mangyari, hindi naman siguro sa amin-- Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isa sa mga kapitbahay ko na may bitbit na TV. "I think there's a fire, hindi tayo makakadaan, may iba pa bang daan--s**t, Amaranthine where are you going?! Baka maipit ka sa mga tao!" Hiniklat ko ang braso ko mula kay Hurricane at kahit nahihirapan ay balewala na sa akin ang sakit ng paa ko. Iika-ika na nakipagsisiksikan ako. Dinig ko ang sigaw ni Hurricane pero hindi ko siya pinansin. Nahihirapan man ay binilisan ko ang lakad ko. Hindi puwedeng maabo ang mahahalaga kong gamit lalo pa at nandoon ang pera kong naipon ko sa nakalipas na buwan. Hindi ko iyon naipasok sa savings ko! Natutupok na ng apoy ang katabing bahay ko at alam kong malapit na ring matupok ng buo ang inuupahan ko na gawa lang sa kahoy. Uubo-ubo ako dahil sa usok pero nang hawakan ko ang padlock ng bahay ay napagtanto ko na hindi ko dala ang susi! Nandoon ang purse ko sa kotse ni Hurricane. Hindi na ko aabot kapag bumalik pa ako kaya ibinuhos ko ang lakas ko sa pagtulak sa kahoy din na pinto. Naiiyak na ko nang may sumigaw sa likod ko. "Tabi!" Paglingon ko ay bumungad sa akin si Hurricane na malakas na tinadyakan ang pinto. Nagulat man ay binilisan ko ang kilos ko at kahit na nasusunog ang kabilang bahagi ng bahay at nababalutan na ng usok ang lugar ay tinungo ko ang kuwarto. Mabilis kong hinablot ang bag ko na nagpapasalamat ako na hindi pa natupok. Niyakap ko iyon at lalabas na sana nang bumagsak ang kahoy na may apoy sa harap ko. Sa gulat ko ay bumagsak ako. Unti-unti na rin akong kinakapos ng hininga. "Damn it!" Iyon ang sigaw na huli kong narinig bago ako panawan ng ulirat. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD