#HGDCh3
Playmate
NAKARAMDAM ako ng lungkot nang huminto ang kotse ni Hurricane. Nag-eenjoy pa ko 'eh. Sayang naman.
Lumabas na siya kaya lulugo-lugo akong sumunod sa kanya. Napahinto ako sa paghakbang nang bumungad sa akin ang halatang sosyalin na restaurant. Sa pagkasosyal ay hindi ko magawang basahin ang pangalan. Ibang lengguwahe. Kaartehan.
"Boss, diyan tayo?"
Tumango siya. "I'm sure you're hungry. This place is great. Masarap ang mga pagkain nila--"
"Baka di ako papasukin diyan boss, saka wala kong budget diyan..."
Ngumiti siya. Gago. Ang guwapo talaga. Kingama. Ba't may ganitong tao?
"It's my treat. No worries. Papasukin ka nila riyan. Let's go?" saad niya at inilahad ang napakakinis niyang kamay sa akin.
"May jowa ako boss, bawal ang holding hands. Baka masakal ako non."
Natawa siya pero hindi ko na siya pinansin at inunahan ko na siya sa paglalakad. Huminto lang ako nang makarating sa entrance. Kailangan ko siyempre ng sosyalin niyang awra baka akalain ng mga tao sa loob magsosolicit ako.
"Ayos, sossy nga..." pabulong kong saad nang tuluyan kaming makapasok.
Inabutan kami ng menu nang makaupo kami pero nang binuksan ko 'yon ay kumunot ang noo ko. Taena. Ano bang mga pagkain 'to di ko maintindihan.
Wala pang presyo. Mukhang mahal.
Pucha.
"What do you want?"
Ibinaba ko ang menu at umiling. "Boss, tubig na lang. "
Ngumiti siya at binalingan ang waiter na naghihintay sa amin.
Parang alien na salita ang binitawan niya sa waiter kaya kumunot ang noo ko.
"Don't worry, mabubusog ka sa mga inorder ko. Oh wait, I forgot to ask are you allergic to seafoods?"
Umiling ako at dinampot ang tinapay na inilapag sa lamesa namin. In fairness, masarap.
"Good..." Tiningnan niya ang relo niya at muli akong binalingan. "Baka matagalan pa ang order natin, so why don't you first discuss to me kung anong gusto mong sabihin sa akin?"
Napahinto ako sa pagnguya at napahampas sa noo ko. Masyado naman yata akong nag-enjoy at nawala na sa isip ko ang pakay ko sa lalaking nasa harap ko.
Ibinaba ko ang hawak kong tinapay at binuksan ang bag ko. Kinuha ko ang folder doon at inabot sa kanya 'yon.
"What's this?" seryosong tanong niya at binuklat ang folder. Wala pang isang minuto nang isara niya iyon at ibaba.
Wala na ang smile sa fez niya. Katakot.
"So...you're one of Franco's employee?"
Tumango ako at napainom sa tubig nang mapansing wala pa ring kaekspre-ekspresyon ang mukha niya.
"Nagsayang ka lang ng oras mo, Miss Amaranthine--"
"Thine, tintin huwag lang Amaranthine."
Ngumisi siya at tila hindi narinig ang sinabi ko.
"You don't expect na dahil tinulungan mo ako kanina, I'll sign this contract?"
"Baka naman puwede mong i-consider boss, Fad Agency is one of the leading entertainment company in our country--"
"No."
Napapikit ako at napakuyom sa kamao ko. Pucha. I need this.
"Nakita ko iyong video mo, you love music, why don't you show it to the world?"
Tangna. Nauubos na english ko ah.
"No."
"Boss--"
"I said no. I have to go. You can stay here and finish your food."
Tatayo na sana siya nang mabilis kong hawakan ang laylayan ng polo niya.
"Alam kong mayaman ka na pero malaking pera ang ilalabas ni Sir Franco--"
"Are you kidding me? I can even buy his company. I don't need his money."
"Pucha. Eh di ikaw na mayaman. Ang arte mo ah. Napakayabang." nababanas kong saad.
Napanganga ako at napahawak sa bibig ko sa katabilan ko. Ano bang pinagsasabi ko? Kung kinakailangan ngang lumuhod ako, dapat kong gawin.
"S-Sorry, ang ibig kong sabihin--"
"You're interesting Amaranthine..." Napalunok ako nang yumuko siya at ilapit ang mukha sa akin. Hindi pa siya nakuntento ay hinawakan niya ang baba ko.
Ayan na naman ang dollar smile niya.
"Anong kaya mong gawin para pirmahan ko 'yan?"
Muli akong napalunok at ngali-ngali kong alisin ang kamay niya sa baba ko pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Kahit ano. Gagawin ko. Sabihin mo lang. "
Ngumisi siya. "Really? Then sleep with me."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumawa ko pero walang saya sa pagtawa ko. "Matutulog lang pala eh. Sige ba!"
Inalis niya ang kamay sa baba ko at bumaba 'yon sa braso ko. "That's not what I meant, Amaranthine. Be my playmate...in bed." bulong niya sa akin.
Tarantado pala 'tong hayop na 'to. Kala ko matino.
Saktong dumating ang waiter na may bitbit na plato. Tinulak ko siya at tumayo ako. Ngumisi ako at dinakma ang hawak na isang plato ng waiter at walang pag-aatubili na inginudngod ko iyon sa lalaking bastos.
Nakarinig ako nang mga pagsinghap nang bumagsak ang plato sa paanan niya. Lumarawan ang gulat sa mukha niya. Pero mabilis naglaho iyon at muli siyang ngumisi na ikinainis ko lalo.
Napabaling ako sa gulat na gulat na waiter. Inabot ko ang bote ng wine na hawak hawak niya. Inalog-alog ko 'yon at binuksan gamit ang ngipin ko. Sumirit ang laman non at itinutok ko sa lalaking nasa harap ko.
Sinamantala ko ang pagpupunas niya sa mukha niya at walang anu-anong ibinuhos ko sa ulo niya ang wine. Pabagsak kong inilapag sa mesa 'yon nang makuntento na ko sa pagkabasa ng suot-suot niyang damit.
"Kung tarantado ka. Mas tarantado ko sa 'yo. Pumili ka nang babastusin mo, gago."
Walang lingon-likod na iniwan ko siya. Tangna. Gagawin ko lahat para sa pera pero hinding-hindi ko ipagbibili ang sarili ko. Sinusumpa ko 'yan.
***
MALALAKAS na kalampag sa pinto ang nakapagpagising sa akin. Tiningnan ko ang lumang orasan sa dingding at napangiwi nang makitang kalahating minuto na lang ang natitira bago ang oras ng pasok ko sa cafe na pinagtatrabahuhan ko. Dali-dali akong bumangon at hinalukay ang cabinet ko para humanap nang masusuot pero napangiwi ako ng kupas na maong at butas na tshirt ang natitira roon.
Tambak na pala ang labahin ko. Naknampucha. Pinag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko nang muling kumalampag ang pinto ko.
Iritang nagmartsa ako palabas ng kuwarto at wala pang limang hakbang ay napagbuksan ko na ang kung sinong tao na namemeste sa akin.
"Kaaga-aga ano bang kailangan--Madam!!!" gulat kong saad nang bumungad ang pustoryosang si Madam sa harap ko.
Takte. Baka maniningil. La pa kong pambayad.
"Madam, next week--"
"Hindi ako nandito para maningil, loka. Hindi ba sa cafe ang schedule mo today?"
Tumango ako at nakahinga nang maluwag.
"Napagpaalam na kita sa amo mo. Halika, may gustong kumausap sa 'yo."
"Ho? Sino?"
"Si Franco."
Kumunot ang noo ko. "Si Sir Franco? Ano pong kailangan niya?"
Lumipas na ang limang araw simula nang magpaalam ako sa tumataginting na dalawang-daang libo pero hindi ako nanghihinayang. Hah. Never.
"May good news ako sa 'yo pero siya na ang bahalang magsabi sa 'yo..."
"Po?"
"Halika na Tintin, dali!!!" paghila niya sa akin, sa pagmamadali ay naiwan ko ang bag ko sa kuwarto pero sinigurado kong nai-lock ko ang pinto. Mahirap na.
Walang toothbrush at hilamos na sumama ako kay Madam na tila tuwang-tuwa.
Agad na pumara ng taxi si Madam nang makarating kami sa highway.
"Hay nako, iyan talagang si Philip sesesantehin ko na... absent na naman." tukoy niya sa driver niyang isang ihip na lang babagsak na.
"Madam, kailangan na yatang magpahinga non. Maghanap ka nga ng bago pero iyong hindi naman isang ubo na lang..."
Malakas na tumawa si Madam at hinampas ako sa balikat.
"Ikaw talaga, napakakuwela! Kaya siguro nakuha mo ang loob ng binatang 'yon!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sinong binata?"
Natigilan siya pero ngumiti sa akin nang makahulugan. "Ano ba talagang nangyari ng araw na 'yon? Nung pinuntahan mo si Hurricane Helios?"
Umasim ang mukha ko sa binanggit niyang pangalan. "Madam naman, sabi ko naman sa inyo. Off na ang deal na 'yon. Di kaya ng powers ko ang lalaking 'yon."
"Talaga lang ah?" nakangisi niyang tugon sa akin. Umiling lang ako at sumandal sa kinauupuan ko. Malamig ang taxi na nasakyan namin at dahil kulang na kulang pa ang tulog ko sa mga nakalipas na araw muli akong hinigop ng antok. Wala nang lakas para usisain pa ang pinagsasabi ni Madam.
Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko kay Madam ay hinding-hindi ako magpapahila. Sayang ang kita ko sa cafe.
Pero sana nagising na lang ako nang maaga at pumasok sa trabaho.
Dahil hindi ko inaakala kung sinong animal ang makikita ko at magpapasira ng buong araw ko.
"Madam naman, kaitsurahan ko papasok tayo diyan?" tukoy ko sa coffee shop na nasa harap namin.
Kupas na maong at tshirt na may mukha pa nang nangampanya na konsehal ang suot ko.
"Nasa mukha yan, hindi sa suot." pagpalatak niya at niyakag ako papasok.
Oo na Madam, alam kong pretty ako. Pero anong utak ba meron ako at hindi ko naisipang magpalit?
Pero wala na rin pala akong isusuot. Hays.
"Good morning Miss Costas..." pagbati sa akin ni Sir Franco na tanging sa larawan ko lang nakita. Pinunasan ko ang kamay ko at inabot ang nakalahad niyang kamay.
Ano kayang kailangan ng taong ito sa akin?
"Have a seat, please."
"Good morning din Sir Franco..." saad ko sabay upo.
"I hope you don't mind kung nag-order na ako." saad niya at inilahad ang kape at slice ng cake na nasa harap ko.
Kumulo ang tiyan ko at nanakam ako sa kapeng nasa harap ko kaya inabot ko iyon at hinigop pero nasamid ako sa boses na narinig ko mula sa likod ko.
"Good morning, Amaranthine..."
Sunod-sunod na ubo ang kumawala sa akin kaya inabot ko ang tubig at mabilis na nilagok iyon. Nang kumalma ay nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang lalaking umupo sa harap ko.
Doon ko napansin ang kapeng nasa harap niya. So talagang kasama siya ni Sir Franco pero bakit?!
"Anong ginagawa mo rito?!"
Ngumisi siya. Isang ngising hindi ko na ikinakatuwa. Akala niya ba ikinaguwapo niya ang pagngisi niya?!
Oo I mean hindi! Nakakairita siya.
TBC