Chapter 4

1779 Words
#HGDCh4 New Job SA inis ko sa lalaking nasa harap ko ay halos makalahati ko ang slice ng cake nang sunod-sunod kong kainin 'yon. "Do you want mine?" Inirapan ko siya at hindi pinansin ang tinulak niyang platito. Tumawa lang siya na mas nagpainis sa akin. Tumikhim ako at tinungga ang tubig na nasa harap ko. Binalingan ko si Sir Franco na ngiting-ngiti na nakatingin sa akin. "Sir, ano po bang sasabihin ninyo sa akin?" "Are you done eating? Do you want to order again?" saad niya na mukhang kinabahan sa tanong ko. Umiling ako. "Hindi na po. Kailangan ko rin pong umalis agad at may trabaho pa po ako." "Tintin, napagpaalam na kita--" "Madam, may iba po akong trabaho remember?" pagsiko ko sa kanya umaasang matunugan niya ang gusto kong mangyari. Ayoko nang magtagal pa rito. "Eh kung ganoon, then let's go back to our business..." "Bago ho 'yang business na sinasabi ninyo Sir Franco. Puwede po bang malaman kung bakit nandito ang lalaking 'yan?" pagnguso ko sa lalaking nakatingin pa rin sa akin. Tumikhim si Sir Franco at hindi nakasagot sa tanong ko. Lumipas ang ilang segundo na pabalik-balik lang ang tingin niya sa akin at kay Helios. "Hija, I'm here to offer you a job. Nabanggit sa akin ng pinsan ko na nangangailangan ka ng trabahong malaki ang sahod kaya nang lumapit sa akin si Mister Helios ay ikaw ang napili kong kontakin." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano namang kinalaman ng lalaking 'yan sa trabahong io-offer ninyo sa akin?" "You'll be his personal assistant." "Ano?!" "Ganito kasi 'yan hija---" "I'll be the one to explain." pagputol ng bastos na lalaki kay Sir Franco. Inabot niya ang folder sa akin na hindi ko napansing hawak niya kanina. Hindi ko pinansin 'yon at pinagkrus ko ang mga kamay ko dahil hindi ako interesadong makinig sa sasabihin niya. "Don't bother Mister Helios dahil kung ang trabaho ay konektado sa 'yo. I'll say no." "Listen first. Then tell me if you don't want to accept this deal." Ngumisi ako. "Go. Mag-aaksaya ka lang ng oras mo kasi isang sagot lang ang maririnig mo sa akin." "Tintin!" saad ni Madam sa tabi ko na mukhang nagugulat sa asta ko. Dahil ang kilala niyang Tintin ay kayang lunukin ang lahat basta kumita lang ng malaki. "I'll give you three months to convince me to sign the contract that Franco has been offering me. For that three months you'll be my personal assistant. Kung sa loob ng isang buwan makumbinse mo kong pirmahan ang kontrata then you'll be free to go." Tumawa ako. "Inayawan ko na ang trabahong sinasabi mo, hindi ako baliw para magtrabaho sa lalaking katulad mo." "Sixty thousand a month plus transportation and meal allowance." No. "And after he signed the contract hija, I'll give you three hundred thousand. Tinaasan ko kumpara sa huli kong offer sa 'yo." Kumuyom ang kamao ko at pumikit ako. Automatic na nagkuwenta ang utak ko sa perang kikitain ko kung tatanggapin ko ang trabahong iniaalok nila sa akin. "Bakit ako? Para ipaalam ko sa 'yo Mister Helios. Hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Wala akong kakayahan para magtrabaho sa malaking kompanya na hawak mo." Pa-cute ang hayop na pumangalumbaba at nangungusap ang mga matang tinitigan ako. "You're interesting. You entertain me. I'm quite bored this past few days..." "Ano ko entertainer?!" Tumawa siya at hindi ako sinagot. Tila isang clown ang tingin ng hayop na 'to sa akin. Bumalik ang tingin ko sa folder na nasa harap ko. I just need to sign that contract. Para mas maging madali para sa aking mabuno ang perang kinakailangan namin para sa kanya. Pero... "Be my playmate...in bed." Hindi ko kayang makasama ang lalaking walang paggalang sa babae. "It's still a no." Nabuga ni Sir Franco ang iniinom niyang kape sa sinabi ko. "W-What? Hija, malaking pera ang pede--" "Pasensya na po pero hindi pa rin po. Hindi ko kayang magtrabaho para sa lalaking 'yan." "What's wrong with me?" nakakatangang mahambog na tanong niya sa akin. "Angas mo pre, talagang tinanong mo pa?" "How much do you want? Name your price." Inabot ko ang tasang may laman na kape at balak ko na sanang ihagis sa kanya 'yon pero malakas na tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Hindi ko sana papansinin 'yon pero nakaramdam ako ng kaba ng ibang ringtone ang marinig ko. Napatayo ako at natataranta na sinagot ang tawag. Lumabas ako at hindi pinansin ang pagtawag sa akin nila Madam. "Jade, anong nangyayari?" natataranta kong tanong nang bumungad ang pag-iyak niya sa akin. "Si Kuya Nico, he's having a seizure again!" "Si Tin ba 'yan? Give that phone to me!" "T-Tita Nicole..." Isang malakas na pag-iyak ang tila pumipiga sa puso ko. "Tin, iyong pera nakumpleto mo na ba? Nangako ka na maooperahan na ang anak ko. Nakikiusap ako sa 'yo hija, gawan mo ng paraan...Nahihirapan na ang anak ko." "T-Tita, malapit na po--" "Hindi mangyayari 'to kung hindi dahil sa 'yo!" "Ma! Wag mong sisihin si Ate!" Tanging pag-iyak lang ang narinig ko sa kabilang linya. Huminga ako nang malalim at pinalis ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. "H-Hindi ko naman pinapasagot sa 'yo lahat Tin, pero kulang na kulang ang hawak namin. Baon na baon na kami sa utang ng Tito Jace mo...please Tin!" Tumikhim ako at paulit-ulit na lumunok. "Two months Tita, pangako mabubuo ko na iyong halagang kailangan ko para kay Nico. Promise po..." Ibinaba ko ang tawag dahil hindi ko na kayang marinig pa ang pag-iyak nila sa kabilang linya. Pinunasan ko ang mukha ko na napupuno na ng luha bago huminga nang malalim at nagpasyang bumalik sa loob. Papatayo na silang tatlo pero napahinto sila nang bumalik ako. "Make it seventy thousand. Kahit na wala pang tatlong buwan at nakumbinsi kita na pirmahan ang kontrata ni Ser Franco, still ibibigay mo pa rin sa akin ang sahod na pang-tatlong buwan." Natigilan siya pero ngumiti at inalok ang kamay sa akin. "Deal." Inabot ko 'yon at madiin na pinisil. "No monkey business, boss." Hindi siya nagsalita at imbes na pakawalan ang kamay ko ay hinila niya ako paalis nang hindi nagpapaalam kina madam. "Saan tayo pupunta?" "To my office." "Anong gagawin natin doon?" "Today is your first day, Amaranthine..." Ngayon agad?! Ora mismo...Putek talaga ang lalaking 'to! "Boss, tingnan mo nga hitsura ko! Baka mapagkamalan akong pulubi ron?" Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Mabilis kong hinila ang kamay ko palayo sa kanya at itinago sa likod ko. "Hmmmm..." saad niya habang hinahagod ako ng tingin. Hindi pa siya nakuntento at inikutan ako. "Seems like you need a makeover." "Hoy! Anong makeover pinagsasabi mo? Sinasabi mo bang panget ako? Hindi porket tinanggap ko ang trabahong 'to may karapatan ka ng laitin ako--" "As much as you amuse me Amaranthine...We have a lot of things to do today..." pagputol niya sa sinasabi ko at parang bata na kinaray akong muli. Hinila ko ang kamay ko pero hinigpitan niya lang ang kapit roon. Nakarating kami sa asul na kotse. Hindi ito ang sports car na dala niya nung nakaraan pero alam kong milyon milyon din ang halaga ng kotseng ito. Binitawan niya ako at pumasok siya sa loob. Nababanas na sumunod ako. Wala akong choice sa mga oras na ito kung hindi sundin siya. Para sa taong mahal ko. Nang makapasok ako ay mabilis niyang pinasibad ang kotse. Hindi ko maunawaan ang lalaking 'to. Imbes na magalit siya sa ginawa kong pamamahiya sa kanya sa restaurant. Eto at binigyan niya pa ako ng trabaho na may malaking sahod. Kahit pagsama-samahin ko lahat ng mga trabaho ko ngayon. Hindi ko mabubuno ang halagang inaalok niya. I'm torn thinking if he's an angel in disguise or a pervert devil. "Baka matunaw ako niyan Miss Amaranthine...don't tell me you already like me?" Napabuga ko ng hangin at iniwas ang tingin sa kanya. Di ko namalayang natagalan na pala ang pagtingin ko sa kanya. "In your dreams, Mister." Tumawa siya at pakiramdam ko talaga isa akong katawa-tawang nilalang sa harap niya. "Sagutin mo nga ako nang matino. Anong pumasok sa isip mo para alukin ko ng trabaho? At talaga bang nasa isip mo na pirmahan ang kontrata ni Sir Franco?" Ngumisi siya. "Depende sa performance mo kung makukumbinse mo kong pirmahan ang kontrata ni Franco." Nagtiim ang labi ko sa sagot niya. Performance? Talagang entertainer ako sa paningin niya ano? "As for your first question, you amused me. You made me think about you. That's why I offer you this job. Nagkataon na kailangang umalis ni Geoff-my personal assistant, so I just need a temporary one and bingo, ikaw ang pumasok sa isip ko. Be proud na nagawa mong tumagal sa isipan ko, Amaranthine..." saad niya at kinindatan pa ako. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Don't tell me...na-love at first sight ka sa akin?!" "Excuse me?!" sigaw niya at umalingawngaw ang malakas na pagtawa niya. "Sige lang. Tawa pa. Ang saya mo rin ano?" tila naiinsulto kong saad sa kanya dahil kung tumawa siya akala mo isang nakakatawang joke ang tanong ko sa kanya. "Sorry, I don't mean to insult you. I admit I like your feisty attitude. But sorry Amaranthine, I don't like you that way..." Tumango-tango ako. "Good to know, wala nang manyakan na magaganap ah." "Manyak?! Me?! Kailan pa kita minanyak?" tila hindi niya mapaniwalaan na tanong sa akin. "Inalok mo ko bilang playmate sa kama mo! Pangmamanyak na 'yon!" Natigilan siya at natahimik. Tumikhim siya at hinarap ako nang mag-red light. "I'm sorry for that." wala ng halong biro niyang saad. Hay, kung wala lang Nicollo sa buhay ko. Baka ako ang nahulog sa mokong na 'to. Ang guwapo-- Shet. Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko? "Don't fall for me, Amaranthine. I won't be able to catch you..." "Same goes to you, boss. Don't you dare fall for me." O di ba apakapal ng mukha ko. Ngumisi siya. "Don't worry. You're not my type." Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya. "Hindi rin kita type ano!" "Seriously speaking, I won't fall even if it's not you. I already learned my lesson, the hard way..." Natahimik ako at hindi na nagsalita. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. In a split second, his playful smile was replace into a smile that I can't comprehend. One thing is for sure. He did fall for someone. And he's been hurt by that someone. TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD